Share

CHAPTER 3

BLAYRE JOAQUIM...

Ipinasok n'ya agad ang kan'yang kamay sa suot nitong palda at winarak ang suot nitong panty. Nang-aakit naman itong tumingin sa kan'ya at binuksan ang kan'yang zipper at pabukakang naupo sa kan'yang pagkalalaki. Napangisi s'ya dahil sa pagiging aggressive ng babae at hindi n'ya na kailangan na mamilit pa rito.

Umaarti lang pala ito na hard to get ngunit ang totoo ay pareho lang sila na gustong magpainit. Wala s'yang sinasanto at hindi alintana kung saan sila basta gusto n'yang magparaos ng init ng katawan.

Nang umaga ding iyon ay halos nalibot nila ang kan'yang buong opisina sa pagniniig ng kan'yang sekretarya. Hindi n'ya ito tinigilan hangga't hindi s'ya nakuntento. Warak ang suot nitong panloob dahil sa pabaklas n'ya sa mga ito. Wala s'yang pakialam kung masira man ang suot ng babae.

He is Tres El Frio at walang babaeng umaayaw sa kan'ya. Lahat ay nakukuha n'ya ng hindi na kailangan ang pahirapan pa.

Kinagabihan ay umuwi s'ya sa kanilang bahay kasama ang kan'yang sekretarya. Naabutan nila si Preccy na naghahain ng pagkain. At nakita n'ya ang gulat nito sa mga mata ng makita s'ya na dumating kasama si Cheska.

"Oh.., honey, you didn't tell me na may katulong ka palang kasama rito," sabi ni Cheska ng makita nito si Preccy.

"Yeah! Nanay's order na kailangan ay may kasama akong katulong dito. C'mon let's eat, marami pa tayong gagawin," ngising aso na sabi n'ya sa kan'yang sekretarya sabay kindat.

Ipinaghila n'ya ito ng upoan at maarte naman itong naupo at pagkatapos ay sumunod din s'ya rito para makakain na sila. Akmang tatalikod naman si Preccy ng awatin ito ni Cheska at pinabalik.

"Hey! You stay here. Maids should stay next to their employer habang kumakain ang mga amo para pagsilbihan sila, right?" sita ni Cheska kay Preccy. Nakayuko itong tumango at tumayo sa gilid habang kumakain sila. Wala naman s'yang ginawa para awatin si Cheska bagkus ay ngising aso n'ya pang tinapunan ng tingin si Preccy.

"You deserves it!" lihim na sabi n'ya at nagsimula ng kumain.

Galit s'ya sa ganitong klase ng babae. Yong hindi man lang marunong na depensahan ang sarili n'ya. Nasanay s'ya sa kan'yang mga nakakasalamuha na mga babae sa cirle nila na mga palaban at kayang ipagtanggol ang sarili. Hindi katulad ji Preccy na parang tanga at wala man lang ginawa ng alipustahin ito at utos-utosan ni Cheska.

Hanggang sa makatapos sila sa pagkain ni Cheska ay nasa tabi nila si Preccy para pagsilbihan sila. Wala s'yang nararamdaman na kahit katiting na pagkaawa dito bagkus ay nagbubunyi pa ang kan'yang kalooban sa nakikitang ka miserablihan ng asawa.

Pagkatapos nilang kumain ay pumasok sila sa isang guest room ni Cheska. Kahit salbahi s'ya ay wala pa s'yang dinalang babae sa kan'yang kwarto. Lahat ng mga kahalayan n'ya ay sa labas n'ya ginagawa at ito ang unang pagkakataon na may dinala s'yang babae sa kan'yang bahay.

Hindi n'ya naman gusto na magdala ng babae sa bahay n'ya ngunit dahil gusto n'yang gumanti kay Preccy kaya napilitan s'yang gawin ito.

Para lang sana sa babaeng mamahalin n'ya sa huli ang kan'yang kwarto at bahay ngunit ngayon ay nabahiran na ng kalokohan n'ya sa mga babae dahil sa asawa n'ya.

Pinauna n'ya muna si Cheska sa guest room dahil may kinuha pa s'ya sa kan'yang kwarto. Pagbaba n'ya ay naabutan n'ya si Preccy na nakatayo sa paanan ng hagdan at parang hinihintay s'ya.

"What?" sita n'ya rito.

"D-Dito ba matutulog ang babae mo?" mahinang tanong nito. Nagulat man ngunit hindi s'ya nagpahalata.

"Eh ano naman sayo?" singhal n'ya sa babae.

"Tres, hindi naman kasi magandang tingnan ang ginagawa mo. Kahit ganito tayo, asawa mo pa rin ako, kaunting respeto naman sana. Kung mambabae ka, doon kayo sa labas at huwag mo naman dalhin at patulugin dito," deritsong sabi nito sa kan'ya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ito ng tungkol sa saloobin nito sa kan'ya.

Nilapitan n'ya ito at walang babala na hinaklit sa braso habang nanlilisik ang mga mata.

"Ako pa talaga ang pinagbabawalan mo, Preccy? This is my house and I can do whatever I want. Katulong ka lang dito kaya huwag kang makialam kung ano ang gagawin ko! Pakialamera!" singhal n'ya sa dalaga at marahas na binitawan ang braso nito.

Nakita n'ya ang panunubig ng mga mata ng babae bago ito dali-daling umalis sa kan'yang harapan.

Napailing na lamang s'ya habang sinusundan ito ng tingin habang kuyom ang mga kamao.

Nang mawala ito sa kan'yang panigin ay pinuntahan n'ya si Cheska sa kwarto at inaya na sa condo n'ya na lang sila matutulog

"Let's go! Sa condo tayo!"

"What? I thought dito tayo matutulog?" angal ng babae ngunit hinablot n'ya ito sa braso at hinila palabas ng silid. Kumakawag naman ito at gustong kumawala sa kan'ya ngunit wala s'yang balak na bitawan ito. Nagpatong-patong na ang kan'yang inis kay Preccy at kung dadagdagan pa ni Cheska ay baka ito ang mabuntonan n'ya ng kan'yang galit.

"Hey! Stop! Tres, ano ba? Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!" galit na singhal sa kan'ya ni Cheska at nagpupumilit itong makawala mula sa kan'yang pagkakahawak dito ngunit hindi n'ya ito binigyan ng pagkakataon na magtagumpay sa gusto nito.

Mas lalo n'ya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Cheska at pakiramdam n'ya ay bumabaon na sa malambot na balat ng dalaga ang kan'yang mga daliri ngunit wala s'yang pakialam dito at tuloy-tuloy lang sa pagkaladkad kay Cheska hanggang sa makalabas na sila ng kan'yang bahay.

Naglakad s'ya patungo sa kan'yang sasakyan na nakaparada at agad binuksan iyon sabay balibag kay Cheska papasok sa sasakyan.

"Fvck you Tres! I hate you!" halos mangiyak-ngiyak na sigaw nito sa kan'ya ngunit wala s'yang pakialam. Umikot s'ya sa kabila at agad na sumampa sa driver's seat. Nang makapasok s'ya ay hinarap s'ya ni Cheska at akmang sisinghalan ngunit mabilis n'ya itong hinawakan sa baba at pinisil iyon.

"Did you see that woman inside my house kanina? Hmmmm! Do you know who she is? She is my wife at kung gusto mong hindi matulad sa kan'ya kung tratuhin ko ay umayos ka, naintindihan mo?" matigas na sabi n'ya kay Cheska at marahas na binitawan ang baba nito at humarap sa manibela.

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Major Yohan Grae
mas malala pa to sa tatay nya sarap putulan Ng Ari
goodnovel comment avatar
Hailey Carson
Thank you babe!🤍🫰
goodnovel comment avatar
Hailey Carson
ASAn na BA si Kabol Sarap n Tes ipahabol.. kuhang kuha giGil Ng mga Ante.. haha!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status