Trapped with my Boss

Trapped with my Boss

last updateLast Updated : 2023-11-08
By:   Gelnat14  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
65Chapters
7.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Mas gusto sana ni Shalanie ng babaeng Executive assistant. Ngunit dahil lalaki ang ipinadala ng HR ay wala siyang choice kundi ang tanggapin ito. Hindi naman niya inakalang magtatagal ito sa pamamahala niya kahit pa ba napakasungit niya. She had a reputation of being strict and ruthless. Ngunit wala itong epekto kay Samuel. Sa halip ay siya ang apektado kay Samuel. Paano ba naman? Ang assitant niyang ito ay mahusay sa trabaho, matalino, guwapo, simpatiko at may mga matang nakaka-hipnotize kapag napapatitig siya rito. Hindi man niya aminin pero ito lang ang nakapagpabilis nang tibok ng puso niya sa tuwing nasa malapit ito, lalo na kapag nagkakadikit ang mga balat nila at nagtatama ang kanilang mga mata. Alam niyang nanganganib ang puso niya rito at ano mang oras ay mahuhulog siya sa lalaking ito.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

NAGULAT si Shalanie nang datnan niya ang kanyang kaibigang si Clarice sa kusina ng unit niya. Isang tambak na pagkain ang iniluto nito at inihayin sa mesa."Good morning, friendship," bati nito sa kan'ya." Good morning. Bakit ang dami mong inihandang pagkain? Anong mayro'n? May okasyon ba?" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan."Wala naman, friendship. Gusto ko lang magluto," sagot nito at ngumiti nang malapad."Hindi ba dapat nagbu-beauty rest ka dahil bukas na ang flight mo pauwi ng Pilipinas.""Friendship, sa tono ng pananalita mo parang atat ka ng paalisin ako." Sumimangot ito at waring nagtampo sa kaibigan. Nakatakda na kasi itong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon.Inakbayan niya ito. "Hindi naman sa gano'n, friendship. Inaalala lang kita. Syempre pag-uwi mo magkikita na kayo ulit ng boyfriend mo. Dapat ay maganda ka dahil baka ipagpalit ka n'ya sa iba." Nagtawanan sila.Matagal na rin silang magkaibigan ni Clarice. Friendship ang napili nilang maging tawagan sa isa't isa. N...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
65 Chapters
Prologue
NAGULAT si Shalanie nang datnan niya ang kanyang kaibigang si Clarice sa kusina ng unit niya. Isang tambak na pagkain ang iniluto nito at inihayin sa mesa."Good morning, friendship," bati nito sa kan'ya." Good morning. Bakit ang dami mong inihandang pagkain? Anong mayro'n? May okasyon ba?" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan."Wala naman, friendship. Gusto ko lang magluto," sagot nito at ngumiti nang malapad."Hindi ba dapat nagbu-beauty rest ka dahil bukas na ang flight mo pauwi ng Pilipinas.""Friendship, sa tono ng pananalita mo parang atat ka ng paalisin ako." Sumimangot ito at waring nagtampo sa kaibigan. Nakatakda na kasi itong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon.Inakbayan niya ito. "Hindi naman sa gano'n, friendship. Inaalala lang kita. Syempre pag-uwi mo magkikita na kayo ulit ng boyfriend mo. Dapat ay maganda ka dahil baka ipagpalit ka n'ya sa iba." Nagtawanan sila.Matagal na rin silang magkaibigan ni Clarice. Friendship ang napili nilang maging tawagan sa isa't isa. N
last updateLast Updated : 2023-03-07
Read more
Chapter 1 - Annoying
EIGHT MONTHS LATER"Hindi ka man lang ba kakain ng almusal, bro?" tanong ni Ethan kay Samuel habang pinagmamasdan nito ang mga kilos niya. Si Ethan ay kaibigan ni Samuel at may-ari ng bahay na tinutuluyan niya."Sa office na siguro. Bawal ma-late kundi yari ako kay Boss," sagot ni Samuel sa kaibigan habang inaayos niya ang bagong biling necktie. Pagkatapos ay nagsuot na rin siya ng sapatos at ipinasok sa loob ng briefcase ang pinagpuyatang paper works. Nang ayos na ay sinipat niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa sarili. Napakaguwapo talaga niya. "Alis na 'ko, bro," paalam na niya sa kaibigang si Ethan. Napakamot na lang sa ulo ang kaibigan at halata sa mukha na hindi makapaniwala sa kanya. Nginitian na lamang niya ito.Matagal na silang magkaibigang dalawa dahil magkaklase sila noon sa College at palagi silang magkasama. Nagkaroon ito ng maganda opportunity sa Canada kaya doon na rin ito tumira. At noong ngang napunta si Samuel ng Canada para sa trabaho ay ito kaagad ang hin
last updateLast Updated : 2023-09-01
Read more
Chapter 2 - Heroic deed
Nakarating sa planta sina Shalanie at Samuel na hindi man lang na kumibo si Shalanie kay Samuel. Napakatahimik niya buong byahe nila. Nanatili lang siyang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at tila ba kinakabisado ang dinaraanan. Nawala na kasi siya sa mood para magsalita. Wala rin naman siyang sasabihin. Kinausap lang niya si Samuel noong nasa planta na sila sa Niagara Peninsula.The Niagara Peninsula is the largest wine producing region in Canada. Naririto din ang malaking planta ng MWSI. Isang oras at dalawampung minuto ang byahe mula sa opisina nila sa Toronto.Nang makababa sila ng sasakyan ay naroroon na ang COO na si Tyron. Prenteng nakatayo ito malapit sa entrace at mukhang naghihintay na sa kanila. Nakasuksok sa magkabila nitong bulsa ang magkabila niyong kamay. Napakabilis naman ata nitong mag-drive dahil una itong dumating sa kanila kahit halos magkasabay lang naman silang umalis ng opisina nila sa Toronto.Kaagad na rin silang lumapit sa kinaroroonan ni Tyron. Ngumi
last updateLast Updated : 2023-09-02
Read more
Chapter 3 - Overtime
Bumaba si Shalanie ng kotse pagkatapos buksan ng driver ang pinto nito. Kasalukuyan siyang nasa parking lot. Sinipat niya ang suot na relo. Alas-tres y medya na ng hapon. Kagagaling lang niya sa isang investors meeting sa isang italian restaurant. Marami silang pinag-usapan tungkol sa kompanya at negosyo habang kumakain sila. Naging topic din siya doon. Ang tungkol sa love life niya na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan.Naging tampulan sila ng tukso ng Chief Operating Officer na si Tyron. Bagay daw sila ika ng ilang mga tsismosong investors at sumang-ayon din naman ang iba. Gustong-gusto naman iyon ni Tyron. Nakangisi ito at tuwang-tuwa ito sa usapang iyon habang siya ay naasiwa.Kahit na ayaw niya ang pinag-uusapan ay hindi naman siya maaaring magmaldita sa harap ng mga investors kahit pa gustong-gusto na niya itong gawin, pero pilit na lamang niyang nginitian ang mga ito at nanatiling tahimik tungkol sa bagay na iyon. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos ang meeting.Naiirita
last updateLast Updated : 2023-09-06
Read more
Chapter 4 - Bottle of Perfume
“Cleared na ang sales report na ito.”Kinuha ni Shalanie ang folder kay Arah. Apat na oras na silang nasa loob ng library nang unit ni Shalanie. Nasa ikalawang palapag ito at katabi lang ng kuwarto niya. Batid niyang pagod na rin ang mga kasama niya mula sa maghapong trabaho ng nga ito at ngayon nga ay apat na oras na silang nag-o-overtime.Dahil wala na silang time pa na magluto at hindi naman din siya mahilig magluto ay nagpadeliver na lamang siya ng pagkain para sa hapunan nila. Nang dumating ang ipina-deliver ay agad din itong inihanda ni Shalanie sa kitchen at tinawag ang dalawa para kumain. Sandali lang din silang kumain at muli ng bumalik sa trabaho.Sinulyapan niya si Samuel na nakaupo sa couch at abala sa pagtitipa sa laptop. Inutusan niya itong review-hin ang financial report ng kompanya. Nagpatay malisya siya at hindi pinansin ang pagbubulungan ni Samuel at Arah na kung bakit ito lang ang pinag-OT niya. Dahil marami naman daw epleyado na maaring mag-OT.Nagkukunwari siyang
last updateLast Updated : 2023-09-07
Read more
Chapter 5 - Workaholic
Sanay na si Samuel sa walang puknat na interogasyon ng kanyang ina at mga auntie niya sa tuwing nakakausap niya ang mga ito. Patunay roon ang pag-e-enjoy niya sa pagkukwento sa mga ito habang salo-salo silang kumakain ng pananghalian. Ang ina niya at mga tiyahin ang nagluto ng mga pagkain kaya ganadong kumain si Samuel. “Kaidad mo lang kamo ang boss mo?”ani ng Auntie Fely niya habang sumasandok ng ulam na minudo. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina.“Opo, Auntie. Ilang araw lang din ang pagitan ng kaarawan naming dalawa. Binilhan ko nga siya ng cake noong birth day niya bilang regalo. Nagpasalamat siya pero hindi man lang ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung natuwa ba siya o hindi,” k’wento pa ni Samuel sa mga ito. “Naku, baka hindi masarap ang cake na ibinigay mo. Baka hindi niya gusto ang flavor. Dapat ay tinanong mo kung ano ang paborito niyang flavor. Teka, ang boss mo binilhan mo ng cake pero ang mama mo hindi?” ani pa ng Auntie Fely niya. “Naku, imposibleng makalimutan ko ang
last updateLast Updated : 2023-09-11
Read more
Chapter 6 - Date
“Sir Julio, good afternoon. Narito po pala kayo,” bati ni Samuel kay Mr. Enrique nang makasalubong niya ito malapit sa elevator ng 9th floor kung saan naroon ang opisina ni Shalanie.Ngumiti ito ng makita siya.“Bakit hanggang ngayon ay Sir Julio pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit hindi na lang Tito?” tanong nito kay Samuel. “Superior ko po kayo, parang nakakailang kung hindi ko kayo tatawaging Sir,” nahihiyang sagot niya rito.“Naku ‘tong batang ‘to. We both know that’s not the case.” Tumawa ito at mahinang tinapik siya sa braso. Ngumiti naman siya.Bigla ay naalala niya ang pagdalaw nito sa bahay na tinutuluyan niya noong nakaraan lang pagkatapos ng kaarawan ng kanyang ina. “Gusto ko po pa lang magpasalamat sa pagdalaw n’yo sa bahay noong nakaraang araw,” magiliw niyang wika.“Wala iyon. Kamusta, nakauwi na ba ng Pilipinas ang Mama mo at mga Auntie mo?”“Opo, kahapon ng umaga. Safe naman po ang naging flight nila.”“Mabuti kung ganoon.”Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Hindi k
last updateLast Updated : 2023-09-13
Read more
Chapter 7 - Promise
Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraang buwan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon.Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman, hija."Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon.“Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kaila
last updateLast Updated : 2023-09-14
Read more
Chapter 8 - Wine
Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Iniwan na lang ni Samuel sa parking lot ng company building ang sasakyan niya. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya.Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Kaagad silang binati nito. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi naman na niya pinagtuunan pa ng pansin iyon. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager at binalingan na siyang muli ni Shalanie.“Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna nang maglakad at umakyat sa
last updateLast Updated : 2023-09-15
Read more
Chapter 9 - WARNING!!! RATED SPG!
Masarap na ang tulog ni Shalanie nang marating nila ang bahay nito. Imbis na gisingin ay nagpasya si Samuel na buhatin na lang ito. Nalaman niyang kahit sa payat nitong katawan ay may kabigatan din pala ito pero hindi naman siya nahirapang buhatin ito. Napangiti siya. Madali naman siyang nakapasok sa loob ng bahay nito dahil alam niya ang code ng pinto nito. Nang makapasok ay kaagad na siyang umakyat at tinungo ang kuwarto ni Shalanie. Unang beses pa lang niyang makakapasok sa silid nito. Sa tuwing may ipakukuha kasi itong mga dukomento ay nasa library lang ang mga iyon.Inilapag niya sa kama si Shalanie. Una niyang hinubad ang sapatos nito at itinabi sa ilalim ng kama nito. Umungol ito habang inaayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Hindi kaagad siya umalis at pinagmasdan ito sa malapitan. Napakaganda talaga nito. Naisip niya na ang isang babae na kagaya nito ay napakahirap abutin ng isang lalaki lalo na ng isang ordenaryong lalaki lamang. Taglay na kasi nito ang halos lahat. Tal
last updateLast Updated : 2023-09-16
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status