BLAYRE JOAQUIM..."Fvck!" malutong na mura n'ya ng makaramdam ng sakit ng ulo. Hating gabi na ng magising s'ya at mabigat na mabigat ang kan'yang pakiramdam.Akmang babangon s'ya ng maramdaman na may nahulog mula sa kan'yang noo kaya agad na kinapa n'ya ito. Nagsalubong ang kan'yang kilay at nagtaka ng makita na maliit na towel ang nahulog at basa pa ito."What the fvck is this?" nagtatakang tanong n'ya habang sinisipat ng tingin ang towel. Nang walang makuhang sagot ay napabalikwas s'ya ng bangon at nakita ang isang palanggana na may tubig sa ibabaw ng kan'yang bedside table na mas lalong nagpakunot ng kan'yang noo.Sa tabi nito ay may isang baso at isang pitsel ng tubig at may mga gamot din na kasama."Am I sick?" tanong n'ya sa sarili dahil wala s'yang maalala. Kinapa n'ya ang kan'yang noo at leeg at hindi naman s'ya mainit. Akmang baba s'ya ng kama para siyasatin ang katawan kung may kakaiba ba sa kan'yang pakiramdam ngunit natigilan s'ya ng may makita na pigura na nakayukyok sa
AUDREY PRISCILLA... Pagbaba n'ya galing sa kwarto ni Tres ay hindi na s'ya makatulog. Nag-aalala s'ya na baka magalit ang binata na naabutan s'ya nito na nasa silid nito pero ng maisip na may sakit ang lalaki kaya n'ya binantayan ay ipinagwalang bahala n'ya na lang ito. Haharapin n'ya na lang ang galit ni Tres, ang mahalaga ay maayos na ang kalagayan ng lalaki at wala na itong sakit. Nahiga s'ya sa kama ngunit hindi na s'ya inaantok kaya naman ay nagpasya na lamang s'yang lumabas at magtungo sa kusina. Nagpakulo s'ya ng tubig at kinuha sa cabinet ang gatas na nirekomenda sa kan'ya ng kan'yang doctor na inumin. Nagtimpla s'ya sa baso at kumuha ng tinapay. Nakaramdam s'ya ng panghihilab ng kan'yang t'yan at ngayon n'ya lang naalala na hindi pala sya nakakain ng haponan kagabi dahil si Tres ang inuna n'ya. Ganito pala talaga kapag may sakit ang taong mahalaga sayo. Hindi mo na maisip ang sarili mo dahil mas gusto mo pang unahin ang pag-aalaga dito kaysa sarili mong kapakanan. Pero
AUDREY PRISCILLA...Tatlong araw ng hindi umuuwi si Tres sa bahay nito at nag-aalala na s'ya kahit wala naman itong pakialam sa kan'ya.Hindi n'ya pwedeng balewalain ang asawa kaya tatlong araw na din s'yang wala masyadong tulog dahil sa kakaisip kay Tres. Gustong-gusto n'ya ng magtanong sa kan'yang mga byenan ngunit nag-aalala s'ya na baka magalit na naman ang mga ito kay Tres kapag nalaman ng mga ito na hindi umuwi ng tatlong araw ang lalaki.Ayaw n'ya na ng gulo kaya hangga't maaari ay ayaw n'yang ipaalam sa mga ito ang nangyayari sa bahay ng lalaki.Nagpakawala s'ya ng hangin at pinilit na ibaling sa ibang bagay ang kan'yang atensyon ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay babalik at babalik pa rin s'ya sa kakaisip kay Tres.Wala sa sarili na hinaplos n'ya ang kan'yang t'yan kung saan ay nararamdaman n'ya na ang umbok nito. Napangiti s'ya ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang masakit na katotohanan na s'ya lang ang may gusto sa kan'yang anak."Patawarin mo si nanay anak kung hindi k
AUDREY PRISCILLA... Parang namamanhid ang kan'yang buong utak sa nangyayari sa buhay n'ya. Sunod-sunod na nagbagsakan ang kan'yang mga luha ng mawala sa kan'yang paningin si Tres at ang babae na kasama nito. Hindi n'ya na maitago pa ang sakit na nararamdaman n'ya ng mga oras na iyon. Ngayon n'ya napagtanto na pinakasalan lang s'ya ni Tres dahil napilit ito ng mga magulang ngunit kahit anong gawin n'ya at ano pa ang mangyari ay hindi pa rin nito makuha ang pahalagahan s'ya lalo na ang kan'yang nararamdaman. Parang may bikig sa lalamunan na pinigilan n'ya ang kan'yang iyak ngunit kahit anong gawin n'ya ay lumabas pa rin ito at nauwi sa paghagulhol. Napakasakit ng kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon at pakiramdam n'ya ay pini-piraso ang kan'yang puso dahil sa sobrang sakit. Ilang minuto s'yang nanatili na nakatulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Ngunit sa huli ay pinili n'ya ang hamigin ang kan'yang sarili at magpakatatag. Pinahid n'ya ang kan'yang mga luha at nagtungo
BLAYRE JOAQUIM... Buong araw ang kan'yang meeting kaya pagdating ng hapon ay pagod na pagod s'ya. Kagagaling n'ya lang sa sakit kaya hindi s'ya nakapasok. Nagbuga s'ya ng hangin ng maisip ang ginawa ni Preccy sa kan'ya noong mga panahon na may sakit s'ya. Kahit angilan, singhalan o sisigawan n'ya ito ay hindi nito ininda ng dalaga, bagkus ay lakas loob s'ya nitong inalagaan. Maybe he was just blinded by his anger kaya kahit ang daming magagandang nagawa sa kan'ya ang babae ay hindi n'ya pa rin ito naa-appreciate. Kasalanan ito ng kan'yang mga magulang dahil kung hindi sana s'ya pinilit na magpakasal kay Preccy at hinayaan lang s'ya na s'ya mismo ang tatanggap sa bata na dinadala ni Preccy ay hindi sana nauwi sa ganito ang lahat. He was shocked and confused that time dahil wala naman talaga s'yang maalala kung paano s'ya napasok sa silid ng dalaga at kung paano nila ginawa ang bagay na iyon dahil kahit katiting na alaala sa nangyari ay wala s'yang natandaan. Kaya mahigpit n'
BLAYRE JOAQUIM...Sa condo s'ya dumiretso at agad na ibinagsak sa sofa ang katawan ng makapasok. Pagod na pagod s'ya buong araw tapos iyon pa ang madadatnan n'ya sa kan'yang pag-uwi.Aamin n'ya na sobra s'yang nagalit ng makita na may ibang lalaking kausap si Preccy at mukhang masaya pa ito habang kausap si Juan.Pakiramdam n'ya kasi kay parang iniipotan s'ya sa ulo ni Preccy at hindi n'ya matatanggap iyon. Hindi ang isang Tres El Frio ang pwedeng ganitohin ng isang babae."That jerk!" nangangalaiti sa galit na sabi n'ya ng maalala ang lalaki. Talagang sinusubukan nito ang kan'yang pasensya at akala siguro nito ay mananahimik lang s'ya sa gilid.Kahit na kinakapatid n'ya ito ay hindi n'ya sasantuhin ang lalaki. Wala sa sarili na nasipa n'ya ang center table na nasa kan'yang harapan dahil sa galit sa dalawa.Ilang beses s'yang nagpakawala ng hangin para pakalmahin ang kan'yang sarili. At ng mahimasmasan ay ilang mura ang kan'yang ginawa dahil wala naman s'yang pakialam kay Preccy nguni
BLAYRE JOAQUIM... Kinabukasan ay nagpasya s'yang umuwi sa kan'yang bahay. Tatlong araw na s'ya na sa condo natutulog at sa mga panahong iyon ay wala s'yang ginawa kundi ang magpakasasa sa mga babae. Katulad na lang ngayon na nasa kusina ang isa sa kan'yang mga fling at tanging thong lamang ang suot habang gumagawa ng sandwich. Hindi n'ya na mabilang kung ilang babae na ang kan'yang naikama at madalas ay nakakalimutan n'ya na ang mga pangalan kaya minsan n'ya lang kinakausap ang mga ito gamit ang mga pangalan. At wala din s'yang interes para alamin o e memorize ang mga pangalan ng mga naging mga babae n'ya. "After you eat, you can leave. I'm going out!" taboy n'ya rito. Imbes na ma offend ay lumapad pa ang ngiti ng babae sa kan'ya. Napailing na lamang s'ya dahil sa kakapalan ng mukha nito. Ibang-iba ang mga ito kay Preccy na madaling makaramdam kapag sinabihan ng mga masasakit na salita. Nang maisip ang dalaga ay biglang may ideya na pumasok sa kan'yang isip na ikinasilay ng isan
BLAYRE JOAQUIM... Gabi na ng makauwi s'ya at dalawang araw s'yang nasa hideout n'ya dahil sa kagagawan ng demonyong Sibas. Dumaan din s'ya sa kan'yang opisina nv araw na iyon dahil nagkaroon s'ya ng emergency meeting sa kan'yang mga staffs. Nagpatong-patong ang kan'yang problema ng linggong iyon. Sinalakay ng grupo ni Sibas ang kan'yang transaction at nagkaroon ng malaking damage sa negosyo n'ya ang ginawa ng mga ito kaya dalawang araw n'ya rin itong inayos. Mabuti na lang at nand'yan ang kapatid n'yang si Uno. Kahit nagkasakitan sila noon dahil kay Preccy ngunit hindi pa rin s'ya pinabayaan ng kapatid at nasa likod n'ya pa rin ito para tulongan s'ya. Nagpasya s'yang umuwi para magpahinga ngunit pagpasok n'ya sa kan'yang bahay ay parang may kakaiba s'yang nararamdaman. Napakatahimik ng buong bahay at parang ang lungkot ng kan'yang pakiramdam na ikinapagtaka n'ya. Hindi ganito ang kan'yang nararamdaman noon sa tuwing umuuwi. Madalas ay wala s'yang pakialam kung ano ang madadatnan