“She looks horrible,” rinig kong bulong ng babae sa kaniyang nobyo, samantalang nagbingi-bingihan na lang ako habang inilalapag sa ibabaw ng mesa nila ang drinks at cakes na in-order nila. Ano pa nga bang aasahan? Talaga namang bulgaran na kung manghusga ngayon ang mga tao. “Enjoy your food po,” nakangiti kong sabi’t agad nang bumalik sa counter. Nasanay na rin ako sa mga ganoong tao at saka wala rin namang mangyayari kapag pinatulan ko sila. Lalo na at customer sila, empleyado lang ako, baka masisante pa kapag nagkataon. Ayaw ko na ring ma-stress, dadami lang ang mga tigyawat ko. Pangit na nga ako, sasakupin pa ng mga pimples ang mukha ko. But I still love and accept myself, ‘no. Sa totoo lang naman tayo. “Allanna, ikaw muna mag-kaha. Kanina ka pa nagsi-serve, palit muna tayo,” aniya ni Heremia, ang pamangkin ng boss namin. Actually, all-around naman kami sa coffee shop lalo na at dadalawa lang kada morning shift, sa gabi naman ay tatlo na sila. Full time kasi si Heremia
Read more