Ikinuwento ni Shalanie sa kaibigang si Clarice ang lahat ng mga nangyari sa kanila ni Samuel sa opisina niya. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya habang nagkukwento siya. Magang maga na ang mga mata niya at pulang pula na rin ng ilong niya. Hawak niya ngayon ang isang pack ng facial tisue.Nakaramdam nang awa si Clarice para sa kaibigan. Hindi ito makapaniwa na mangyayari ang gano’n sa kaibigan nito, lalo’t kilala nito itong matapang at matatag na babae. Tapos ngayon ay nasasaksihan nito ang pag-iyak ni Shalanie. Hindi naman nito alam kung ano ang ipapayo nito para gumaan ang loob ni Shalanie.Kasalukuyan silang nasa kuwarto ni Shalanie. Dito siya dinala ni Clarice pagkatapos siyang sunduin sa opisina, para makapagpahinga siya. Naisip din kasi ni Clarice na baka dahil na rin sa pagod kaya ito nag-break down.“Mas mabuti siguro kung magpahinga ka muna. ‘Wag ka na rin munang pumasok sa trabaho. Ako na ang magpapaalam para sa iyo.” Bakas pa rin ang pag-aalala kay Clarice. Naawa
Hindi na natuloy ang pinlano na leave ni Samuel. Plano kasi niyang bumalik ng farm sa Niagara kaya gusto sana niyang mag-leave sa trabaho. Gusto niyang aliwin ang sarili sa pamimitas ng ubas dahil hindi na nagiging maganda ang sitwasyon nila ni Shalanie. Na-isip niya na kung sakaling aalis siya ng sandali ay mami-miss siya nito.Nag-sisi siya sa naging sagutan nila ni Shalanie. Alam niyang nasaktan niya ito. Inisip niyang dapat ay hindi niya iyon ginawa. Dapat ay hindi niya sinabi ang mga salitang iyon patungkol sa boss niya. Dahil doon ay alam niyang malaki ang galit sa kanya ni Shalanie sa ngayon at lalo pa silang naging magulo at baka nga kinamumuhian siya nito. Nanlumo siya at nainis sa sarili nang makita niya ang pag-iyak ni Shalanie noong nagkasagutan sila sa opisina nito. Hindi niya iyon sinasadya. Nabigla lang siya at hindi niya inaasahan na ganoon ang epekto noon kay Shalanie. Napasabunot siya sa kanyang buhok dahil alam niyang katangahan ang kanyang ginawa. Hinabol niya si
Nang matapos ang dinner ni Samuel at Don Roberto ay hindi na umuwi pa si Samuel sa tinutuluyan niyang bahay ni Ethan. Doon na siya natulog sa mansiyon ni Don Roberto.May mga gamit naman siya doon at may sarili rin itong silid doon. Ayaw lang talaga niyang manatili doon dahil baka masira ang inumpisan niyang simpleng pamumuhay niya sa Canada na malayong-malayo sa pamumuhay niya sa Pilipinas na nagsimula nang makilala niya ang lolo niya. Marami pa silang napag-usapan ng lolo niya habang kumakain sila lalo na ang tungkol kay Shalanie. Maraming alam ang lolo niya tungkol sa babaeng minamahal kaya naman hindi na niya pinalagpas pa ang pagkakataon na magtanong ng tungkol dito. Kahit kasi halos mag-iisang taon na siyang assistant nito ay marami pa rin siyang hindi alam tungkol sa dalaga. Hindi ito pala kwento ng tungkol sa buhay nito. Nahihiya rin naman siyang mag-usisa.Nalaman din ni Samuel mula sa lolo niya na tapos na ang vacation leave ni Shalanie at muli na itong papasok sa trabaho.
“Ang aga mo naman yata?” tanong ni Shalanie sa lalaking kapapasok lang ng opisina niya. May bitbit itong isang bungkos ng naggagandahang bulaklak. “Syempre na miss kita ng sobra,” sagot naman nito sa kanya. Napakalapad ng mga ngiti nito at napakaguwapo sa suot nitong business suit. Marahil ay papasok ito sa trabaho kaya naman napakaaga nito. Nginitian niya rin naman ito.“For you,” sabi pa nito at iniabot ang bungkos ng bulaklak sa kanya.”“Wow, thank you,” nagpasalamat siya bago tanggapin at abutin ang mga bulaklak. Inamoy niya ang mga ito pagkakuha at lalo siyang napangiti sa bango ng mga ito. Mukhang mga bagong pitas sa garden. Gumaan ang kanyang pakiramdam.“Ang gaganda naman ng mga ito. Ini-spoiled mo na talaga ako,” sabi niya kahit sanay naman na siya dito na laging may pabulaklak. “You are more beautiful than that.”Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair at lumapit sa binata. Niyakap niya ito na ginantihan naman ng binata. Tumagal ito ng ilang saglit at nagkalas sila.“I ca
“Oh, you're awake. How are you?” tanong ng babae na nasa kanya na ngayong harapan.Lumapit ito sa kanya mula sa pinto. Hindi naman na naalis ang tingin dito ni Samuel. Pinakatitigan niya ito at pilit na inaalala kung sino ito. Magkakilala ba sila? Saan sila nagkakilala? Ngunit imbis na maalala ay lalo lamang sumakit ang ulo niya. Hindi niya matandaan ang babae. Hindi siya sumagot sa tanong nito sa halip ay tinanong niya rin ito.“Who are you?” tanong naman ni Samuel sa babae. Naroon pa rin sa mukha niya ang pagtataka. Nakakunot ang noo niya at nakatitig pa rin siya sa babae.Napansin niya naman ang kakaibang pagkakatitig nito sa kanya kaya napatingin siya sa kanyang kabuoang hitsura at napagtanto niya na wala siyang saplot sa katawan kundi ang kanyang underware. Dahil doon ay napamura siya. Mabilis niyang hinablot at ibinalot ang kumot sa ibabang bahagi ng katawan niya.“What the f**k! Anong ginagawa ko dito?” muli niyang tanong. Hindi naman sumagot ang babae. Nag-cross arms pa ito sa
Chapter24“Hey, look who’s here?” gulat na sambit ni Genji nang makita niya si Sam. Napatayo pa ito mula sa prenteng pagkakaupo sa couch at napangiti ng malapad. May hawak itong baso na may lamang alak.“Bro. How are you? Kailan ka pa bumalik?” tanong naman ni Clyde at tumayo rin ito. Halatang nagulat din ito sa pagdating niya. Nakipag-fist bump ang dalawa kay Sam at yumakap.Si Clyde at Genji ang mga kaibigan ni Sam. Halos magkakapatid na ang turingan nila sa isa’t isa. Nagsimula ang pagkakaibigan nila noong college sila dahil magkaklase ang mga ito. At simula nga noon ay halos magkakadikit na ang mga bituka nila.Gabi-gabi silang nasa Bar dahil si Clyde ang may ari ng bar na iyon. Ito ang naging business ng kaibigan after maka-graduate. Kaya naman lagi ring laman ng bar si Sam noon. Ang bar ang paborito nilang tambayan. Oo, maingay pero masaya.“Kanina lang, bago mag-lunch ako dumating,” sagot naman ni Sam sa kanila. From Six p.m. na flight niya kagabi ay eleven a.m. na siya nakarat
“Arah, nasaan na ba yung pinagagawa ko? Bakit ba ang bagal mo?!” sigaw ni Shalanie sa temporary assistant niyang si Arah habang kausap niya ito sa telepono. Si Arah ang kinuha niya mula sa mga tao niya para maging assistant niya pansamantala. Dahil sa biglaang pagre-resign ni Samuel ay nahirapan ng husto si Shalanie. Si Samuel kasi ay hindi na niya kailangan pang utusan sa mga gagawin nito. Kaya naman si Arah ang kinuha niya ay dahil alam niyang sanay na ito sa kanya. Kahit pa sungitan niya ito ay hindi naman ito mareklamo. Ngunit simula ng umalis si Samuel ay bumalik si Shalanie sa dati nitong ugali. Naging terror na naman ito sa mga tao niya. Palagi niyang kinagagalitan ang mga ito sa mga maling trabaho at sa bagal ng mga ito gumalaw at gumawa ng mga report. Parang ang lahat na lang ay mali sa kanya at wala ng tama.Ginawa na naman niyang robot ang mga tao niya kung utusan niya. Kung dati ay nguminingiti na siya at palaging nasa mood ngayon ay nasa seryosong anyo na naman siya na
Ilang linggo ang lumipas. Palaging puyat si Shalanie, halos hindi na ito natutulog dahil palagi itong nag o-over time sa trabaho niya. Ayaw niyang pagpahingahin ang isip niya dahil iisang tao lang ang gumugulo doon na gusto na niyang makalimutan. Nag-aalala na nga sa kanyang ang kaibigang si Clarice pero wala rin itong magawa. Palagi nitong pinapayuhan si Shalanie na 'wag abusuhin ang sarili pero hindi naman nakikinig. Kung minsan nga ay pati silang dalawa ay nag-aaway na rin.Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging worst pa siya sa mga tao niya. Wala siyang pinalalagpas. Kinagagalitan niya ang sino mang pumalpak sa trabaho. “Anong bang trabaho ‘to? Ang dalidali lang naman nang pinapagawa ko sa iyo. Bakit hindi mo magawa ng maayos?!” halos pasigaw na sabi ni Shalanie sa assistant niya. Nagkaroon na din siya sa wakas ng bagong assistant at babae ito.“P-Pasensya n-na po, Ma’am,” paghingi ng paumanhin ni Emy ang bagong assitant ni Shalanie. Nangiginig ito at nagkabulol-bulol pa s
Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala
TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two
Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d
Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang
"Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang
"Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku
Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland
HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience
LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni