Naalimpungatan si Janina nang makaramdam na kailangan niyang gumamit ng banyo. Nakapikit siyang bumangon mula sa malambot na kama ngunit nang maramdaman ang malamig na hangin na humahalik sa katawan niya, binuksan niya ang mga mata. Madilim ngunit batid niyang wala siya sa kaniyang silid. Napatingin siya sa bintana, kulay asul na kalangitan ang bumungad sa kaniya. Nagsisimula na ring mag-ingay ang mga ibon sa labas na isa rin sa dahilan ng paggising niya. Ibinalik niya ang tingin sa bawat sulok ng silid na kinaroroonan niya, makalat ang paligid ngunit ang pumukaw sa atensyon niya ay ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig. " A-anong... " Dahan-dahang ibinaba ni Janina ang tingin at doon lamang niya napagtanto na wala siyang suot na kahit na anong saplot sa katawan. Kinuha niya ang kumot na nasa hita niya upang itakip sa kaniyang dibdib at napatingin sa kaniyang gilid nang maramdaman ang paggalaw ng kama. Mayroon siyang katabi at hindi niya makita ang mukha nito dahil sa parehong
Unti-unting nagkaroon ng malay si Lucine ngunit nang sinubukan niyang imulat ang mata, wala siyang makita kundi itim dahil nakapiring pa rin ang kaniyang mga mata. Hindi rin niya magawang makapagsalita dahil sa nakatakip sa kaniyang bibig. Ang mga kamay niya ay nakatali patalikod habang siya'y nakahiga patagilid mula sa isang malambot ng kama. Pinakiramdaman niya ang paligid, may naririnig siyang boses ng mga taong nag-uusap mula sa 'di kalayuan. Magalaw din ang kaniyang kinalalagyan at dahil sa hampas ng tubig at ingay ng makina na naririnig niya, doon nakumpirma ni Lucine na nasa isa siyang sasakyang pandagat. Sinubukang bumangon ni Lucine mula sa pagkakahiga, ngunit hindi niya magawa dahil sa sakit na nararamdaman niya sa braso kung saan may itinurok sa kaniya. Idikinit ni Lucine ang mukha sa kamang kinaroroonan at ikiniskis pataas ang piring na nakakabit sa kaniya sa pagbabakasakaling maalis ito, hanggang sa unti-unting umangat ang piring at napunta sa itaas ng kaniyang mga mata.
Ilang segundo ang namayaning katahimikan sa pagitan ng mag-ama. Taas-baba ang magkabilang balikat ni Logan dahil sa bilis ng kaniyang paghinga. Hindi niya intensyon na pagbuhatan ng kamay si Lucine subalit nangdilim ang kaniyang paningin dahil sa mga salitang binitawan nito sakaniya. " Paanong naging bulag ang tingin namin sa realidad at takbo ng mundo? " Hinawakan ni Lucine ang kaniyang kaliwang pisngi. Ramdam niya ang init at pamamanhid nito. " Ano ba ang gusto niyong paniwalaan ko? Iyong pinaniniwalaan niyo? Para saan? Para maging halimaw din ako gaya niyo? "Muling naiyukom ni Logan ang kamao. Inalis niya ang tingin sa anak at huminga nang malalim upang ikalma ang sarili." Ang mga gaya niyong mahihina ang loob, wala kayong kalalagyan sa mundo. Hindi kayo bubuhayin ng mga pinaniniwalaan niyo at lalong hindi kayo aangat sa kinalalagyan niyo, " saad ni Logan." Kaya pinili n'yong maging kriminal para lang umangat kayo? " walang pagdadalawang isip na tanong ni Lucine, " Hindi niyo b
" Wala na nga kayo sa sarili niyong pag-iisip..." hindi mapigilan ni Lucine ang muling magbitaw ng salitang lalong magdadala sa kaniya sa kapahamakan. " Talagang mandadamay kayo ng mga inosenteng tao para lang masunod ang gusto niyo? "" Kung ito lang ang paraan para umayos ka, bakit hindi? " ani Logan saka sumandal sa sopang inuupan at binaling ang tingin sa telebisyon. " Huwag kang mag-alala, wala namang mangyayari sa kanilang masama kung susunod ka saakin. Kausapin mo ako nang maayos bilang ama. "Naiyukom ni Lucine ang kamao, pilit itinatago ang takot sa mukha. Subalit nang sandaling lumingon si Logan sa gawi ng anak, kita niya ang panginginig ng kamay nito at ang mabilis nitong paghinga habang matalim na nakatingin sa kaniya. " Huwag mo akong titigan na para bang ako lang ang nakikita mong pinakamasamang tao sa mundo. Mas marami pang malulupit saakin at huwag mong hintayin na dumating ang araw na magtagpo ang mga landas niyo. " Umalis si Logan sa pagkakasandal sa sopa at itinuro
Maaga pa lang ay napagdesisyunan ng umuwi ni Venice sa mansyon nang malamang niyang natunton na ang kinaroroonan nina Amadeus at Lucine. Alam niya ang plano ng ama sa gagawing pagdukot kay Lucine ngunit hindi niya batid kung saan ito dadalhin. " Magandang hapon, Señora Venice, " magalang na pagbati ng guwardiya na nagbabantay sa pangunahing pasukan ng mansyon. " Magandang hapon. Itatanong ko lang po kung 'yong sasakyan ba ni Amadeus, pumasok na dito? " paniniguro ni Venice." Ah, opo halos magkasunuran lang kayo ng Señor, " sagot nito. Tumango si Venice, nagpasalamat bago itaas ang bintana ng sasakyan at dire-diretsong nagmamaneho papasok sa mansyon. Batid niyang susunod agad si Amadeus oras na dukutin si Lucine. Inaasahan na rin ni Venice na dito agad susugod si Amadeus dahil ang ama niya ang una nitong paghihinalaan. Hindi na niya nagawang iparada nang maayos ang kotse sa garahe, inihinto na lamang niya ito sa gilid ng mansyon nang mapansin ang sasakyan ni Amadeus sa harap, animo
Huminto si Venice sa paglalakad nang makarating sila sa labas ng mansyon. Binitawan niya ang kamay ni Amadeus bago ito harapin nang halu-halo ang emosyong nakaukit sa mukha. " Baliw ka na ba talaga?! " hindi mapigilan ni Venice na idaan sa sigaw ang kaniyang takot, pag-aalala at galit sa taong tila wala pa ring pakialam sa kung anong puwedeng mangyari sa kaniya. " Nang dahil kay Lucine, nagkakaganiyan ka? Alam mo bang puwede kang barilin ng tatlong guwardiya ni Papà dahil sa pag-aamok mo? Hindi ka ba nag iisip? "" Ano bang pakialam mo? " ani Amadeus dahilan upang matigilan si Venice. " Huwag kang umarte sa harap ko na para bang may pakialam ka kung mamatay man ako. Nakakainsulto. "Nilagpasan ni Amadeus si Venice upang lumakad palapit sa sasakyan nang humarang ito sa harap n'ya. " Saan ka pupunta? " tanong ni Venice, nakaharang ang katawan sa pinto ng kotse. " Umalis ka sa harap ko, " utos ni Amadeus." Hindi kita hahayaang umalis hanggat hindi mo kinakalma ang sarili mo. " Hinawa
Halos mapatalon sa gulat sina Owen at Morriss na nasa salas nang makarinig nang malakas na kalabog na gawa ng pintong pabalibag na isinara. Ilang saglit pa ay lumitaw si Amadeus, dumaan lamang ito sa harap nila at dire-diretsong nagtungo sa opisina. Nagkatinginan ang dalawa, hindi na nila kailangang mag-usap gamit ang mga bibig sapagkat nagkakaintindihan na sila gamit ang mga mata. Lumipas na ang bente kuwarto oras simula noong kuhanin si Lucine ng mga armadong lalaki ngunit hanggang ngayon, wala pa rin silang balita kung nasaan ang dalagang hinahanap nila. Nagawa silang linlangin ng mga binabantayan nilang sasakyang na pinaniniwalaan nilang sinasakyan ni Lucine subalit nang ito'y kanilang harangin, wala sa loob ang hinahanap nila. " Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung saan itinago ng Don Banville ang anak niya, " saad ni Owen, abala ang mata sa mapa na nasa lamesita. Ginuhitan niya ng ekis ang isang lokasyon na pinuntahan nila ni Morriss sa pagbabakasakaling makita na nila
" Don Banville, mabuti at nakarating ka na. Akala ko'y matatagalan ulit bago tayo magkita. " Magiliw na bati ng Don Caruso kay Logan nang ito'y pumasok sa kaniyang opisina." Pasensya na kung natagalan ako, Don Caruso, " ani Logan. Inakbayan naman siya sa balikat ng Don at sila'y lumakad patungo sa gitna ng silid kung saan sila naupo sa magarang sopa na may mamahaling babasaging lamesita sa gitna nila. Lumingon si Logan sa tatlo niyang guwardiya na may hawak na limang parisukat na lalagyan o maliit na maleta na naglalaman ng pinag-usapan. Sinenyasan niya ang mga ito na ilagay na sa mesa ang maleta at isa-isang binuksan upang ipakita ang mga pera na kapalit ng pagtulong sa kanila ng Don Caruso." Bueno, masaya ako at umayon saatin ang plano. " Humithit si Don Caruso ng tabaco at sumenyas sa kaniyang mga tauhan na kuhanin ang limang maleta sa mesa. Ibinuga niya ang usok, ngunit napunta ang lahat ng 'yon sa gawi ni Logan na inubo habang inaalis ang usok sa harap niya. Napangiti si Don Ca
Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nakaabot sa puntong ito. Maraming salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at babasa pa lamang nitong nobela. Finally, tapos ko na siya at sobrang saya sa pakiramdam dahil ito ang unang pagkakataon na makapagsulat ako ng nobela na mayroong 100 chaptes pataas. Ito rin ang unang pagkakataon na lumikha ako ng akda na napaka komplikado ng daloy ng kuwento at sobrang komplikado rin ng mga tauhan. Pati ako ay sumasakit ang ulo dahil sa mga desisyon nila sa buhay. Lol. Actually, medyo natakot ako habang isinusulat ko ang ilan sa mga mabibigat na eksena dahil ang ilan sa mga 'yon ay alam naman nating lahat na nangyayari talaga sa totoong buhay. Kathang isip lamang ang nilalaman nitong nobela, ngunit hindi ko maiwasang iugnay ang mga totoong kaganapan saating mundo at sa mundo ng mga tauhan dito. Maraming pagkakatulad, ngunit marami ring pagkakaiba. Iyong tungkol sa kabitan, hindi talaga ako ganoon ka-confident na isulat 'yong mga eksena na 'yon
Hindi na halos makita ni Morriss ang mukha ni Janina dahil sa malaking palumpon ng mga kulay pulang rosas na hawak nito. " Bati na tayo? " may lambing na tanong ni Morriss, umaasa na ngumiti na ang asawa kahit na hindi niya ito halos makita. " Huwag ka ng magtampo. Hindi ko naman kasi nakalimutan ang anibersayo ng kasal natin. Ikaw lang ang nag isip noon. " Binaba ni Janina ang palumpon ng rosas sa mesang nasa harap nila saka ito tumayo ay pumamewang sa kaniya. " Huwag mo akong idaan sa bulaklak, Morriss. Alam mo naman na tuwing sasapit ang ala-dose ng hating-gabi, doon natin isini-celebrate 'yong anniversary natin 'di ba? Tatlong taon na natin 'yon ginagawa kaya dapat alam mo na 'yon. Aminin mo na lang kasi na nakalimutan mo. " " Hindi ko nakalimutan, Janina. Maniwala ka, " ani Morriss, " Oo aaminin ko, hindi kita nasamahan sa pagsalubong ng anibersayo natin kaninang madaling araw pero hindi ibig sabihin noon ay nawala sa isip ko ang tungkol dito. " Ipinag-krus ni Janina ang bra
Halos liparin na ni Amadeus ang pasilyo ng ospital kung saan dinala si Lucine. Wala siyang pakialam kung may masagi siyang mga tao sa paligid niya sa kagustuhang makita at malaman kung ano ang kalagayan nito. Hindi niya gustong paniwalaan ang sinabi ni Venice. Ayaw ito tanggapin ng utak niya dahil hangga't hindi niya ito nakikita, wala siyang kahit na sinong paniniwalaan. " Nasa Emergency room na po siya. Maghintay na lang po kayo dito sa waiting area, " pigil ng nars kay Amadeus nang magtangka itong pumasok sa pinto ng silid kung saan naroroon si Lucine. " Kailangan ko siyang makita... " Hinihingal niyang saad saka hinawakan sa magkabilang balikat ang nars. " Pakiusap, hayaan niyo akong makita siya..." " Pasensya na po, pero hindi pa po kayo puwedeng pumasok sa loob. Hintayin niyo na lang po ang paglabas ng Doctor dito, " saad ng nars. Nais pang magpumilit ni Amadeus subalit may humawak sa kaniyang balikat, si Owen at kasama nito si Morriss. " Señor, hintayin na lang natin na l
Walang nagbabantay na guwardiya sa labas noong pumasok ang sasakyan ni Amadeus. Hindi man niya batid kung paano nagawang makapasok ni Logan nang hindi dumadaan sa butas ng karayom, may kutob naman siyang mayroon itong kinasabwat sa loob kaya ganoon na lamang ito nakapuslit nang walang kahirap-hirap. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Amadeus nang makarating sa tapat ng mansyon. Hindi na siya nag abalang iparada pa ito sa garahe dahil sa pagmamadaling makaabot sa eksaktong oras na ibinigay sa kaniya ni Logan. " Señor... " Sumalubong ang lahat ng mga kasambahay kay Amadeus nang makapasok ito sa pintuan. Lahat ay nababalot ng takot ang mga mukha, walang magawa kung hindi manatiling tahimik upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. " Nasaan siya? " tanong ni Amadeus, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng sala at napako ang kaniyang tingin sa sahig nang makitang may basag-basag na gamit. " N-nasa loob po siya ng komedor..." sagot ng isang kasambahay na siyang unang tinutukan ng bar
" Señorita, hindi ho ba't kotse 'yon ng Señora Venice? " saad ng drayber ni Lucine sabay turo sa isang pamilyar na sasakyang lumiko sa looban. Kumunot ang noo ni Lucine, kabisado niya ang pasikot-sikot sa bayan nila at sa loobang pinasukan ng kotse ni Venice, alam niyang lugar ito ng isang inabandunang gusali. " Sundan po natin, " ani Lucine, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinutuban ng hindi maganda. Malapit na sila sa bahay ampunan ngunit nais niyang alamin kung anong dahilan ng pagpunta ni Venice sa lugar na wala namang halos katao-tao. Mabagal ang takbo ng kanilang sasakyan habang lihim na sumusunod sa kotseng pagmamay-ari ni Venice. Ilang sandali lang ay huminto ito sa isang bakanteng lote. Inabangan ni Lucine na may bumaba ngunit ilang minuto na ang nakalipas, nanatili ang sasakyan kung saan ito huminto. Wala siyang nakikitang tao sa paligid, walang lumalapit sa kotse o lumalabas mula rito. Binaba ni Lucine ang tingin sa plaka upang masigurong ito nga ang kotse ni
Nakababa ang tingin ni Lucine sa tiyan ni Venice na nakatayo sa kaniyang harapan. Hindi niya maalis ang tingin rito, ngayon lamang niya napansin ang umbok sa tiyan nito dahil sa damit nitong suot na tila kumo-korte sa katawan dahil sa kanipisan. " Ano ba ang sasabihin mo saakin? " tanong ni Venice, ipinag-krus ang mga braso habang hinihintay ang sasabihin ni Lucine. " Kasi ako wala namang sasabihin sa'yo, kaya magsalita ka na bago pa kita layasan. "Binalik ni Lucine ang tingin sa mga mata ni Venice. " Mahal mo ba si Amadeus? "Kumawala ang sarkastikong ngiti kay Venice. " Anong klaseng pagtatanong 'yan Lucine? Ganiyan ka pa ka-desperadang sirain muli ang relasyon namin? "" Napakarami mong sinabi. Isa lang ang tinanong ko at oo o hindi lang ang isasagot mo, " walang ekspersyong wika ni Lucine dahilan upang mawala ang mapanuyang hitsura sa mukha ni Venice. " At huwag mong isisi saakin kung bakit nagkaganiyan kayo ni Amadeus. Ikaw ang sumira sa relasyon niyong dalawa bago pa ako pumas
" Kumusta naman ang paninirahan mo rito? " tanong ni Don Caruso habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay na pagmamay-ari niya. " Mahigit isang taon ko na rin itong hindi napupuntahan. Ngayon na lang ulit ito nabuksan dahil kailangan kong patuluyin ang isang kaibigan. "Ngumiti si Logan, tumayo mula sa silya dala ang kaniyang tsaa. Katatapos lamang nilang mag umagahan at busog na busog siya dahil minsan na lamang sa isang linggo kung makakain siya ng masarap-sarap na ulam. " Maganda ang bahay na ito, Don Caruso. Wala akong nakikitang kalapit na bahay kaya hindi ako nahihirapang makagalaw. Malaya akong nakalalabas kung kailan ko gustuhin. "" Dahil malayo ito sa siyudad. Ang buong lupain din ito ay pag-aari ko kaya walang ibang bahay ang puwedeng itirik dito maliban na lang kung mayroong permiso ko, " ani Don Caruso at nang dumapo ang tingin sa lamesita, napangisi siya nang makita ang dalawang baril na binigay niya. " Mukhang may pinaghahandaan ka na? Nakakasiguro ka bang hindi
" Ate Lucine! " Masayang sinalubong ng mga bata si Lucine nang makita nila itong naglalakad papasok sa bakuran ng bahay ampunan. Hindi nila napigilan ang mga sariling yakapin si Lucine at sabay-sabay na nagsalita upang ito'y kumustahin. " Mga bata, dahan-dahan lang. Huwag niyong ipitin si ate Lucine niyo, " awat naman sa kanila ni Aling Josie. " Magandang tanghali po, Aling Josie. Pasensya na po sa biglaang pagpunta ko, " ani Lucine dahil mukhang nasa kalagitnaan ang mga bata ng isang aktibidad nang pumasok siya sa bakuran. Inabot niya ang supot na dala na naglalaman ng mga prutas na binili niya. " Nasaan po pala si Sister Bella? Nandito po ba siya ngayon? " " Nasa simbahan siya ngayon. Hintayin mo na at pabalik na rin 'yon dito mayamaya lang, " anito saka nagpasalamat sa mga prutas na dinala ni Lucine. Pinadala niya ito sa mga bata na nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Binalik ni Aling Josie ang tingin kay Lucine. " Siya nga pala, gusto kong humingi ng pasensya sa'yo. Naipit
Hindi alam ni Janina kung tatayo na lang ba siya magdamag sa harap ng bahay nina Morriss o papasok siya at gawin ang dating gawi kung saan tuwing linggo, maghapon siyang mananatili sa bahay ni Morriss upang makasama ito. " Huwag na lang kaya? " tanong ni Janina sa sarili, agad siyang tumalikod subalit hindi humakbang ang kaniyang mga paa paalis dahilan upang bumalik ulit siya sa pagkakaharap sa bahay at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. " Nandiyan kaya siya sa loob? " " Nandito kami sa labas. " Napalingon si Janina sa kaliwang bahagi niya kung saan narinig ang isang hindi pamilyar na boses. Nakita siya si Owen, kasama si Morriss na tila hindi inaasahan na makita siya sa harap ng bahay. " Mukhang ngayon pa lang kayo uuwi? " Nagtatakang tanong ni Janina, saka napatakip sa ilong niya. " Amoy alak rin kayo. " " Ah, pasenya na. Nakainom lang pero hindi kami lasing, " sagot ni Owen saka tinapik sa balikat si Morriss. " Sige na, ipasok mo na 'to sa loob. Kailangan niya n