Share

CHAPTER 60

Eksaktong alas-otso ng gabi nagsara ang karinderya. Wala ng mga parokyano at tanging mga tauhan na lamang ang nasa loob na abala sa pagluluto at paghahanda. Ang bawat mesa ay puno ng lalagyang yari sa kahon na magsisilbing kainan ng mga bata.

" Mayroon pa bang tisyu d'yan? Wala na ako, " tanong ni Janina na abala sa paglalagay ng tisyu sa mga kubyertos na gawa sa plastik.

" Mayroon pa ako dito, " saad ni Claude saka inabot ang isang pang kahon kay Janina. Kagaya ng iba, abala rin ito sa pagbabalot ng tisyu sa mga kubyertos. Makikitang malaki ang pagkakaiba ng gawa ni Claude sa mga kasama ngunit presentable namang tignan kaya hinayaan na lamang nila.

" Iyong kanin ba? Bukas na lang ba lulutuin o ngayong gabi na? " tanong ng kusinera na lumabas ng kusina upang hingin ang opinyon ni Lucine na abala namam sa pag ku-kuwenta ng kinita nila ngayong araw.

" Bukas na lang po ng madaling araw. Baka kasi mapanis agad, masasayang lang po, " sagot ni Lucine na sinang-ayunan naman ng lahat dahil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status