AUDREY PRISCILLA... Pagkatapos nilang mag shopping at magpa salon ay kumain pa silang tatlo sa isang mamahaling restaurant. Napakasaya n'ya na naranasan n'ya ang mga ganitong bagay ngunit sa kabila ng lahat ay natatakot din s'ya sa magiging kapalit. Katulad na lang ngayon na pauwi na sila at gabi na. Ang daming senaryo ang naglalaro sa kan'yang isip at lahat ng iyon ay sarili n'ya ang laman at sinasaktan ni Tres. Para na s'yang may trauma sa tuwing maiisip ang lalaki. "Hey! Are you ok?" tanong ni Ace sa kan'ya na s'yang katabi n'ya sa upoan. Sinundo sila ng kapatid ni Tres na si Dos at ito ang nagmamaneho ng sasakyan at ang kan'yang byenan na babae ay nasa unahan. Kaya magkatabi sila ngayon ni Ace sa likod at napansin siguro nito ang kan'yang pananahimik. "O-Opo ate, ayos lang po ako," tipid na sagot n'ya rito. Ginagap ni Ace ang kan'yang kamay at pinisil iyon. Agad na nakagat n'ya ang kan'yang labi para pigilan ang kan'yang mga luha. Ganito pala talaga kapag buntis. Ang bilis t
AUDREY PRISCILLA... Narating nila ang bahay ni Tres na nasa kaparehong village lang din na tinitirhan ng mga magulang nito at mga kapatid. At totoo sa sinabi ng mga ito kanina ang tatlong kasama, sinamahan s'ya ng ina at mga kapatid ni Tres sa pagpasok sa bahay ng lalaki. "Where have you been? Bakit ngayon ka lang, ha! Gawain ba ng matinong babae na may asawa ang ginagabi ng uwi?" nauna s'yang pumasok sa bahay dahil sa utos ng ina ni Tres at wala s'yang nagawa kundi ang sumunod. At ang malakas na pagsigaw ng lalaki ang agad na sumalubong sa kan'ya. Kahit inaasahan n'ya na mangyayari ang bagay na ito ngunit napakislot pa rin s'ya dahil sa gulat ng marinig ang malakas na boses ng lalaki. "Sumagot ka!" muling sigaw nito sa kan'ya. Nasa bungad ito ng hagdan at s'ya naman ay nasa pintoan at natulos ang mga paa. Nararamdaman n'ya rin ang panginginig ng kan'yang katawan at parang naparalisa dahil sa takot. Hindi n'ya rin namalayan na nakalapit na pala si Tres sa kan'ya at hinablot ang
AUDREY PRISCILLA... Nagising s'ya sa hindi pamilyar na lugar. Puro puti lahat ang kan'yang nakikita at nagtaka s'ya kung saan s'ya naroon ngunit ng maalala ang lahat lalo na ang nangyari ay bigla na lamang s'ya napabalikwas ng bangon. "Ang baby ko!" hysterical na sabi n'ya at kinapa ang kan'yang t'yan para damhin kung nasa sinapupunan n'ya pa ang kan'yang anak. Naalala n'ya na bago s'ya nawalan ng malay kanina ay sumigaw si Ace na dinudugo s'ya. "What are you doing? Get back to bed," ang matigas na boses ni Tres ang kan'yang narinig. Nang hanapin n'ya ang pinanggalingan ng boses nito ay nakita n'ya ang lalaki na nakaupo sa isang upoan. Hindi s'ya kailanman nagalit sa tanang buhay n'ya ngunit ng makita si Tres at maalala ang nangyari kanina ay biglang nabuhay sa kan'yang puso ang galit para sa lalaki. "Umalis ka dito Tres, ayokong makita ka. Umalis ka!" mahina ngunit may diin na taboy n'ya rito. Napatayo ito sa pagkakaupo at akala n'ya ay aalis ito ngunit nagulat s'ya ng lumapit i
AUDREY PRISCILLA...Kinabukasan ay pinalabas na s'ya ng hospital. Hindi na rin bumalik si Tres simula ng paalisin n'ya ito. Naninikip ang kan'yang dibdib sa tuwing sumagi sa kan'yang isip na walang pakialam sa kan'ya ang lalaki at sa anak nila.Nasasaktan s'ya hindi para sa kan'yang sarili kundi para sa kanilang anak na wala pang kamuwang-muwang ngunit inabandona na ng ama.Parang s'ya lang na hindi nakilala ang mga magulang. Lumaki sa kalsada at ni hindi alam ang kan'yang pinagmulan. Ang bahay amponan ang nagbigay sa kan'ya ng pangalan ngunit dahil sa kalupitan ng mga tao na namamahala sa bahay amponan ay tumakas s'ya at nagpalaboy-laboy sa kalsada para mabuhay.Mabuti na lang at nakita s'ya ng ina ni Tres at naawa sa kan'ya. Dinala s'ya sa bahay ng mga ito at binigyan ng trabaho."Sigurado ka ba Preccy na dito ka uuwi? You can stay in our house anak," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng magsalita ang byenan. Hindi n'ya namalayan na nakarating na pala sila sa bahay ni Tres.S
AUDREY PRISCILLA...Napakislot s'ya ng marinig ang pagsara ng pinto ng kan'yang kwarto. Agad s'yang napabalikwas ng bangon at sinilip ang pinto.Nakasarado naman ito at wala ng tao ngunit parang narinig n'ya na may nagsara ng pinto ngunit hindi s'ya sigurado kung sa kan'ya iyon o sa kabilang silid.Siguro ay guni-guni n'ya lang o baka nananaginip lang s'ya. Dahil sa mga naranasan n'ya kay Tres ay parang may trauma na s'ya. Kaunting kalabog lang ay agad na s'yang nagpapanik.Nagbuga s'ya ng hangin at bumalik sa paghiga sa kama. Hindi n'ya alam na agad pala s'yang nakatulog kanina pag-alis ng pamilya ni Tres. Sinilip n'ya ang orasan at nakita n'ya na alas kwatro na ng madaling araw. Nakaramdam tuloy s'ya ng kaba ng maisip na hindi s'ya nakapagluto para sa hapunan ni Tres. Sa isiping iyon ay nakaramdam s'ya ng pag-alinlangan na magpakita kay Tres. Ang hirap pala talaga kapag ganito ang sitwasyon. Para s'yang kriminal na nagtatago sa batas.Napabuntong hininga s'ya at nagtalukbong ng
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam kung magpapasalamat ba s'ya o mabahala sa ipinapakita ni Tres sa kan'ya. Ilang araw na itong tahimik at walang kibo.Wala din s'yang naririnig na singhal mula rito na ipinagtataka n'ya. Hindi naman na gusto n'yang masinghalan o masigawan ng lalaki araw-araw ngunit nakapagtataka lang ang inaasta nito ngayon.Hindi s'ya nito kinikibo ng ilang araw na din at minsan n'ya na lang din ito nakikita dahil maaga itong umaalis at gabi na kung umuuwi at madalas ay natutulog na s'ya.Hindi n'ya alam kung ikakasaya n'ya ba ang ganito o kakabahan na s'ya dahil baka may mas masahol na bagay ang binabalak nitong gawin sa kan'ya kapalit ng pananahimik nito.Sa huli ay mas pinili n'ya na alisin sa kan'yang isip ang mga negatibong bagay. Inaliw n'ya na lang ang kan'yang sarili sa paglilinis ng bahay.Kahit buntis s'ya ay nagtatrabaho pa rin s'ya. Nakakahiya kung maghilata lang s'ya buong araw sa bahay ni Tres. Nagpunas-punas s'ya ng mga gamit sa sala. Puno ng pag-iin
AUDREY PRISCILLA... "P-Pasensya ka na," mahina ang boses na paghingi n'ya ng paumanhin dito. Mahigpit din ang kan'yang pagkakahawak sa puno ng tuwalya na nakabuhol sa kan'yang dibdib. Naaasiwa s'ya sa uri ng tingin ni Tres sa kan'ya at nananayo ang kan'yang mga balahibo sa hindi mawari na dahilan. "Get dress and we're leaving in five minutes. Ayoko ng pabagal-bagal kaya bilisan mo. I'll wait for you downstairs!" malamig na utos nito sa kan'ya. Nag-angat s'ya ng tingin at puno ng tanong ang mga mata na sinalubong ang tingin ng lalaki. "S-Saan tayo pupunta?" tanong n'ya rito. "Stop asking and move! Puro ka tanong, nabubwesit ako sayo," singhal nito sa kan'ya imbes na sagutin ang kan'yang tanong. Agad din itong umalis at pasalya na isinarado ang pinto ng kan'yang silid. Napaigtad pa s'ya sa gulat dahil sa malakas na tunog ng pinto. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma at ng mahimasmasan at maalala ang sinabi ni Tres ay mabilis n'yang tinungo ang cabinet at kumuha ng damit. Isa sa mg
AUDREY PRISCILLA... "Ano? Tres hindi mo pwedeng gawin yan sa anak ko. Magkamatayan na tayo pero hindi ko ipalaglag ang baby ko. Kung ayaw mo sa bata ay ayos lang pero huwag na huwag mong sasabihin sa akin na ipalaglag ang anak ko!" galit na sabi n'ya sa binata ng mahimasmasan. Nagulat s'ya noong una ngunit ng makabawi ay pakiramdam n'ya biglang umakyat sa kan'yang ulo ang lahat ng kan'yang dugo. Nanginginig ang kan'yang mga laman dahil sa galit sa lalaki ng oras na iyon. Hindi s'ya papayag na gagawin ni Tres ang bagay na binabalak nito sa kan'yang anak. Lalaban s'ya kahit magkamatayan pa silang dalawa. "Masyado kang madrama! Get out!" singhal ng lalaki sa kan'ya. Hindi s'ya kumilos sa kinauupoan at nanatili lang sa upoan. Nagbuga ito ng hangin at parang nauubosan ng pasensya na hinarap s'ya. "You are going to have your check up! Masyado ka talagang maarte na babae ka! Lumabas ka na nga and don't waste my time. May trabaho ako sa opisina pero kailangan kong umuwi para samahan ka di