Home / Romance / Trapped with my Boss / Chapter 2 - Heroic deed

Share

Chapter 2 - Heroic deed

Author: Gelnat14
last update Last Updated: 2023-09-02 00:11:40

Nakarating sa planta sina Shalanie at Samuel na hindi man lang na kumibo si Shalanie kay Samuel. Napakatahimik niya buong byahe nila. Nanatili lang siyang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at tila ba kinakabisado ang dinaraanan. Nawala na kasi siya sa mood para magsalita. Wala rin naman siyang sasabihin. Kinausap lang niya si Samuel noong nasa planta na sila sa Niagara Peninsula.

The Niagara Peninsula is the largest wine producing region in Canada. Naririto din ang malaking planta ng MWSI. Isang oras at dalawampung minuto ang byahe mula sa opisina nila sa Toronto.

Nang makababa sila ng sasakyan ay naroroon na ang COO na si Tyron. Prenteng nakatayo ito malapit sa entrace at mukhang naghihintay na sa kanila. Nakasuksok sa magkabila nitong bulsa ang magkabila niyong kamay. Napakabilis naman ata nitong mag-drive dahil una itong dumating sa kanila kahit halos magkasabay lang naman silang umalis ng opisina nila sa Toronto.

Kaagad na rin silang lumapit sa kinaroroonan ni Tyron. Ngumiti ito ng matamis nang makita si Shalanie na papalapit na sa kinaroroonan nito. Bahagya namang umasim ang mukha nito nang makita ang kasama ni Shalanie na si Samuel. Hindi kasi nito gusto ang assistant ni Shalanie.

"Kanina ka pa ba?" tanong ni Shalanie kay Tyron ng tuluyan na siyang makalapit dito.

"Oo, medyo kanina pa. Sabi ko naman kasi sa iyo, sa akin ka na sumabay," may pagyayabang sa tinig nito. 'Sinadya niyang bilisan para makapagyabang lang'. Isip-isip ni Shalanie.

"Magandang araw, Mr. Ignacio." Pormal na bumati si Samuel sa COO. Nginitian rin ito ni Samuel. Batid nitong hindi ito gusto ng COO. Minsan nga naisip nito na baka nagseselos ang COO kaya naman lalo itong inaasar ni Samuel. Tuwang-tuwa naman si Samuel sa reaksiyon ng mukha nito na tila ba isang clown na lagi siyang napapatawa.

"Kanina maganda ang araw ko, ngayon hindi na," maangas na sagot nito kay Samuel. "Bakit ba lagi mo 'yang kasama?" tanong ni Tyron kay Shalanie. Kumunot pa ang noo nito at halatang aborido.

Natawa lang naman si Samuel nang marinig ang sinabi ni Tyron na lalong ikinaasar ni Tyron. Kita ang pag-galaw ng bagang nito. Tila ba ano mang oras ay susugurin siya nito ng isang malakas na suntok. Pero hindi naman iyon hahayaan ni Samuel na mangyari. Hindi niya pababangasan ang guwapo niyang mukha sa isang tulad lang ni Tyron.

"Bakit? May problema ba? He is my Executive assistant kaya normal lang na lagi ko siyang kasama," sagot naman ni Shalanie. Parang gusto na niyang mainis sa inaakto ni Tyron. Tinaasan niya ito ng kilay. Palagi na lang kasi itong ganito sa assistant niya.

"Napakapresko. Wala  na bang ibang executive assistant? Yung hindi tulad n'ya." Tiningnan niya si Samuel mula ulo hangang paa. Naiiling lang naman si Samuel sa inaasta ng COO na si Tyron.

"Mr. Ignacio, hindi ko alam kung bakit ako ang isinama mo rito. Pero ganoon pa man narito tayo para sa trabaho at hindi para sa personal mong problema. Let's go inside, para makapagsimula na tayo," inis na wika ni Shalanie kay Tyron. Mariing pinigilan naman ni Samuel ang pagtawa. Binigyan naman ito ng masamang tingin ni Tyron.

Hindi naman na sumagot pa si Samuel. Kahit gusto niya ay pinili na lang niyang tumahimik dahil boss niya pa rin ito. Palihim itong natutuwa dahil naasar sa kanya si Tyron kahit wala pa siyang ginagawa.

Nauna na nang pumasok si Shalanie sa loob ng building ng planta ng MWSI. Kaagad na rin naman sumunod si Tyron at Samuel.

Hindi pa rin makapaniwala si Shalanie na siya ang isinama ng COO or Chief Operating Officer sa visit na iyon. Hindi niya iyon trabaho ngunit dahil naroon na rin lang siya ay magtatrabaho siya.

In-asist sila ng head ng naturang planta.

Nag-report din ito sa COO. Binigyan din sila nito ng tour sa bawat station. Surpresa iyon para mabisto nila kung sakaling substandard ang operasyon ng planta.

Naging maingat si Shalanie sa pagmamasid. Lahat ng p'wede niyang busisiin ay binubusisi niya pagdating sa step by step manufacturing process ng kanilang produkto. Pati ang kalusugan ng production worker ay inusisa niya.

Mas marami pa siyang naging mga katanungan sa head kaysa sa COO. Sinusuri niyang mabuti ang lahat. Mas mabusisi siya pagdating sa produksyon at kalinisan.

Lagi namang nakaalalay sa likuran niya si Tyron. Inihahayin nito ang kamay sa tuwing kailangang humawak ni Shalanie at paminsan-minsan ay humahawak ito sa likod naman ng baywang. Sa tuwing nagtatama naman ang mata ni Tyron at ni Samuel ay iniismiran nito si Samuel. Nginingisan lang naman ito ni Samuel. Gustrong-gusto ni Samuel ang mukha nito kapag-naasar ito sa kanya.

"Dalawang batch ang magtatapos ang kontrata sa susunod na buwan. Ang iba ay nais umuwi ng Pilipinas at ang iba naman ay nag-renew ng kontrata nila. Tuloy-tuloy naman ang hiring process natin," paliwanag ng head sa kanila. Tumango-tango siya.

"Mabuti kung ganoon, basta lagi n'yo lang tatandaan na hindi p'wedeng maapektuhan ang production dahil word wide ang produkto natin." Si Tyron naman ang nagsalita.

Nagmamasid at nakikinig lang naman si Samuel habang nakasunod sa kanila na tila pinag-aaralan din ang production sa planta.

Panaka-nakang tinitingnan ni Tyron si Samuel at binibigyan ng matalas na tingin. Sinusuklian naman ito ni Samuel ng magandang mga ngiti.

Dumako na sila sa kabilang dako ng planta.

"Nasa packaging area na po tayo, Sir and Ma'am."

"Magaspang at marumi ang sahig sa area na ito," puna kaagad ni Shalanie. Talagang metikolosa siya. Ito rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit siya ang isinama ni Tyron sa visit na iyon. Mas marami siyang napupuna na kailangan ng agarang aksyon.

"Do someting about this Mr. Perez," maawtoridad na sabi naman ni Tyron sa head. May kaseryosohan din sa mukha nito.

"Yes, Sir." May nginig sa boses ni Mr. Perez nang sumagot ito. Marahil ay nakakaramdam siya ng takot dahil sa mga napupuna ng boss at maari niya itong ikatanggal sa trabaho.

Nagpatuloy sa masusing pagmamasid si Shalanie habang nasa tabi lang niya si Tyron. Si Samuel naman ay nakasunod lang sa kanila at masusi ring nagmamasid sa paligid at sa boss nito.

Panay kasi ang dikit ni Tyron kay Shalanie kaya mahigpit itong binabantayan ni Samuel.

Pinanonood nila ang paglalagay ng bottles ng wine sa mga kahon nang iabot ni Samuel kay Shalanie ang celphone nito.

"Si Mr. Lim, Boss."

Kinuha ni Shalanie ang cellphone at itinapat sa tainga niya. Bahagya rin siyang lumayo sa mga kasama.

"Yes, Mr. Lim, how are you doing today?"

May limang minuto rin siyang nakipag-usap sa negosyanteng Intsik.

"It's a pleasure doing business with you, Mr. Lim. I'll be meeting you next week. Thank you, Mr. Lim."

Pinatay na niya ang tawag at ibinalik kay Samuel ang cellphone nito.

Pati ang pakikipag-meeting sa mga kabusiness nila ay trabaho din ni Shalanie. Kulang na lang ay maging CEO siya. Siya kasi ang pinakamagaling sa lahat ng Chief Officer.

"Naka-off yata ang cellphone mo, Boss. Kanina pa raw tumatawag si Sir," ani pa ni Samuel.

Hinanap niya ang cell phone niya sa bag. Naalala naman niya na drain ang battery niyon at naki-charge siya sa planta.

"Tungkol saan ang pinag-usapan n'yo ni Mr. Lim," tanong ni Tyron.

"It's about business," tipid na sagot naman ni Shalanie. Tumango na lang si Tyron bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya. Mabuti at hindi na ito nag-usisa pa, dahil kung nag-usisa pa ito ay ito ang papaharap niya sa mga ka-meeting niya.

Umakyat si Shalanie sa metal platform at doon muling nag-inspeksyon. Inalalayan naman siya ni Tyron. Pumanhik pa siya sa mga baitang at tsinek ang mga clamp na naglilipat ng mga kahon mula sa isang platform papunta sa ibang platform.

"Shalanie!" sigaw ni Tyron at nanigas ito sa sobrang gulat.

Naramdaman ni Shalanie ang pag-itsa ng buong katawan niya sa rubber-matted floor ng platform kasabay ng ingay ng sunod-sunod na pagbagsak ng mga kahon. Kumalasing ang mga bote. Sa pagbangon niya ay nakita niya si Samuel na nakahandusay sa sahig. Mabilis na dinaluhan niya ito.

Samantalang si Tyron ay nanatiling shock sa nangyari. Hindi ito gumagalaw na parang istatwa, Nakagalaw lang ito nang bumalik ang ulirat nito.

Nagsilapitan ang mga staff na naroroon at dinala agad ang nasaktang si Samuel sa clinic at dali-dali itong sinuri ng mga naroong doctor.

Mabilis na nilapatan ng first aid si Samuel. Ilang pasa at sugat sa braso at likod ang tinamo nito. Sinuri ng doctor ang mga sugat niya. Mabuti na lang at walang bumaong mga bubog sa balat niya. Nangabasag kasi ang mga bote ng wine na laman ng kahong bumagsak kay Samuel.

Napanatag lang si Shalanie nang sabihin ng doctor na maayos na si Samuel. Mababaw lang daw ang mga sugat na tinamo nito at hindi malala. Nilagyan na nila ng mga bandage ang lahat ng sugat pagkatapos itong gamutin.

Kinabahan talaga si Shalanie dahil sa pagbulagta nito sa sahig. Hindi naman daw masakit sabi ni Samuel. Ngunit sa tuwing lalapat ang mga kamay ng doktor sa mga sugat nito ay napapangiwi ito.

"Ang totoo niyan, Doc, medyo napuruhan ata ako," pag-amin nito nang hindi na mapigilan pa ang pagtakas ng d***g sa bibig nito.

"Alam ko. Kaya huwag kang magkunwari at magpaka-macho diyan. Masakit talaga ang mabagsakan ng kahong naglalaman ng mga bote ng alak," nakangiting sagot naman ng doktor.

Nagkatawanan si Samuel at ang babaeng doktor dahil doon. Kitang-kita ni Shalanie kung paano magpa-cute si Samuel sa batang doktor.

"Thank you, Doc," sabi ni Samuel.

Napailing na lang si Shalanie habang nakatitig sa mga ito. May inis na hindi niya mawari kung ano. Nakipagkamay pa si Samuel sa doktora na lalo niyang ikinainis. Halatang nananantsing ito.

Naisip niyang pagsasabihan ito mamayang uwian.

Nahigit niya ang hininga nang biglang humarap si Samuel sa kanya. Namangha at napalunok siya nang mapagmasdan ang magandang katawan nito. Hindi kasi niya inaasahan na ganito kaganda ang katawan ng assistant niya.

Prominente ang abs at pectorals nito. Sobrang toned ng biceps at triceps nito. Hindi beefy ang pagkamaskulado nito sa halip ay lean. Alam niyang alaga ito sa gym. Sa dami ng trabaho nila, paano pa ito nakakahanap ng oras para mag-gym?

What do you care, Shalanie? Stop ogling his body. Saway niya sa sarili. Ipiniling niya ang kanyang ulo para mabalik siya sa tamang huwisyo.

Nang tumingin muli siya kay Samuel ay naibotones na nito ang polo nito. Sa kauna-unahang pagkakataon, sa loob ng walong buwan ay ngayon lang niya na-appreciate ang pagdadala nito ng damit. Medyo maluwag iyon sa katawan nito dahilan siguro kaya hindi niya naisip na maganda ang katawan nito. Lagi rin kasing maluwag ang suot nitong damit. At dahil malamig ang klima sa Canada ay palagi itong naka-coat or naka-jacket.

"Pasado na ba ako sa taste ninyo, Boss," tanong nito na may pilyong ngiti.

"H-Ha? Ah E-eh...Kailangan mong magdadagdag ng laman sa gawing balikat para gumanda ang pagdadala mo ng coat." Nagulat siya sa tanong nito. Hindi niya malaman ang sasabihin. Kaya nag-isip na lang siya ng maaaring palusot. Sinabi lang niya iyon dahil iyon lang ang naisip niya pero ang totoo ay wala namang problema sa mga balikat nito.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Samuel. Base sa tugon nito ay mukhang nasaling niya ang ego nito. Lihim siyang nagdiwang. Masyado kasi itong bilib sa sarili. Lihim siyang napangiti. Monckery was her next best trait.

"Wear your tie, Samuel. By the way thank you for the heroic deed," aniya kay Samuel bago siya tumalikod. Totoong nagpapasalamat siya sa ginawa nito. Kung hindi nito siya itinulak at sinalo ang mga kahon ay sa kanya iyon babagsak. Si Tyron kasi ay nanigas lang sa isang tabi at hindi siya nagawang protektahan. Walang kwenta.

"Sa wakas, nagpasalamat din," sambit naman ni Samuel. Ngumiti ito ng malapad at waring nasiyahan sa narinig mula sa kanyang boss.

Ngayon lang kasi ito nagpasalamat.

Nagkunwari naman si Shalanie na walang narinig. Tumalikod na siya at nagpatuloy lang siya sa paglalakad palabas na nang clinic.

Paglabas niya ng clinic ay naroon si Tyron. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala para sa kanya ngunit pagkadismaya naman ang naramdaman ni niya para dito.

Related chapters

  • Trapped with my Boss   Chapter 3 - Overtime

    Bumaba si Shalanie ng kotse pagkatapos buksan ng driver ang pinto nito. Kasalukuyan siyang nasa parking lot. Sinipat niya ang suot na relo. Alas-tres y medya na ng hapon. Kagagaling lang niya sa isang investors meeting sa isang italian restaurant. Marami silang pinag-usapan tungkol sa kompanya at negosyo habang kumakain sila. Naging topic din siya doon. Ang tungkol sa love life niya na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan.Naging tampulan sila ng tukso ng Chief Operating Officer na si Tyron. Bagay daw sila ika ng ilang mga tsismosong investors at sumang-ayon din naman ang iba. Gustong-gusto naman iyon ni Tyron. Nakangisi ito at tuwang-tuwa ito sa usapang iyon habang siya ay naasiwa.Kahit na ayaw niya ang pinag-uusapan ay hindi naman siya maaaring magmaldita sa harap ng mga investors kahit pa gustong-gusto na niya itong gawin, pero pilit na lamang niyang nginitian ang mga ito at nanatiling tahimik tungkol sa bagay na iyon. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos ang meeting.Naiirita

    Last Updated : 2023-09-06
  • Trapped with my Boss   Chapter 4 - Bottle of Perfume

    “Cleared na ang sales report na ito.”Kinuha ni Shalanie ang folder kay Arah. Apat na oras na silang nasa loob ng library nang unit ni Shalanie. Nasa ikalawang palapag ito at katabi lang ng kuwarto niya. Batid niyang pagod na rin ang mga kasama niya mula sa maghapong trabaho ng nga ito at ngayon nga ay apat na oras na silang nag-o-overtime.Dahil wala na silang time pa na magluto at hindi naman din siya mahilig magluto ay nagpadeliver na lamang siya ng pagkain para sa hapunan nila. Nang dumating ang ipina-deliver ay agad din itong inihanda ni Shalanie sa kitchen at tinawag ang dalawa para kumain. Sandali lang din silang kumain at muli ng bumalik sa trabaho.Sinulyapan niya si Samuel na nakaupo sa couch at abala sa pagtitipa sa laptop. Inutusan niya itong review-hin ang financial report ng kompanya. Nagpatay malisya siya at hindi pinansin ang pagbubulungan ni Samuel at Arah na kung bakit ito lang ang pinag-OT niya. Dahil marami naman daw epleyado na maaring mag-OT.Nagkukunwari siyang

    Last Updated : 2023-09-07
  • Trapped with my Boss   Chapter 5 - Workaholic

    Sanay na si Samuel sa walang puknat na interogasyon ng kanyang ina at mga auntie niya sa tuwing nakakausap niya ang mga ito. Patunay roon ang pag-e-enjoy niya sa pagkukwento sa mga ito habang salo-salo silang kumakain ng pananghalian. Ang ina niya at mga tiyahin ang nagluto ng mga pagkain kaya ganadong kumain si Samuel. “Kaidad mo lang kamo ang boss mo?”ani ng Auntie Fely niya habang sumasandok ng ulam na minudo. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina.“Opo, Auntie. Ilang araw lang din ang pagitan ng kaarawan naming dalawa. Binilhan ko nga siya ng cake noong birth day niya bilang regalo. Nagpasalamat siya pero hindi man lang ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung natuwa ba siya o hindi,” k’wento pa ni Samuel sa mga ito. “Naku, baka hindi masarap ang cake na ibinigay mo. Baka hindi niya gusto ang flavor. Dapat ay tinanong mo kung ano ang paborito niyang flavor. Teka, ang boss mo binilhan mo ng cake pero ang mama mo hindi?” ani pa ng Auntie Fely niya. “Naku, imposibleng makalimutan ko ang

    Last Updated : 2023-09-11
  • Trapped with my Boss   Chapter 6 - Date

    “Sir Julio, good afternoon. Narito po pala kayo,” bati ni Samuel kay Mr. Enrique nang makasalubong niya ito malapit sa elevator ng 9th floor kung saan naroon ang opisina ni Shalanie.Ngumiti ito ng makita siya.“Bakit hanggang ngayon ay Sir Julio pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit hindi na lang Tito?” tanong nito kay Samuel. “Superior ko po kayo, parang nakakailang kung hindi ko kayo tatawaging Sir,” nahihiyang sagot niya rito.“Naku ‘tong batang ‘to. We both know that’s not the case.” Tumawa ito at mahinang tinapik siya sa braso. Ngumiti naman siya.Bigla ay naalala niya ang pagdalaw nito sa bahay na tinutuluyan niya noong nakaraan lang pagkatapos ng kaarawan ng kanyang ina. “Gusto ko po pa lang magpasalamat sa pagdalaw n’yo sa bahay noong nakaraang araw,” magiliw niyang wika.“Wala iyon. Kamusta, nakauwi na ba ng Pilipinas ang Mama mo at mga Auntie mo?”“Opo, kahapon ng umaga. Safe naman po ang naging flight nila.”“Mabuti kung ganoon.”Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Hindi k

    Last Updated : 2023-09-13
  • Trapped with my Boss   Chapter 7 - Promise

    Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraang buwan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon.Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman, hija."Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon.“Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kaila

    Last Updated : 2023-09-14
  • Trapped with my Boss   Chapter 8 - Wine

    Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Iniwan na lang ni Samuel sa parking lot ng company building ang sasakyan niya. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya.Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Kaagad silang binati nito. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi naman na niya pinagtuunan pa ng pansin iyon. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager at binalingan na siyang muli ni Shalanie.“Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna nang maglakad at umakyat sa

    Last Updated : 2023-09-15
  • Trapped with my Boss   Chapter 9 - WARNING!!! RATED SPG!

    Masarap na ang tulog ni Shalanie nang marating nila ang bahay nito. Imbis na gisingin ay nagpasya si Samuel na buhatin na lang ito. Nalaman niyang kahit sa payat nitong katawan ay may kabigatan din pala ito pero hindi naman siya nahirapang buhatin ito. Napangiti siya. Madali naman siyang nakapasok sa loob ng bahay nito dahil alam niya ang code ng pinto nito. Nang makapasok ay kaagad na siyang umakyat at tinungo ang kuwarto ni Shalanie. Unang beses pa lang niyang makakapasok sa silid nito. Sa tuwing may ipakukuha kasi itong mga dukomento ay nasa library lang ang mga iyon.Inilapag niya sa kama si Shalanie. Una niyang hinubad ang sapatos nito at itinabi sa ilalim ng kama nito. Umungol ito habang inaayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Hindi kaagad siya umalis at pinagmasdan ito sa malapitan. Napakaganda talaga nito. Naisip niya na ang isang babae na kagaya nito ay napakahirap abutin ng isang lalaki lalo na ng isang ordenaryong lalaki lamang. Taglay na kasi nito ang halos lahat. Tal

    Last Updated : 2023-09-16
  • Trapped with my Boss   Chapter 10 - No regrets

    Nakatanggap si Shalanie ng isang bungkos na bulaklak mula kay Jake. Ang aga nitong nagtungo sa opisina niya para dalawin siya. Naghanap siya ng flower vase at inilagay niya ang mga bulaklak doon pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa tabi ng kanyang mesa. Bahagya pa niyang inayos ang mga iyon bago tuluyang binitawan.Matagal na niyang kaibigan si Jake at hindi lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya. Pero noon pa man ay sinabi na niya rito na pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito. Pero kahit ganoon ay ayaw pa rin siyang tantanan nito at titigil lang daw ito kapag nagkanobyo na siya.Matagal na siyang hindi nagkakanobyo. Wala pa kasing taong pumapasa sa standards niya. Busy rin kasi siya sa trabaho at walang time para sa love life niya. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil hindi maman siya nagmamadali. Pasasaan ba at dadating din ang tamang lalaki para sa kanya.Si Jake ay isang business man na half Filipino half Canadian. Kahit Canadian citizen ito ay magaling itong magsalita

    Last Updated : 2023-09-18

Latest chapter

  • Trapped with my Boss   Special Chapter

    Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala

  • Trapped with my Boss   Epilogue

    TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two

  • Trapped with my Boss   Chapter 62 - Mood / WARNING!!! RATED SPG!

    Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d

  • Trapped with my Boss   Chapter 61 - More crazy

    Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang

  • Trapped with my Boss   Chapter 60 - Horny

    "Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang

  • Trapped with my Boss   Chapter 59 - I love you / WARNING!!! RATED SPG!

    "Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku

  • Trapped with my Boss   Chapter 58 - Unforgettable

    Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland

  • Trapped with my Boss   Chapter 57 - Forgiveness

    HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience

  • Trapped with my Boss   Chapter 56 - Proven

    LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status