Eksakto alas-sais ng hapon umalis ng opisina si Samuel at Shalanie. Gaya ng napagkasunduan, sasakyan ni Shalanie ang ginamit nila at si Samuel ang nag-drive nito. Naging tahimik silang pareho at walang gustong magsalita simula nang sumakay sila sa sasakyan.Nakatuon lang ang atensiyon ni Samuel sa unahan ng sasakyan habang nagda-drive ito. Samantalang si Shalanie naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Kung minsan ay ang mga kuku niya sa kamay ang paulit-ulit na pinagmamasdan. Tiyak na pareho silang mapapanisan ng laway.Isang oras na silang bumibiyahe patungo sa Niagara para sa farm visit. Hindi pa sila naghahapunan kaya naman naisipan nila na dumaan muna sa makakainan nila. Isang fast-food ang nadaanan nila at dito huminto si Samuel at ipinarada ang sasakyan.Ang gusto sana ni Shalanie ay mag-drive thru na lamang sila. Ngunit mapilit si Samuel. Gusto nito ay mag-dine in sila para makakain sila ng maayos. Wala namang nagawa si Shalanie kundi ang pumayag na lang at pagbigyan ito.
Habang nasa biyahe sila ay biglang bumagal ang takbo ng sasakyan nila hanggang sa tuluyan na iyong huminto. Naramdaman iyon ni Shalanie kaya naman napamulat siya. Kapipikit pa lang niya ng kanyang mga mata ng mga sandaling iyon. Nais muna sana niyang matulog dahil alam niyang malayo-layo pa ang biyahe nila. Nagtaka siya ng huminto sila.“Bakit tayo huminto? Ano’ng nangyari?” kaagad niyang tanong kay Samuel. Napatingin din siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Inaninag niya ang labas pero wala siyang gaanong makita.“Tumirik tayo, Boss,” mahinahong sagot naman ni Samuel. Parang hindi man lang ito nag-aalala.“Ha!?” Gulat at pag-aalala naman ang bumalatay kay Shalanie. Napatingin siya sa orasan. It was twenty minutes past ten. Sobrang ginabi na pala sila sa beyahe nila. Napatagal yata ang pagkain nila kanina sa fast food. Binuksan ni Samuel ang pinto ng kotse at lumabas ito. Sumunod naman siya rito. Mabilis niyang kinalag ang seatbelt na suot at bumaba rin ng kotse. Masusing tiningnan
Ilang beses pang binutingting ni Samuel ang sasakyan. Nagbabakasakali na maayos nito iyon. Si Shalanie ay nanatili na lamang sa loob ng sasakyan gaya ng utos ni Samuel. Hindi na siya bumaba pa at tinitingnan na lang niya paminsan-minsan si Samuel sa ginagawa nito, mula sa nakabukas na bintana ng kotse.Mabuti na lang at hindi gaanong malamig ang klima. Katamtamang lamig lang ito na normal na lang sa balat nila dahil hindi pa naman winter. Kung nagkataon na winter ay baka nanginginig na siya dahil sa tagal nila doon.Palagi namang makapal na coat ang suot nila lalo na kapag lumalabas, kaya ayos lang ang normal na lamig. Sanay na rin naman siya dahil sa tagal na niya sa bansang iyon. Kapag summer naman ay mainit pero mahalumigmig pa rin. Makalipas ang dalawa at kalahating oras ay hindi pa rin naaayos ni Samuel ang sasakyan. Nababahala na si Shalanie dahil ayaw niyang abutin sila ng umaga sa lugar na iyon. Nagda-dial siya sa kanyang cellphone ng may dumating. Isang luxury car ang sumun
Dahil magtatagal pa sa farm si Mr. Julio ay hiniram muna ni Shalanie ang sasakyan nito. Hindi naman siya nito nagawang tanggihan na ipinagpasalamat niya. Nasa pagawaan pa kasi ang sasakyan niya at hindi niya alam kung nagawa na ba at maaari ng makuha. Siya ang nag-drive ng sasakyan ni Mr. Julio dahil gusto niyang mamasyal na mag-isa. Gusto niyang aliwin ang sarili. Hindi siya nagpaalam sa mga taga-villa kung saan siya pupunta. Maging kay Samuel ay hindi niya sinabi na aalis siya. Basta sinabi niya lang kay Mr. Julio na maglilibot lang siya.Hanggang sa pamamasyal ay laman ng isip niya ang balitang malapit nang mag-resign si Samuel. He would be leaving her soon for a better job opportunity. Alam niyang darating ang puntong iyon pero hindi niya akalaing mangyayari iyon sa panahong iyon kung kailan kasundo na nila ang isa’t isa. Nakakabigla at mabigat sa pakiramdam ang desisyon nitong iyon. Masyado na ata siyang na-attach dito.Batid niyang malayo ang mararating nito kapag umalis ito s
Hindi na kumatok si Shalanie sa kuwarto ni Samuel. Basta na lang niyang pinihit ang siradura ng pinto at pumasok sa loob. Naabutan niya itong nanonood ng TV habang nakasandal sa headboard ng kama nito. May mga sariling TV ang lahat ng kuwarto sa villa kaya naman hindi nababagot si Samuel kahit nasa loob lang ito ng kuwarto.Nakatakda na dapat silang bumalik sa Toronto noong lingo ngunit pareho silang hindi nakabalik dahil nagkasakit si Samuel. Nalaman niya mula kay Don Roberto na galing ito sa pamimitas ng grapes nang malaman nito na hindi pa siya bumabalik mula sa pamamasyal na mag-isa. Nag-alala ito ng husto dahil alam nitong hindi niya kabisado ang lugar. Dahil sa labis na pag-aalala ay hindi nito inalintana pa ang pagod, sinugod nito ang malakas na ulan para lang hanapin at makita siya. Natagalan din ito sa paghahanap sa kanya. Dahil doon ay nagkasakit ito. Kaya naman siya ang nag-alaga rito.Ngumiti ito nang makita siyang pumasok ng silid. Ginantihan niya rin ito ng matamis na n
Nang magising si Samuel ay kinapa niya ang kanyang tabi. Hinanap ng mga kamay niya si Shalanie ngunit wala ito. Nang maimulat ang mga mata ay iginala niya ito sa buong silid. Hindi na niya nakita ang gustong makita ng mga mata niya. Ang mga damit niya ay nakatupi na sa ibabaw ng mesa at ang mga pagkain na hindi niya naubos kagabi ay wala na rin doon sa mesa. Naalala niya ang nangyari sa kanila ni Shalanie sa nagdaang gabi. Kung paano niya ito inangkin ng buong puso sa pangalawang pagkakataon. Napangiti siya ng malapad. Siguro naman ay may halaga na ang mga nangyaring iyon para kay Shalanie. Napabalikwas na siya ng bangon. He wanted to see Shalanie right away. Mabilis siyang pumasok sa banyo, nagsipilyo siya at mabilis ding naligo. Pagkabihis ay mabilis na rin siyang lumabas ng silid at nagmamadaling tinungo ang kusina dahil naisip niya na baka nag-aalmusal na si Shalanie sa mga oras na iyon, pero si Don Roberto ang naabutan niya roon. Mag-isa itong kumakain.“Come join me, Sam," pag
Chapter17Isang lingo na ang nakalipas simula nang bumalik sila Shalanie at Samuel sa Toronto mula sa Farm visit. Hindi sila nagsabay sa pag-uwi dahil naunang umuwi si Shalaie pero kaagad rin namang sumunod si Samuel kinabukasan. Ang inakalang special na pagtitingin sa isa’t isa ay nauwi sa malamig na pakikitungo. Halos hindi kibuin ni Samuel si Shalanie. Kinakausap lang siya nito sa tuwing may iuutos siya o ipagagawa sa trabaho. Kating-kati siyang kausapin ito tungkol sa kanilang dalawa ngunit nagpoprotesta naman ang pride niya. Hangang ngayon ay wala pa rin siyang maisip na nagawa niyang kasalan para layuan siya nito at pagmukhaing guilty.Ilang araw pa ang lumipas at hindi na niya ito natiis pa. Nag-isip siya ng paraan para makausap ito ng labas sa trabaho. Hanggang naisip niyang yayain itong kumain sa labas. Ngunit hindi iyon natuloy dahil sinurpresa siya nang pagdating ng kanyang kaibigang si Clarice. Simula ng umuwi ito sa Pilipinas, siyam na buwan na ang nakararaan ay ngayon l
“Parang magkasinggulo lang pala tayo ng pinagdadaanan ngayon,” aniya kay Ethan bago tumungga ng alak na nasa kanyang baso. Magkaharap sila ngayon sa bar counter ng bahay ni Ethan na kasalukuyang tinutuluyan ni Samuel. Pumili sila ng pinakamatapang na alak sa mga alak doon ni Ethan at iyon ang iniinom nila.Halos magkapareho lang sila ng problema ni Ethan. Ang boss din kasi nito ang kasalukuyang nitong karelasyon at nagkakaproblema ang mga ito sa ngayon. Ang pagkakaiba lang ng sitwasyon nila ay may relasyon ang mga ito samantalang sila ni Shalanie ay walang label. Kaya naman nagkayayaan silang uminom. “Ano naman ang plano mo ngayon sa boss mo?” tanong ni Ethan kay Samuel kasabay ng muli nitong pagsalin ng alak sa kanyang baso. Humugot siya ng malalim na hininga “Iniiwasan pa rin niya ako kaya iniiwasan ko rin siya. Hindi ako makatyempo kung paano ko siya kakausapin tungkol sa aming dalawa. Marami na ngang nakakapansin sa opisina na LQ daw kami. Damn it! Hindi ko alam kung bakit pagda
Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala
TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two
Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d
Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang
"Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang
"Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku
Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland
HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience
LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni