Hi girls! Sabay-sabay nating batiin ang lola ni Tres sa tuhod ng Happy-Happy birthday ❤️ MamaEds ❤️❤️
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya napigilan na mapaluha ng makita sa malaking screen ang kan'yang anak at ang heart beat nito na dinig na dinig nila sa loob ng silid na iyon.Sino ang mag-aakala na kaya n'ya palang maging ina at ang ebedensya ay nasa harapan n'ya na ngayon. Panay ang pahid n'ya sa kan'yang luha ngunit ang labi ay matamis na nakangiti."Your baby is healthy, Preccy pero kailangan mo pa ring mag-ingat at bawal ang magpa stress, ok? Bawal din ang mabibigat na trabaho. Bibigyan kita ng mga vitamins at gatas para sa inyong dalawa ni baby. Ingatan mo ang sarili mo, Preccy, maliwanag ba?" habilin sa kan'ya ng doctor na kaibigan ng kan'yang byenan."O-Opo! S-Salamat po senyo—,""Ninang! Call me ninang Gwen!" putol nito sa gusto n'yang itawag dito. Tumango s'ya sa ginang at ngumiti. Napakabait nito at katulad ng kan'yang byenan ay hindi mo rin makitaan ng panghuhusga sa mga mata ang babae."Good! And Tres narinig mo naman ang sinabi ko kay Preccy, hindi ba? Bawal sa kan'ya ang ma
BLAYRE JOAQUIM..."Hoy Tres ang layo ng iniisip mo dude! Saang kepyas na kaya ang inabot ng isip mo Tres!" buska sa kan'ya ni Jass. Binato n'ya ito ng lata ng beer na agad namang nasalo ng kaibigan.Nasa bar sila na pag-aari ng kan'yang ama na minana n'ya rito. Bigay lang din ito ng kaibigan ng kanilang lolo sa kan'yang ama at pinalago lang at pinalaki ng isang Joshua El Frio."Manahimik ka Jasspreet!" singhal n'ya rito ngunit nginisihan lang s'ya ng kaibigan. Anim sila na nagkukumpolan sa isang silid kung saan ay exclusive lamang na para sa kanila.Pagkatapos ng kan'yang trabaho kanina ay agad s'yang dumiretso dito sa bar kasama ang kan'yang mga kaibigan."You look like a shit, Tres!" dagda ni Matt na katulad ni Jasspreet ay napaka kupal din pagdating sa pambubuska."Isa ka pa eh! Gusto n'yo bang mamatay na dalawa?" singhal n'ya sa mga kaibigan ngunit nginisihan lamang s'ya ng mga ito. Napailing na lamang s'ya at nanahimik para iwas sa pambubuska.Ang daming nangyari sa buhay n'ya la
AUDREY PRISCILLA... Maaga pa lang ay parang hinahalukay na ang kan'yang t'yan kaya napatakbo s'ya sa banyo para magsuka. May mga araw talaga na ganito s'ya ngunit madalas naman ay wala s'yang nararamdaman. Ilang minuto s'yang nanatili sa banyo at hinintay na mailabas lahat hanggang sa bumuti ang kan'yang pakiramdam. Naghilamos s'ya at nagsipilyo. Pagkatapos ay nagpasya na lamang s'ya na maligo para maginhawaan. Madalian lang ang kan'yang ginawa at agad din na lumabas. Tinuyo n'ya ang kan'yang buhok at nagbihis. Kailangan na makapagluto na s'ya ng almusal dahil maya-maya lang ay magigising na si Tres. Unti-unti n'ya na din na napag-aralan ang ugali ng lalaki. Wala itong pasensya lalo na sa paghihintay kaya kailangan na mabilis ang kan'yang mga kilos. Pagkatapos n'yang magbihis ay lumabas agad s'ya ng silid at dumiretso sa kusina. Agad s'yang nagkalkal ng pwede n'yang lulutuin para sa almusal ng lalaki. Inihain n'ya na din ito pagkatapos at hinintay na bumaba si Tres ngunit inab
BLAYRE JOAQUIM..."Fvck!" malutong na mura n'ya ng makaramdam ng sakit ng ulo. Hating gabi na ng magising s'ya at mabigat na mabigat ang kan'yang pakiramdam.Akmang babangon s'ya ng maramdaman na may nahulog mula sa kan'yang noo kaya agad na kinapa n'ya ito. Nagsalubong ang kan'yang kilay at nagtaka ng makita na maliit na towel ang nahulog at basa pa ito."What the fvck is this?" nagtatakang tanong n'ya habang sinisipat ng tingin ang towel. Nang walang makuhang sagot ay napabalikwas s'ya ng bangon at nakita ang isang palanggana na may tubig sa ibabaw ng kan'yang bedside table na mas lalong nagpakunot ng kan'yang noo.Sa tabi nito ay may isang baso at isang pitsel ng tubig at may mga gamot din na kasama."Am I sick?" tanong n'ya sa sarili dahil wala s'yang maalala. Kinapa n'ya ang kan'yang noo at leeg at hindi naman s'ya mainit. Akmang baba s'ya ng kama para siyasatin ang katawan kung may kakaiba ba sa kan'yang pakiramdam ngunit natigilan s'ya ng may makita na pigura na nakayukyok sa
