Bumaba si Shalanie ng kotse pagkatapos buksan ng driver ang pinto nito. Kasalukuyan siyang nasa parking lot. Sinipat niya ang suot na relo. Alas-tres y medya na ng hapon. Kagagaling lang niya sa isang investors meeting sa isang italian restaurant. Marami silang pinag-usapan tungkol sa kompanya at negosyo habang kumakain sila. Naging topic din siya doon. Ang tungkol sa love life niya na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan.
Naging tampulan sila ng tukso ng Chief Operating Officer na si Tyron. Bagay daw sila ika ng ilang mga tsismosong investors at sumang-ayon din naman ang iba. Gustong-gusto naman iyon ni Tyron. Nakangisi ito at tuwang-tuwa ito sa usapang iyon habang siya ay naasiwa.Kahit na ayaw niya ang pinag-uusapan ay hindi naman siya maaaring magmaldita sa harap ng mga investors kahit pa gustong-gusto na niya itong gawin, pero pilit na lamang niyang nginitian ang mga ito at nanatiling tahimik tungkol sa bagay na iyon. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos ang meeting.Naiirita pa rin siya kapag naiisip iyon. Ano ba kasing pakialam ng mga ito sa buhay niya?Weekend ngayon at dapat ay nagsasaya siya ngunit hindi n’ya iyon magawa. Kailangan kasi niyang mag-overtime dahil sa dami ng trabaho niya ngayon. Napabuntong-hininga na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa elevator.Nang makapasok siya ng elevator ay kaagad na niyang pinindot ang botton sa 9th floor. Naroon kasi sa 9th floor ang opisina niya. Wala naman siyang ibang kasabay nang sumakay siya. Pabor iyon sa kanya dahil mas gusto niya ang mapag-isa sa loob ng elevator dahil kung may kasabay siya ay malamang na pagbubulungan lang siya ng mga ito.Nang dumaan ang elevator sa 5th floor ay bumukas ito. Marahil ay may taong sasakay doon. Napaangat ang mukha niya ng tuluyan na itong bumukas at tumambad sa paningin niya si Samuel.Sumakay ito. “Welcome back, Boss. Kumusta ang meeting?” nakangiting tanong nito kay Shalanie. Hindi kasi ito isinama ni Shalanie sa meeting na iyon dahil may kailangan itong tapusin na mga report sa opisina. Kaya naman na ni Shalanie iyon at hindi na niya kailangan pa roon si Samuel. Pero sa kabilang banda ay naisip niya na sana ay isinama na lang niya ito.“Maayos naman,” walang gana nitong sagot. Kahit pa kasi lunch meeting iyon at kumain lang sila ay napagod pa rin siya roon. Paanong hindi? Kung buhay ba naman niya ang pag-usapan ay nakakapagod talaga iyon. “Mabuti kung ganoon,” masayang ani naman ni Samuel. Ngunit naramdaman rin nito na wala sa mood ang boss nito.“Ano’ng ginagawa mo sa 5th floor?” tanong niya rito. Hindi kasi niya inaasahan na makikita ito sa ibang floor dahil ang alam niya ay busy ito sa opisina at gumagawa ng mga report. Kailan pa ito natutong magbulakbol?“Namasyal lang saglit,” sagot niya na ikinataas ng kilay ni Shalanie. Hindi naman iyon nakita ni Samuel dahil parehas silang nakaharap sa pinto ng elevator. Napataas ang kilay ni Shalanie dahil nagagawa pa nitong mamasyal sa dami ng trabaho nila ngayon. Pambihira talaga.Habang umaakyat paitaas ang elevator ay nakiusap si Samuel kay Shalanie kung maaaring hindi ito mag-overtime dahil kaarawan diumano ng ina nito. Kaya hanggat maaari ay gusto nitong umuwi ng maaga.“Wala naman dito ang mother mo. Sa lahat ng empleyado, ikaw itong allergic sa overtime,” masungit na sagot niya. Lingid sa kalaman ni Shalanie na naririto sa Canada ang ina ni Samuel. Dumating ito noong nakaraang lingo upang mag-celebrate ng kaarawan nito kasama ang anak. Iyon kasi ang gusto ni Samuel. Mis na mis na nito ang ina kaya pinag-ipunan nito ang ticket ng ina upang makapunta ng Canada kasama ang dalawa pa nitong tiyahin na kapatid nang ina. At hindi pa nito iyon nasasabi kay Shalanie, wala naman kasing dahilan para sabihin pa nito ang tungkol doon.“Hindi naman sa gano’n, Boss. Natapat lang talaga na may mahalagang okasyon. Ayoko lang na magtampo sa akin ang nanay ko. Ganito na lang, Boss. Kung matatapos ko ba ng mas maaga ang lahat ng mga ipagagawa mo, puwede na ba akong umalis kaagad?” mungkahi ni Samuel. Tumingin ito kay Shalanie at hinintay ang magiging sagot. May paki-usap sa mga mata nito. Disidido itong umuwi ng maaga at hindi talaga ito mag-o-overtime. Sana nga ay payagan na ito ng estrikto nitong boss.Ngalingaling sigawan niya ito ngunit mahigpit niyang pinigilan ang kanyang sarili. Sa loob ng mahabang panahon na pagtatrabaho niya sa MWSI ay wala pang kahit sinong empleyado roon na mas mababa ang posisyon kaysa sa kanya ang nakipag-bargain ng ganoon sa kanya. Kaunti na lang at kapag hindi siya nakapagpigil ay mapipika na talaga siya kay Samuel. Mabuti nga at nakakapagpigil pa siya. Bakit ba gustong-gusto nitong umuwi kaagad. Mababaliw ata siya sa assistant niyang ito.“Meet me in five minutes. We’ll talk about it,” inis na sabi niya. Hindi n’ya ito tiningnan o nilingon man lang. Eksakto naman na bumukas na ang pinto ng elevator sa 9th floor. Lumabas na siya ng elevator at kaagad na naglakad at tinungo ang opisina niya. Pag dating doon ay tinawagan niya ang isang employee at sinabing i-forward ang lahat ng sales account nila nang buwang iyon kay Samuel. Naisip niyang turuan ito ng leksiyon sa pagkwestiyon nito sa kanyang pasya.Lumapit siya sa personal ref sa sulok ng opisina niya at kumuha ng bottled water doon. Kaagad naman niya iyong binuksan at ininom. Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya. Hindi pa niya nauubos ang laman ng bote ng maramdaman niya na may tumulong likido mula sa kanyang ilong. Bigla yata siyang sinipon. Nang mapatingin siya sa sahig ay nakakita siya ng patak ng dugo.Nagtungo siya sa banyo na nasa loob ng kanyang opisina at binasa ang kanyang batok. Iyon ang turo ng kanyang ina noong bata pa siya. Ganoon daw ang ginagawa kapag nagdurugo ang ilong. Noong kasing maliit pa siya ay mas madalas magdugo ang ilong niya lalo na kung mainit ang panahon. Ngayon naman ay dumudugo ang ilong niya kapag labis ang stress niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung bakit kailangang basain ang batok kapag nagdurugo ang ilong. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang paliwanag doon.Sunod niyang ginawa ay tumingala at hinawakan ang nosebridge niya na malapit sa mga mata. Iyon talaga ang tamang first aid na sinabi sa kanya ng doctor. Pero ang nakasanayan niyang pagbabasa ng batok ay hindi na niya naalis pa at iyon ang una niyang ginagawa. Wala naman sigurong masama doon.Kumuha siya ng kapirasong tissue at binilot iyon pagkatapos ay isinuksok niya sa butas ng kanyang ilong. Nang matapos siya ay lumabas na siya ng banyo at muling naupo sa kanyang swivel chair. Mukhang kailangan niya ng pahinga ngunit imposible iyon. Marami silang trabaho at mag-o-overtime pa nga sila.Kauupo lamang niya nang makarinig siya ng mga katok. Pinapasok niya ito kasabay ng pagtatanggal niya ng tissue na isinuksok niya sa butas ng dumudugo niyang ilong. May kaunti pang dugo doon kaya kaagad niya rin iyong pinunasan gamit ang din ang tisue.Si Samuel ang pumasok. Lumapit ito sa table niya. Kaagad naman itong napatingin sa tissue na nakapatong sa ibabaw ng table niya. Kaagad din iyong ipinag-alala ni Samuel.“Boss, ano’ng nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?” tanong nito sa kanya. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Samuel at maging sa tinig nito.“I’m fine. Dumugo lang ang ilong ko.”“Sigurado ka? Kailangan mong masuri ng doctor. Dadalhin kita sa ospital.”Concern ba ang nakita niyang rumihistro sa mukha ni Samuel? Lahat ng naging assistant niya kahit pa babae ay wala ni isang nag-alala para sa kanya. Almost all of the employees of MWSI hated her. And her executive assistant hater her the most. Mabibilang sa mga daliri sa kamay ang nakakaintindi sa work attitude niya. Kaya imposible ba na may taong concern sa kanya at si Samuel iyon.“Napatakan ng dugo ang damit mo, Boss,” puna ni Samuel sa damit niya. Naka puting blouse si Shalanie kaya kitang-kita ang tumulong dugo roon. “Hayaan mo na,” masungit na anas niya kay Samuel.“Ang sungit talaga,” pabulong na sabi nito at pabalyang umupo sa upuan na nasa harap ng table ni Shalanie. Totoo namang napakasungit talaga ng boss nito. Kaya nga walang nagtatagal na assistant nito kundi si Samuel lamang.Nagkunwari naman si Shalanie na hindi iyon narinig. Sanay naman na siyang nakakarinig ng ganoong mga salita. Kaya baliwala na lang iyon sa kanya.“Madalas ba mangyari ito sa iyo, Boss?” pag-aalala pa rin ni Samuel kay Shalanie.“Ayos lang ako, Samuel. Anyway, about your request, hindi talga p’wede dahil kailangan talaga nating mag-overtime. Sa bahay ko tayo mag-o-overnight. Kasama natin si Arah. Mas komportable magtrabaho ro’n. At para rin hindi n’yo maramdaman na OT ang ginagawa n’yo.Bumuntong-hininga ito bago sumagot. “Okay,” dismayado nitong sagot.“Go back to your work,” utos ni Shalanie.Tumayo na ito. Pinagmasdan ito ni Shalanie at nabanaag niya ang lungkot sa anyo nito. At sa kung anong dahilan ay nakaramdam siyang bigla ng guilt. Dati-rati ay wala naman siyang pakiaalam sa damdamin ng mga tauhan niya. Gusto sana niyang bawiin ang naging pasya. Pero naisip din niya na kapag ginawa niya iyon ay baka isipin nito na lumalambot na siya. Hindi p’wede iyon dahil kailangan niyang mapanatili ang reputasyon niya sa kompanya.Hindi na muling dumugo ang ilong niya ngunit buong hapon naman niyang tiniis ang pag-uusig ng kanyang konsensiya para kay Samuel. Napapaisip pa rin siya kung babawiin ang pasya ngunit sa huli ay hindi na niya iyon binawi pa. Nang matapos ang office hour nila ay nagtungo na sila sa bahay ni Shalanie. Doon na nila itutuloy ang kanilang mga gagawing trabaho.Sumakay sila sa sasakyan ni Shalanie. Si Samuel na ang nagmaneho nito. Sa unahan nakaupo si Arah at sa likuran naman si Shalanie. Tahimik ang naging biyahe nila. Walang nagtangkang magsalita. Panaka-naka siyang napapasulyap sa front mirror. Ramdam ni Shalanie na masama ang loob ni Samuel. Hindi niya mawari kung bakit apektado siya sa nararamdaman ng assistant niya. Ano ba kasi ang pakialam niya rito? Gusto niyang mainis sa sarili.Pilit niyang pinalis ang mga tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi tamang isipin pa niya ito dahil makakadagdag lang lalo ito sa stress niya. Ipinaling na lamang niya ang kanyang mukha sa bintana at tumanaw sa labas hangang sa makarating sila sa bahay niya.“Cleared na ang sales report na ito.”Kinuha ni Shalanie ang folder kay Arah. Apat na oras na silang nasa loob ng library nang unit ni Shalanie. Nasa ikalawang palapag ito at katabi lang ng kuwarto niya. Batid niyang pagod na rin ang mga kasama niya mula sa maghapong trabaho ng nga ito at ngayon nga ay apat na oras na silang nag-o-overtime.Dahil wala na silang time pa na magluto at hindi naman din siya mahilig magluto ay nagpadeliver na lamang siya ng pagkain para sa hapunan nila. Nang dumating ang ipina-deliver ay agad din itong inihanda ni Shalanie sa kitchen at tinawag ang dalawa para kumain. Sandali lang din silang kumain at muli ng bumalik sa trabaho.Sinulyapan niya si Samuel na nakaupo sa couch at abala sa pagtitipa sa laptop. Inutusan niya itong review-hin ang financial report ng kompanya. Nagpatay malisya siya at hindi pinansin ang pagbubulungan ni Samuel at Arah na kung bakit ito lang ang pinag-OT niya. Dahil marami naman daw epleyado na maaring mag-OT.Nagkukunwari siyang
Sanay na si Samuel sa walang puknat na interogasyon ng kanyang ina at mga auntie niya sa tuwing nakakausap niya ang mga ito. Patunay roon ang pag-e-enjoy niya sa pagkukwento sa mga ito habang salo-salo silang kumakain ng pananghalian. Ang ina niya at mga tiyahin ang nagluto ng mga pagkain kaya ganadong kumain si Samuel. “Kaidad mo lang kamo ang boss mo?”ani ng Auntie Fely niya habang sumasandok ng ulam na minudo. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina.“Opo, Auntie. Ilang araw lang din ang pagitan ng kaarawan naming dalawa. Binilhan ko nga siya ng cake noong birth day niya bilang regalo. Nagpasalamat siya pero hindi man lang ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung natuwa ba siya o hindi,” k’wento pa ni Samuel sa mga ito. “Naku, baka hindi masarap ang cake na ibinigay mo. Baka hindi niya gusto ang flavor. Dapat ay tinanong mo kung ano ang paborito niyang flavor. Teka, ang boss mo binilhan mo ng cake pero ang mama mo hindi?” ani pa ng Auntie Fely niya. “Naku, imposibleng makalimutan ko ang
“Sir Julio, good afternoon. Narito po pala kayo,” bati ni Samuel kay Mr. Enrique nang makasalubong niya ito malapit sa elevator ng 9th floor kung saan naroon ang opisina ni Shalanie.Ngumiti ito ng makita siya.“Bakit hanggang ngayon ay Sir Julio pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit hindi na lang Tito?” tanong nito kay Samuel. “Superior ko po kayo, parang nakakailang kung hindi ko kayo tatawaging Sir,” nahihiyang sagot niya rito.“Naku ‘tong batang ‘to. We both know that’s not the case.” Tumawa ito at mahinang tinapik siya sa braso. Ngumiti naman siya.Bigla ay naalala niya ang pagdalaw nito sa bahay na tinutuluyan niya noong nakaraan lang pagkatapos ng kaarawan ng kanyang ina. “Gusto ko po pa lang magpasalamat sa pagdalaw n’yo sa bahay noong nakaraang araw,” magiliw niyang wika.“Wala iyon. Kamusta, nakauwi na ba ng Pilipinas ang Mama mo at mga Auntie mo?”“Opo, kahapon ng umaga. Safe naman po ang naging flight nila.”“Mabuti kung ganoon.”Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Hindi k
Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraang buwan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon.Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman, hija."Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon.“Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kaila
Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Iniwan na lang ni Samuel sa parking lot ng company building ang sasakyan niya. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya.Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Kaagad silang binati nito. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi naman na niya pinagtuunan pa ng pansin iyon. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager at binalingan na siyang muli ni Shalanie.“Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna nang maglakad at umakyat sa
Masarap na ang tulog ni Shalanie nang marating nila ang bahay nito. Imbis na gisingin ay nagpasya si Samuel na buhatin na lang ito. Nalaman niyang kahit sa payat nitong katawan ay may kabigatan din pala ito pero hindi naman siya nahirapang buhatin ito. Napangiti siya. Madali naman siyang nakapasok sa loob ng bahay nito dahil alam niya ang code ng pinto nito. Nang makapasok ay kaagad na siyang umakyat at tinungo ang kuwarto ni Shalanie. Unang beses pa lang niyang makakapasok sa silid nito. Sa tuwing may ipakukuha kasi itong mga dukomento ay nasa library lang ang mga iyon.Inilapag niya sa kama si Shalanie. Una niyang hinubad ang sapatos nito at itinabi sa ilalim ng kama nito. Umungol ito habang inaayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Hindi kaagad siya umalis at pinagmasdan ito sa malapitan. Napakaganda talaga nito. Naisip niya na ang isang babae na kagaya nito ay napakahirap abutin ng isang lalaki lalo na ng isang ordenaryong lalaki lamang. Taglay na kasi nito ang halos lahat. Tal
Nakatanggap si Shalanie ng isang bungkos na bulaklak mula kay Jake. Ang aga nitong nagtungo sa opisina niya para dalawin siya. Naghanap siya ng flower vase at inilagay niya ang mga bulaklak doon pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa tabi ng kanyang mesa. Bahagya pa niyang inayos ang mga iyon bago tuluyang binitawan.Matagal na niyang kaibigan si Jake at hindi lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya. Pero noon pa man ay sinabi na niya rito na pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito. Pero kahit ganoon ay ayaw pa rin siyang tantanan nito at titigil lang daw ito kapag nagkanobyo na siya.Matagal na siyang hindi nagkakanobyo. Wala pa kasing taong pumapasa sa standards niya. Busy rin kasi siya sa trabaho at walang time para sa love life niya. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil hindi maman siya nagmamadali. Pasasaan ba at dadating din ang tamang lalaki para sa kanya.Si Jake ay isang business man na half Filipino half Canadian. Kahit Canadian citizen ito ay magaling itong magsalita
Eksakto alas-sais ng hapon umalis ng opisina si Samuel at Shalanie. Gaya ng napagkasunduan, sasakyan ni Shalanie ang ginamit nila at si Samuel ang nag-drive nito. Naging tahimik silang pareho at walang gustong magsalita simula nang sumakay sila sa sasakyan.Nakatuon lang ang atensiyon ni Samuel sa unahan ng sasakyan habang nagda-drive ito. Samantalang si Shalanie naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Kung minsan ay ang mga kuku niya sa kamay ang paulit-ulit na pinagmamasdan. Tiyak na pareho silang mapapanisan ng laway.Isang oras na silang bumibiyahe patungo sa Niagara para sa farm visit. Hindi pa sila naghahapunan kaya naman naisipan nila na dumaan muna sa makakainan nila. Isang fast-food ang nadaanan nila at dito huminto si Samuel at ipinarada ang sasakyan.Ang gusto sana ni Shalanie ay mag-drive thru na lamang sila. Ngunit mapilit si Samuel. Gusto nito ay mag-dine in sila para makakain sila ng maayos. Wala namang nagawa si Shalanie kundi ang pumayag na lang at pagbigyan ito.
Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala
TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two
Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d
Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang
"Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang
"Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku
Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland
HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience
LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni