Share

CHAPTER 11

AUDREY PRISCILLA...

Itinigil ng byenan ang sasakyan sa harapan ng isang mall kaya napalingon s'ya dito na may pagtataka sa mukha.

"Anong gagawin natin dito nay?" hindi makatiis na tanong n'ya sa ginang. Nag-aalala lang s'ya na baka umuwi si Tres at wala s'ya sa bahay. Magagalit na naman ito at madagdagan na naman ang kan'yang kasalanan sa lalaki.

"Shopping," tipid na sagot nito sa kan'ya habang binubuksan ang pinto. Hindi naman s'ya nakahuma dahil ang kan'yang isip ay nasa kay Tres at sa galit nito mamaya. Akala n'ya kasi ay dideritso sila ng uwi na dalawa.

"Let's go, Preccy," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang pag-aya ng byenan. Wala na s'yang nagawa kundi ang sumunod dito.

Kahit naman tatanggi s'ya ay wala din s'yang magagawa dahil ito ang nagyaya at isa pa ay baka kung ano pa ang isipin nito kapag hindi n'ya ito sinamahan.

"S-Sige po!" nauutal na sagot n'ya rito at agad na binuksan ang pinto para lumabas.

"Dahan-dahan lang at baka matapilok ka!" paalala ng ginang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Kiara zimurs
nbasa ko an kwento uno at dos maganda din kay ace maganda,pero d nataps ng autor ung ibng kbanata,,ito nmn kay tress,,
goodnovel comment avatar
Blade Sapphire
Oo nga Di kaman Maswerte for now Ky Tres atleast Maswerte Ka sa in-laws mo .. Priscilla..
goodnovel comment avatar
Jha Detros Apurado
Itago mo si Preccy Kay Trespunto babe...tapos ang ipakilala mong tatay sa Anak nila ay si Uno tignan ko lang Tres kong dika luluhod sa harapan ng Nanay Trina mo para humingi ng tulong hahah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status