My Unexpected Love

My Unexpected Love

last updateLast Updated : 2024-07-25
By:   Mr. Redeemed   Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
16Chapters
3.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Isang karaniwang empleyado si Cristine Santos sa isang kumpanya sa Makati. Bagamat siya'y ampon ay hindi siya itinuring na hindi tunay na anak ng kanyang mga magulang. Makikilala niya si Carl Montreal na anak ng kanilang CEO at mahuhulog ang loob nito sa kanya ng hindi nito namamalayan. Subalit sa kabila ng kanilang mga nararamdaman ay may mga hadlang na pipigil sa kanilang pagmamahalan. Posible nga kaya na isang babaeng lumaki sa karaniwang pamumuhay at isang lalakeng lumaki sa marangyang pamumuhay ay mahalin ang isa't-isa? Maipaglaban kaya nila ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga hadlang? Mapagtagumpayan kaya nila ang mga pagsubok na kanilang pagdaraanan?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

"Cristine ! Gising na, at baka ma-late ka sa trabaho!" Bungad na salita ni Nanay Mercy sa pintuan ng aking kwarto, "Opo Nay, Babangon na po."Isang tipikal na umaga at kailangan na muling bumangon at mag-asikaso para pumasok sa trabaho,ako si Cristine Santos 24 years old,nagtapos ng BS Management sa isang pang-publikong unibersidad dito sa Maynila at ngayo'y nagta-trabaho sa isang opisina sa Makati.Ako ay lumaki dito sa Sampaloc, bagamat sa aking pagkabata ay alam ko na na ako'y isang ampon. Ang sabi ng aking nanay Mercy ay nakita daw nila akong walang kasama sa park,maganda ang suot na damit at umiiyak,ang unang tingin daw nila sa akin ay anak ako ng mayaman.Sinubukan daw nila akong tanungin kung sino ako at taga saan ako pero wala daw akong malinaw na sagot sa kanila kaya napagpasyahan daw nila ng aking tatay Nestor na iuwi na lang muna ako sa kanilang bahay sa Sampaloc Maynila at alagaan habang hindi ko pa naaalala kung sino ako at taga saan ako at sino ang mga mag...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
M.E Rodavlas
Author........mag-update ka naman sana ng Chapters.
2023-10-04 17:50:09
0
16 Chapters
Chapter 1
"Cristine ! Gising na, at baka ma-late ka sa trabaho!" Bungad na salita ni Nanay Mercy sa pintuan ng aking kwarto, "Opo Nay, Babangon na po."Isang tipikal na umaga at kailangan na muling bumangon at mag-asikaso para pumasok sa trabaho,ako si Cristine Santos 24 years old,nagtapos ng BS Management sa isang pang-publikong unibersidad dito sa Maynila at ngayo'y nagta-trabaho sa isang opisina sa Makati.Ako ay lumaki dito sa Sampaloc, bagamat sa aking pagkabata ay alam ko na na ako'y isang ampon. Ang sabi ng aking nanay Mercy ay nakita daw nila akong walang kasama sa park,maganda ang suot na damit at umiiyak,ang unang tingin daw nila sa akin ay anak ako ng mayaman.Sinubukan daw nila akong tanungin kung sino ako at taga saan ako pero wala daw akong malinaw na sagot sa kanila kaya napagpasyahan daw nila ng aking tatay Nestor na iuwi na lang muna ako sa kanilang bahay sa Sampaloc Maynila at alagaan habang hindi ko pa naaalala kung sino ako at taga saan ako at sino ang mga mag
last updateLast Updated : 2023-09-04
Read more
Chapter 2
Natapos na naman ang isang araw ng paghahanapbuhay at bumibyahe na ulit ako pauwi ng bahay, Habang iniisip ang hitsura ng aming CEO. "Ano nga kaya ang hitsura ng aming CEO? Isang tanong na gumugulo sa aking isipan. "Mukha kaya talaga siyang artista? "At kung parang artista nga siya sino naman kaya ang kamukha niyang artista?" Pagtatanong ko sa aking sarili. Huminto na ang Jeep sa aming kanto at lumakad na lang ako papunta sa aming bahay. "Mano po nay, bungad na salubong ko kay nanay, "Kumain ka na anak, sabay-sabay na tayong kumain." "Kumusta po ang araw ninyo ni tatay? Tanong ko kay nanay. "Okay naman anak, nakapunta kami sa ospital kanina para ma-dialysis ang tatay mo." " Basta pag kailangan po ninyo ng pera magsabi lang po kayo sa akin." "Oo anak, maraming salamat sa tulong mo sa tatay mo at sa amin ng mga kapatid mo." "Wala po yun nay, basta po para sa pamilya natin tutulong po ako." Masayang tugon ko
last updateLast Updated : 2023-09-04
Read more
Chapter 3
Maya-maya pa ay nagpaalam na si Ana at sumakay ng bus patungo sa direksyon ng EDSA. "Best, O paano dito na ako, ingat ka." Paalam sa akin ni Ana. "Okay best, ingat ka rin." Pabalik na pagpapaalam ko kay Ana. Medyo malayo pa ang aking byahe samantalang si Ana naman ay sa Mandaluyong nakatira sa isang apartment kasama ang iba niyang mga kapatid. Nasa probinsya ang kanilang mga magulang sa Ormoc at sila ng kanyang mga kapatid ang nagtataguyod sa kanilang pamilya. Pagkatapos ng mahabang byahe ay naka-uwi na din ako. Nadatnan ko si Joshua na naka-upo sa labas ng bahay kaya tinanong ko siya. "Bakit nandyan ka at parang may iniisip?" Tanong ko kay Joshua. "Kasi ate may nagugustuhan ako sa school." Pagtatapat sa akin ni Joshua. "Alam mo Joshua yang love makakapaghintay yan." 'Bata ka pa, at dapat na inuuna mo ay ang pag-aaral, maga
last updateLast Updated : 2023-09-04
Read more
Chapter 4
"Baka nga kahawig ko lang, alam mo naman Carl na maraming magkakamukha sa mundo. ""Isa pa matagal na ring nawawala ang kapatid mo, mahigit dalawampung taon na." Habang nag-uusap ang mag-ina ay biglang dumating si Sophia. "Good evening po tita, bumeso ito kay Carmela. "Akala ko bukas pa ang dating mo?" Tanong ni Carmela kay Sophia. "Napaaga po tita, gusto ko po kasing makita agad si Carl." "Hindi naman mawawala si Carl Sophia." Pabirong sabi ni Carmela. "Ang totoo po kaya po kami napauwi ng maaga dahil sa mga businesses po ni papa." "Kumusta na nga pala ang papa mo?" "Okay naman po tita, nakapagpahinga naman po siya ng maayos sa ibang bansa." Si Sophia ay kababata ni Carl at ang dalaga ang gusto ni Carmela para kay Carl. Si Sophia ay anak din ng isang negosyante na nagmi-may-ari ng isang kumpanya sa
last updateLast Updated : 2023-09-08
Read more
Chapter 5
Nagtanong ang babae sa kasama nila sa office. "Where is the office of Chief Marketing Officer?" Agad na itinuro ito ng napagtanungan ng babae at dumiretso ang babae sa opisina ni Carl. "Sino kaya yun best?" Tanong ni Ana kay Cristine. "Ang ganda, parang artista pero mas maganda ka sa kanya best." "Mukhang papunta sa office ni Sir Carl, mukhang may karibal ka best kay Sir pogi." Natatawang panunukso ni Ana kay Cristine. "Hay naku best, tigilan mo nga ako dyan." "Mas mabuti pa magtrabaho na tayo." Paibang sagot ni Cristine kay Ana. Samantala, dumiretso naman ang magandang babae sa opisina ni Carl. Kumatok ito sa pinto. Tok! Tok! Tok! "Come in, bukas yan. Tugon ni Carl. Nagulat si Carl sa nakita niya sa pinto. "So-Sophia, bakit napadalaw ka?" "I just want to know where is
last updateLast Updated : 2023-09-10
Read more
Chapter 6 struggling for love
"Cristine, sakay na." Ulit na sabi ni Carl kay Cristine. "Ah, okay po Sir." Nagulat na sabi ni Cristine. "Okay ka lang ba Cristine?" Tanong ni Carl kay Cristine. "Okay lang po Sir, hindi lang po kasi ako sanay na makasama ang boss ko sa opisina." Tugon ni Cristine. "Huwag ka mag-alala ang pag-uusapan natin ay yung mga plano sa Marketing." Napanatag si Cristine sa sinabi ni Carl. Para kay Cristine ay bago sa kanya ang makasama ang isang lalake lalo na't dalawa lang sila. Si Cristine ay isang NBSB o ang ibig sabihin ay no boyfriend since birth. Sinimulan ni Cristine na i-text ang kanyang nanay Mercy dahil hindi nito alam na may lakad sila ni Carl. "Tahimik ka lang pala na babae Cristine." Sabi ni Carl kay Cristine. "Ganito po ako Sir lalo na't hindi ko pa po gaanong kilala ang isang tao." "Huwag kang mag-alala hindi naman ak
last updateLast Updated : 2023-09-13
Read more
Chapter 7 Confession of love
Malalim ang iniisip ni Carl nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. "Hello mama." "Anak, sa makalawa na pala darating ang ating mga business partners galing Europe. Kailangan mayron tayong mai-represent sa kanila regarding to our brand line ng mga produkto nating mga damit." "Okay ma, tugon ni Carl. "Okay ka lang ba anak?" Tanong ni Carmela. "Okay lang po ma, medyo sumakit lang po ang ulo ko." "Ah, okay anak, uminom ka agad ng gamot." "Thanks ma, huwag po kayo mag-alala at kakausapin ko po ang team ko para po makapaghanda po sa presentation." "That's good anak, okay anak, see you later." "Bye mama." "Bye anak." "Kailangan ko ng ma-meeting ang team." Agad na pinatawag ni Carl si Al para papuntahin ang kanyang team. Dumire
last updateLast Updated : 2023-09-15
Read more
Chapter 8 Sacrifices for love
"Tita must know this, iba talaga ang kutob ko sa ginagawa ni Carl." Sabi ni Sophia habang nakatingin kina Carl at Cristine papasok sa restaurant. "Okay Cristine, order ka na." Pagaalok ni Carl kay Cristine. "Kayo na po ang mauna Sir." Tugon ni Cristine kay Carl. "Nahihiya ka pa ba Cristine? Huwag ka ng mahiya, tsaka isa pa okay lang sa akin na huwag mo akong tawaging Sir Cristine." "Pero Sir, nakakahiya naman. Boss ko kayo at empleyado ninyo ako." "It's okay to me Cristine." Walang pag-aalalang sabi ni Carl kay Cristine. "Hindi ka na din iba sa akin." Sabi ni Carl kay Cristine. "Ha? Ano po Sir?" Gulat na tanong ni Cristine kay Carl. "A-ah, ang ibig kong sabihin di ba empleyado kita? Kaya hindi ka na iba sa akin." "Sige, kumain muna tayo." Samantala hindi halos alam ni Sophia ang gagawin. Selos at galit ang naramdaman niya ng makita
last updateLast Updated : 2023-09-20
Read more
Chapter 9 Confrontation
Kinabukasan pagpasok ni Cristine sa opisina ay may napansin itong bulaklak sa kanyang lamesa. "Best, kanino 'tong bulaklak?" Tanong ni Cristine kay Ana. "Hindi ko alam best, walang pangalan yan eh." Tugon ni Ana. Biglang may text na dumating kay Cristine. "Hi Cristine, nagustuhan mo ba ang mga bulaklak na bigay ko?" Text ni Carl kay Cristine. Hindi alam ni Cristine kung ano ang isasagot kay Carl. Tila nabigla ang dalaga sa panliligaw ni Carl. "Best, ikaw ha, hindi ko alam na may secret admirer ka pala ha." Panunukso ni Ana kay Cristine. "Hindi ko alam best kung sino may bigay n'yan." Pagkakaila ni Cristine. "Mukhang big time ang admirer mo best. Maganda ang mga bulaklak na binigay sa'yo. Hindi pa ako nagkakaroon o nabibigyan ng ganyang klaseng bulaklak." Sabi ni Ana na may kunting inggit kay Cristine. "Kailan kaya ako mabibigyan ng ganyang klase ng bulaklak?" "Huwag kang magal
last updateLast Updated : 2023-09-25
Read more
Chapter 10 Invitation
Pagkauwi sa kanilang bahay hindi malaman ni Cristine kung ano ang gagawin. Umupo siya sa labas ng kanilang bahay habang iniisip ang mga sinabi ni Carl sa kanya. "Bakit kasi ako pa ang nagustuhan ni Sir Carl? Ang dami namang babae sa opisina." Sabi nito sa sarili. Nasa ganoong sitwasyon si Cristine ng lumabas ang kanyang tatay Nestor. Nagulat si Cristine ng makita si tatay Nestor. "O tay, bakit kayo lumabas?" Tanong ni Cristine. "Gusto ko kasing magpahangin anak." Tugon ni tatay Nestor. "May iniisip ka yata anak. May problema ba?" "Tay, yung boss po kasi namin sa opisina nanliligaw sa akin." Sagot ni Cristine. "Gusto mo ba siya anak?" Tanong ni tatay Nestor. "Tay, nagtatalo ang isip ko at puso. Sabi ng puso ko mahalin ko siya pero ang sinasabi naman ng isip ko ay huwag ko siyang mahalin." Sagot ni Cristine. "Ikaw pa rin anak ang magpapasya sa sarili mo. Tandaan mo na nasa taman
last updateLast Updated : 2023-09-28
Read more
DMCA.com Protection Status