Chapter: chapter 16 "Carl! Anak, k-kumusta ka na?" Tanong ni Carmela. "Asan ako? Sino kayo?" Tanong ni Carl. "Nandito ka anak sa ospital.... ako ang mommy mo." Paliwanag ni Carmela. "Carl, ako si Sophia." Bungad naman ni Sophia. "Sinong Sophia?" Tanong muli ni Carl. "Ako ang girlfriend mo." Pagsisinungaling ni Sophia. Napatingin si Carmela kay Sophia. Subalit makikita sa mukha nito na pumapayag din ito sa pagsisinungaling ni Sophia. Tinawag ni Carmela ang doktor at sinimulang check-upin si Carl. "Dok, bakit hindi ho nakakakilala ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ni Carmela. "Misis, nagkaroon ho ng temporary amnesia ang anak n'yo." Sagot ng Doktor. "Ano ho!" Gulat na wika ni Carmela. "Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman magtatagal ang amnesia niya kaya nga temporary amnesia." Wika pa ng Doktor. "Hanggang kailan ho ganyan ang anak ko?" Tanong ni Carmela.
Last Updated: 2024-07-25
Chapter: Chapter 15 unexpected plan Bumangga ang kotse nina Carl at Cristine sa isang malaking puno. Maya-maya pa ay nagkamalay si Cristine ngunit si Carl ay nanatiling walang malay at umaagos ang dugo mula sa ulo ng binata. "Carl! Carl! Gising Carl !" Wika ni Cristine. Nasa ganung tagpo sina Carl at Cristine na hindi namamalayan na may nagmamasid sa kanila sa loob ng isang kotse pero agad na din itong umalis ng makita ang pagbangga nina Carl at Cristine. Hinanap ni Cristine ang kanyang cellphone at humingi ng tulong. Maya-maya ay dumating na rin ang ambulansya. Dumating na rin kay Carmela ang masamang balita at agad itong pumunta kung saan dinalang ospital si Carl. "Asan si Carl?" Bungad ni Carmela sa mga nurse sa lobby ng ospital. "Carl Montreal po ba?" Tanong ng nurse. "Oo, Carl Montreal." Sagot ni Carmela. "Nasa ER pa po siya mam...inooperahan po." Sagot ng nurse. Walang nagawa si Carmela kund
Last Updated: 2023-11-17
Chapter: Chapter 14 an evil plan Sinabi ni Cristine kay Carl ang pagbabanta ni Sophia sa kanya. "Carl, pinagbantaan ako ni Sophia." "Ako din, pinagbantaan niya....mag-ingat na lang tayo dahil hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Sophia." Wika ni Carl. "Ganun ba talaga siya Carl? Kapag hindi niya nakuha ang gusto ay dadaanin sa sapilitan at dahas?" Tanong ni Cristine. "Bata pa lang kami ni Sophia ay kilala ko na siya....lagi niyang nakukuha ang gusto niya dahil binibigay ito ni tito sa kanya. Siguro ay dahil nag-iisa lang siyang anak kaya todo bigay ang mga magulang niya sa kanya." Dagdag pa ni Carl. "Basta Cristine, we must stay alert kung anuman yung iniisip at pinaplano ni Sophia." Wika pa ni Carl. "Oo Carl, salamat at lagi ka ding nandyan para sa akin." Tugon ni Cristine. "Cristine, I would like to introduce you as my girlfriend in the office." Wika ni Carl. "Ha? Sigurado ka Carl?" Tanong ni Cristine.
Last Updated: 2023-11-07
Chapter: Chapter 13 Conflict Samantala si Cristine naman ay nakapagdisisyon na para sagutin si Carl. Tinext ni Cristine si Carl upang magkita sila ng binata para sabihin dito ang matamis na oo niya. "Okay Cristine.....magkita tayo sa isang restaurant sa Roxas Boulevard." Wika ni Carl. "Ano kayang sasabihin ni Cristine?" Wika ni Carl habang nagmamaneho ng kotse. Pagdating sa restaurant na sinabi ni Carl ay nakita niya agad si Cristine mula sa labas. Ngumiti ito sa binata at kinawayan naman siya ni Carl. "Kumusta Cristine? Mukhang importante yung sasabihin mo." Wika ni Carl. "Oo Carl, mahalaga yung sasabihin ko sa'yo." Sagot naman ni Cristine. "Nakapag-disisyon na ako sa panliligaw mo sa akin." "Talaga !" Excited na tugon ni Carl kay Cristine. "Ano'ng pasya mo Cristine?" Tanong ni Carl. "Mahal din kita Carl." Sagot ni Cristine. Hindi alam ni Carl kung ano'ng sasabihin kay Cristine dahil sa narinig sa dalaga.
Last Updated: 2023-10-31
Chapter: Chapter 12 Stand for Love Pinalipas muna ni Carl ang galit niya at muli siyang bumalik sa mansyon para magpahinga. Samantala, pumasok na si Cristine kinabukasan. "Best, ano'ng nangyari sa'yo? Hinahanap ka ni Sir Carl kahapon." Tanong ni Ana. "Sumama lang ang pakiramdam ko best." Sagot naman ni Cristine. "May problema ba best? Sabihin mo at baka makatulong ako." Pag-aalok ni Ana. "Okay lang ba na sabihin ko sa'yo best?" Tanong ni Cristine. "Oo naman best, mag bestfriend tayo di ba?" Wika ni Ana. "Niyaya kasi ako ni Carl sa birthday ng mama niya. Pero may nangyari kasi best." Wika ni Cristine. "Ano"ng nangyari best?" Tanong ni Ana. "Binuhusan ako ng wine ni mam Sophia." "Ano?!" Nabiglang tanong ni Ana. "Ssshhh...huwag kang maingay best at baka may makarinig sa atin." Pagsaway ni Cristine kay Ana. "Bakit naman ginawa ni mam Sophia yun best?" Tanong ni Ana.
Last Updated: 2023-10-20
Chapter: Chapter 11 Commotion "Cristine, napakaganda mo." Bulalas ni Carl. "Carl, yung bibig mo nakabukas." Bati ni Cristine sa nakabukas na bibig ni Carl dahil sa pagkamangha sa kagandahan ng dalaga. "Nay, tay, aalis na po kami ni Carl." Pagpapaalam ni Cristine sa mga magulang. "Mag-iingat kayo anak, tandaan mo yung bilin namin ng tatay mo. Mag enjoy ka lang anak." Pagbibilin ni nanay Mercy. "Opo nay." Tugon ni Cristine. "Carl, iho, huwag mong pababayaan si Cristine." Bilin ni tatay Nestor kay Carl. "Opo, tay Nestor, huwag po kayong mag-alala. Hindi ko po pababayaan ang inyong anak." Sagot ni Carl. Sumakay na sa kotse sina Carl at Cristine. Naguusyuso naman ang mga kapitbahay nina Cristine sa mga pangyayari sa kanilang tahanan. Samantala, lingid sa kaalaman nina Carl at Cristine alam ni Sophia na inimbita ni Carl si Cristine sa kaarawan ng ina ni Carl. "Hindi ako pap
Last Updated: 2023-10-06