Kaagad sinamyo ni Shalanie ang simoy ng hangin nang makababa na siya ng eroplano. Na-miss niya ang hangin sa Pinas.“Welcome home,” anya niya sa kanyang sarili pagkatapos ay ngumiti. Hindi pa man siya nakakalabas ng airport ay ramdam na niya ang klima dito sa Pilipinas. Summer ngayon kaya mainit ang panahon at ito naman ang hinahanap hanap ng katawan niya. Sa Canada kasi kahit na maaraw ay malamig pa rin ang temperatura.Noong una niyang salta doon ay nagkasakit siya dahil sa paninibago ng katawan niya sa klima lalo na kapag-winter doon dahil sa sobrang lamig pero hindi nagtagal ay nasanay na din ang katawan niya. Parang wala na lang da kanya ang lamig.Hindi na nga niya naisipan pang dalhin ang makakapal niyang mga coat na palagi niyang isinusuot. Wala namang snow sa Pilipinas kaya tiyak na hindi niya ang mga iyon magagamit. Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng airport habang hila-hila niya ang kanyang suit case. Naka-black pants lang siya at plain white blouse. Nakasuot din siy
Matapos nilang kumain sa restaurant ay nagpasya na silang magtungo sa condo ni Albrey. Doon muna siya mananatili ng ilang araw bago siya lilipat sa hotel na tutuluyan niya. Gusto muna niyang makasama ang kapatid niya. Wala naman daw problema kay Albrey, dahil ito pa mismo ang nag-alok na doon muna siya manatili sa unit nito. Wala silang bahay ni Sav, simula noong mamatay ang mga magulang nila ay nangupahan na lang silang dalawang magkapatid. Naging mahirap iyon para kay Shalanie lalo’t kakatapos lang niya sa pag-aaral noon at wala pang nakukuhang trabaho.Lahat ng maaari niyang pasukan noon ay pinasukan niya. Naging tindera sa palengke, diswasher sa isang karenderya, naging kasambahay din siya at kung ano-ano pa, para lang may pangtawid-gutom silang magkapatid.Hindi man madali pero pinilit niyang kayanin lahat iyon. Kaya naman noong swertehin siyang makapasok sa MWSI ay nagpursige siya. Lahat ng sipag at tiyaga ay ginawa niya para makarating lang sa posisyon niya ngayon sa kumpanyan
Nang matapos siyang mag-impake ng kanyang mga gamit at masiguro na ayos na ang lahat ay nagpasya na siyang umalis sa unit ni Albrey. Wala naman nang nagawa ang kapatid niya kundi ang hayaan siya. Nag-taxi na lang siya patungo sa kanyang hotel na tutuluyan. Wala pa rin kasi siyang sasakyan. Hindi naman nagtagal ay nakarating din siya roon. Kaagad siyang nagtungo sa reception area at kinausap ang isang receptionist. Matapos maibigay sa kanya ng key card ng room niya ay tinungo na niya ang elevator.Nasa ikalimang palapag ng hotel ang room niya. Room 502. Malapit lang naman ito sa elevator kaya't madali niya itong nakita. Nasiyahan siya dahil maganda at malinis ang hotel na iyon. May kamahalan din ito kaya naman dapat lang na ma-satisfy siya rito. Nilibot muna ng paningin niya ang buong room nang makapasok siya. Malawak ang room at para na ring isang condo unit ang style nito, may mga partition wall ang kwarto at kitchen pero yari lang sa glass ang mga ito kaya kita rin ang loob.Ayos
Dumating ang araw ng kasal ng kapatid niyang si Sav. Ang plano niya ay hindi pumunta sa kasal na iyon ngunit hindi niya kayang tiisin ang kapatid, lalo’t bilin ng namayapa nilang ama na siya ang maghahatid sa kapatid niya sa araw na ikasal ito. Kaya kahit tutol siya sa kasala na iyon ay pupunta pa rin siya para sa kapatid. Nagsuot siya ng white blouse at white pants na tinernohan niya ng black na stiletto shoes at shoulder bag na color white din. Nag-make up lang siya ng light lang na normal lang niyang ayos sa araw-araw. Maganda na siya kaya hindi na kailangan pa ng gaanong kolorete sa kanyang mukha. Baka mapagkamalan pa siyang bride.Naisipan muna niyang dumaan sa isang jewelry shop. Bibilhan niya ng regalo ang kapatid niya. Kahit na masama pa rin ang loob niya sa naging desisyon nito at pagsuway nito sa kanya ay mahal niya ito at gusto niyang bigyan ito ng isang magandang regalo. Jewelry ang naisip niyang ibigay. Pumili siya ng alam niyang babagay kay Sav. Pagkatapos niyon ay sum
Napanganga si Samuel at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya. Ang mata niya ay napatutok sa isang babaeng parang anghel sa ganda. Parang isang modelo habang naglalakad ito sa aisle papalapit sa kaniya. Agaw pansin talaga ang ganda at tangkad nito. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya ito ngayon sa lugar na iyon.Hindi niya alam kung totoo ba ito o panaginip lang. Ayaw niyang kumurap dahil baka sa pagkurap niya ay bigla itong maglaho sa paningin niya. Tila nangangarap siya ng gising. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Biglang nabuhay ang kanyang damdamin para sa dalaga. Hindi niya maitatanggi na talagang namis niya ito ng labis. Hindi man niya inaasahang makikita niya ito ay labis na natutuwa ang puso niya sa mga sandaling iyon. Gusto niyang tumakbo sa gitna at salubungin ito ng mainit niyang yakap. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya ang pagdaan ng emosyong hindi niya mapangalanan sa mga mata nito, halatang nagulat din ito nang makita siya roon. Biglang sumagi sa i
Unang araw ni Shalanie sa bago niyang opisina sa MWSI Phil. Maaga siyang pumasok. Ipinakilala siya ng department head sa buong department na hahawakan niya. Masaya naman siyang ni-welcome ng mga ito. Iminungkahi agad niya ang ilang do's and don'ts niya pagdating sa trabaho. Sa tingin naman niya ay naunawaan ng mga ito ang mga sinabi niya.Pinagmasdan niya ang bawat isa sa mga ito at mukha naman magagaling ang mga ito at maaasahan sa trabaho. Sana nga lang ay hindi siya nagkakamali sa pagkilatis sa mga ito. May mga napansin siyang mga ilang nagbubulungan, lalo na ng sabihin niya ang mga hindi niya gusto sa trabaho. Pero ayos lang sa kanya dahil sanay naman na siya sa ganoon. Basta ba magtatrabaho ng maayos ang mga ito at hindi pasasakitin ang kanyang ulo. Nang matapos naman siya at wala ng sasabihin pa ay agad na niyang pinabalik ang mga ito sa kanilanilang mga trabaho at maging siya ay pumasok na rin sa kanyang opisina.Unang araw pa nga lang niya ay tambak na kaagad ang trabaho niya
Wala na ngang nagawa si Shalanie kung hindi ang sumama kay Samuel para mag-lunch. Nagtungo sila sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan ni Samuel. May ngiting pinagbuksan siya ni Samuel ng pinto ng sasakyan at inalalayang makapasok sa loob pagkatapos ay umikot ito at ito naman ang sumakay. Hindi na nawala pa ang mga ngiti sa mga labi ni Samuel. Panakanaka niya itong sinusulyapan sa kanyang tabi. Nakatutok sa unahan ang paningin nito pero bakas sa mukha nito ang saya. Siya naman ay hindi alam kung ano ang mararamdaman. Mukhang mahihirapan siyang pigilan ang pagwawala ng kanyang damdamin.Saglit lang naman ang ibiniyahe nila. Pumasok sila sa basement ng isang mall at doon nag-park. Unang bumaba ng sasakyan si Samuel at mabilis itong umikot para pagbuksan siya.Dinala siya ni Samuel sa isang mamahaling restaurant sa Eastwood. Kaagad lumibot ang paningin niya sa buong paligid at napatingin sa orasang pambisig. Nagtaka siya kung bakit walang ibang kumakain. Lunch time kaya imposible
Tulog na si Shalanie nang marating nila ang hotel na tinutuluyan nito. Malapit lang naman ito sa opisina nito ngunit dahil sa sobrang pagod ay nakatulog na ito. Ipinasok na ni Samuel ang sasakyan niya sa basement ng hotel kung saan naroon ang parking. Nang mai-park niya ang sasakyan niya ay binalingan niya si Shalanie. Masarap ang tulog nito kaya’t nagdadalawang isip siya kung gigisingin ba niya ito. Napagpasyahan niyang magpalipas muna ng ilang sandali. Tinangal niya ang kanyang seatbelt at mas humarap pa sa natutulog na si Shalanie. Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha nito. Doon ay napagmasdan niya ang maganda at maamo nitong mukha. Totoong maamo ang mukha nito kapag tulog ito. Hindi mo aakalain na masungit ito kapag ito ay gising.Niyaya niya itong mag-dinner pagkalabas nila ng opisina nito pero tumanggi ito. Dahilan nito ay pagod na ito at busog pa ito sa kinain nila noong lunch. Hindi naman na niya ito pinilit pa. Ayaw na rin sana nitong magpahatid ngunit
Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala
TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two
Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d
Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang
"Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang
"Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku
Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland
HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience
LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni