Share

CHAPTER 79

Halos mapatalon sa gulat sina Owen at Morriss na nasa salas nang makarinig nang malakas na kalabog na gawa ng pintong pabalibag na isinara. Ilang saglit pa ay lumitaw si Amadeus, dumaan lamang ito sa harap nila at dire-diretsong nagtungo sa opisina.

Nagkatinginan ang dalawa, hindi na nila kailangang mag-usap gamit ang mga bibig sapagkat nagkakaintindihan na sila gamit ang mga mata.

Lumipas na ang bente kuwarto oras simula noong kuhanin si Lucine ng mga armadong lalaki ngunit hanggang ngayon, wala pa rin silang balita kung nasaan ang dalagang hinahanap nila. Nagawa silang linlangin ng mga binabantayan nilang sasakyang na pinaniniwalaan nilang sinasakyan ni Lucine subalit nang ito'y kanilang harangin, wala sa loob ang hinahanap nila.

" Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung saan itinago ng Don Banville ang anak niya, " saad ni Owen, abala ang mata sa mapa na nasa lamesita. Ginuhitan niya ng ekis ang isang lokasyon na pinuntahan nila ni Morriss sa pagbabakasakaling makita na nila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status