Share

CHAPTER 83

Buong lakas na itinusok ni Venice ng kutsilyo ang gulong ng kaniyang sasakyan dahilan upang ito'y unti-unting mawalan ng hangin sa loob at umimpis. Mabilis siyang tumayo at lumayo tsaka itinapon ang hawak na kutsilyo sa isang halaman na nagsisilbing palamuti malapit sa garahe ng mansyon. Inayos niya ang sarili bago naglakad palabas ng garahe. Nakita niya ang sasakyan ng ama na nakaparada na sa tapat ng mansyon, ngunit hindi iyon ang hinahanap ng mata niya.

" Oh, akala ko nakaalis ka na? " takhang tanong ni Victoria na nakatayo sa bungad ng mansyon katabi si Logan na abala sa pakikipagusap sa guwardiya nito.

" Paalis na nga ho sana ako, butas pala ang gulong ng sasakyan ko..." pagsisinungaling ni Venice saka lumapit sa kinatatayuan ng kaniyang magulang upang sumilong saglit dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw.

" Ganoon ba? Kung ganoon sumabay ka na lang sa Papà mo, " suhestiyon ni Victoria saka nilingon si Logan na napahinto sa pagsasalita at takhang lumingon sa kanila. Walang idey
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status