I'M DREAMING OF YOU

I'M DREAMING OF YOU

last updateLast Updated : 2024-08-18
By:  RRAOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
39Chapters
2.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Blurb: Malaking katuparan para kay Olivia ang maipakasal siya kay John Carlos na ikalawang anak na lalaki ng pamilya Carlos ngunit lingid sa kanyang kaalaman na kayamanan lamang niya ang siyang dahilan ng pagpayag nito na pakasalan siya. Hindi matanggap ni John Carlos na ipinambayad utang siya ng kanyang mga magulang, kaya naman hindi nito binigyan ng magandang pagtrato si Olivia. Dahil doon ay inatake si Olivia sa puso na kinakailangan pang dalhin sa America. Ngunit sa pagtataka ng kanyang asawa at pamilya nito ay ibang tao na si Olivia ng magbalik sa kanila. Isang Olivia na handang maghiganti at bawiin ang lahat ng sa kanya. May natitira pa kayang pag-ibig sa puso niya para kay John? O galit pa rin ang siyang mamayani hanggang sa huli?

View More

Chapter 1

1. PAGDADALAMHATI AT PASAKIT

Gabi na naman at mag-isa na naman ako sa aking silid habang nakatingin sa liwanag ng buwan na aking nasisilayan mula sa labas ng aking bintana. Tulad ng dati ay hindi na naman dito matutulog ang aking asawang si John. Simula ng ikasal kami ay hindi ko pa naranasang makasama siya ng mahigit sa limang minuto sa bahay na ito.

Ang akala ko ay ako na ang magiging pinaka masayang tao sa buong mundo matapos ang aming kasal ni John Carlos. Pero ang lahat ng iyon ay ang simula pala ng aking malawakang bangungot. Hindi ko alam na doon mismo sa araw na iyon magsisimula ang aking kalbaryo.

Naaalala ko pa ang aming unang gabing pagsasama, "Ano sa akala mo, tatratuhin kita bilang isang asawa?" malamig ang tinig na sambit sa akin ni John, ng nasa hotel na kami ng lugar nang aming honeymoon.

"B-bakit John, ano bang kasalanang aking nagawa, kanina lamang ay okay ang pakitungo mo sa akin, ngunit ngayong nandito na tayo sa Hongkong ay nagbago kana sa akin ng pakitungo?" nagtatatka kong tanong sa kanya.

"Dahil hindi kita totoong mahal!" sigaw nito sa akin na ikinagulat ko ng labis. Hindi ko akalaing magkaiba pala kami ng damdamin para sa isa't isa. Ang akala ko kasi ay totoo ang mga magagandang ugali at pagtrato na ipinapakita nito sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Bakit ipinamukha mo sa akin na iisa ang ating nararamdaman?" nahintakutan kong tanong sa kanya. Ang lahat ng saya at pagpupunyagi sa puso ko ng mga oras na iyon ay nawala at naglaho. Napalitan lahat ng takot at pangamba. Ngunit sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin ako na matututunan niya akong amahalin.

Makalipas ng isang buwan.

Kasalukuyan:

At ngayon ang gabing ito ang isa sa pinakamasakit na katotohanan, namatay ang aking mga magulang sa pagbagsak ng sarili naming eroplano noong papunta silang Madrid, doon ay may isang buisness proposal silang dadaluhan. Ngunit hindi na sila nakabalik pa. Walang katawan ang nakuha dahil sa pagsabog na naganap at ako ngayon ay ulila nang lubos. Napahikbi na lamang ako at nayakap ang mga nakatiklop kong mga binti at doon isinubsob ang aking mukha at patuloy na lumuha.

Hindi alam ng aking mga magulang ang malungkot kong karanasan sa mga taong inaakala nilang kaibigan. Ngunit patuloy pa rin akong umaasa na magiging maayos ang lahat sa amin ng asawa ko. Minsan pang sumagi sa aking isipan na maaring maawa ito sa akin dahil sa pagkamatay ng aking mga magulang. Kahit na hindi na niya ako matutunang mahalin kundi matutunan manlang niya akong pakitunguhan ng maayos. Pakikitungo kahit manlang bilang kaibigan ang hinihiling ko. Dahil sa kabila ng lahat ay mahal na mahal ko pa rin siya.

Isang malakas na kalabog ang nagpagulat sa akin, kalabog ng dahon ng pintuan ng aking kwarto. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ko ang bulto ng katawan at halos anino pa lamang ang aking nakikita, "Anong ginagawa ng asawa kong hilaw sa kanyang silid, mag-isa ka bang umiiyak at nagdadalamhati rito!" galit ang tinig nito na sambit sa akin. Doon ko pa lang napagtanto na si John pala ang nasa may bukana ng pintuan.

"John, namatay ang aking mga magulang, maari ba akong humingi ng kaunti manlang na pagdamay mula sa iyo?" tanong ko sa kanya. Sa pag-asang dadamayan ako nito kahit na sandali lamang.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit, isang malamig at walang imosyong pagyakap. Pahigpit ng pahigpit at halos hindi na ako makahinga, "Ganito bang pagdamay ang nais mo?" malamig ang tinig nitong bulong sa akin. At sinabayan ng malakas na pagtulak.

Pabagsak akong napahiga sa aking kama, pasalamat ko na lamang na napakalambot noon at hindi ako gaanong nasaktan. Natatakot akong napatingin sa kanya, hindi siya kumikilos sa kanyang kinatatayuan. "Alam mo bang ito ang matagal ko nang ipinagdarasal? Mamatay na ang mga taong humiling na pakasalan kita? Dahil ngayon natupad na ang isa sa mga panalangin ko, kaya napagpasyahan kong umuwi ngayon at ipakita sa iyo ang walang paglagyan kong kasiyahan!" sabi pa nito sa akin at tumawa pa ito ng malakas.

Panalangin, kung ganon ay ipinapanalangin pala nito na mawala na kami ng aking pamilya sa kanyang landas? Bakit? Ano bang nagawa ko sa kanya at ng aking pamilya? Sa pagkakaalam ko ay ang pamilya ko ang nagligtas sa kanilang papalubog nang kumpanya. Na kung hindi sa pera ng aking pamilya ay wala na ang kumpanya nila.

"B-Bakit John? Anong bang nagawa ng aking pamilya sa iyo at ganyan na lang ang tuwa mo na nawala ang mga magulang ko? Awa at simpatya ang hinihingi ko sa iyo ngayon bilang asawa mo, bigyan mo manlang ako kahit na pakitang tao na pagdamay," hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga butil-butil kong luha.

"Anong nangyayari sa akin? Ikaw! kayo ng pamilya mo ang sumira sa buhay ko?" Dinuro niya ako at kitang-kita ko ang matinding galit sa mga mata niya. Parang halimaw na umiilaw ang mga mata nito sa twing tatamaan ng liwanag ng buwan mula sa bintana.

"Minahal kita! Iyon lang ang tanging kasalanan na naiisip ko! Pero kasalanan mo rin naman dahil nagpakita ka sa akin ng kabaitan, ang akala ko talaga ay mahal mo rin ako, at ang nagkakaunawaan tayo," malakas na sampal ang natanggap ng aking pisngi mula sa kanyang mga palad. Hindi ko akalaing hahantong na sa pananakit ang gagawin niya sa akin. Sampal na hindi ko inaakala na magagawa niya sa akin. Taliwas sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi ko inaakalang magagawa niya akong saktan.

Ang mabait na lalaki na noon ay nakilala ko, ngayon ay unti-unti nang nawawala sa aking isipan. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya, nalasahan ko rin ang lasang kalawang mula sa gilid ng aking labi, pakiramdam ko ay nasugatan nga ito. "Isang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko ginusto! Alam mo bang nagpakamatay si Jilianne! Ang girlfriend ko, ang babaeng minamahal ko, alam mo bang dinadala pala niya ang magiging anak namin! Dahil sa inyo, nawalan ako ng tunay na pamilyang nagmamahal sa akin at tunay na nagmamalasakit!"

"Patawarin mo ako, kung ako ba talaga ang dahilan ng pagkawala ng sinasabi mong pamilya, pero wala naman akong kasalanan, ang kasalanan ko lang ay minahal kita!" sambit ko muli, ngunit galit niya akong itinulak muli. At tumalikod siya upang umalis. Sa hindi ko malamang dahilan sa aking sarili ay kungbakit patakbo pa akong bumaba sa aking kama at halos naglulumuhod sa kanyang paanan. "Im begging you John! Just forgive me and my family! Kung kami ang naging sanhi ng pagdurusa mo," umiiyak kong sambit. Nakakapit ako sa laylayan ng kanyang suot na pantalon.

Ngunit pasipa niya lang akong itinaboy mula sa kanyang talampakan, "Umalis ka sa buhay ko, iyon ang bagay na nais kong gawin mo! O kaya ay mamatay ka na rin katulad ng iyong mga magulang!" malakas nitong sabi sa akin. Naiwan naman akong nakahandusay sa sahig at yakap ang aking sarili habang patuloy na umiiyak.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
39 Chapters
1. PAGDADALAMHATI AT PASAKIT
Gabi na naman at mag-isa na naman ako sa aking silid habang nakatingin sa liwanag ng buwan na aking nasisilayan mula sa labas ng aking bintana. Tulad ng dati ay hindi na naman dito matutulog ang aking asawang si John. Simula ng ikasal kami ay hindi ko pa naranasang makasama siya ng mahigit sa limang minuto sa bahay na ito.Ang akala ko ay ako na ang magiging pinaka masayang tao sa buong mundo matapos ang aming kasal ni John Carlos. Pero ang lahat ng iyon ay ang simula pala ng aking malawakang bangungot. Hindi ko alam na doon mismo sa araw na iyon magsisimula ang aking kalbaryo.Naaalala ko pa ang aming unang gabing pagsasama, "Ano sa akala mo, tatratuhin kita bilang isang asawa?" malamig ang tinig na sambit sa akin ni John, ng nasa hotel na kami ng lugar nang aming honeymoon."B-bakit John, ano bang kasalanang aking nagawa, kanina lamang ay okay ang pakitungo mo sa akin, ngunit ngayong nandito na tayo sa Hongkong ay nagbago kana sa akin ng pakitungo?" nagtatatka kong tanong sa kanya.
last updateLast Updated : 2022-05-26
Read more
2. NAKAKAGULAT NA HAPUNAN
Isinagawa ko pa rin ang libing ng aking mga magulang sa memorial park kahit na hindi ko nakuha ang mga labi nila. Ipinasunog ko ang mga natitirang labi ng mga eroplano na nakuha nila sa pinagbagsakan nito at iyon ang ipinalagay ko sa isang kabaong, kung saan itinuturing ko iyong mga labi ng mga magulang ko. Nasa memorial park pa ako ng mga sandaling iyon, umiiyak at kahit ako na lamang mag-isa roon ay nanatili pa rin ako sa lugar na iyon. Umiiyak. Hindi ko alam na nasa di kalayuan sina Yaya Adella at Atty. Bong Villegas. Si Atty. Bong Villegas ang abogado ng aming pamilya. Siya rin ang isa sa mga matatalik kong kaibigan ay pinagkakatiwalaan ng aking pamilya. Si Yaya Adella na simula pa noong isilang ako ay kasama ko na at halos ikalawang ina ko na.Sila na lamang ang nakakaunawa sa akin. At alam kong kakampi ko pa rin sa kabila ng lahat ng mga naganap sa akin. "Hindi ka pa ba tatayo riyan?" tanong sa akin ni Bong.Nakasalampak pa kasi ako damuhan habang nakamasid pa rin sa lapida ng
last updateLast Updated : 2022-05-26
Read more
3. KASAL SA PAPEL
Natapos nga ang aming hapunan, at sumambulat sa aking harapan ang hayagan at harap-harapang pangbabae ng aking asawa. At ang masakit pa ron ni wala manlang sa kanyang pamilya ang kumontra at pinagsabihan ang ginawang iyon ni John. Para silang mga bulag at pipi sa maling ginagawa ni anak nila. At ang pakiramdam ko pa nga ay ako ang sampid sa mga ito. Ngunit wala na akong pakialam don, ang pinaka masakit sa akin ay ang makitang napaka sweet nila sa isa't isa. Na para bang ang Helenang iyon ang kanyang asawang pinakasalan at hindi ako. Masakit na parang dinudurog ang puso ko. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila? Ano bang pagkakamali ko? Mali ba na minahal ko siya ng buong puso at buong buhay ko? Mali ba iyon? Nakadapa ako sa kama ko at patuloy na humihikbi. Narinig ko ang katok ni Yaya, at pumasok siya sa aking silid."Olivia, mahal kong alaga, bakit mo hinahayaang gawin nila sa iyo ang bagay na ito? Marangal kang babae," sambit ni Yaya, at naririnig ko na rin ang paghikbi nito."Y
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more
4. KUNG MAY ISANG AKO
Kabanata 4Matapos maihayag ang rebelasyon sa aking yaman, hinimok na ako ni Bong na kunin ang pamamahala ng buong kumpanya, malaki raw ang share ko, at may karapatan akong humawak ng malaking posisyon sa kumpanya ng mga Carlos, kung saan nakipag merge ang kumpanya ng aking Papa. OFA FOOD CORPORATION PHILIPINES ang dating pangalan nito, ngunit ng mag-merge ito sa kumpanya ng mga Carlos ay nailagay ang C sa pangalan nito. Na ngayon ay COFA na ang bagong pangalan. Dahil doon ay hinihikayat nila akong kumuha ng posisyon sa bagong kumpanya na halos lahat ay pamilya nina John ang namamahala."Olivia, bakit hindi mo kunin ang posisyong CEO o kaya President, tiyak na mananalo ka sa botohan, ikaw ang may pinka malaking shares, kaya malaki rin ang karapatan mo." Paghihikayat pa sa akin ni Bong."Hindi ko pwedeng gawin iyan Bong, ang posisyong iyon ay kay John, ayokong maging dahilan pa ito ng lalo naming pagkakasira," sambit ko sa kanya."Look, kahit kailan ba ay itinuring kang asawa ng lalak
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more
5. HULING SAKIT
Si Mama, siya ang sumampal sa akin. Mabilis kong nahawakan ang pisngi ko at nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa biyenan ko. Na noo'y nanlalaki ang mga mata at hinihingal pa dahil sa galit. Agad siyang nahawakan ni Jeffrey upang awatin. "Wala kang karapatang wasakin ang pamilya ko! Alam mo kung hindi lang dahil sa yaman mo, hindi ko hahayaan ang kahit na sino sa mga anak ko na mapakasalan ka.""Bakit po Mama? Ano bang kasalanan ko? Sa pagkakaalam ko hindi ko kayo pinilit na ipakasal sa akin si John?" sabi ko habang hawak ko ang isang pisngi ko. "Umalis na kayo rito sa kwarto ko!" sigaw ko na lang."Aba ang lakas naman ng loob mo!" nanginginig na sambit ni Mama ni John at Jeffrey sa akin. Nanlalaki ang mga mata nito pati na ang butas ng ilong, at halos habol ang hininga dahil sa pagpipigil. Tiningnan ko siya ng tuwid sa mga mata niya."Ayaw niyong umalis? Sige ako na lang ang aalis! Gusto ba ni John ng kalayaan? Para magsama na sila ng Helenang iyon?""No! Dito ka lang Olivia!" mar
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more
6. ANG PAGBABALIK NG ISANG AKO
Napakadilim at maliit na liwanag lamang ang aking nakikita, sa mga oras na iyon ay hindi ko alam kung anong nangyayari sa aking paligid basta ang alam ko lang ay may naririnig akong mga tinig, mga tinig na nag-uusap at hindi ko naman ma unawaan kung anong kanilang mga na pag-uusapan. Maaaring iyon ay ang mga doktor na mag-oopera sa akin, naalala kong nawalan ako ng malay at matagal na nakatulog. Ngunit kahit na ako ay walang malay, naririnig ko pa rin ang mga tinig sa aking paligid. Naririnig ko si Yaya na umiiyak, at si Bong ay naroon din. ------------3 YEARS LATER:Nasa airport na ako at alam kong si Atty. Bong at Yaya lamang ang susundo sa akin, tulad ng aming mga napag-usapan. Ang unang plano sa pagbabalik ko ay ang bumalik din sa mansiyon ng mga Carlos at doon ay gawin ang isang malaking paghihiganti. Humanda na silang makilala ang isang bago at naiibang Olivia Alcantara.Ilang minuto lang naman akong nakaupo sa waiting area ng airport para sa mga pasahero na nag-iintay pa ng
last updateLast Updated : 2022-06-27
Read more
7. NAIIBANG OLIVIA
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nito, isapa ay wala akong balak na magpakilala kaagad sa isang tao na alam kong hindi naman talaga parte ng pamilya, pero alam kong isa ito sa paghihigantihan ko, bumalik ako para maipaghiganti ang kaapihan ng dating Olivia. Nagngingitngit na tinitigan lamang ako nito ng masama ng makita na tinalikuran ko lamang siya at hindi na pinansin pa ang lahat. Sinundan ko na lamang si Yaya Adella na bahagyang nakangiti at natuwa sa ginawa kong pagtataray kay Helena. Umpisa pa lang ang lahat, makikita nila pagtagal kung anong klaseng delubyo ang gagawin ko sa bahay ng mga ito. Nang umakyat kami sa sarili kong silid ay walang nakakita sa amin, ang lahat kasi ay abala sa mga bagay na ginagawa nila. Napansin kong tila may mahalagang event na magaganap sa mansiyon. "Ano ito Yaya may pa-welcome ba para sa akin?" tanong ko kay Yaya Adella.Lumungkot ang mukha nito at nakayukong umiling, "Hindi, ni wala ngang interesado sa iyo sa pamilyang ito, walang nais n
