EIGHT MONTHS LATER
"Hindi ka man lang ba kakain ng almusal, bro?" tanong ni Ethan kay Samuel habang pinagmamasdan nito ang mga kilos niya. Si Ethan ay kaibigan ni Samuel at may-ari ng bahay na tinutuluyan niya."Sa office na siguro. Bawal ma-late kundi yari ako kay Boss," sagot ni Samuel sa kaibigan habang inaayos niya ang bagong biling necktie. Pagkatapos ay nagsuot na rin siya ng sapatos at ipinasok sa loob ng briefcase ang pinagpuyatang paper works. Nang ayos na ay sinipat niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa sarili. Napakaguwapo talaga niya."Alis na 'ko, bro," paalam na niya sa kaibigang si Ethan. Napakamot na lang sa ulo ang kaibigan at halata sa mukha na hindi makapaniwala sa kanya. Nginitian na lamang niya ito.Matagal na silang magkaibigang dalawa dahil magkaklase sila noon sa College at palagi silang magkasama. Nagkaroon ito ng maganda opportunity sa Canada kaya doon na rin ito tumira. At noong ngang napunta si Samuel ng Canada para sa trabaho ay ito kaagad ang hinanap niya at dito napiling makituloy. Wala namang problema kay Ethan dahil mag-isa lang itong nakatira sa bahay at masaya itong makasama ang kaibigan.Hindi kagustuhan ni Samuel ang pagpasok sa MWSI Canada. Kinumbinsi lang siya ng matalik na kaibigan ng kanyang ama na isa namang abogado. Marahil kung hindi niya tinanggap ang alok nito ay nasa isang maliit na kompanya lang siya ngayon nagtatrabaho.Ngunit ngayon ay eksaktong walong buwan na siyang executive assistant ni Shalanie. Ang masungit na boss niya na isang strict, rutless at napakaeksperto sa pang-i-stress sa mga empleyado nito. Oo, ganoon ang boss niya.Maraming kasamahan niya sa MWSI ang hanga sa kan'ya dahil napakatatag niya raw na umabot siya nang walong buwan na kasama si Shalanie. Tinatawanan lang naman niya ang mga ito dahil mas importante sa kan'ya ang kan'yang trabaho. At alam niyang malaki ang maitutulong sa kanya ng masungit niyang boss.Habang naghihintay siya ng masasakyan ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Shalanie. Huwag daw niyang kalimutang dalhin ang presentation na ipinagawa nito sa kanya. Tinapos niya iyon ng nagdaang gabi at gumawa siya ng ilang formats na pweding pamilian nito na papasa sa panlasa ng boss niya. Sa loob ng walong buwan pagtatrabaho niya rito ay kabisado na niya ang ugali nito pagdating sa trabaho. Napakametikulosa nito. Nasanay na rin siyang tawagin itong Boss dahil masyado itong bossy.Natagalan siya sa paghihintay ng Cab na sasakyan niya patungong opisina. Makailang ulit niyang tiningnan ang pambisig na orasan. Tantiya niya ay male-late siya at malilintikan siya sa boss niya. Pero hindi naman siya gaanong nag-aalala.Maya-maya pa ay tumunog ang kan'yang cellphone, si Shalanie ang tumatawag. Kaagad niya naman itong sinagot kahit alam niyang kagagalitan lang siya nito.MAINIT ang ulo ni Shalanie. Dalawang empleyado na agad ang nasigawan at kinagalitan niya nang umagang iyon. Tinangka niyang tawagan si Samuel at kaagad din naman itong sumagot sa tawag niya."Where the hell are you, Samuel?" kaagad niyang singhal rito kahit hindi pa man ito nagsasalita."Sorry, Boss. Hindi pa kasi ako nakakasakay. Kanina pa ako nag-aabang ng masasakyan," paliwanag ni Samuel ngunit mukhang hindi uubra sa boss nitong mainit pa sa kumukulong tubig ang ulo."Wala akong pakialam, Samuel. Mag-uumpisa na ang meeting ngunit wala ka pa. Bilisan mo na dahil kailangan ko ang mga papeles, ngayon na!" Maydiin at awtoridad sa mga tinig ni Shalanie. Halatang galit na siya at hindi na makapaghihintay pa ng matagal."Yes, Boss. I'll be there in few minutes," mahinahong sagot ni Samuel na parang wala lang dito ang inis sa tinig ni Shalanie.Lalo namang nainis si Shalanie. Malilintikan sa kan'ya ang lalaki pagdating nito. Wrong timing ang pagka-late nito. Wala itong karapatang ma-late. Hindi na siya mapakali pa sa kan'yang kinauupuan. Pinanatili naman niya ang magandang ayos ng mukha at hindi hinahayaang kumunot ang noo niya kahit pa ba naiinis na siya.Ilang saglit pa ay sinimulan na ang meeting. Sinabi ng COO ang punto at objectives ng meeting nila sa araw na iyon. Nanatili siyang nakikinig habang hinihintay ang assistant.Lumipas pa ang ilang minuto ngunit wala pa rin si Samuel. Hindi na maipinta ang mukha ni Shalanie. Nagngingitngit na ito sa inis. Ilang ulit nang umarko ang kilay niya.Nauna ng nag-present ang marketing assistant supervisor. Nasa kalagitnaan na ito nang bumukas ang double doors ng silid at iniluwa niyon ang magaling niyang assistant.Agad siya nitong nilapitan at umupo sa bakanteng silya sa tabi niya. Binati siya nito na may magandang pagkakangiti, napaka-cool at akala mo ay hindi late kung umasta. Parang lalo pa siyang nainis dahil nagagawa pa nitong ngitian siya ng napakaganda.Pabulong naman niya itong sinita at tinaasan ng kilay."I hate tardy people. Alam mo yan, Samuel."Nanlalaki ang mga mata niya habang pabulong na pinagagalitan si Samuel. Bakas ang labis na pagkainis niya rito. Parang mangangain na siya ng assistant. Late ang pinaka-ayaw niya sa lahat."Pasensya na, boss. Hindi ko kasi kontrolado ang mga sasakyan. Hayaan n'yo hindi na ito mauulit," mahinahong sabi naman si Samuel. Hindi man lang ito kinakitaan ng kahit kaunting takot kay Shalanie.Nakatiim-bagang na tinitigan niya ito. Sa lahat ng empleydo ay ito lang ang nagagawang mangatwiran sa kan'ya. Kahit si Arah na tinuring na niyang kaibigan ay hindi nangangatwiran sa kan'ya kapag mainit ang ulo niya. Sa loob ng ilang buwan na naging assistant niya si Samuel ay hindi ito nasisindak sa kan'ya. Paano nga ba niya ito masisindak?"Hindi na talaga ito mauulit dahil kapag nangyari uli ito, your fired! Nagkakaintindihan ba tayo?" Mahina ngunit maririin ang mga ito."Boss, malabong sesantihin n'yo ako sa trabaho. Wala na kayong makikitang katulad ko dahil nag-iisa lang ako.Wala ng kasinggaling, kasingtalino at kasingguwapo kong executive assistant, Boss," pagmamalaki naman ni Samuel habang may magandang pagkakangiti. Nakasandal pa ito sa swivel chair na inuupuan nito.Mapaklang natawa si Shalanie. Lalo siyang nabwisit sa kapreskuhan ng assistant niya. Saan ba ito kumukuha ng lakas ng loob?Inaamin naman ni Shalanie sa sarili niya na mahihirapan nga siyang makahanap ng ipapalit dito sakaling sesantihin niya ito. Samuel has proven his efficiency to her every day. The guy seemed to be a jack of all trades. Hindi nga siya makapaniwala na may taong tulad nito. Mabilis itong matuto, organized in thoughts and in things, idealistic, flexible, patient, articulate, very cool and so on.Nagtataka siya kung bakit hindi niya ito magawang sindakin gayong talento niya ang manindak ng mga empleyado. At lahat ng empleyadong nakakakilala sa kanya ay takot sa kanya maliban lang talaga kay Samuel."Ito na ang flash disk, Boss."Pagkaabot nito ay kaagad niya itong hinablot at isinaksak sa kan'yang laptop. Maliksi ang mga kamay niyang nagpipindot sa keyboard habang panaka-nakang tumitingin sa mga ka-meeting.Pagkatapos pakinggan ang proposal ng marketing team ay mabilis namang kumilos si Samuel at ito naman ang nag-report. Tinalakay nito ang tungkol sa sales ng kompanya.Pagkatapos ng mga presentation ay nag-brainstorming sila. Nag-mental notes si Shalanie ng lahat ng points na sinabi sa meeting. Kung may nakalimutan man siya ay si Samuel ang tatanungin niya dahil trabaho nito ang isulat ang minutes ng meeting na iyon.Nang matapos ang meeting ay muli niyang hinarap si Samuel at itinanong ang susunod niyang appointment."Plantation visit, Boss" sagot ni Samuel."Sigurado ka? Patingin nga." Inagaw niya rito ang notebook na naglalaman ng schedule niya. Hindi ito nagsisinungaling. Nakatakda siyang pumunta sa planta kasama ang COO para tingnan ang operation doon.Napabuntong hininga siya. Ayaw kasi niyang makasama ang COO. Iniiwasan niya ito dahil pakiramdam niya ay may gusto ito sa kan'ya at naiilang siya.Hindi nga niya alam kung bakit kailangan pa niyang sumama doon sa production. Hindi ba dapat marketing team ang kasama nito at hindi siya.Kung may magagawa lang sana siya, ngunit wala. Wala siyang choice kundi ang sumunod at makasama ito. Mabuti na lang at nariyan si Samuel. Hindi niya ito makakasama ng siya lang mag-isa."I need my flat shoes," sabi niya bago siya tumalikod kay Samuel at nag-umpisa ng maglakad. Nakasunod naman si Samuel sa kanya."Nasa locker ko, Boss," agad naman sagot ni Samuel sa kan'ya.Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ito."Nasa locker mo? Bakit nasa locker mo ang shoes ko?" pagtataka niya. Bakas din sa mukha niya ang gulat. Bahagya pang napakunot ang noo niya. Ano ang ginagawa ng shoes niya sa locker nito?Nagkamot ito ng batok at alanganing ngumiti."Sabi mo kasi noong nakaraan, after ng dinner meeting sa isang restaurant na ako muna ang magtago niyon," paliwanag ni Samuel."Sinabi ko 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya. Totoo bang ginawa niya iyon? Hindi talaga siya makapaniwala. Bakit niya ipapatago sa assistant niya ang sapatos niya?"Yes, Boss."Naalala niya ang dinner meeting na iyon. Anim na palapag ang inakyat nila. Ayaw kasing mag-elevator ng ka-meeting nilang health buff na kano. Sinabi nito na maghagdan na lamang sila. Parang nananadya ito dahil 5 inc. ang takong ng sapatos na suot niya ng araw na iyon.Mabuti na lang at may flat shoes siya sa kotse. Kaagad niyang ipinakuha iyon kay Samuel. Tiniis niya ang pag-akyat sa anim na palapag bilang pakikisama ngunit nang makaakyat ay kaagad siyang nagpalit ng flat shoes na ipinakuha niya kay Samuel. Pagkatapos magpalit ay ang high heels naman niya ang ipinahawak niya kay Samuel.Nang matapos ang dinner meeting ay nagpalit muli siya ng high heels noong nasa kotse na siya at ang flat shoes ay ipinatago niya kay Samuel. At sa locker nito itinago?Inutusan na niya si Samuel na kunin ang flat shoes niya kung saan man ito itinago ng assistant niyang ito. Pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa opisina niya.Kauupo pa lang niya sa kan'yang swivel chair nang makatanggap siya ng mensahe sa kan'yang g***l. Galing iyon kay Don Roberto. Gusto nitong makipag meeting sa kan'ya at sa iba pang members ng board sa darating na Byernes sa penthouse ng isang sikat na hotel. Mabilis naman siyang nagreply pagkatapos ay nag-retouch siya ng makeup niya.Naglalagay siya ng lipstick nang dumating si Samuel."Don't you know how to knock?" mataray na tanong niya rito. Nakataas ang isang kilay niya na halata na naman ang pagka-inis sa assistant niya."Sorry, Boss," paghingi nito ng paumanhin sa kanya."Mauna ka na sa parking lot," utos niya rito.Tumango ito at wala ng sinabi pa. Inilapag nito ang bitbit na flat shoes sa sahig malapit sa sofa bago tahimik na lumabas. Lumapit naman siya roon at isinuot ang sapatos. Dagli na rin siyang lumabas ng opisina niya bitbit ang bag niya. Tinungo niya ang elevator, saglit lang naman siyang naghintay bago ito bumukas. Sumakay ito doon patungo sa basement at nagtungo sa parking lot kung nasaan naka-park ang kotse niya. Maalwan ang paglalakad niya dahil naka-flat shoes siya.Naabutan niya si Samuel na nasa gilid ng kotse niya at nakikipagkwentuhan sa company driver."Tama po kayo Mang Nestor, matumal nga sa mga tulad natin ang mga babaeng masusungit," pahabol na sabi ni Samuel sa company driver."May tamang pagpapaamo naman sa mga ganyang masusungit, Sir," sagot ni Mang Nestor ang company driver.Nagkatawanan sila dahil doon.Mukhang hindi pa siya napapansin ng mga ito dahil abala sila sa masarap nilang pagkukwentuhan.Tumikhim siya para maagaw ang atensyon ng mga ito. Bumaling si Samuel sa kan'ya. Natahimik naman si Mang Nestor.Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Tanong niya sa isip. Mukha siya ang pinag-uusapan dahil tumigil ang nga ito nang mapansin na siya."Handa na kami, Boss. Aalis na ba tayo?" tanong ni Samuel sa kan'ya.Tumango lamang siya bilang tugon. Ipinagbukas siya nito ng pinto ng kotse, bago umikot sa kabilang pinto at siya naman ang sumakay doon.Bago siya makarating kanina sa kotse niya ay nakasalubong niya ang COO, si Tyron Ignacio. Gusto nito na sumabay na sa kan'ya si Shalanie sa kotse nito patungo sa planta. Ngunit tinanggihan ito ni Shalanie. May kotse naman siya kaya hindi niya kailangan pang sumabay dito at ayaw rin niyang makasabay ito."I want the fastest route to Niagara," sabi niya sa driver."Boss, sana nag-eroplano na lang tayo."Mabilis na gunalaw ang kamay niya. Napaigik ito nang sikuhin niya ito. Ngunit sa halip na magreklamo ay tumawa pa ito na animo'y nasiyahan sa pagkakasiko sa kan'ya."Nagiging bayolente ka na, Boss. Gumagamit ka na ngayon ng dahas, a." pang-aasar pa nito kay Shalanie."Stop it, Bernales! Don't be childish," inis na wika niya kay Samuel. Tumaas na naman ang kilay niya. Imbis kasi na siya ang kaiinisan nito dahil sa pagiging masungit niya ay siya pa ang naiinis sa assistant niyang ito."Don't be serious, Boss. Hindi n'yo pasan ang daigdig araw-araw para magsungit kayo ng ganyang palagi." Nakangiti ito ng malapad habang sinasabi iyon. Hindi na niya malaman pa ang isasagot sa assistant.Nangingiti naman si Mang Nestor habang inuumpisahan ng paandarin ang kotse.Nakarating sa planta sina Shalanie at Samuel na hindi man lang na kumibo si Shalanie kay Samuel. Napakatahimik niya buong byahe nila. Nanatili lang siyang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at tila ba kinakabisado ang dinaraanan. Nawala na kasi siya sa mood para magsalita. Wala rin naman siyang sasabihin. Kinausap lang niya si Samuel noong nasa planta na sila sa Niagara Peninsula.The Niagara Peninsula is the largest wine producing region in Canada. Naririto din ang malaking planta ng MWSI. Isang oras at dalawampung minuto ang byahe mula sa opisina nila sa Toronto.Nang makababa sila ng sasakyan ay naroroon na ang COO na si Tyron. Prenteng nakatayo ito malapit sa entrace at mukhang naghihintay na sa kanila. Nakasuksok sa magkabila nitong bulsa ang magkabila niyong kamay. Napakabilis naman ata nitong mag-drive dahil una itong dumating sa kanila kahit halos magkasabay lang naman silang umalis ng opisina nila sa Toronto.Kaagad na rin silang lumapit sa kinaroroonan ni Tyron. Ngumi
Bumaba si Shalanie ng kotse pagkatapos buksan ng driver ang pinto nito. Kasalukuyan siyang nasa parking lot. Sinipat niya ang suot na relo. Alas-tres y medya na ng hapon. Kagagaling lang niya sa isang investors meeting sa isang italian restaurant. Marami silang pinag-usapan tungkol sa kompanya at negosyo habang kumakain sila. Naging topic din siya doon. Ang tungkol sa love life niya na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan.Naging tampulan sila ng tukso ng Chief Operating Officer na si Tyron. Bagay daw sila ika ng ilang mga tsismosong investors at sumang-ayon din naman ang iba. Gustong-gusto naman iyon ni Tyron. Nakangisi ito at tuwang-tuwa ito sa usapang iyon habang siya ay naasiwa.Kahit na ayaw niya ang pinag-uusapan ay hindi naman siya maaaring magmaldita sa harap ng mga investors kahit pa gustong-gusto na niya itong gawin, pero pilit na lamang niyang nginitian ang mga ito at nanatiling tahimik tungkol sa bagay na iyon. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos ang meeting.Naiirita
“Cleared na ang sales report na ito.”Kinuha ni Shalanie ang folder kay Arah. Apat na oras na silang nasa loob ng library nang unit ni Shalanie. Nasa ikalawang palapag ito at katabi lang ng kuwarto niya. Batid niyang pagod na rin ang mga kasama niya mula sa maghapong trabaho ng nga ito at ngayon nga ay apat na oras na silang nag-o-overtime.Dahil wala na silang time pa na magluto at hindi naman din siya mahilig magluto ay nagpadeliver na lamang siya ng pagkain para sa hapunan nila. Nang dumating ang ipina-deliver ay agad din itong inihanda ni Shalanie sa kitchen at tinawag ang dalawa para kumain. Sandali lang din silang kumain at muli ng bumalik sa trabaho.Sinulyapan niya si Samuel na nakaupo sa couch at abala sa pagtitipa sa laptop. Inutusan niya itong review-hin ang financial report ng kompanya. Nagpatay malisya siya at hindi pinansin ang pagbubulungan ni Samuel at Arah na kung bakit ito lang ang pinag-OT niya. Dahil marami naman daw epleyado na maaring mag-OT.Nagkukunwari siyang
Sanay na si Samuel sa walang puknat na interogasyon ng kanyang ina at mga auntie niya sa tuwing nakakausap niya ang mga ito. Patunay roon ang pag-e-enjoy niya sa pagkukwento sa mga ito habang salo-salo silang kumakain ng pananghalian. Ang ina niya at mga tiyahin ang nagluto ng mga pagkain kaya ganadong kumain si Samuel. “Kaidad mo lang kamo ang boss mo?”ani ng Auntie Fely niya habang sumasandok ng ulam na minudo. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina.“Opo, Auntie. Ilang araw lang din ang pagitan ng kaarawan naming dalawa. Binilhan ko nga siya ng cake noong birth day niya bilang regalo. Nagpasalamat siya pero hindi man lang ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung natuwa ba siya o hindi,” k’wento pa ni Samuel sa mga ito. “Naku, baka hindi masarap ang cake na ibinigay mo. Baka hindi niya gusto ang flavor. Dapat ay tinanong mo kung ano ang paborito niyang flavor. Teka, ang boss mo binilhan mo ng cake pero ang mama mo hindi?” ani pa ng Auntie Fely niya. “Naku, imposibleng makalimutan ko ang
“Sir Julio, good afternoon. Narito po pala kayo,” bati ni Samuel kay Mr. Enrique nang makasalubong niya ito malapit sa elevator ng 9th floor kung saan naroon ang opisina ni Shalanie.Ngumiti ito ng makita siya.“Bakit hanggang ngayon ay Sir Julio pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit hindi na lang Tito?” tanong nito kay Samuel. “Superior ko po kayo, parang nakakailang kung hindi ko kayo tatawaging Sir,” nahihiyang sagot niya rito.“Naku ‘tong batang ‘to. We both know that’s not the case.” Tumawa ito at mahinang tinapik siya sa braso. Ngumiti naman siya.Bigla ay naalala niya ang pagdalaw nito sa bahay na tinutuluyan niya noong nakaraan lang pagkatapos ng kaarawan ng kanyang ina. “Gusto ko po pa lang magpasalamat sa pagdalaw n’yo sa bahay noong nakaraang araw,” magiliw niyang wika.“Wala iyon. Kamusta, nakauwi na ba ng Pilipinas ang Mama mo at mga Auntie mo?”“Opo, kahapon ng umaga. Safe naman po ang naging flight nila.”“Mabuti kung ganoon.”Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Hindi k
Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraang buwan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon.Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman, hija."Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon.“Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kaila
Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Iniwan na lang ni Samuel sa parking lot ng company building ang sasakyan niya. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya.Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Kaagad silang binati nito. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi naman na niya pinagtuunan pa ng pansin iyon. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager at binalingan na siyang muli ni Shalanie.“Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna nang maglakad at umakyat sa
Masarap na ang tulog ni Shalanie nang marating nila ang bahay nito. Imbis na gisingin ay nagpasya si Samuel na buhatin na lang ito. Nalaman niyang kahit sa payat nitong katawan ay may kabigatan din pala ito pero hindi naman siya nahirapang buhatin ito. Napangiti siya. Madali naman siyang nakapasok sa loob ng bahay nito dahil alam niya ang code ng pinto nito. Nang makapasok ay kaagad na siyang umakyat at tinungo ang kuwarto ni Shalanie. Unang beses pa lang niyang makakapasok sa silid nito. Sa tuwing may ipakukuha kasi itong mga dukomento ay nasa library lang ang mga iyon.Inilapag niya sa kama si Shalanie. Una niyang hinubad ang sapatos nito at itinabi sa ilalim ng kama nito. Umungol ito habang inaayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Hindi kaagad siya umalis at pinagmasdan ito sa malapitan. Napakaganda talaga nito. Naisip niya na ang isang babae na kagaya nito ay napakahirap abutin ng isang lalaki lalo na ng isang ordenaryong lalaki lamang. Taglay na kasi nito ang halos lahat. Tal
Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala
TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two
Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d
Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang
"Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang
"Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku
Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland
HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience
LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni