Share

CHAPTER 74

Unti-unting nagkaroon ng malay si Lucine ngunit nang sinubukan niyang imulat ang mata, wala siyang makita kundi itim dahil nakapiring pa rin ang kaniyang mga mata. Hindi rin niya magawang makapagsalita dahil sa nakatakip sa kaniyang bibig. Ang mga kamay niya ay nakatali patalikod habang siya'y nakahiga patagilid mula sa isang malambot ng kama. Pinakiramdaman niya ang paligid, may naririnig siyang boses ng mga taong nag-uusap mula sa 'di kalayuan. Magalaw din ang kaniyang kinalalagyan at dahil sa hampas ng tubig at ingay ng makina na naririnig niya, doon nakumpirma ni Lucine na nasa isa siyang sasakyang pandagat.

Sinubukang bumangon ni Lucine mula sa pagkakahiga, ngunit hindi niya magawa dahil sa sakit na nararamdaman niya sa braso kung saan may itinurok sa kaniya. Idikinit ni Lucine ang mukha sa kamang kinaroroonan at ikiniskis pataas ang piring na nakakabit sa kaniya sa pagbabakasakaling maalis ito, hanggang sa unti-unting umangat ang piring at napunta sa itaas ng kaniyang mga mata.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status