“Sir Julio, good afternoon. Narito po pala kayo,” bati ni Samuel kay Mr. Enrique nang makasalubong niya ito malapit sa elevator ng 9th floor kung saan naroon ang opisina ni Shalanie.
Ngumiti ito ng makita siya.“Bakit hanggang ngayon ay Sir Julio pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit hindi na lang Tito?” tanong nito kay Samuel.“Superior ko po kayo, parang nakakailang kung hindi ko kayo tatawaging Sir,” nahihiyang sagot niya rito.“Naku ‘tong batang ‘to. We both know that’s not the case.” Tumawa ito at mahinang tinapik siya sa braso. Ngumiti naman siya.Bigla ay naalala niya ang pagdalaw nito sa bahay na tinutuluyan niya noong nakaraan lang pagkatapos ng kaarawan ng kanyang ina.“Gusto ko po pa lang magpasalamat sa pagdalaw n’yo sa bahay noong nakaraang araw,” magiliw niyang wika.“Wala iyon. Kamusta, nakauwi na ba ng Pilipinas ang Mama mo at mga Auntie mo?”“Opo, kahapon ng umaga. Safe naman po ang naging flight nila.”“Mabuti kung ganoon.”Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Hindi kasi sila nag-abot noong bumisita ito sa kanila kaya hindi sila nakapag-usap at nakapagkuwentuhan noon. Nalaman lang niya sa kanyang ina na bumisita ito.Kinumusta rin nito ang trabaho niya at pabirong tinanong kung makakatagal pa ba raw siya sa trabaho niya. Humirit pa ito na baka raw makuha na niya ang work habits ng kanyang boss.“Your boss went through a lot that’s why she’s like that. Maybe you could teach her how to slow down. It wouldn’t hurt to try.”“Let me think about it.”“Here comes your boss, Sam. Sige, hijo. I’ll go ahead,” paalam na nito kay Samuel nang makita nito si Shalanie na kalalabas pa lang ng opisina nito.Tumango naman siya rito bilang tugon at iniwan na siya nito. Sinundan pa niya ito ng tingin habang papalayo patungo sa kanang bahagi kung saan naman naroroon ang opisina ng Chief Marketing Officer.Nilingon niya si Shalanie. Naglalakad ito patungo sa dereksyon niya pero mukhang dadaan lang ito. Abala ito sa pakikipag-usap sa isang lalaki na ngayon lang niya nakita sa MWSI. Sa palagay niya ay hindi ito empliyado o nagtatrabaho sa kompanya.Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki. Ang hula niya ay hindi sila nagkakalayo ng taas ng lalaki. Guwapo, mestizo at halatang may sinabi sa buhay, base sa kutis at pananamit nito. Sino naman kaya ito? Isip- isip niya. As a sign of courtesy, binati niya ang mga ito nang dumaan sa harap niya. Parang walang narinig na nilagpasan lang siya ng mga ito. Parang naging hangin lang siya na hindi man lang tinapunan ng tingin at nagpatuloy lang mga ito sa pag-uusap habang patuloy din sa paglalakad. Napakunot ang noo niya. Ganoon ba ka importante ang pinag-uusapan ng mga ito para hindi siya mapansin ng mga ito.Sinundan niya ang mga ito. Naririnig niya ang pag-uusap ng dalawa at base doon ay wala itong kinalaman sa trabaho.“Are you going to watch the concert?” tanong ng lalaki sa boss niyang si Shalanie.“I’d loved to, Jake. But you know how busy I am,” malambing na sagot naman ni Shalanie sa lalaki.“Ililibre pa naman sana kita ng ticket.” Nagulat si Samuel nang magtagalog ito. Akala niya ay hindi ito pinoy dahil mukha itong banyaga.Si Shalanie ang pumindot ng botton pagpasok nila sa elevator. Sa ground floor ang tungo ng mga ito. Kaagad din siyang pumasok sa elevator bago ito magsara. Pumuwesto siya sa kaliwang bahagi habang ang dalawa ay nasa kanang bahagi naman. Hindi pa rin siya pinapansin ng mga ito.Nalaman niyang ang concert ng Arcade Fire ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagulat siya ng malamang paborito ni Shalanie ang famous rock band ng Canada. Pareho pala sila nitong mahilig sa rock music. Hindi iyon mahahalata kung titingnan ito.Alam niyang hindi tama na sundan niya ang mga ito ngunit may parte sa kanyang isip na nagsasabing tama lang ang ginagawa niya.'Assistant niya ako. Trabaho ko naman talaga na bumuntot sa kanya,' pagja-justify niya sa ginawang pagsunod kay Shalanie. Trabaho nga naman niya iyon at wala naman sigurong masama roon.Nauna nang lumabas ang dalawa nang bumukas ang pinto ng elevator at nakasunod lang siya sa mga ito. Ni hindi man lang siya natapunan ng kahit isang sulyap ni Shalanie.Inihatid ni Shalanie hanggang sa lobby ang kasamang lalaki na Jake ang pangalan. Nabanggit ito ni Shalanie habang nag-uusap sila.Napakunot ang noo niya nang makitang hinalikan ni Jake si Shalanie sa magkabilang pisngi nito. Ang boss naman niya ay yumakap kay Jake. Pinigilan niya ang sarili na mainis pero hindi niya maiwasang pumalatak ng malakas. Pero parang walang mga narinig na hindi siya pinansin ng mga ito. Mga bingi ba ang mga ito at wala man lang pumansin o nakarinig sa kanya?Maya-maya pa ay binalingan siya ni Shalanie nang makaalis na si Jake. Ibig sabihin alam niyang naririyan lang si Samuel ngunit hindi niya pinapansin dahil sa kasama nitong lalaki.“Anong schedule ko ngayong hapon?” parang walang anuman na tanong nito nang makalapit ito sa kanya.“May meeting ka mamayang hapon sa COO,” mabilis na sagot niya.“And after that?” muling tanong nito.“Wala na, Boss.”“Okay.”Naglakad na ito patungo sa elevator. Sinundan naman niya ito. Pumasok ito sa loob ng elevator ng bumukas iyon kaya't mabilis rin siyang pumasok sa loob. Wala silang ibang kasabay. Habang nasa loob ng elevator ay binanggit nito ang tungkol sa gagawing farm visit sa Niagara Peninsula, southern shores of lake Ontario.May importanteng meeting ang COO sa araw na iyon kaya si Shalanie ang pinapupunta para sa farm visit at iyon ang idi-discuss sa kanya mamaya sa meeting nila ng COO.“And you’re coming with me, Samuel,” maawtoridad nitong ani.Wala namang bago roon. Halos maging anino na nga siya nito sa loob ng walong buwan na pagtatrabaho niya bilang executive assistant nito. Sa pagtulog lang yata sila nagkakahiwalay. At baka nga sa susunod magkasama na rin sila pati sa pagtulog. Gusto niyang matawa sa naisip. Bigla ay nag- vibrate ang phone niya sa loob ng bulsa ng suot niyang coat.“Boss—,“ may sasabihin sana siya pero kaagad na pinutol iyon ni Shalanie.“That’s an order, Samuel.”“Hindi ito tungkol sa farm Visit. May phone call ka, Boss. Si Mr. Lim.” Iniabot niya kay Shalanie ang cell phone na gamit niya sa trabaho.Kinuha naman ni Shalanie ang Cell phone na iniabot niya. Sa pag-abot naman nito niyon ay napansin ni Samuel ang malaking pasa sa braso ni Shalanie. Kitang-kita iyon dahil sa maputing balat nito.Ilang sandaling kinausap ni Shalanie si Mr. Lim. Tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila. Pagkatapos nagpag-uusap ay ibinalik nito ang cell phone kay Samuel.“Ano’ng nangyari sa braso mo, Boss? Ayos ka lang ba?” pag-aalalang tanong ni Samuel.Tumingin naman si Shalanie sa braso nito. “Hindi ko alam,” walang gana nitong sagot.Napapalatak siya. Sa sobrang busy nito sa trabaho, pati nangyayari sa katawan nito ay hindi na nito napapansin pa. At sa laki ng pasa nito, tiyak na lingo ang aabutin bago ito mawala. Napaano naman kaya ang braso nito?“May cream ako para sa pasa, Boss. Lagyan natin yang braso mo,” alok ni Samuel. Naroon pa rin ang pag-aalala niya para sa boss niya.“There’s no need. Mawawala rin ito.” Tumanggi naman ito pagkatapos ay naghikab ito. Halatang pagod na pagod at inaantok. Mukhang nagpuyat na naman ito.“Mas maganda nang lagyan ng cream para mas mabilis mawala ang pasa mo, Boss. Pabaon iyon sa akin ng Mama ko, para daw kung sakali na magkapasa ako habang narito ako sa Canada,” pagbibida naman niya.Tiningnan siya nito saka umiling-iling. “Mama’s boy ka, ano?” biglang tanong nito na ikinatawa naman niya.“Hindi naman sa gano'n. Close lang talaga kami ng mama ko dahil wala na akong papa. Hindi pa ako ipinanganganak noong mamatay siya.”Biglang sumeryoso ang anyo ni Shalanie. “Sorry to hear that. Pareho pala tayong wala ng ama pero mabuti ka pa nga at may ina ka pa. My parents died when I was sixteen. After they passed away, nagbago ang lahat sa buhay ko,” malungkot ang tinig nito. Nagbago rin ang anyo ng mukha nito.“Hala ka, Boss. Sorry, wala ka na pa lang parents. Pero, boss, marami pala tayong things in common. Baka may ibig sabihin ‘to?” bigla ay nakaisip siya ng kalokohan.“Like what?” takang tanong nito at tumaas pa ang kilay.“Baka palitan kita sa posisyon mo,” nakangising sagot niya. Nagbibiro lang siya pero mukhang seryoso ang boss niya.“Yeah, right. That’s something to look forward to. I want to try your mom’s cream. Go get it.” Nagmadali na ito sa paglalakad at iniwan na siya nito. Napangisi siya habang pinagmamasdan ito papalayo.Pumasok na si Shalanie sa opisina nito at si Samuel naman ay bumalik na sa p’westo niya. Nang makuha niya ang cream sa kanyang bag ay kaagad na siyang nagtungo sa opisina ni Shalanie. Kumatok muna siya bago pinihit ang siradura ng pinto at saka pumasok sa loob. Wala ito sa table nito kaya napalinga siya sa paligid. Nakita niya si Shalanie na nakahiga sa couch.“Boss Lanie?” tawag niya at nilapitan niya ito. Nakapikit ito at umuungol. Sinalat niya ang leeg at noo nito. Normal naman ang temperature nito pero nag-alala siya sa itsura nito. Namumutla kasi ito.“Anong nararamdaman mo, Boss? Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya dito. Binalot siya ng pag-aalala dahil nitong mga nagdaang mga araw ay napapansin niya ang pamumutla at pagiging matamlay ng boss niya. Nasobrahan na naman yata ito sa trabaho. Hindi kasi uso ang pahinga sa boss niya.“N-Nahihilo ako, Samuel,” mahinang sabi nito.Kaagad na tumawag si Samuel sa clinic at pinaakyat ang company doctor. Habang hinihintay nila ang doctoc ay inayos niya ang pagkakahiga ni Shalanie sa couch. Hindi nagtagal ay dumating ang doctor. Kinuhanan nito ng vital signs si Shalanie.“Your work has taken its toll on your body. You need complete bed rest, Ms. Shalanie. Sobrang baba ng BP mo,” ani ng doctor kay Shalanie.“Kaya na ito ng gamot, Doc.” Sagot naman ni Shalanie. Talagang matigas ang ulo nito kahit na sinabi na ng doctor na kailangan nito na mapahinga ay hindi pa rin yata uubra.“No, kailangan mo ng pahinga,” muling bilin ng doctor dito.Humarap kay Samuel ang doctor at binilinan siya. Seryoso siyang nakinig at tinanggap ang reseta. May ibinigay ding gamot ang doctor na kailangan ng inumin ng boss niya kaya inalalayan niya itong makainom ng gamot.“May meeting pa ako sa COO, Samuel,” wika pa nito kahit nanghihina pa dahil sa pagkahilo.“Huwag na muna ngayon, Boss. Maiinitindihan din naman siguro ni Mr. Tyron na masama ang pakiramdam mo.”“Kaya ko.” Tatayo na sana ito ng pigilan ito ni Samuel. Napailing pa si Samuel dahil sa pagiging mapilit nito.“Gamutin na muna natin ang pasa mo.” Matigas talaga ang ulo ng boss niya. Hindi ito nakikinig kahit pa nga doctor na ang nagsabi dito. Puro trabaho ang nasa isip nito.Napaayos ito ng upo at naupo rin si Samuel sa tabi nito. Parang batang inilahad nito ang braso kay Samuel. Sinimulan naman niyang pahiran ng cream ang braso nito na may pasa.“Remind me to give you a bunos at the end of the month.”Napatitig siya rito dahil sa sinabi nito. Tama nga si Arah nang minsang mapagkwentuhan nila si Shalanie. Kahawig nga ito ng isang Hollywood actress. Ang mga labi nito ang pinakamagandang feature nito. Biglang sumagi sa isip niya kung ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ang mga labing iyon. Ngunit dagli rin niya iyong pinalis sa kanyang isip. Hindi tama na mag-isip siya ng ganoon patungkol sa kanyang boss.“Ilibre mo na lang ako sa Atist’s studio, okay na sa akin iyon, Boss,” masayang ani niya.“Para mo na ding sinabi na ilibre kita ng date,” nangiwing sabi naman nito.Napangisi siya. “Hindi ako ang nagsabi niyan. Pero parang ganoon na nga.” Hinampas siya nito sa braso. Natawa naman siya ng malakas.Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraang buwan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon.Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman, hija."Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon.“Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kaila
Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Iniwan na lang ni Samuel sa parking lot ng company building ang sasakyan niya. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya.Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Kaagad silang binati nito. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi naman na niya pinagtuunan pa ng pansin iyon. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager at binalingan na siyang muli ni Shalanie.“Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna nang maglakad at umakyat sa
Masarap na ang tulog ni Shalanie nang marating nila ang bahay nito. Imbis na gisingin ay nagpasya si Samuel na buhatin na lang ito. Nalaman niyang kahit sa payat nitong katawan ay may kabigatan din pala ito pero hindi naman siya nahirapang buhatin ito. Napangiti siya. Madali naman siyang nakapasok sa loob ng bahay nito dahil alam niya ang code ng pinto nito. Nang makapasok ay kaagad na siyang umakyat at tinungo ang kuwarto ni Shalanie. Unang beses pa lang niyang makakapasok sa silid nito. Sa tuwing may ipakukuha kasi itong mga dukomento ay nasa library lang ang mga iyon.Inilapag niya sa kama si Shalanie. Una niyang hinubad ang sapatos nito at itinabi sa ilalim ng kama nito. Umungol ito habang inaayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Hindi kaagad siya umalis at pinagmasdan ito sa malapitan. Napakaganda talaga nito. Naisip niya na ang isang babae na kagaya nito ay napakahirap abutin ng isang lalaki lalo na ng isang ordenaryong lalaki lamang. Taglay na kasi nito ang halos lahat. Tal
Nakatanggap si Shalanie ng isang bungkos na bulaklak mula kay Jake. Ang aga nitong nagtungo sa opisina niya para dalawin siya. Naghanap siya ng flower vase at inilagay niya ang mga bulaklak doon pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa tabi ng kanyang mesa. Bahagya pa niyang inayos ang mga iyon bago tuluyang binitawan.Matagal na niyang kaibigan si Jake at hindi lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya. Pero noon pa man ay sinabi na niya rito na pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito. Pero kahit ganoon ay ayaw pa rin siyang tantanan nito at titigil lang daw ito kapag nagkanobyo na siya.Matagal na siyang hindi nagkakanobyo. Wala pa kasing taong pumapasa sa standards niya. Busy rin kasi siya sa trabaho at walang time para sa love life niya. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil hindi maman siya nagmamadali. Pasasaan ba at dadating din ang tamang lalaki para sa kanya.Si Jake ay isang business man na half Filipino half Canadian. Kahit Canadian citizen ito ay magaling itong magsalita
Eksakto alas-sais ng hapon umalis ng opisina si Samuel at Shalanie. Gaya ng napagkasunduan, sasakyan ni Shalanie ang ginamit nila at si Samuel ang nag-drive nito. Naging tahimik silang pareho at walang gustong magsalita simula nang sumakay sila sa sasakyan.Nakatuon lang ang atensiyon ni Samuel sa unahan ng sasakyan habang nagda-drive ito. Samantalang si Shalanie naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Kung minsan ay ang mga kuku niya sa kamay ang paulit-ulit na pinagmamasdan. Tiyak na pareho silang mapapanisan ng laway.Isang oras na silang bumibiyahe patungo sa Niagara para sa farm visit. Hindi pa sila naghahapunan kaya naman naisipan nila na dumaan muna sa makakainan nila. Isang fast-food ang nadaanan nila at dito huminto si Samuel at ipinarada ang sasakyan.Ang gusto sana ni Shalanie ay mag-drive thru na lamang sila. Ngunit mapilit si Samuel. Gusto nito ay mag-dine in sila para makakain sila ng maayos. Wala namang nagawa si Shalanie kundi ang pumayag na lang at pagbigyan ito.
Habang nasa biyahe sila ay biglang bumagal ang takbo ng sasakyan nila hanggang sa tuluyan na iyong huminto. Naramdaman iyon ni Shalanie kaya naman napamulat siya. Kapipikit pa lang niya ng kanyang mga mata ng mga sandaling iyon. Nais muna sana niyang matulog dahil alam niyang malayo-layo pa ang biyahe nila. Nagtaka siya ng huminto sila.“Bakit tayo huminto? Ano’ng nangyari?” kaagad niyang tanong kay Samuel. Napatingin din siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Inaninag niya ang labas pero wala siyang gaanong makita.“Tumirik tayo, Boss,” mahinahong sagot naman ni Samuel. Parang hindi man lang ito nag-aalala.“Ha!?” Gulat at pag-aalala naman ang bumalatay kay Shalanie. Napatingin siya sa orasan. It was twenty minutes past ten. Sobrang ginabi na pala sila sa beyahe nila. Napatagal yata ang pagkain nila kanina sa fast food. Binuksan ni Samuel ang pinto ng kotse at lumabas ito. Sumunod naman siya rito. Mabilis niyang kinalag ang seatbelt na suot at bumaba rin ng kotse. Masusing tiningnan
Ilang beses pang binutingting ni Samuel ang sasakyan. Nagbabakasakali na maayos nito iyon. Si Shalanie ay nanatili na lamang sa loob ng sasakyan gaya ng utos ni Samuel. Hindi na siya bumaba pa at tinitingnan na lang niya paminsan-minsan si Samuel sa ginagawa nito, mula sa nakabukas na bintana ng kotse.Mabuti na lang at hindi gaanong malamig ang klima. Katamtamang lamig lang ito na normal na lang sa balat nila dahil hindi pa naman winter. Kung nagkataon na winter ay baka nanginginig na siya dahil sa tagal nila doon.Palagi namang makapal na coat ang suot nila lalo na kapag lumalabas, kaya ayos lang ang normal na lamig. Sanay na rin naman siya dahil sa tagal na niya sa bansang iyon. Kapag summer naman ay mainit pero mahalumigmig pa rin. Makalipas ang dalawa at kalahating oras ay hindi pa rin naaayos ni Samuel ang sasakyan. Nababahala na si Shalanie dahil ayaw niyang abutin sila ng umaga sa lugar na iyon. Nagda-dial siya sa kanyang cellphone ng may dumating. Isang luxury car ang sumun
Dahil magtatagal pa sa farm si Mr. Julio ay hiniram muna ni Shalanie ang sasakyan nito. Hindi naman siya nito nagawang tanggihan na ipinagpasalamat niya. Nasa pagawaan pa kasi ang sasakyan niya at hindi niya alam kung nagawa na ba at maaari ng makuha. Siya ang nag-drive ng sasakyan ni Mr. Julio dahil gusto niyang mamasyal na mag-isa. Gusto niyang aliwin ang sarili. Hindi siya nagpaalam sa mga taga-villa kung saan siya pupunta. Maging kay Samuel ay hindi niya sinabi na aalis siya. Basta sinabi niya lang kay Mr. Julio na maglilibot lang siya.Hanggang sa pamamasyal ay laman ng isip niya ang balitang malapit nang mag-resign si Samuel. He would be leaving her soon for a better job opportunity. Alam niyang darating ang puntong iyon pero hindi niya akalaing mangyayari iyon sa panahong iyon kung kailan kasundo na nila ang isa’t isa. Nakakabigla at mabigat sa pakiramdam ang desisyon nitong iyon. Masyado na ata siyang na-attach dito.Batid niyang malayo ang mararating nito kapag umalis ito s
Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala
TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two
Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d
Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang
"Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang
"Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku
Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland
HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience
LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni