Share

CHAPTER 73

Naalimpungatan si Janina nang makaramdam na kailangan niyang gumamit ng banyo. Nakapikit siyang bumangon mula sa malambot na kama ngunit nang maramdaman ang malamig na hangin na humahalik sa katawan niya, binuksan niya ang mga mata. Madilim ngunit batid niyang wala siya sa kaniyang silid. Napatingin siya sa bintana, kulay asul na kalangitan ang bumungad sa kaniya. Nagsisimula na ring mag-ingay ang mga ibon sa labas na isa rin sa dahilan ng paggising niya. Ibinalik niya ang tingin sa bawat sulok ng silid na kinaroroonan niya, makalat ang paligid ngunit ang pumukaw sa atensyon niya ay ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig.

" A-anong... " Dahan-dahang ibinaba ni Janina ang tingin at doon lamang niya napagtanto na wala siyang suot na kahit na anong saplot sa katawan. Kinuha niya ang kumot na nasa hita niya upang itakip sa kaniyang dibdib at napatingin sa kaniyang gilid nang maramdaman ang paggalaw ng kama. Mayroon siyang katabi at hindi niya makita ang mukha nito dahil sa parehong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status