Home / Romance / Trapped with my Boss / Chapter 5 - Workaholic

Share

Chapter 5 - Workaholic

Author: Gelnat14
last update Last Updated: 2023-09-11 12:03:34

Sanay na si Samuel sa walang puknat na interogasyon ng kanyang ina at mga auntie niya sa tuwing nakakausap niya ang mga ito. Patunay roon ang pag-e-enjoy niya sa pagkukwento sa mga ito habang salo-salo silang kumakain ng pananghalian. Ang ina niya at mga tiyahin ang nagluto ng mga pagkain kaya ganadong kumain si Samuel.

 “Kaidad mo lang kamo ang boss mo?”ani ng Auntie Fely niya habang sumasandok ng ulam na minudo. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina.

“Opo, Auntie. Ilang araw lang din ang pagitan ng kaarawan naming dalawa. Binilhan ko nga siya ng cake noong birth day niya bilang regalo. Nagpasalamat siya pero hindi man lang ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung natuwa ba siya o hindi,” k’wento pa ni Samuel sa mga ito.

“Naku, baka hindi masarap ang cake na ibinigay mo. Baka hindi niya gusto ang flavor. Dapat ay tinanong mo kung ano ang paborito niyang flavor. Teka, ang boss mo binilhan mo ng cake pero ang mama mo hindi?” ani pa ng Auntie Fely niya.

 

“Naku, imposibleng makalimutan ko ang mama ko. Syempre meron ding cake ang mahal kong Mama,” masayang wika niya.

Tumayo siya at nagtungo sa harap ng ref. Binuksan niya iyon at kinuha niya roon ang cake na binili niya kanina sa nadaanang bake shop habang pauwi siya. Idineretso niya ito sa ref kayat hindi kaagad nakita ng kanyang ina at mga tiyahin. Ang regalo naman niyang damit na binili niya sa isang sikat na boutique ay naiabot na niya kanina pa kasama na rin ang pabangong ibinigay ni Shalanie. Kitang-kita ang kaligayaan sa mukha ng kanyang ina nang makita ang ineregalo niya.

“Salamat, anak. Hala, kumuha ka pa ng kanin. Nangangayayat ka na kakatrabaho mo at kaka-OT mo. Baka puro instant noodles lang ang kinakain mo rito,” pag-aalala naman ng kanyang ina.

Natawa siya sa sinabi ng ina. Ganoon na ba talaga siya kapayat ngayon at naisip nito na instant noodles lang ang kinakain niya. Kumakain pa rin naman siya ng masarap na pagkain pero iba pa rin ang luto ng kanyang ina kaya hindi siya ganoon kaganang kumain nang mapunta siya sa Canada. Hinahanap-hanap din ng panlasa niya ang mga pagkaing pinoy.

“Hindi naman po, Ma. Tingnan mo ang laki pa rin ng mga muscles ko,” pagtangi niya at ipinakita pa niya sa ina ang namumutok niyang mga muscles. Tuwang-tuwa ang mga auntie niya sa kanya. Nagkatawanan sila.

Masaya at maingay ang hapagkainan nila kapagsama-sama silang kumakain. Hindi talaga nauubusan ng kwento at pagpapatawa si Samuel.

Nagulat sila ng may malakas na bumati sa ina ni Samuel mula sa pinto ng dining. It was Amara a former flame of his. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Napakalayo kasi ng Pilipinas to Canada para lang puntahan sila nito. Bigla naman niyang naalala na baka nagkataong may business trip ito.  

“Happy birthday po, Tita.” Lumapit ito at kaagad na nagbeso sa ina ni Samuel. May iniabot din itong paper bag na siguro ay naglalaman ng regalo para sa kanyang ina. Malapit ito sa nanay niya kahit matagal ng tapos ang relasyon nila. Malamang ang ina niya ang nagsabi ng address nila dito sa Toronto. Nag-beso din ito sa dalawa pa niyang tiyahin bago siya naman ang pinansin.

 “Kumusta naman ang Canada boy natin?” paunang bati naman nito kay Samuel habang may malapad na pagkakangiti.

“Syempre guwapo pa rin,” pagmamayabang niya at ngumiti rin ng malapad dito.

Hinagod siya nito ng tingin. “Mukhang tama ka. Mas lalo ka yatang gumuwapo. Mukhang hiyang na hiyang ka dito.”

“Ang ibig mo bang sabihin nakakaguwapo ang sobrang puyat sa trabaho?” sabad ng Auntie Fely niya.

“Parang ganoon nga po, Tita,” sagot ni Amara. Nagkatawanan silang lahat.

Pinaupo na ng ina ni Samuel si Amara upang makasabay na nila ito sa pagkain. Kaagad din naman itong naupo at pumuwesto ito sa katabing upuan ni Samuel.

Nasa first year college siya ng maging nobya niya si Amara. Tumagal ng tatlong taon ang relasyon nilang dalawa. Naghiwalay sila dahil nawalan sila ng oras para sa isa’t isa. Marami na kasi silang mga aralin noon at pareho silang naging busy. At isa pa ay magkaiba sila ng skwelahan kaya bihira lang silang magkitang dalawa.

Sa kabila niyon ay naging magkaibigan pa rin silang dalawa. Kung minsan ay tinutukso sila ng mga tiyahin na magbalikan na lang daw silang dalawa total ay pareho naman silang single. Ngunit Malabo na atang mangyari iyon. Ramdam ni Samuel na may pagtingin pa rin sa kanya si Amara ngunit si Samuel naman ay tanging kaibigan na lang ang turing niya rito at wala ng kahit anong special feelings na nararamdaman.   

Sa kalagitnaan ng kwentuhan ay nabalik siya sa hot seat at naulit na naman ang usapan tungkol sa trabaho niya. Nagtanong uli ang ina niya tungkol sa estado niya sa MWSI at ang madalas na pag-o-overtime niya. Pati ang tungkol sa boss niya. Ganoon ka kulit ang ina niya at mga tiyahin.

“Baka naman kailangan lang mag-asawa ng boss mo, anak, para bumait na siya,” wika ng kanyang ina.

“Naku, malabo pa sa sabaw ng pusit iyon, Ma. Sino naman ang magtatangkang magyaya roon na magpakasal? Wala nga yatang nanliligaw doon. Terror ‘yon, e.”

“Ligawan mo kaya.” Suhestiyon ng Auntie Lydia niya. Ang bunso namang kapatid ng kanyang ina. Bahagyang nasamid si Samuel kayat kaagad siyang uminom ng tubig. Si Amara naman ay nanahimik lang at nagpatuloy lang sa pagkain nito. Bahagya lang itong tumugil at tiningnan nito si Samuel at hinintay ang magiging sagot.

“Malabo po, Auntie. ‘Pag ginawa ko ‘yon para akong kumuha ng malaking batong ipupukpok ko sa ulo ko. Literally speaking.”

Natawa ang mga tiyahin niya. Hindi naman kumbinsido roon si Amara dahil iba ang pakiramdam nito roon. Iba ang nakikita nito sa mga mata ni Samuel habang sinasabi iyon. Pakiramdam tuloy nito may mga maliliit na karayom na tumutusok sa dibdib nito.

Wala namang reaksyon ang kanyang ina. Tahimik lang ito. Nakita na kasi nito si Shalanie sa picture na nasa cell phone ni Samuel. Kuha iyon nang birthday ni Shalanie na nagbigay si Samuel ng cake. Ang sabi ng ina ni Samuel ay bagay daw sila ng boss niya. Hindi naman niya sineryoso iyon. Malabong magustuhan siya ni Shalanie. Alam niyang mataas ang standards nito sa lahat ng bagay lalo na siguro pagdating sa lalaking gugustuhin nito.

Nang matapos silang kumain ay lumipat sila sa sala at doon itinuloy ang masayang kwentuhan nila habang mga prenteng nakaupo sa sofa.

Naiba na ang paksa ng usapan nila ngunit si Samuel pa rin ang puntirya. Paminsan-minsan naman ay si Amara ang tinutukso ng mga ito. Ibang klase talaga kung makapanukso ang mga tiyahin ni Samuel.

“Kailan ka ba kasi lalagay sa tahimik, Sam? Hindi ka na bata. Huwag mong sabihin na balak mong gayahin kami ng Auntie Lydia mo,” ani ng Auntie Fely niya. Matandang dalaga kasi ang dalawang tiyahin niya. Nasa edad fourties na ang mga ito. Pihikan kasi ang mga ito kayat hindi na nakapag-asawa pa. Wala raw lalaking pumasa sa standards nila.

“Darating din tayo d’yan, Auntie. Si Amara ang dapat na binubuyo ninyo na mag-asawa na. Matanda na ang isang ito.”

“Excuse me, mas matanda ka sa akin ng isang taon,” pagmamaktol naman ni Amara at tinaasan pa siya nito ng kilay.  

“Maraming manliligaw itong si Amara. Ikaw itong walang nililigawan. Akala ko ba maraming may crush sa iyo doon sa Manila. Wala ka bang nagugustuhang babae roon? Baka naman foreigner ang type mo. Aba, e bumuo ka na ng mga anak habang kaya pa naming mag-alaga ng apo,” pambubuyo pa ng Auntie Fely niya na sinang-ayunan naman ng Auntie Lydia niya. Tinawanan na lang niya ang mga ito.

Nakahinga siya ng maluwag nang mawala sa kanya ang atensiyon ng lahat nang ibida ng kanyang ina ang inerigalong pabango ng boss niya rito.

“Mabait naman pala, e. Tamo nga at naisip niyang regaluhan ang mama mo ng mamahaling pabango,” komento ng Auntie Lydia niya.

“Normal lang naman ang ganoon, Auntie,” wika niya.

 “Magluluto ako ng special na kaldereta at dalhan mo ang boss mo, anak. Baka nami-miss na din niya ang pagkaing pinoy. Gustong-gusto ko ang amoy ng pabango na ibinigay niya. Amoy dalaga na ulit ang mama mo,” masayang ani ng kanyang ina. Mukhang hindi lang ang pabango ang nagustuhan ng ina niya, mukhang nagugustuhan din nito ang boss niya.

Natawa na lamang siya at napailing. Kahit makulit ang mga meyembro ng pamilya niya, it was the family he would never trade for any wealth in the world. Kahit lumaki siyang walang ama. Bawing-bawi naman siya sa pagkakaroon ng mapagmahal na ina at mababait na tiyahin.

Ang isa pa niyang ipinagpapasalamat ay ang pagkakakilala nila ng matalik na kaibigan ng kanyang yumaong ama. Utang niya kay Julio Enrique ang kung anong mayroon siya ngayon. Ito ang nagpaaral sa kanya sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ito rin ang naging susi para makilala niya ang kanyang ama kahit patay na ito, pati na rin ang pamilya nito.

Nakita niya ang kanyang ama sa unang pagkakataon kahit sa larawan lang noong magpunta siya sa bahay ni Mr. Enrique. Natuwa siya ng maalala ang sinabi ng kanyang ina na para silang pinagbiyak na bunga ng kanyang ama. Talagang magkamukha sila at hindi maipagkakaila na sila ay mag-ama.

“Sam, si Julio ba, e, pinuntahan ka na niya dito?” bigla ring naitanong ng kanyang ina. Walong buwan na siya sa Toronto ay hindi pa siya napupuntahan nito. Marahil ay abala ito sa trabaho. Isa rin kasi si Mr. Enrique sa company lawyer ng MWSI at maging ng pamilyang Mattsons na may ari ng MWSI.

“Hindi pa po, Ma. Ang alam ko po ay naririto rin siya ngayon sa Toronto pero hindi pa po niya ako tinatawagan,” nakangiting sagot niya sa kanyang ina.

“Sana ay dumalaw siya rito bago kami makabalik ng Pilipinas.”

“Oo nga po, Ma,” tugon niya pa niya sa ina.

Maya-maya ay tumunog ang cell phone niya. Madali niya itong dinukot sa bulsa ng suot niyang pantalon. Binuksan niya ito at tiningnan kung sino. May mensahe galing kay Shalanie. Kaagad niya rin itong binasa. Nagpadala raw ito ng ilang dokumento sa e-mail niya na kailangang i-edit ang wordings. Napailing na lamang siya sa mensahe nito. Napaka-workaholic talaga ng boss niya. Kailan kaya ito mag-e-enjoy sa buhay at hindi iisipin ang trabaho? 

Related chapters

  • Trapped with my Boss   Chapter 6 - Date

    “Sir Julio, good afternoon. Narito po pala kayo,” bati ni Samuel kay Mr. Enrique nang makasalubong niya ito malapit sa elevator ng 9th floor kung saan naroon ang opisina ni Shalanie.Ngumiti ito ng makita siya.“Bakit hanggang ngayon ay Sir Julio pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit hindi na lang Tito?” tanong nito kay Samuel. “Superior ko po kayo, parang nakakailang kung hindi ko kayo tatawaging Sir,” nahihiyang sagot niya rito.“Naku ‘tong batang ‘to. We both know that’s not the case.” Tumawa ito at mahinang tinapik siya sa braso. Ngumiti naman siya.Bigla ay naalala niya ang pagdalaw nito sa bahay na tinutuluyan niya noong nakaraan lang pagkatapos ng kaarawan ng kanyang ina. “Gusto ko po pa lang magpasalamat sa pagdalaw n’yo sa bahay noong nakaraang araw,” magiliw niyang wika.“Wala iyon. Kamusta, nakauwi na ba ng Pilipinas ang Mama mo at mga Auntie mo?”“Opo, kahapon ng umaga. Safe naman po ang naging flight nila.”“Mabuti kung ganoon.”Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Hindi k

    Last Updated : 2023-09-13
  • Trapped with my Boss   Chapter 7 - Promise

    Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraang buwan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon.Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman, hija."Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon.“Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kaila

    Last Updated : 2023-09-14
  • Trapped with my Boss   Chapter 8 - Wine

    Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Iniwan na lang ni Samuel sa parking lot ng company building ang sasakyan niya. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya.Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Kaagad silang binati nito. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi naman na niya pinagtuunan pa ng pansin iyon. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager at binalingan na siyang muli ni Shalanie.“Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna nang maglakad at umakyat sa

    Last Updated : 2023-09-15
  • Trapped with my Boss   Chapter 9 - WARNING!!! RATED SPG!

    Masarap na ang tulog ni Shalanie nang marating nila ang bahay nito. Imbis na gisingin ay nagpasya si Samuel na buhatin na lang ito. Nalaman niyang kahit sa payat nitong katawan ay may kabigatan din pala ito pero hindi naman siya nahirapang buhatin ito. Napangiti siya. Madali naman siyang nakapasok sa loob ng bahay nito dahil alam niya ang code ng pinto nito. Nang makapasok ay kaagad na siyang umakyat at tinungo ang kuwarto ni Shalanie. Unang beses pa lang niyang makakapasok sa silid nito. Sa tuwing may ipakukuha kasi itong mga dukomento ay nasa library lang ang mga iyon.Inilapag niya sa kama si Shalanie. Una niyang hinubad ang sapatos nito at itinabi sa ilalim ng kama nito. Umungol ito habang inaayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Hindi kaagad siya umalis at pinagmasdan ito sa malapitan. Napakaganda talaga nito. Naisip niya na ang isang babae na kagaya nito ay napakahirap abutin ng isang lalaki lalo na ng isang ordenaryong lalaki lamang. Taglay na kasi nito ang halos lahat. Tal

    Last Updated : 2023-09-16
  • Trapped with my Boss   Chapter 10 - No regrets

    Nakatanggap si Shalanie ng isang bungkos na bulaklak mula kay Jake. Ang aga nitong nagtungo sa opisina niya para dalawin siya. Naghanap siya ng flower vase at inilagay niya ang mga bulaklak doon pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa tabi ng kanyang mesa. Bahagya pa niyang inayos ang mga iyon bago tuluyang binitawan.Matagal na niyang kaibigan si Jake at hindi lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya. Pero noon pa man ay sinabi na niya rito na pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito. Pero kahit ganoon ay ayaw pa rin siyang tantanan nito at titigil lang daw ito kapag nagkanobyo na siya.Matagal na siyang hindi nagkakanobyo. Wala pa kasing taong pumapasa sa standards niya. Busy rin kasi siya sa trabaho at walang time para sa love life niya. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil hindi maman siya nagmamadali. Pasasaan ba at dadating din ang tamang lalaki para sa kanya.Si Jake ay isang business man na half Filipino half Canadian. Kahit Canadian citizen ito ay magaling itong magsalita

    Last Updated : 2023-09-18
  • Trapped with my Boss   Chapter 11 - Compatible

    Eksakto alas-sais ng hapon umalis ng opisina si Samuel at Shalanie. Gaya ng napagkasunduan, sasakyan ni Shalanie ang ginamit nila at si Samuel ang nag-drive nito. Naging tahimik silang pareho at walang gustong magsalita simula nang sumakay sila sa sasakyan.Nakatuon lang ang atensiyon ni Samuel sa unahan ng sasakyan habang nagda-drive ito. Samantalang si Shalanie naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Kung minsan ay ang mga kuku niya sa kamay ang paulit-ulit na pinagmamasdan. Tiyak na pareho silang mapapanisan ng laway.Isang oras na silang bumibiyahe patungo sa Niagara para sa farm visit. Hindi pa sila naghahapunan kaya naman naisipan nila na dumaan muna sa makakainan nila. Isang fast-food ang nadaanan nila at dito huminto si Samuel at ipinarada ang sasakyan.Ang gusto sana ni Shalanie ay mag-drive thru na lamang sila. Ngunit mapilit si Samuel. Gusto nito ay mag-dine in sila para makakain sila ng maayos. Wala namang nagawa si Shalanie kundi ang pumayag na lang at pagbigyan ito.

    Last Updated : 2023-09-19
  • Trapped with my Boss   Chapter 12 - Greatest fear

    Habang nasa biyahe sila ay biglang bumagal ang takbo ng sasakyan nila hanggang sa tuluyan na iyong huminto. Naramdaman iyon ni Shalanie kaya naman napamulat siya. Kapipikit pa lang niya ng kanyang mga mata ng mga sandaling iyon. Nais muna sana niyang matulog dahil alam niyang malayo-layo pa ang biyahe nila. Nagtaka siya ng huminto sila.“Bakit tayo huminto? Ano’ng nangyari?” kaagad niyang tanong kay Samuel. Napatingin din siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Inaninag niya ang labas pero wala siyang gaanong makita.“Tumirik tayo, Boss,” mahinahong sagot naman ni Samuel. Parang hindi man lang ito nag-aalala.“Ha!?” Gulat at pag-aalala naman ang bumalatay kay Shalanie. Napatingin siya sa orasan. It was twenty minutes past ten. Sobrang ginabi na pala sila sa beyahe nila. Napatagal yata ang pagkain nila kanina sa fast food. Binuksan ni Samuel ang pinto ng kotse at lumabas ito. Sumunod naman siya rito. Mabilis niyang kinalag ang seatbelt na suot at bumaba rin ng kotse. Masusing tiningnan

    Last Updated : 2023-09-21
  • Trapped with my Boss   Chapter 13 - Unexpected News

    Ilang beses pang binutingting ni Samuel ang sasakyan. Nagbabakasakali na maayos nito iyon. Si Shalanie ay nanatili na lamang sa loob ng sasakyan gaya ng utos ni Samuel. Hindi na siya bumaba pa at tinitingnan na lang niya paminsan-minsan si Samuel sa ginagawa nito, mula sa nakabukas na bintana ng kotse.Mabuti na lang at hindi gaanong malamig ang klima. Katamtamang lamig lang ito na normal na lang sa balat nila dahil hindi pa naman winter. Kung nagkataon na winter ay baka nanginginig na siya dahil sa tagal nila doon.Palagi namang makapal na coat ang suot nila lalo na kapag lumalabas, kaya ayos lang ang normal na lamig. Sanay na rin naman siya dahil sa tagal na niya sa bansang iyon. Kapag summer naman ay mainit pero mahalumigmig pa rin. Makalipas ang dalawa at kalahating oras ay hindi pa rin naaayos ni Samuel ang sasakyan. Nababahala na si Shalanie dahil ayaw niyang abutin sila ng umaga sa lugar na iyon. Nagda-dial siya sa kanyang cellphone ng may dumating. Isang luxury car ang sumun

    Last Updated : 2023-09-23

Latest chapter

  • Trapped with my Boss   Special Chapter

    Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala

  • Trapped with my Boss   Epilogue

    TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two

  • Trapped with my Boss   Chapter 62 - Mood / WARNING!!! RATED SPG!

    Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d

  • Trapped with my Boss   Chapter 61 - More crazy

    Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang

  • Trapped with my Boss   Chapter 60 - Horny

    "Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang

  • Trapped with my Boss   Chapter 59 - I love you / WARNING!!! RATED SPG!

    "Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku

  • Trapped with my Boss   Chapter 58 - Unforgettable

    Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland

  • Trapped with my Boss   Chapter 57 - Forgiveness

    HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience

  • Trapped with my Boss   Chapter 56 - Proven

    LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status