Share

Trapped with my Boss
Trapped with my Boss
Author: Gelnat14

Prologue

Author: Gelnat14
last update Last Updated: 2023-03-07 17:15:46

NAGULAT si Shalanie nang datnan niya ang kanyang kaibigang si Clarice sa kusina ng unit niya. Isang tambak na pagkain ang iniluto nito at inihayin sa mesa.

"Good morning, friendship," bati nito sa kan'ya.

" Good morning. Bakit ang dami mong inihandang pagkain? Anong mayro'n? May okasyon ba?" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan.

"Wala naman, friendship. Gusto ko lang magluto," sagot nito at ngumiti nang malapad.

"Hindi ba dapat nagbu-beauty rest ka dahil bukas na ang flight mo pauwi ng Pilipinas."

"Friendship, sa tono ng pananalita mo parang atat ka ng paalisin ako." Sumimangot ito at waring nagtampo sa kaibigan. Nakatakda na kasi itong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon.

Inakbayan niya ito. "Hindi naman sa gano'n, friendship. Inaalala lang kita. Syempre pag-uwi mo magkikita na kayo ulit ng boyfriend mo. Dapat ay maganda ka dahil baka ipagpalit ka n'ya sa iba." Nagtawanan sila.

Matagal na rin silang magkaibigan ni Clarice. Friendship ang napili nilang maging tawagan sa isa't isa. Nagkakilala sila noong unang araw pa lang ni Shalanie dito sa Canada.

Si Clarice ang unang nakatira sa unit niyang ito. Lilipat na sana noon si Clarice ng ibang unit kaya mababakante na ito at si Shalanie ang pumalit sa kanya. Ngunit nagkatoon ng problema sa unit na lilipatan naman ni Clarice kaya nagkasama sila dito ng ilang buwan bago tuluyang lumipat ng ibang unit si Clarice.

Sa iisang company lang din sila nagtatrabaho pero mas mataas ang posisyon niya. Chief Finance Officer siya at si Clarice naman ay Marketing Manager.

Ulila na si Shalanie sa mga magulang at tanging nag-iisang nakababatang kapatid na babae na lang ang pamilya niya. Nasa Pilipinas ito at nag-aaral ng kolehiyo.

Siya ang nagtataguyod sa pag-aaral nito at mga pangangaylangan. Iyon ang dahilan kaya maaga siyang nag-mature. Gamit ang talino at kakayahan ay nagpursige siya sa buhay.

Nakapasok siya sa isang malaking kumpanya, ang MWSI o Mattson's Wine and Spirit Inc.. Nagsimula lang siya bilang isang executive assistant. Kinakitaan siya ng pambihirang galing at dedekasyon sa trabaho kaya na promote siya.

Nang magkaroon naman ng pagkakataon na madistino sa ibang bansa ay hindi naman niya ito pinalagpas.

"How's work, friendship?" tanong ni Clarice sa kanya nang magsimula na siyang kumain. Mukha kasi siyang stress.

"As usual, nakakangarag. But I get to enjoy every minute of it." pagmamalaki niya rito.

"Ikaw muna ang bahala sa kumpanya natin habang wala ako," nakangising sabi ni Clarice.

"Nangangarap ka na naman. Trabahador lang tayo at kahit anong gawin natin hindi magiging sa atin ang kumpanyang iyon." Nagkatawanan sila.

"By the way, tumawag si Mr. Ruiz last night. Two PM daw ang deliberation n'yo today. Tinatanong n'ya kung handa na ba daw lahat ng importanteng documents. I told him you've been working on it overnight."

"Bakit naman sa'yo siya tumawag?"

"Baka hindi ka niya ma-contact."

"It's all done and polished." Uminom siya ng juice pagkatapos nitong kumain. Nagpaalam na rin siya sa kaibigan dahil kailangan na niyang pumasok sa opisina.

Pagsakay niya ng kotse ay tinawagan niya ang temporary assistant niya. "Daisy, gusto kong bago matapos ang linggo na ito ay maroon na akong bagong assistant. Do you hear me? Halos tatlong linggo na akong napupuyat dahil solo ko ang lahat ng trabaho. Ano bang dahilan at hangang ngayon ay wala pa ring naha-hire na assistant ko?" May awtoridad at inis ang boses niya. Kilala siya sa MWSI hindi lang dahil sa kanyang husay sa trabaho kundi pati na rin sa pagiging istrikto.

"Ang taas po kasi ng standard n'yo, Ma'am. Wala raw pong pumapasa," sagot ni Daisy sa kabilang linya.

Minasahe niya ang kanyang sintido. Sumakit kasi ang ulo niya, dahil siguro sa ilang araw na pagpupuyat at dagdagan pa ng stress. Tangka na siyang magsasalita nang muling magsalita si Daisy sa kabilang linya.

"Pero, Ma'am. Tumawag po ang CHRO Philippines kahapon, may nakuha na raw po sila at ipinadala na po nila rito. Baka po mag-report na siya ngayong araw din."

"Mabuti kung gano'n. Kapag dumating siya ngayong araw, papuntahin n'yo kaagad sa opisina ko. Kailangan ko pa rin siyang ma-interview."

"Yes, Ma'am." Ibinaba na niya ang telepono at nagmaneho patungong opisina.

Halos lahat ng empleyado ng MWSI base sa Canada ay mga pilipino. Iyon talaga ang gusto ng may-ari ng kompanya. Bukod sa opportunity iyon para sa mga pilipino ay mas madali ang magiging trabaho nila kung iisang lahi lang sila dahil mas madali silang magkakaintindihan. Mga ka-business lang nila ang mga banyaga.

PAGBukas pa lang ng elevator ay sinalubong na si Shalanie ng mga pagbati mula sa sakay niyon. Matipid na tango ang itinugon niya sa mga ito. Bihira siyang ngumiti kapag nasa trabaho. She like herself better when she was fierce and tough-looking.

Isang dekada na niyang mina-master ang pagkakaroon ng seryosong anyo. Aware naman siya sa kung ano-anong bansag sa kanya ng mga empleyado. Ipinagkikibit balikat niya lang iyon. Batid niyang walo sa sampung bulong-bulongan na nasagap niya ay siya ang pinatutungkulan.

"Good morning, Ma'am Shalanie." Si Arah ang bumati sa kanya. Ang tanging staff niya na hindi natatakot sa kanya. Hindi ito basta-basta nagpapaapekto sa kanya kahit pa gaano kapangit ang mood niya. Kaya naman kasundyo niya ito. Mabait at mapagbigay siya sa mga kasundo niya. Alam na alam iyon ni Arah.

Nginitian niya iyo nang makita ang suot nitong high heels. Siya ang nagbigay noon kay Arah, kamakailan lang. May kasama pa itong bag at wallet na lahat ay high brand.

Bigay sa kanya ni Clarice ang high heels, namali ito ng size kaya kaysa amagin sa cabenet niya ay ibigay na lang niya iyon kay Arah.

"Bagay sa iyo. New outfit as well," kumento niya habang may magandang ngiti.

"Thank you, Ma'am. Pero syempre wala pa ring tatalo sa pashion statement n'yo sa buong building na ito. Kahit na simple lang ang suot n'yo angat pa rin ang ganda n'yo," papuri naman ni Arah sa kanya na may malawak na pagkakangiti sa kanya.

Ngumiti lang ulit siya bagaman hindi sa pagmamayabang, may katotohanan naman ang mga sinabi ni Arah. Kagaya ngayon na simpleng white top at black skirt lang ang suot niya, tinernohan lang niya iyon ng white na high heels. Angat pa rin ang ganda niya. Lahat yata ng suotin niya ay bagay sa kanya.

"How do you wan't your coffee, Ma'am?" tanong ni Arah sa kanya ng tumalikod na siya.

"You know what I want, Arah. Bring it to my office." Pahabol niyang sagot habang naglalakad na papunta sa kanyang opisina.

Pagpasok niya ng kanyang opisina ay naabutan niya roon si Daisy na nag-aayos ng mga papeles sa ibabaw ng mesa niya. Hand-picked staff niya ito ngunit hindi kagaya ni Arah na nakakabiruan niya.

"Good morning, Ma'am. Nag-report na po ang magiging assisitant po ninyo. Nasa HR na po siya ngayon. Nariyan po sa table n'yo ang copy ng resume niya," kaagad nitong imporma sa kanya.

Pag-upo niya sa kanyang swivel chair ay dinampot niya ang folder na naglalaman ng resume at credentials ng magiging assistant niya. Bahagya niyang sinulyapan ang orasan na nakasabit sa opisina niya bago nagsalita.

"I want her to be here in my office at exactly ten twenty. I have some more questions for her."

"Yes, Ma'am. Anything else?"

"Check my schedule today."

"Yes, Ma'am," sabi ni Daisy bago ito tumalikod at lumabas na ng opisina.

Binuklat niya ang hawak na folder. Binasa niya ang mga nakasulat doon. Sunod ay pinakatitigan niya ang larawan na nakadikit sa resume.

Buong akala niya ay babae ang magiging bagong assistant niya. Hindi naman siya mapili sa kasarian pero kung may pagpipilian siya ay mas gusto niya ng babaeng assistant.

Moreno ang lalaking nasa larawan. Ang nakaagaw ng pansin niya ay ang mga mata nito. Bahagya siyang napangiti ng maisip niya na kahawig ito ng isang sikat na holliwood actor.

Ang lakas ng loob nitong maging executive assistant gayong Chemistry ang tinapos nito. Nagtataka siya kung bakit ito natanggap na executive assistant.

Mayamaya ay may kumatok sa pinto. Magkasunod na pumasok ang HR officer at ang magiging assistant niya. Ipinakilala ito ng HR officer sa kanya.

"Have a seat, Mr. Samuel Bernales," sabi niya. Napakaseryoso ng kanyang mukha. Talagang master na niya ang mukhang iyan.

"Thank you, Ma'am," sagot naman nito at kaagad na naupo sa nakapwestong upuan sa harap ng mesa niya. Ang HR officer naman ay lumabas na ng opisina.

Pinasadahan muli ni Shalanie ng tingin ang resume nito, pagkatapos ay ito naman ang pinasadahan niya ng tingin. She thought the man looked confident. Hindi nya rin akalain na matangkad ito at mas guwapo pa sa personal. Bagay dito ang business suit na suot nito.

"You are Chemistry Graduate. What do you know about your position? Do you think you are qualified?" tanong niya rito.

Tumikhim ito bago nagsalita. "I'm already hired by the HR from the Philippines, Ma'am. So, maybe I'm qualified for the position. I took several units in Business Management, Ma'am, and a short course in finance. I'm pretty sure those could help me be considered for the position." Confident nitong sagot kay Shalanie.

Ang totoo ay wala naman na talaga siyang pagpipilian. Kailangan na niya ng assistant. Totoo namang kahit hindi n'ya ito magustuhan ay wala siyang magagawa dahil hired na ito ng HR. Kung hindi naman magiging maganda ang trabaho nito ay pwede naman niyang tanggalin kagaya ng mga nauna niyang mga naging assistant.

"But you don't have a experience. I want that assistant na ako ang ia-assist at hindi siya ang aalalayan ko sa trabaho niya." Tumaas ang isang kilay ni Shalanie habang mariing nakatitig sa mga mata nito. Hindi naman niya matagalan ang tumitig dito dahil may kakaiba sa mga mata nito, na hindi mo maiiwasang titigan na kung magtatagal pa ay mahi-hipnotize ka na.

"That's why I'm here, para magkaroon na ako ng experience," sagot nito. Sarkastika naman siyang natawa sa mga sagot nito sa kanya. This man is so imposible.

"All right. Impress me then. Show me something that will flaunt your business skills. You can start now."

Related chapters

  • Trapped with my Boss   Chapter 1 - Annoying

    EIGHT MONTHS LATER"Hindi ka man lang ba kakain ng almusal, bro?" tanong ni Ethan kay Samuel habang pinagmamasdan nito ang mga kilos niya. Si Ethan ay kaibigan ni Samuel at may-ari ng bahay na tinutuluyan niya."Sa office na siguro. Bawal ma-late kundi yari ako kay Boss," sagot ni Samuel sa kaibigan habang inaayos niya ang bagong biling necktie. Pagkatapos ay nagsuot na rin siya ng sapatos at ipinasok sa loob ng briefcase ang pinagpuyatang paper works. Nang ayos na ay sinipat niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa sarili. Napakaguwapo talaga niya. "Alis na 'ko, bro," paalam na niya sa kaibigang si Ethan. Napakamot na lang sa ulo ang kaibigan at halata sa mukha na hindi makapaniwala sa kanya. Nginitian na lamang niya ito.Matagal na silang magkaibigang dalawa dahil magkaklase sila noon sa College at palagi silang magkasama. Nagkaroon ito ng maganda opportunity sa Canada kaya doon na rin ito tumira. At noong ngang napunta si Samuel ng Canada para sa trabaho ay ito kaagad ang hin

    Last Updated : 2023-09-01
  • Trapped with my Boss   Chapter 2 - Heroic deed

    Nakarating sa planta sina Shalanie at Samuel na hindi man lang na kumibo si Shalanie kay Samuel. Napakatahimik niya buong byahe nila. Nanatili lang siyang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at tila ba kinakabisado ang dinaraanan. Nawala na kasi siya sa mood para magsalita. Wala rin naman siyang sasabihin. Kinausap lang niya si Samuel noong nasa planta na sila sa Niagara Peninsula.The Niagara Peninsula is the largest wine producing region in Canada. Naririto din ang malaking planta ng MWSI. Isang oras at dalawampung minuto ang byahe mula sa opisina nila sa Toronto.Nang makababa sila ng sasakyan ay naroroon na ang COO na si Tyron. Prenteng nakatayo ito malapit sa entrace at mukhang naghihintay na sa kanila. Nakasuksok sa magkabila nitong bulsa ang magkabila niyong kamay. Napakabilis naman ata nitong mag-drive dahil una itong dumating sa kanila kahit halos magkasabay lang naman silang umalis ng opisina nila sa Toronto.Kaagad na rin silang lumapit sa kinaroroonan ni Tyron. Ngumi

    Last Updated : 2023-09-02
  • Trapped with my Boss   Chapter 3 - Overtime

    Bumaba si Shalanie ng kotse pagkatapos buksan ng driver ang pinto nito. Kasalukuyan siyang nasa parking lot. Sinipat niya ang suot na relo. Alas-tres y medya na ng hapon. Kagagaling lang niya sa isang investors meeting sa isang italian restaurant. Marami silang pinag-usapan tungkol sa kompanya at negosyo habang kumakain sila. Naging topic din siya doon. Ang tungkol sa love life niya na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan.Naging tampulan sila ng tukso ng Chief Operating Officer na si Tyron. Bagay daw sila ika ng ilang mga tsismosong investors at sumang-ayon din naman ang iba. Gustong-gusto naman iyon ni Tyron. Nakangisi ito at tuwang-tuwa ito sa usapang iyon habang siya ay naasiwa.Kahit na ayaw niya ang pinag-uusapan ay hindi naman siya maaaring magmaldita sa harap ng mga investors kahit pa gustong-gusto na niya itong gawin, pero pilit na lamang niyang nginitian ang mga ito at nanatiling tahimik tungkol sa bagay na iyon. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos ang meeting.Naiirita

    Last Updated : 2023-09-06
  • Trapped with my Boss   Chapter 4 - Bottle of Perfume