AUDREY PRISCILLA... Pagbaba n'ya galing sa kwarto ni Tres ay hindi na s'ya makatulog. Nag-aalala s'ya na baka magalit ang binata na naabutan s'ya nito na nasa silid nito pero ng maisip na may sakit ang lalaki kaya n'ya binantayan ay ipinagwalang bahala n'ya na lang ito. Haharapin n'ya na lang ang galit ni Tres, ang mahalaga ay maayos na ang kalagayan ng lalaki at wala na itong sakit. Nahiga s'ya sa kama ngunit hindi na s'ya inaantok kaya naman ay nagpasya na lamang s'yang lumabas at magtungo sa kusina. Nagpakulo s'ya ng tubig at kinuha sa cabinet ang gatas na nirekomenda sa kan'ya ng kan'yang doctor na inumin. Nagtimpla s'ya sa baso at kumuha ng tinapay. Nakaramdam s'ya ng panghihilab ng kan'yang t'yan at ngayon n'ya lang naalala na hindi pala sya nakakain ng haponan kagabi dahil si Tres ang inuna n'ya. Ganito pala talaga kapag may sakit ang taong mahalaga sayo. Hindi mo na maisip ang sarili mo dahil mas gusto mo pang unahin ang pag-aalaga dito kaysa sarili mong kapakanan. Pero
AUDREY PRISCILLA...Tatlong araw ng hindi umuuwi si Tres sa bahay nito at nag-aalala na s'ya kahit wala naman itong pakialam sa kan'ya.Hindi n'ya pwedeng balewalain ang asawa kaya tatlong araw na din s'yang wala masyadong tulog dahil sa kakaisip kay Tres. Gustong-gusto n'ya ng magtanong sa kan'yang mga byenan ngunit nag-aalala s'ya na baka magalit na naman ang mga ito kay Tres kapag nalaman ng mga ito na hindi umuwi ng tatlong araw ang lalaki.Ayaw n'ya na ng gulo kaya hangga't maaari ay ayaw n'yang ipaalam sa mga ito ang nangyayari sa bahay ng lalaki.Nagpakawala s'ya ng hangin at pinilit na ibaling sa ibang bagay ang kan'yang atensyon ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay babalik at babalik pa rin s'ya sa kakaisip kay Tres.Wala sa sarili na hinaplos n'ya ang kan'yang t'yan kung saan ay nararamdaman n'ya na ang umbok nito. Napangiti s'ya ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang masakit na katotohanan na s'ya lang ang may gusto sa kan'yang anak."Patawarin mo si nanay anak kung hindi k
AUDREY PRISCILLA... Parang namamanhid ang kan'yang buong utak sa nangyayari sa buhay n'ya. Sunod-sunod na nagbagsakan ang kan'yang mga luha ng mawala sa kan'yang paningin si Tres at ang babae na kasama nito. Hindi n'ya na maitago pa ang sakit na nararamdaman n'ya ng mga oras na iyon. Ngayon n'ya napagtanto na pinakasalan lang s'ya ni Tres dahil napilit ito ng mga magulang ngunit kahit anong gawin n'ya at ano pa ang mangyari ay hindi pa rin nito makuha ang pahalagahan s'ya lalo na ang kan'yang nararamdaman. Parang may bikig sa lalamunan na pinigilan n'ya ang kan'yang iyak ngunit kahit anong gawin n'ya ay lumabas pa rin ito at nauwi sa paghagulhol. Napakasakit ng kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon at pakiramdam n'ya ay pini-piraso ang kan'yang puso dahil sa sobrang sakit. Ilang minuto s'yang nanatili na nakatulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Ngunit sa huli ay pinili n'ya ang hamigin ang kan'yang sarili at magpakatatag. Pinahid n'ya ang kan'yang mga luha at nagtungo
BLAYRE JOAQUIM... Buong araw ang kan'yang meeting kaya pagdating ng hapon ay pagod na pagod s'ya. Kagagaling n'ya lang sa sakit kaya hindi s'ya nakapasok. Nagbuga s'ya ng hangin ng maisip ang ginawa ni Preccy sa kan'ya noong mga panahon na may sakit s'ya. Kahit angilan, singhalan o sisigawan n'ya ito ay hindi nito ininda ng dalaga, bagkus ay lakas loob s'ya nitong inalagaan. Maybe he was just blinded by his anger kaya kahit ang daming magagandang nagawa sa kan'ya ang babae ay hindi n'ya pa rin ito naa-appreciate. Kasalanan ito ng kan'yang mga magulang dahil kung hindi sana s'ya pinilit na magpakasal kay Preccy at hinayaan lang s'ya na s'ya mismo ang tatanggap sa bata na dinadala ni Preccy ay hindi sana nauwi sa ganito ang lahat. He was shocked and confused that time dahil wala naman talaga s'yang maalala kung paano s'ya napasok sa silid ng dalaga at kung paano nila ginawa ang bagay na iyon dahil kahit katiting na alaala sa nangyari ay wala s'yang natandaan. Kaya mahigpit n'
AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n
AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha
AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres
AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi