Home / Romance / Trapped with my Boss / Chapter 4 - Bottle of Perfume

Share

Chapter 4 - Bottle of Perfume

Author: Gelnat14
last update Huling Na-update: 2023-09-07 00:06:56

“Cleared na ang sales report na ito.”

Kinuha ni Shalanie ang folder kay Arah. Apat na oras na silang nasa loob ng library nang unit ni Shalanie. Nasa ikalawang palapag ito at katabi lang ng kuwarto niya. Batid niyang pagod na rin ang mga kasama niya mula sa maghapong trabaho ng nga ito at ngayon nga ay apat na oras na silang nag-o-overtime.

Dahil wala na silang time pa na magluto at hindi naman din siya mahilig magluto ay nagpadeliver na lamang siya ng pagkain para sa hapunan nila. Nang dumating ang ipina-deliver ay agad din itong inihanda ni Shalanie sa kitchen at tinawag ang dalawa para kumain. Sandali lang din silang kumain at muli ng bumalik sa trabaho.

Sinulyapan niya si Samuel na nakaupo sa couch at abala sa pagtitipa sa laptop. Inutusan niya itong review-hin ang financial report ng kompanya. Nagpatay malisya siya at hindi pinansin ang pagbubulungan ni Samuel at Arah na kung bakit ito lang ang pinag-OT niya. Dahil marami naman daw epleyado na maaring mag-OT.

Nagkukunwari siyang walang ano mang naririnig kahit pa ba malakas naman ang bulungan ng mga ito. Mukhang ipinaririnig talaga iyon sa kanya. Wala naman siyang pakialam. Itinuon niya ang sarili sa ginagawa niya sa harap ng laptop habang nakaupo sa swivel chair niya.

Ang totoo, kaya silang dalawa lang ang pinag-OT niya ay dahil ang mga ito lang kasi ang pinagkakatiwalaan niya at alam niyang magagawa ng mga ito ang trabaho nila ng maayos kumpara sa iba. Hindi naman na niya iyon kailangang ipaliwanag pa sa dalawa.

Habang abala silang lahat ay biglang tumunog ang cellphone ni Samuel, may tumatawag dito. Dinampot nito ang cellphone na nasa ibabaw lang ng mini table. Nagpasintabi ito at sinagot ang tawag na iyon. Bahagya itong lumayo ng kaunti.

“Hello, Ma. I’m sorry po, Ma. Hindi talaga ako pinayagan ng boss ko. Promise, Ma, bukas bago magtanghali ay nasa bahay na ako. Kumusta kayo d’yan nila Aunti? Talaga, Ma? Sila ang nagluto?” masayang pakikipag-usap ni Samuel sa kanyang ina.

Pasimpleng tumingin si Shalanie sa gawi ni Samuel. Nakita niya itong nakangiti. Sobrang ganda ng mga ngiti nito. Parang gusto rin tuloy niyang ngumiti pero pinigilan niya ang sarili. Nagkunwari na lamang siyang hindi aware sa pakikipag-usap nito sa cellphone. Nagkunwari din siyang hindi niya napansin na lalo itong gumaguwapo kapag nakangiti ito. Kailan pa ba niya napansin na guwapo si Samuel? Nababaliw na naman siya. Ipiniling niya ang kanyang ulo at bumaling siya kay Arah na kasalukuyang nakaupo sa couch at abala naman sa harap ng mga paper works. Panay din ang sulyap nito kay Samuel habang nakangiti, waring masaya rin ito habang pinagmamasdan ang nakangiting si Samuel.

Bigla naman niyang narinig ang pagtawa ni Samuel.

“Huwang ninyong kalimutang tirhan ako ng paburito ko. Sure ako, Ma, na magugustuhan mo ang regalo ko sa iyo. Happy birthday, Ma. Naku, imposible yan. Napaka-busy n’ya, kaya wala iyong time kahit na imbitahin pa natin siya. Hindi s’ya pupunta, sure ako d’yan. Masungit nga siya parang isang tigre pero baliwala iyon sa akin, kayang-kaya ko iyon.”

Tumawa na naman si Samuel. Hindi ata ito aware na napapalakas ang boses nito at rinig na rinig iyon ni Shalanie. Pakiramdam naman ni Shalanie ay nananadya ito. Naisip din niya kong siya ba ng pinag-uusapan ng mga ito.

“Hoy, Sam! Kung makatawa ka naman diyan wagas, parang wala ng bukas,” sabad ni Arah.

Lumingon naman si Samuel at ngumiti kay Arah.

“Ma, may ipapakausap ako sa iyo. Kasama ko nganyon mag-overtine. Babati rin siya sa inyo.” Kaagad na lumapit si Samuel kay Arah at ipinasa ang cellphone niya rito. Pagkatapos ay naupo ito sa couch na malapit kay Arah.

“Hello, mother po ba ito ni Sam? Happy birthday po. Ako po si Arah ang magandang officemate ni Sam at soon to be daughter in law po ninyo.” Tumawa si Sam sa sinabi ni Arah. Eksakto naman na napatingin ito kay Shalanie. Nagtama ang mga mata nila. Biglang naging abnormal ang tibok ng puso ni Shalanie. May kung ano siyang naramdaman na hindi niya mawari. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Samuel. Hindi niya alam kong ano ang nangyayari sa kanya.

“Pasensiya na po kayo. Hindi po kasi alam ng boss namin na naririto kayo ngayon sa Toronto. Hindi po ata sinabi ni Sam. Hindi tuloy siya pinayagan. Don’t worry po. I’ll take of Papa Sam, Ma, and you takecare of my pa-sharon. Okay, Ma,” malambing na sabi ni Arah sa ina ni Samuel. Bahagya naman yung ikinagulat ni Shalanie.

Hindi niya inaasahan ang mga narinig sa pakikipag-usap ni Arah sa ina ni Samuel. Bakit hindi sinabi sa kanya ni Samuel na naririto sa Toronto ang mother niya? Buong akala kasi ni Shalanie ay nasa Pilipinas ang ina nito kaya wala namang dahilan para umuwi ito ng maaga para sa birthday ng ina nito.

Tumayo siya at lumabas ng silid. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi niya alam kung sundot ng konsensiya o iggit ang bumalot sa pagkatao niya ngayon. Nakakaramdam siya ng inis na hindi niya matukoy ang dahilan.

Nagtungo siya sa kanyang kuwarto. Pagpasok sa kuwarto niya ay naupo siya sa kama at sumandal sa headboard nito. Naisip niya na hindi alinman sa dalawa ang sagot kundi pareho siyang nakokonsensiya at naiinggit sa pamilya ni Samuel. Bigla niyang namis ang mga magulang niya na matagal ng namaalam sa mundo. Pati na rin ang nag-iisa niyang kapatid na babae na nasa Pilipinas. Matagal pa siguro bago sila magkitang muli ng kapatid niyang iyon. Palagi naman niya itong tinatawagan at kinukumusta.

Muling nabalik ang isip niya kay Samuel. Bakit ba kasi hindi sinabi nito sa kanya na narito ang kanyang ina. Baka sana ay napagbigyan niya ito na hindi mag-OT. Mabuti pa si Arah alam ang tungkol sa bagay na iyon. Bakit naman sasabihin sa kanya iyon ni samuel kung sakali?

Ano ka ba naman Shalanie? Ano ba yang pinag-iisip mo? Saway niya sa sarili.

Dahil sa pag-iisip ay nakaramdam siya ng antok. Naisip niya na maidlip muna at mamaya na niya babalikan si Samuel at Arah sa library niya. Malamang ay busy pa ang mga ito sa pakikipag-usap sa ina ni Samuel. Ayaw naman na niyang marinig pa ang pag-uusapan ng mga ito dahil baka lalo siyang usigin ng kanyang konsensiya. Iidlip lang muna siya ng kaunti. Nahiga na siya sa kama at ipinikit ang kanyang mga mata.

BIGLANG napabalikwas ng bangon sa kama si Shalanie. Nakatulog pala siya. Sinulyapan niya ang relo na nakasabit sa dingding. Napamulagat siya ng makitang mag-aalas-sais na pala ng umaga. Napahaba pala ang tulog niya. Mabilis siyang nagtungo sa library para tingnan sila Samuel at Arah. Naabutan niya roon si Arah na nakayukyok sa timbon ng mga papel sa mesa. Nakatulog na ito roon sa tindi na nang antok nito. Iginala niya ang paningin sa buong silid. Wala roon si Samuel. Hinanap niya si Samuel. Nasaan na kaya ito?

She went downstairs. Nakita niya ang hinahanap na si Samuel na naka-upo sa sofa at inaayos ang dala nitong bag. Napansin niya ang isang malaking paper bag na alam niyang galing sa isang sikat na boutique. Iyon marahil ang regalo nito sa kaarawan ng kanyang ina. Nabanggit nito iyon habang kausap ang ina sa telepono.

“Good morning,Boss,” kaagad na bati ni Samuel nang makita niya si Shalanie. Tumayo din ito mula sa pagkakaupo nito sa sofa.

“Good morning,” balik na bati naman ni Shalanie at napatitig ito kay Samuel.

“Natapos ko na lahat ng ipinapagawa mo. Plantsado na lahat maliban sa suot ko. P’wede mo na siguro akong i-dismiss.”

Bahagyang natawa si Shalanie sa sinabi nito. Nagtakip siya ng bibig para hindi iyon makita ni Samuel.

“Wow, mukhang nagising ka on the right side of the bed, Boss. Marunong ka naman pa lang tumawa, e. Masmaganda ka kapag tumatawa o kapag nakangiti ka,” kumento ni Samuel sa kanya. Nakangiti rin ito nang malapad habang sinasabi iyon at halatang nasiyahan sa nakita mula sa boss nito. 

Kahit sino siguro ang makakita kay Samuel nang mga sandaling iyon ay mapapangiti at kikiligin. Mahahalatang puyat at pagod ito pero hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan nito. Sa halip na makabawas ay tila mas nakadagdag pa sa appeal nito ang malalaking eyebags nito. Bakit naman ang guwapo pa rin? Naitanong pa niya sa isip.

Teka, sinabi ba talaga nitong mas maganda siya kapag nakangiti siya? Biglang napa-isip si Shalanie. And wait, kailan pa nagkaroon ng appeal sa kanya ang assistant niya? Dumadalas na yata ang pamumuri niya rito.  Ano ba ang nangyayari sa kanya?

 

“P’wede na ba akong umalis, Boss?” tanong ni Samuel. Nagmamadali na kasi talaga itong umuwi. Bukod sa wala pa itong tulog ay gusto na nitong mabati ang ina ng personal kahit late na ito sa kaarawan nito.

“S-Sandali lang,” pigil ni Shalanie.

Mabilis na umakyat ng hagdan si Shalanie at pumasok sa kanyang silid. Mabilis siyang kumuha ng Bulgari perfume mula sa lagayan niya ng mga pabango. Bigay iyon sa kanya ng kanyang kaibigan na Clarice at hindi pa niya iyon nagagamit. Pagkakuha roon ay dagli siyang bumama ng hagdan at binalikan si Samuel sa sala.

“Here, give it to your mother. Alam ko na walang babaeng tatanggi sa pabango,” sabi ni Shalanie kay Samuel habang iniabot at bote ng pabango. Ngumiti din siya pagkatapos.

“Mukhang mamahalin naman iyan masyado, Boss,” sabi naman ni Samuel at nag-aalangang tanggapin ang ibinibigay ni Shalanie.

“Why not? This is for your mother.” Inabot niya ang kamay ni Samuel at inilagay roon ang bote ng pabango. Pero isang malaking pagkakamali iyon dahil pakiramdam niya ay may tumulay na boltahe ng kuryente sa nagkadikit nilang mga balat.

Dahil do’n ay dagli niyang binitawan ang kamay nito at umatras siya para magkaroon ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. Masyado rin kasi siyang malapit dito at naging alanganin siya roon.

“Maraming salamat, Boss. Sigurado ako na magugustuhan ito ni Mama.” Kaagad na nitong ipinasok sa bag ang pabango.

Nakangiting tumango-tango siya. “Batiin mo na lang siya para sa akin. P-Pasensya na, hindi ko kasi alam na naririto pala siya.”

“Naku, wala iyon, Boss. Trabaho naman ito kaya ayos lang iyon,” nahihiyang sagot ni Samuel. Kumamot pa ito sa batok nito. Napaisip din ito dahil sa tagal nitong katrabaho si Shalanie ay ngayon lang ito humingi dito ng pasensiya. Totoo ba ang mga narinig nito mula sa Boss nito?

Pinagmasdan pa nito si Shalanie. “Parang iba talaga ang awra mo ngayon, Boss.” Pagtataka pa rin ni Samuel ngunit nasisiyahan din ito sa nakikita mula sa boss nito. Maganda siguro ang panaginip ni Shalanie kata't nasa mood ito ngayon.

Hindi na pinansin pa ni shalanie ang kumento ni Samuel dahil baka asarin lang siya nito.

 “Sige na, makakaalis ka na.”

“Boss, kapag may nakita kang mali sa ginawa ko, tawagan mo lang ako,” bilin ni Samuel.

“Kapag may nakita akong mali, ipasusundo kita.”

 “Sige, Boss. Si Arah pala natutulog pa yata,” bilin pa ni Samuel. Iniwan niya kasing natutulog pa si Arah. Hindi na din siya nakapagpaalam pa rito.

“Ako nang bahala sa kanya.”

Tumalikod na si Samuel pero dagli ring humarap sa kanya, nagkakamot ito sa ulo.

“May dumadaan bang cab dito?”

“Wala. Sige ihahatid na kita sa sakayan.” Hindi na siya nag-abala pa na magsuklay o maghilamos man lang. Hindi na niya naisip iyon. Maganda pa rin naman siya kahit walang suklay at hilamos. Hindi nga lang niya alam kung may muta ba siya o marka ng panis na laway. Wala nama siguro.

Si Shalanie ang nagmaneho ng sasakyan. Parang si Samuel tuloy ngayon ang amo.

Habang nasa byahe sila ay sinabi ni Samuel na babalik ito sa MWSI upang kunin ang sasakyan nito. Nagulat naman si Shalanie nang malamang may sasakyan pala ito.

“Sa kaibigan ko iyon, Boss. Hiniram ko muna, hindi naman kasi niya ginagamit,” paliwanag ni Samuel. Ipinahiram kasi ni Ethan ang isa sa mga sasakyan nito. Nasabi kasi ni Samuel na nahihirapan siyang sumakay papuntang trabaho kaya nale-late ito.

“Ibig sabihin wala nang dahilan para ma-late ka.”

“Sana.”

Kaugnay na kabanata

  • Trapped with my Boss   Chapter 5 - Workaholic

    Sanay na si Samuel sa walang puknat na interogasyon ng kanyang ina at mga auntie niya sa tuwing nakakausap niya ang mga ito. Patunay roon ang pag-e-enjoy niya sa pagkukwento sa mga ito habang salo-salo silang kumakain ng pananghalian. Ang ina niya at mga tiyahin ang nagluto ng mga pagkain kaya ganadong kumain si Samuel. “Kaidad mo lang kamo ang boss mo?”ani ng Auntie Fely niya habang sumasandok ng ulam na minudo. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina.“Opo, Auntie. Ilang araw lang din ang pagitan ng kaarawan naming dalawa. Binilhan ko nga siya ng cake noong birth day niya bilang regalo. Nagpasalamat siya pero hindi man lang ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung natuwa ba siya o hindi,” k’wento pa ni Samuel sa mga ito. “Naku, baka hindi masarap ang cake na ibinigay mo. Baka hindi niya gusto ang flavor. Dapat ay tinanong mo kung ano ang paborito niyang flavor. Teka, ang boss mo binilhan mo ng cake pero ang mama mo hindi?” ani pa ng Auntie Fely niya. “Naku, imposibleng makalimutan ko ang

    Huling Na-update : 2023-09-11
  • Trapped with my Boss   Chapter 6 - Date

    “Sir Julio, good afternoon. Narito po pala kayo,” bati ni Samuel kay Mr. Enrique nang makasalubong niya ito malapit sa elevator ng 9th floor kung saan naroon ang opisina ni Shalanie.Ngumiti ito ng makita siya.“Bakit hanggang ngayon ay Sir Julio pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit hindi na lang Tito?” tanong nito kay Samuel. “Superior ko po kayo, parang nakakailang kung hindi ko kayo tatawaging Sir,” nahihiyang sagot niya rito.“Naku ‘tong batang ‘to. We both know that’s not the case.” Tumawa ito at mahinang tinapik siya sa braso. Ngumiti naman siya.Bigla ay naalala niya ang pagdalaw nito sa bahay na tinutuluyan niya noong nakaraan lang pagkatapos ng kaarawan ng kanyang ina. “Gusto ko po pa lang magpasalamat sa pagdalaw n’yo sa bahay noong nakaraang araw,” magiliw niyang wika.“Wala iyon. Kamusta, nakauwi na ba ng Pilipinas ang Mama mo at mga Auntie mo?”“Opo, kahapon ng umaga. Safe naman po ang naging flight nila.”“Mabuti kung ganoon.”Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Hindi k

    Huling Na-update : 2023-09-13
  • Trapped with my Boss   Chapter 7 - Promise

    Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraang buwan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon.Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman, hija."Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon.“Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kaila

    Huling Na-update : 2023-09-14
  • Trapped with my Boss   Chapter 8 - Wine

    Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Iniwan na lang ni Samuel sa parking lot ng company building ang sasakyan niya. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya.Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Kaagad silang binati nito. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi naman na niya pinagtuunan pa ng pansin iyon. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager at binalingan na siyang muli ni Shalanie.“Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna nang maglakad at umakyat sa

    Huling Na-update : 2023-09-15
  • Trapped with my Boss   Chapter 9 - WARNING!!! RATED SPG!

    Masarap na ang tulog ni Shalanie nang marating nila ang bahay nito. Imbis na gisingin ay nagpasya si Samuel na buhatin na lang ito. Nalaman niyang kahit sa payat nitong katawan ay may kabigatan din pala ito pero hindi naman siya nahirapang buhatin ito. Napangiti siya. Madali naman siyang nakapasok sa loob ng bahay nito dahil alam niya ang code ng pinto nito. Nang makapasok ay kaagad na siyang umakyat at tinungo ang kuwarto ni Shalanie. Unang beses pa lang niyang makakapasok sa silid nito. Sa tuwing may ipakukuha kasi itong mga dukomento ay nasa library lang ang mga iyon.Inilapag niya sa kama si Shalanie. Una niyang hinubad ang sapatos nito at itinabi sa ilalim ng kama nito. Umungol ito habang inaayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Hindi kaagad siya umalis at pinagmasdan ito sa malapitan. Napakaganda talaga nito. Naisip niya na ang isang babae na kagaya nito ay napakahirap abutin ng isang lalaki lalo na ng isang ordenaryong lalaki lamang. Taglay na kasi nito ang halos lahat. Tal

    Huling Na-update : 2023-09-16
  • Trapped with my Boss   Chapter 10 - No regrets

    Nakatanggap si Shalanie ng isang bungkos na bulaklak mula kay Jake. Ang aga nitong nagtungo sa opisina niya para dalawin siya. Naghanap siya ng flower vase at inilagay niya ang mga bulaklak doon pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa tabi ng kanyang mesa. Bahagya pa niyang inayos ang mga iyon bago tuluyang binitawan.Matagal na niyang kaibigan si Jake at hindi lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya. Pero noon pa man ay sinabi na niya rito na pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito. Pero kahit ganoon ay ayaw pa rin siyang tantanan nito at titigil lang daw ito kapag nagkanobyo na siya.Matagal na siyang hindi nagkakanobyo. Wala pa kasing taong pumapasa sa standards niya. Busy rin kasi siya sa trabaho at walang time para sa love life niya. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil hindi maman siya nagmamadali. Pasasaan ba at dadating din ang tamang lalaki para sa kanya.Si Jake ay isang business man na half Filipino half Canadian. Kahit Canadian citizen ito ay magaling itong magsalita

    Huling Na-update : 2023-09-18
  • Trapped with my Boss   Chapter 11 - Compatible

    Eksakto alas-sais ng hapon umalis ng opisina si Samuel at Shalanie. Gaya ng napagkasunduan, sasakyan ni Shalanie ang ginamit nila at si Samuel ang nag-drive nito. Naging tahimik silang pareho at walang gustong magsalita simula nang sumakay sila sa sasakyan.Nakatuon lang ang atensiyon ni Samuel sa unahan ng sasakyan habang nagda-drive ito. Samantalang si Shalanie naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Kung minsan ay ang mga kuku niya sa kamay ang paulit-ulit na pinagmamasdan. Tiyak na pareho silang mapapanisan ng laway.Isang oras na silang bumibiyahe patungo sa Niagara para sa farm visit. Hindi pa sila naghahapunan kaya naman naisipan nila na dumaan muna sa makakainan nila. Isang fast-food ang nadaanan nila at dito huminto si Samuel at ipinarada ang sasakyan.Ang gusto sana ni Shalanie ay mag-drive thru na lamang sila. Ngunit mapilit si Samuel. Gusto nito ay mag-dine in sila para makakain sila ng maayos. Wala namang nagawa si Shalanie kundi ang pumayag na lang at pagbigyan ito.

    Huling Na-update : 2023-09-19
  • Trapped with my Boss   Chapter 12 - Greatest fear

    Habang nasa biyahe sila ay biglang bumagal ang takbo ng sasakyan nila hanggang sa tuluyan na iyong huminto. Naramdaman iyon ni Shalanie kaya naman napamulat siya. Kapipikit pa lang niya ng kanyang mga mata ng mga sandaling iyon. Nais muna sana niyang matulog dahil alam niyang malayo-layo pa ang biyahe nila. Nagtaka siya ng huminto sila.“Bakit tayo huminto? Ano’ng nangyari?” kaagad niyang tanong kay Samuel. Napatingin din siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Inaninag niya ang labas pero wala siyang gaanong makita.“Tumirik tayo, Boss,” mahinahong sagot naman ni Samuel. Parang hindi man lang ito nag-aalala.“Ha!?” Gulat at pag-aalala naman ang bumalatay kay Shalanie. Napatingin siya sa orasan. It was twenty minutes past ten. Sobrang ginabi na pala sila sa beyahe nila. Napatagal yata ang pagkain nila kanina sa fast food. Binuksan ni Samuel ang pinto ng kotse at lumabas ito. Sumunod naman siya rito. Mabilis niyang kinalag ang seatbelt na suot at bumaba rin ng kotse. Masusing tiningnan

    Huling Na-update : 2023-09-21

Pinakabagong kabanata

  • Trapped with my Boss   Special Chapter

    Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala

  • Trapped with my Boss   Epilogue

    TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two

  • Trapped with my Boss   Chapter 62 - Mood / WARNING!!! RATED SPG!

    Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d

  • Trapped with my Boss   Chapter 61 - More crazy

    Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang

  • Trapped with my Boss   Chapter 60 - Horny

    "Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang

  • Trapped with my Boss   Chapter 59 - I love you / WARNING!!! RATED SPG!

    "Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku

  • Trapped with my Boss   Chapter 58 - Unforgettable

    Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland

  • Trapped with my Boss   Chapter 57 - Forgiveness

    HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience

  • Trapped with my Boss   Chapter 56 - Proven

    LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status