    “Cleared na ang sales report na ito.”Kinuha ni Shalanie ang folder kay Arah. Apat na oras na silang nasa loob ng library nang unit ni Shalanie. Nasa ikalawang palapag ito at katabi lang ng kuwarto niya. Batid niyang pagod na rin ang mga kasama niya mula sa maghapong trabaho ng nga ito at ngayon nga ay apat na oras na silang nag-o-overtime.Dahil wala na silang time pa na magluto at hindi naman din siya mahilig magluto ay nagpadeliver na lamang siya ng pagkain para sa hapunan nila. Nang dumating ang ipina-deliver ay agad din itong inihanda ni Shalanie sa kitchen at tinawag ang dalawa para kumain. Sandali lang din silang kumain at muli ng bumalik sa trabaho.Sinulyapan niya si Samuel na nakaupo sa couch at abala sa pagtitipa sa laptop. Inutusan niya itong review-hin ang financial report ng kompanya. Nagpatay malisya siya at hindi pinansin ang pagbubulungan ni Samuel at Arah na kung bakit ito lang ang pinag-OT niya. Dahil marami naman daw epleyado na maaring mag-OT.Nagkukunwari siyang

    Last Updated : 2023-09-07
  • Trapped with my Boss   Chapter 5 - Workaholic

    Sanay na si Samuel sa walang puknat na interogasyon ng kanyang ina at mga auntie niya sa tuwing nakakausap niya ang mga ito. Patunay roon ang pag-e-enjoy niya sa pagkukwento sa mga ito habang salo-salo silang kumakain ng pananghalian. Ang ina niya at mga tiyahin ang nagluto ng mga pagkain kaya ganadong kumain si Samuel. “Kaidad mo lang kamo ang boss mo?”ani ng Auntie Fely niya habang sumasandok ng ulam na minudo. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina.“Opo, Auntie. Ilang araw lang din ang pagitan ng kaarawan naming dalawa. Binilhan ko nga siya ng cake noong birth day niya bilang regalo. Nagpasalamat siya pero hindi man lang ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung natuwa ba siya o hindi,” k’wento pa ni Samuel sa mga ito. “Naku, baka hindi masarap ang cake na ibinigay mo. Baka hindi niya gusto ang flavor. Dapat ay tinanong mo kung ano ang paborito niyang flavor. Teka, ang boss mo binilhan mo ng cake pero ang mama mo hindi?” ani pa ng Auntie Fely niya. “Naku, imposibleng makalimutan ko ang

    Last Updated : 2023-09-11
  • Trapped with my Boss   Chapter 6 - Date

    “Sir Julio, good afternoon. Narito po pala kayo,” bati ni Samuel kay Mr. Enrique nang makasalubong niya ito malapit sa elevator ng 9th floor kung saan naroon ang opisina ni Shalanie.Ngumiti ito ng makita siya.“Bakit hanggang ngayon ay Sir Julio pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit hindi na lang Tito?” tanong nito kay Samuel. “Superior ko po kayo, parang nakakailang kung hindi ko kayo tatawaging Sir,” nahihiyang sagot niya rito.“Naku ‘tong batang ‘to. We both know that’s not the case.” Tumawa ito at mahinang tinapik siya sa braso. Ngumiti naman siya.Bigla ay naalala niya ang pagdalaw nito sa bahay na tinutuluyan niya noong nakaraan lang pagkatapos ng kaarawan ng kanyang ina. “Gusto ko po pa lang magpasalamat sa pagdalaw n’yo sa bahay noong nakaraang araw,” magiliw niyang wika.“Wala iyon. Kamusta, nakauwi na ba ng Pilipinas ang Mama mo at mga Auntie mo?”“Opo, kahapon ng umaga. Safe naman po ang naging flight nila.”“Mabuti kung ganoon.”Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Hindi k

    Last Updated : 2023-09-13
  • Trapped with my Boss   Chapter 7 - Promise

    Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraang buwan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon.Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman, hija."Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon.“Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kaila

    Last Updated : 2023-09-14
  • Trapped with my Boss   Chapter 8 - Wine

    Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Iniwan na lang ni Samuel sa parking lot ng company building ang sasakyan niya. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya.Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Kaagad silang binati nito. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi naman na niya pinagtuunan pa ng pansin iyon. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager at binalingan na siyang muli ni Shalanie.“Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna nang maglakad at umakyat sa

    Last Updated : 2023-09-15

Latest chapter

  • Trapped with my Boss   Special Chapter

    Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala

  • Trapped with my Boss   Epilogue

    TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two

  • Trapped with my Boss   Chapter 62 - Mood / WARNING!!! RATED SPG!

