One Night to Contracted One

One Night to Contracted One

last updateLast Updated : 2023-06-15
By:  Foreveryoung1206  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
1.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

It was just a one night mistake but turned into a lifetime imprisonment. Allanna and Giel’s agreement is to be married for convenience with a written contract and their signatures on it. Will Allanna be able to act along with Giel for the sake of the contract, or will her feelings grow for him?

View More

Latest chapter

Free Preview

Simula

“Talaga ba, Allanna? Magiging ninang na ako?!” Natawa ako sa reaction ni Gale. Lumaki pa ang kaniyang mga mata sa harap ng camera't nasakal ang kaniyang nobyo na nananahimik sa kaniyang tabi. Tumawag kasi siya para i-tour ako sa Paris, doon kasi sila magpapasko ni Eriko. “Eh nasaan na si Giel? Nasabi mo na ba sa kaniya? Iba rin, sabi na nga ba't may nangyayari sa inyo. Masyado ka pang pa-virgin kapag tinatanong kita.” Napairap naman siya. "Nauna ka pang magka-anak kaysa sa'kin." Umiling ako't natawa. “Hindi pa siya nakakauwi. Mamaya niya pa malalaman. Kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig mo. O siya, sige na at ihahanda ko na ang mga pagkain.” “Sige. Mukhang nakangiti ka na habang naghahanda ng pagkain.” “Syempre,” aniya ko. “Sinong hindi sasaya sa anghel na nabuo namin? Sana nga lang ay maging masaya rin si Giel.” “Syempre matutuwa ‘yon! Kinabog niyo pa ang super slow-burn romance, e.” “Sige na, sige na. Ibababa ko na 'tong call,” sabi ko. “Merry Christmas

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
9 Chapters

Simula

“Talaga ba, Allanna? Magiging ninang na ako?!” Natawa ako sa reaction ni Gale. Lumaki pa ang kaniyang mga mata sa harap ng camera't nasakal ang kaniyang nobyo na nananahimik sa kaniyang tabi. Tumawag kasi siya para i-tour ako sa Paris, doon kasi sila magpapasko ni Eriko. “Eh nasaan na si Giel? Nasabi mo na ba sa kaniya? Iba rin, sabi na nga ba't may nangyayari sa inyo. Masyado ka pang pa-virgin kapag tinatanong kita.” Napairap naman siya. "Nauna ka pang magka-anak kaysa sa'kin." Umiling ako't natawa. “Hindi pa siya nakakauwi. Mamaya niya pa malalaman. Kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig mo. O siya, sige na at ihahanda ko na ang mga pagkain.” “Sige. Mukhang nakangiti ka na habang naghahanda ng pagkain.” “Syempre,” aniya ko. “Sinong hindi sasaya sa anghel na nabuo namin? Sana nga lang ay maging masaya rin si Giel.” “Syempre matutuwa ‘yon! Kinabog niyo pa ang super slow-burn romance, e.” “Sige na, sige na. Ibababa ko na 'tong call,” sabi ko. “Merry Christmas
Read more

Kabanata 1

“She looks horrible,” rinig kong bulong ng babae sa kaniyang nobyo, samantalang nagbingi-bingihan na lang ako habang inilalapag sa ibabaw ng mesa nila ang drinks at cakes na in-order nila. Ano pa nga bang aasahan? Talaga namang bulgaran na kung manghusga ngayon ang mga tao. “Enjoy your food po,” nakangiti kong sabi’t agad nang bumalik sa counter. Nasanay na rin ako sa mga ganoong tao at saka wala rin namang mangyayari kapag pinatulan ko sila. Lalo na at customer sila, empleyado lang ako, baka masisante pa kapag nagkataon. Ayaw ko na ring ma-stress, dadami lang ang mga tigyawat ko. Pangit na nga ako, sasakupin pa ng mga pimples ang mukha ko. But I still love and accept myself, ‘no. Sa totoo lang naman tayo. “Allanna, ikaw muna mag-kaha. Kanina ka pa nagsi-serve, palit muna tayo,” aniya ni Heremia, ang pamangkin ng boss namin. Actually, all-around naman kami sa coffee shop lalo na at dadalawa lang kada morning shift, sa gabi naman ay tatlo na sila. Full time kasi si Heremia
Read more

Kabanata 2

"Allanna, hindi pa rin ba luto 'yan?! Ang tagal naman!"Napatingin ako sa niluluto kong monggo. Ni hindi pa nga ito masyadong malambot dahil ilang minuto pa lang ang nakalipas mula nang isalang ko ito. Pero ang mas nakakaloka ay ito pa talaga ang naisip kong lutuin, eh pwede namang adobo. Para tuloy akong nang-aasar sa ginagawa ko ngayon. "Hindi pa po!" sigaw ko pabalik at saka hiniwa na ang mga rekados. Mamaya, pagtapos namin kumain ay babalik si mama ulit sa palengke kasama ako para magtinda ng mga isda. Mas marami kasing bumibili sa hapon hanggang gabi kaysa sa umaga. Minsan pa nga ay siksikan doon na akala mo ay laging may okasyon kaya maraming tao. Wala na nga akong pahinga araw-araw. Pagod na ako, pero kailangan ko pa ring kumayod. Mamayang gabi naman ay magiging waitress ako sa Centro Bar. Buti na nga lang ay nakapasok ako doon kahit ganito ang itsura ko. Last month lang din ako nag-start mag-work doon, and so far so good naman. I stretches my arms dahil medyo nangangalay n
Read more

Kabanata 3

Sabi ng iba, kapag nakahanap ka raw ng taong magugustuhan mo...magiging inspired ka sa buhay. At tama nga! Dahil wala na akong ibang ginawa ngayon kundi ang ngumiti habang nagta-trabaho. Pakiramdam ko pa ay para akong nasa alapaap tuwing naririnig ko ang malalim at seryoso niyang boses.And those brown eyes...gosh! Nakakaloka."Mukhang happy ka ngayon, ah." Humarap ako kay Heremia at nginitian siya ng malapad. Naglilinis na kami dahil maaga kaming magsasara ngayon at birthday ni boss. Inimbitahan nga ako, eh. Hindi naman ako makatanggi, mukhang absent muna ako sa Centro mamaya. Ipapaalam ko na lang kila Gale. Ngumuso ako nang bigla siyang sumingit sa utak ko. Mukhang hindi ko siya makikita ngayon sa bar. It's been three days na kasi mula noong una ko siyang makita at gabi-gabi rin siyang nakatambay doon. Iba't ibang babae rin ang kasama niya, pero ang mga babae niya ay talagang mga sexy, mapuputi at malalaki ang hinaharap. Grabeh! Ganoon ba ang mga tipo niya? Nakakainis man, pero p
Read more

Kabanata 4

"Anong nangyari sa'yo? Para kang matatae ng wala sa oras. Bakit hindi mo na lang inilabas iyan sa banyo kanina? At saka bakit bitbit mo 'yang pumps? Seryoso, para kang may tinakasan." Napainom ako bigla ng juice dahil sa sunod-sunod na tanong ni Gale. Anong nangyari? Grabeh mga teh! Umatras ang ihi ko dahil sa aking nasaksihan. Kabado is real pa ako no'ng tumingin siya pwesto ko, buti na lang at hindi na natuloy ang akmang paglapit niya dahil hinila na siya paalis ng babae. Hindi na nga ako umihi at nagtatakbo na lang paalis doon, nakita ko pa silang may kausap na bisita. Kaya hindi nila napansin ang pagdaan ko hindi kalayuan sa gilid nila. Jusko dai! Kung nagkataon ay malilintikan na naman ako. Nakailan na ako ngayong araw, ayaw ko nang dagdagan pa. "Umatras ang ihi ko," wala sa sariling tugon ko. Kaya bigla akong siniko ni Gale sa aking tagiliran. Napakurap-kurap ako na tila ba bumalik na ako sa katinuan. "I swear, if I'll know the person who shouted and said that this place is o
Read more

Kabanata 5

"Leave me alone, Anesthesia." Muntik na akong humagalpak ng tawa dahil sa narinig ko. What? Anesthesia? Napatikhim ako nang pasimple ko silang balingan ng tingin at pansin na pansin ang magkasalubong na kilay ng babae, pero mukhang wala namang pakialam si Giel dahil nakatitig lang siya sa kawalan. Anong nangyari sa kaniya? Mukhang malalim ang iniisip niya. "What?! My name is Anastasia, not anesthesia! Anong akala mo sa'kin pampamanhid? Pampasarap lang ang kaya kong ibigay, I can give it you every night." Napangiwi ako. Ano ba itong naririnig ko? Napailing na lang ako't umalis na para i-serve sa isang table ang bucket ng beer, hindi ko na rin nakita si Gale, baka sa VIP room siya nagsi-serve. Mabuti na lang din at mukhang distracted na si Giel dahil hindi na siya nakatitig sa'kin. Kundi ay hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko. Sobrang ilang na ilang pa ako, dahil na rin siguro sa fitted na suot ko. Siguradong kitang-kita niya ang bilbil ko. Nang mailapag ko na ang bucket ng
Read more

Kabanata 6

Hindi ko na talaga alam kung anong iri-react ko. Kung kikiligin ba o matatakot...I mean, gulong-gulo na ako't naghahalo-halo na ang nararamdaman ko. Pero siguradong mukha na akong natatae sa harapan niya dahil sa pilit na ngiti ko. Sadyang nakaka-intimidate lang ata siya, 'no? "Change of plan. Let's move to the VIP room."Nanlaki ang aking mga mata. "P-po?"VIP room?! Tapos ay kaming dalawa lang ang nandoon? Baka tuluyan na akong mahimatay 'pag nagkataon. Hindi sa pagiging OA, pero parang gano'n na nga! Kaming dalawa lang, opposite sex...malamang sa malamang ay iba ang tatakbo sa isip ko. Napahinto kaming dalawa at sabay na nilingon si Jed, ang kasalukuyang bartender, nang ilapag niya sa harapan namin ang dalawang baso ng martini. Napalunok na lang ako't ibinalik kay Giel ang aking mga tingin. "I will bring these at the VIP room," aniya't kinuha ang dalawang wine glass at saka tumayo. "And by the way, Allanna, bring us a bottle of martini and jack daniel's, also some nuts. Don't w
Read more

Kabanata 7

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang sakit ng kaselanan ko. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at halos malaglag sa couch nang maalala ang nangyari. Agad kong tinaas ang kumot na nakatakip sa katawan ko't halos mapatili nang makompirmang totoo nga ang lahat nang nangyari kagabi. The way he kissed me, touch...thr*st. Oh God! Naaalala ko ring ipinut*k niya ang kaniyang tam*d sa dibdib ko. Damn! Akala ko ba kapag lasing ay may posibilidad na hindi naaalala 'yong mga nangyari? Bakit sobrang linaw sa alaala ko ang mga iyon?! Sabi na, dapat hindi ako naniniwala sa mga libro o telenovela. Pero imbes na umiyak dahil isinuko ko na ang bataan ay iginala ko na lamang ang aking mga paningin sa silid. Ako na lamang mag-isa dito. Ano 'yon, hit and run? Grabeh! Matapos akong pagurin ay iiwan lang ako dito? Jusko dai! Kahit masakit pa ang ari ko ay pinilit ko na lamang tumayo at magsuot ng damit. Napatingin ako sa wall clock at halos mapamura nang makitang alas-dose na ng tanghali. Sa sob
Read more

Kabanata 8

Ngayong araw gaganapin ang debut ng anak ng kaibigan ng boss namin which is ang tito ni Heremia. Isang linggo na rin nang biglang maglaho ng parang bula si Giel. Talagang na-hit and run ako...pero sa kama. Hayst! Mabuti na lamang at wala pa akong nararamdaman na kung ano, siguro ay safe naman kami for the possible consequence. kasalukuyang inaayusan ako dito sa bahay nila Heremia. Ala-una pa nga lang ng tanghali ay nagpunta na ako dito kahit na alas-syete pa ang party, aniya kasi ni Heremia ay matagal daw ayusan ang mga babae. At tama nga siya, mag-a-alas-kuwatro na, pero hindi pa rin ako tapos ayusan. Siya na rin kasi ang gumastos sa hair and make-up stylist, na si Pinky, kasama na rin ang gown na mapipili. "You're maganda pala," mataray na sabi ng baklang si Pinky, ang nagmi-make-up sa'kin. "Sadyang losyang ka lang talaga, 'no? Try fixing yourself sometimes. Love yourself, girl. Malay mo kahit chubby ka, makabingwit ka ng fafa. Pero to be honest girl, hindi ka naman talaga ganoon
Read more
DMCA.com Protection Status