last updateLast Updated : 2022-06-27
Read more
8. HINDI KA SI OLIVIA
A Week Later:Nang araw na iyon ay maaga akong nagising. Hindi ako bumaba upang sumabay sa kanila sa agahan kahit na ipinatawag ako ng Chairman. Sinadya ko silang hindi sundin upang mas lalo pa silang maguluhan. Matapos ang isang linggo, at ginulat ko silang lahat sa naiibang paglitaw ko sa investors event ay hindi na ako muling nagpakita sa kanila. Umuwi ako sa mansiyon ng mga magulang ko at kagabi lamang ako bumalik sa mansiyong ito. Naroon ako sa coridor ng malaman kong nasa dining area na ang buong miyembro ng pamilya. Nakakubli ako at lihim kong pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila."Nasaan na naman ba ang asawa mo?" tanong ng Chairman, ama ni John."Narito po ako Papa," sagot ni Helena."T*n*a! Hindi ikaw ang inutukoy ko! Ni hindi mo nga nagawang makiharap sa mga investors kagaya ng ginawa ni Olivia! Ngayon ay puring-puri siya ng bawat share holders ng kumpanya. At ang bawat isa sa kanila ay hinahangaan siya at hinahanap!" sigaw ng matanda. Samantalang ako ay lihim na nangingit
last updateLast Updated : 2022-06-27
Read more
9. TAKE OVER THE CEO POSITION
Napansin kong dumilim ang mukha ni Bong ngunit hindi ito nagpahalata sa lahat. Sinundan nito ng isang nakakalokong ngiti ang aking ginawa sabay sabi kay John na, "Okay na ba ang lahat?" sambit nito kay John. Masamang tingin naman ang ipinukol ni John sa akin at sa kanya. Sumenyas ito at iniling lamang ang ulo. Nakita ko ang hindi maipaliwanag na inis nito. Pabagsak nitong ibinababa ang kanyang kamay sa table. Ilang minuto pa ang lumipas at patuloy na nagsisidatingan ang mga share holders at ang lahat ng bakantanteng upuan ay napuno na."Well dahil nandito naman na ang lahat simulan na natin ang meeting na ito," panimulang sambit ni John. Tumayo siya sa harapan at hinawakan ang mike na naroon upang marinig ng lahat ang mga sasabihin niya. "Ang dahilan ng meeting ay ang pagnanais ni Olivia Fuentebella Alcantara na makakuha ng isang posisyon dito sa opisina, pasensiya na kayo kung hindi ko na siya mapigilan, mukhang matapos ang operasyon niya sa America ay naalog ang utak niya." Dahil s
last updateLast Updated : 2022-06-27
Read more
10. MGA ALA-ALA
ALA-ALASA AMERICA: THREE YEARS AGO."Anong gagawin natin Sir Bong? Baka mamatay ang alalga ko?" umiiyak na sambit ni Yaya Adella kay Bong na abogado ni Olivia. Nasa America kami noon, isa akong nurse sa U.S.A at sa mismong ospital na iyon. Nakikita ko ang yaya na iyon ni Olivia na malakas na pumapalahaw sa buong silid, habang nire-revive ng mga batikang doctor ang katawan ni Olivia mula sa katatapos na operasyon. Nagkaroon ng matinding nerve damage sa puso ni Olivia, kaya' t kahit na naging matagumpay ang operasyong iyon ay nanatiling comatose ang anak ng mag-asawang Sylivia at Ramon Alcantara.Isang malakas na katok ang ang nagpagising sa aking malalim na pagbabalik tanaw sa nakaraang pangyayari sa buhay ng taong ngayon ay tinatawag nilang ako. Si Olivia Alcantara. "O Yaya, bakit ho humahangos kayo?""Si John, papunta siya rito, kaya umayos ka, siguraduhin mong wala siyang malalaman tungkol sa alaga ko!" mariing sambit ng matanda.Maya maya ay narinig ko na nga rin ang mga yapak n
last updateLast Updated : 2022-06-27
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status