    Natuloy nga ang surprise proposal ni Albrey para kay Sav. Kasalukuyan sila ngayong nasa dalampasigan at nagkakasayahan matapos ang madamdaming wedding proposal.Sa isang beach resort sa Batanggas napili ni Albrey na ganapin ang surprise wedding proposal nito pagkatapos nga nang graduation ni Sav.Lahat sila ay naroroon, simula sa mga kaibigan ni Albrey na si Clyde, Genji at Sam. Present din ang mga kaibigan ni Sav na si Bea at Avin at maging si Grandpa na napakaganda ng mga ngiti. Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan para sa apo niyang si Albrey. Nasurpresa talaga ang kapatid ni Shalanie. Alam ni Shalanie na masayang masaya ang kapatid niya sa mga oras na iyon. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito. Nagniningning at punong puno ng pagmamahal. Kaya naman walang pagsidlan din ang sayang nararamdaman niya.Pinili niya na huwag na munang ipagtapat sa kapatid ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Sam at ang pagbubuntis niya. Naisip niya na mas mabuting hindi na muna nito alam ang tungkol d

  • Trapped with my Boss   Chapter 61 - More crazy

    Ilang ulit inangkin ni Samuel si Shalanie sa buong magdamag na iyon. Hindi na nila nabilang kung nakailang rounds sila. Halos mag-uumaga na bago sila parehong pagod na bumagsak sa kama at nakatulog.Ayaw sana ni Samuel na mapuyat at mapagod ng husto si Shalanie dahil baka maapektuhan ang baby nila ngunit si Shalanie ang tila ayaw magpaawat at tila walang kapaguran. Napaka-horny at tila ba sabik na sabik at darang sa mainit na mga haplos ni Samuel. Si Samuel naman ay hindi rin mapigilang angkinin at ariin ng paulit-ulit ang nobya. Kahit inaantok pa ay napilitan nang bumangon si Sam dahil kailangan niyang pumasok sa opisina niya. Marami siyang trabaho ngayon lalo’t kauupo lang niya bilang CEO ng kumpanya nila. Bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang nobya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nobya kung gaano ito ka-horny ngayon na gustong gusto naman niya. Napakagat labi pa siya nang maalala ang mga ginawa nila.Ipiniling niya ang kanyang

  • Trapped with my Boss   Chapter 60 - Horny

    "Totoo bang galing pa ang mga ito sa London?" paniniguro niya sa nobyo habang hawak ng dalawang kamay niya ang isang mangkok na naglalaman ng mga strawberry na color violet. Dinampot pa niya ang isa at itinaas sa ere habang hangang-hanga itong tinititigan. Gandang-ganda siya sa kulay ng mga iyon kaya naman hindi niya maialis doon ang paningin niya. Kahit maghapon ata niyang titigan ang mga iyon ay hindi siya magsasawa lalo't si Samuel ang naghanap noon.Ang totoo ay wala talaga siyang kini-crave na pagkain, pero hindi niya malaman kung bakit tuwang-tuwa siya sa mga violet na strawberry na hawak niya ngayon. Ayaw naman niyang kainin ang mga iyon. Gusto lang niyang titigan."Oo, ipinahanap ko pa 'yan. Nag-search din ako sa internet at doon ako sa London nakahanap kaya kaagad kong pinapuntahan. Hindi ko lang alam kung matamis ba ang mga iyan."Mas lalo naman siyang napangiti. Feeling special siya dahil sa ginawa nito. "Narinig mo ba iyon, baby? Gano'n tayo ka love ni Daddy," masayang

  • Trapped with my Boss   Chapter 59 - I love you / WARNING!!! RATED SPG!

    "Aaahh."Hindi mapigilan ni Shalanie ang mapaungol dahil sa sarap na hatid ng labi at dila ni Samuel na ngayo'y gumagalugad sa kanyang rosas. Napapaliyad pa siya at napapaangat ang balakang. Wala itong pinalalagpas na parte niyon.Tila ba ayaw na niya itong tumigil sa ginagawa nito. Mas idinidiin pa niya si Samuel doon habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa ulo at batok nito."Oooohhh..."Nawala na sa isip niya ang kaninang pangamba. Nasa labas pa rin kasi sila ng Yate at nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Lalo at nasa malapit lang ang yate na kanina ay nagpapaputok ng mga fireworks. Paano kung makita sila ng mga sakay niyon. Baka ma-videohan pa sila at mag-viral. Nakakahiya iyon.Pinigilan niya si Samuel noong una pero noong nadarang na siya sa mga halik nito ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Nakakalasing kasi ang mga halik ni Samuel sa kanya at nadadarang siya ng husto sa matinding init na lumulukob sa kanya.Nakahiga siya sa pahabang ku

  • Trapped with my Boss   Chapter 58 - Unforgettable

    Bumiyahe na nga patungong Boracay si Sam at Shalanie sakay ng isang Chopper na pagmamay-ari ng mga Mattson. Maraming beses nang nakasakay si Shalanie sa eroplano pero first time niya ang sumakay sa chopper. Noong una ay kinakabahan siya ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaba niya dahil nariyan si Samuel sa tabi niya. Na-enjoy niya ang tanawin mula sa itaas. Lalo na noong nasa Aklan na sila. Kaagad niyang natanaw ang napakagandang isla ng boracay.Saglit lang ang ibiniyahe nila sa himpapawid at nakatakdang bumaba ang chopper nila sa isang malaking ispasiyo ng isang private resort. Bago sila nagtungo sa Boracay ay nakapag-book na kaagad si Sam ng hotel na tutuluyan nila roon. Hindi naman iyon imposible dahil ginagamit na nito ngayon ang epilyedo nito.Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang resort na pupuntahan nila ni Samuel.Pagbaba pa lang nila ng chopper ay may sumalubong na sa kanila na dalawang attendant. Ni-welcome sila ng mga ito. Sinuotan sila ng makukulay na garland

  • Trapped with my Boss   Chapter 57 - Forgiveness

    HINDI na mabilang ni Sam kung ilang beses na siyang pinalakpakan ng mga tao sa function hall ng hotel na pag-aari ng mga Mattson.Kanina pa umiiyak ang kanyang ina sa kinauupuan nito habang nakikinig at pinanonood siya nito. Ito ang pangalawang taong pinasalamatan niya sa speech niya. Ang una ay ang Panginoon. Marami pa siyang pinasalamatan gaya ng kanyang lolo at ni Mr. Julio Enrique. At ang pang huli ay si Shalanie. Sinuyod niya ng tingin ang buong bulwagan mula sa stage pero nabigo siyang makita ito.Mukhang hindi ito nagpunta. Talagang sumama ang loob nito dahil sa paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao. Aminado siyang mali siya sa bagay na iyon kaya dapat lang na magalit ito sa kanya. "Si Ms. Collins ang rason kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa harap ninyong lahat ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan nang ipina-recite niya sa akin ang lahat ng management theories na alam ko noong nagsisimula pa lamang ako bilang assistant niya."Nagtawanan ang audience

  • Trapped with my Boss   Chapter 56 - Proven

    LATE na nang magising si Shalanie. Dagli siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ng kama. Alas otso na ng umaga. Tamad na tamad na naman siyang bumangon. Parang ang sarap-sarap matulog sa pakiramdam niya.Hinanap ng paningin niya si Samuel nang hindi niya ito naabutan sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng lungkot nang maisip na baka umalis na ito. Ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Samuel na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti siya."Good morning, Honey. Breakfast in bed," masiglang bati nito sa kanya at may napakaguwapong ngiti. Binati niya rin naman ito at ginantihan ang mga ngiti nito."Good morning din. Wala ka bang pasok ngayon?" Bumangon siya at naupo na lang sa kama. Ibinaba naman na ni Samuel ang tray sa harap niya. Natakam siya nang makita ang umuusok na soup sa isang mangkok."Mayroon, pero ayos lang naman na ma-late," nakangiti nitong sagot. Sinamaan naman niya ito ng tingin dahil parang iba ang dating ni

DMCA.com Protection Status