Hindi maintindihan ni Amadeus ang mga nangyayari. Na-supresa siya sa biglaang paglitaw ni Lucine sa mansyon nang siya'y umuwi subalit mas ma-su-supresa pa pala siya sa inakto nito kanina sa harap niya. Hindi niya mawari kung bakit tila pinagtulakan siya kanina ng dalaga at hindi rin siya nito magawang tignan nang diretso sa mata. Nababatid niyang mayrong mali at iyon ang nais niyang malaman. " Hindi ka pa ba matutulog? " tanong ni Venice na lumabas ng balkonahe ng kanilang silid upang silipin si Amadeus. Nasa tapat ito ng barandilya, may hawak na baso na may lamang alak. Lumapit si Venice sa sopa na nasa gilid ng pintuan ng balkonahe, naupo habang pinagmamasdan ang likod ni Amadeus. " Hindi ka pa rin ba makapaniwalang bumalik na si Lucine? Dapat masaya ka, hindi ba? Bakit sa nakikita ko parang problemado ka? " Hindi kumibo si Amadeus. Nanatili ang kaniyang paningin sa kawalan, iniisip ang posibleng nangyari kay Lucine. Kaswal siyang pinakitunguhan kanina, animo'y walang naganap na
Buong lakas na itinusok ni Venice ng kutsilyo ang gulong ng kaniyang sasakyan dahilan upang ito'y unti-unting mawalan ng hangin sa loob at umimpis. Mabilis siyang tumayo at lumayo tsaka itinapon ang hawak na kutsilyo sa isang halaman na nagsisilbing palamuti malapit sa garahe ng mansyon. Inayos niya ang sarili bago naglakad palabas ng garahe. Nakita niya ang sasakyan ng ama na nakaparada na sa tapat ng mansyon, ngunit hindi iyon ang hinahanap ng mata niya. " Oh, akala ko nakaalis ka na? " takhang tanong ni Victoria na nakatayo sa bungad ng mansyon katabi si Logan na abala sa pakikipagusap sa guwardiya nito." Paalis na nga ho sana ako, butas pala ang gulong ng sasakyan ko..." pagsisinungaling ni Venice saka lumapit sa kinatatayuan ng kaniyang magulang upang sumilong saglit dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw. " Ganoon ba? Kung ganoon sumabay ka na lang sa Papà mo, " suhestiyon ni Victoria saka nilingon si Logan na napahinto sa pagsasalita at takhang lumingon sa kanila. Walang idey
" K-kanina ka pa d'yan? " hindi alam ni Janina ang sasabihin matapos bumungad sa harap niya si Morriss na may dalang palumpon ng mga rosas. Mayroon din itong hawak na isang kahon na naglalaman ng pan de drema. Ramdam ni Janina ang paro-paro sa tiyan niya, ngunit pinipigilan niya ang sarili na ngumiti dahil tinatak niya sa isip na dapat nagtatampo siya. " Para sa'yo..." Inabot ni Morriss ang bulaklak kay Janina pati na rin ang pan de krema. Tahimik ang paligid, ngunit na sa kanila ang mga mata ng bawat tao sa loob ng karinderya. " Ah, salamat..." Pinalobo ni Janina ang pisngi niya upang pigilan ang kaniyang pag-ngiti ngunit unti-unti rin itong umimpis nang sundutin ni Morriss ang kaliwa niyang pisngi dahilan upang lumabas na nang tuluyan ang tuwa at kilig ni Janina. Nagsimula na ring magpalakpakan ang mga tao sa paligid na sinamahan ng pang-aasar mula sa mga serbidora na nakasaksi kung paano maging marupok ang dalaga.Tumikhim si Lucine upang kuhanin ang atensyon ng dalawa sa harap n
Maingat na ibinaba ng sekretarya ni Logan ang bawat tsaa sa harap ng mga Don na abala sa kuwentuhan at payabangan ng kani-kanilang mga napagtagumpayan sa mga nakalipas na buwan. Tatlong malalaking tao ang kasama ngayon ni Logan; ang isa ay ang kaniyang kasiyoso sa kompanya na si Don Gregorio, habang ang dalawa ay ang may-ari ng mga naglalakihang pangalan sa mundo ng mga makabagong teknolohiya. Masaya ang kuwentuhan ng lahat, kaniya-kaniyang buhat ng bangko upang hindi mapag-iwanan, nag-iimbento pa ng mga kasinungalingan para lang hindi malamangan. " Siya nga pala, Don Banville, ano na palang balita sa iyong anak na dalaga? " tanong ng isang mataba at matandang lalaki na si Don Gelacio—ang may ari ng isang sikat na pangalan ng mga nauusong gadyet sa kasalukuyan na siyang kinahihiligan ng maraming kabataan. " Nabalitaan kong nagkaroon ng kaguluhan sa simbahan dahil sa hindi pagsipot ng inyong anak at ng unico hijo ng Zolina sa simbahan. Totoo bang kinansila niyo na rin ang kasal nila?
Kapag nakararamdam ng galit si Logan, hindi malabong pati ang mga tao sa paligid niya ay makatikim ng kaniyang kalupitan. Walang maaaring kumausap sa kaniya at wala ring maaaring humawak sa kaniya dahil nagiging isa siyang mabangis na halimaw na hindi puwedeng lapitan ninuman. " Don Banville... " mula sa pintuan ng opisina sa mansyon, pumasok ang isang kasambahay na nanginginig na lumapit sa kaniyang amo na nakaupo sa silyang pang-opisina habang nakapikit ang mga mata. " N-narito na po ang Señor Hassan. "Iminulat ni Logan ang mga mata nang marinig ang ngalan ng taong kinasusuklaman niya. Kumpara kanina, kalmado na ang isip niya matapos ng gulong nangyari sa kompanya. Huminahon na siya ngunit naroroon pa rin ang matinding galit sa loob niya sa tuwing naririnig ang ngalan o kahit na anong bagay na may kinalaman kay Amadeus Hassan. Umalis si Logan sa pagkakasandal sa kaniyang silya, tumayo at lumabas ng opisina. Hindi niya pinasunod ang mga guwardiya na nagsisilbing anino niya bente k
Limang taon na ang nakararaan magmula noong mangyari ang sunog sa mansyon ng Hassan na kagagawan mismo ng isang Hassan. Simula sa sunog, sa isang pekeng bangkay na inilagay sa kaniyang silid, sa kaniyang pagtakas at sa pagdating ng mga pulis ay planado na at pinangunahan ito ng isang mapagkakatiwalaang Tinyente na handang tumanggap ng maruming trabaho, kapalit ang halaga ng perang triple sa natatanggap niyang suweldo. " Lieutenant, babayaran ko kayo sa kahit na magkano. Huwag niyo na lang banggitin pa ang nakita niyong nakakandadong pinto sa silid kung saan natagpuan ang bangkay ni Amadeus Hassan. Isarado niyo agad ang kaso, " ang eksatong mga katagang binitawan ni Logan noong mga panahong pinagbagsakan ito ng langit at lupa. " Siguradong lalapitan kayo ng Don Banville at makikiusap na isarado agad ang kahaharapin nilang kaso. Tanggapin niyo ang perang iaalok niya at gawin niyo kung ano man ang sasabihin niya, " saad ni Owen matapos ihayag sa Tinyente ang binuong plano ni Amadeus pa
" Ano ngayon kung ako nga ang naging dahilan ng aksidente niya noon? Naging baldado lang naman siya, hndi naman siya namatay."Walang salita ang gustong lumabas mula sa bibig ni Venice. Pakiramdam niya'y kinakapos siya sa hangin dahil sa lakas ng kabog ng kaniyang dibdib at tumataas na emosyon dahilan upang mag init ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. " Papà...b-bakit niyo nagawa 'yon? " basag ang boses ni Venice, hindi alam kung paano magsasalita dahil sa kaniyang nalaman. " Maayos naman ang relasyon niyo ni Amadeus, noon hindi ho ba? P-paano...bakit niyo siya sinubukang patayin? "" Dahil masyado siyang mapagmataas. Masyado s'yang mayabang at makasarili! " saad ni Logan, unti-unting bumabalik ang galit nang maalala ang mga panahong nanliliit siya sa tuwing kasama si Amadeus, " Hindi siya marunong rumespeto at puro na lang sarili ang pinakikinggan niya. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob. "" Sa paano hong paraan? Hindi ho ba't binigyan niya pa kayo ng posisyon sa kompanya?
" Anong sabi mo? " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Lucine matapos nang isiniwalat sa kaniya ni Venice. " Si Papà ang dahilan kung bakit naksidente noon si Amadeus? "Pumikit si Venice nang maramdamang umiikot ang paligid niya. Lumuwag ang kapit niya sa balikat ni Lucine ngunit siya naman ang hinawakan nito sa braso. " Venice, magsalita ka. Linawin mo saakin ang sinabi mo, " pakiusap ni Lucine. Naguguluhan sa kung anong ibig sabihin ni Venice sa mga binitawan nitong salita. " Ano bang aksidente ang tinutukoy mo? Anong pagtatangka? Iba pa ba 'yong mga medisina na pinaiinom nila noon kay Amadeus para lumala ang kalagayan niya? Iyong aksidente bang tinutukoy mo—"" Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? " Nanatiling nakasarado ang mga mata ni Venice. Tila malapit na siyang bumagsak dahil sa labis na hilong nararamdaman niya. " Ang Papà ang naging dahilan... si Papà ang nasa likod ng aksidente ni Amadeus kaya naging baldado siya. Tinanggalan niya ng preno 'yong kotseng gamit noon ni Amadeus...T