KABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA“NAROON SIYA.” Itunuro ni JC si Sophia na noo’y nakatunghay sa malawak na karagatan habang nasisilaw sa mataas na sikat ng araw.“SALAMAT JC, dahil inaalagaan mo pa rin si Sophia, alam mo naiingit ako sa iyo, kasi hindi ko man lang siya magawang lapitan,” sabi ko kay Jc habang pigil ang aking pag-iyak. Ayokong maging mahina ng mga sandaling iyon, kaya sinikap kong pigilan ang mga luha ko.Nalulungkot akong hindi ko magawang ibalik sa kanya ang pag-aalaga na ginawa niya sa akin noon. Noong ako ang nakaratay sa ospital.“Huwag kang mag-aalala, malakas at matapang na babae si Sophia, pasasaan ba at magbabalik rin ang mga alaala niya,” sabat ni John na nasa likuran ko na pala. “Nakita ko ang tapang at lakas niya noong unang beses niyang magpanggap na ikaw, buo ang loob niya na ipaghiganti ka, pero sinong mag-aakala, na kay Bong lang pala siya titiklop.”“Ang inaalala ko John, iyong bata sa sinapupunan niya, paano na lang kung maapektuhan iyon ng
KABANATA 39BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?KINABUKASAN pumutok ang balitang nagkaroon ng malaking pagbagsak ng stock sa market, pero sa halip na ikalungkot ko iyon, lihim kong ikinatuwa, magkakaroon ng dahilan ang mga board members na question-in ang ilang malalaking pagbabago sa kanilang corporasyon.Ang Alacantara Corporation ay tuluyang nasakop ng mga Carlos, iyon ang isa sa mga nakikita kong maaaring maging dahilan para ihiwalay ang kumpanya ko, sa kanilang kumpanya.Alam ko na kung mangyayari iyon, pupulutin sa putik ang mga Carlos, saan kaya ni Jeffrey kukunin ang ilang milyong ibabalik sa mga investors, malaki na rin ang nalulugi sa pera ng mga ito.“Olivia, ito na ang pagkakataon, pilitin mong kumalas ang ilang investors, kapag nagkaganon, mapipilitan silang magbenta ng share nila, at iyon ang pagkakataon kong makabili ng ilang shares, sa pamamagitan ng kaibigan ko, pangalan.” Tiningnan ko si John, at nakita ko sa mga mata nito ang pagka-agrisibo dahil sa nalalapit na pagba
Gabi na naman at mag-isa na naman ako sa aking silid habang nakatingin sa liwanag ng buwan na aking nasisilayan mula sa labas ng aking bintana. Tulad ng dati ay hindi na naman dito matutulog ang aking asawang si John. Simula ng ikasal kami ay hindi ko pa naranasang makasama siya ng mahigit sa limang minuto sa bahay na ito.Ang akala ko ay ako na ang magiging pinaka masayang tao sa buong mundo matapos ang aming kasal ni John Carlos. Pero ang lahat ng iyon ay ang simula pala ng aking malawakang bangungot. Hindi ko alam na doon mismo sa araw na iyon magsisimula ang aking kalbaryo.Naaalala ko pa ang aming unang gabing pagsasama, "Ano sa akala mo, tatratuhin kita bilang isang asawa?" malamig ang tinig na sambit sa akin ni John, ng nasa hotel na kami ng lugar nang aming honeymoon."B-bakit John, ano bang kasalanang aking nagawa, kanina lamang ay okay ang pakitungo mo sa akin, ngunit ngayong nandito na tayo sa Hongkong ay nagbago kana sa akin ng pakitungo?" nagtatatka kong tanong sa kanya.
Isinagawa ko pa rin ang libing ng aking mga magulang sa memorial park kahit na hindi ko nakuha ang mga labi nila. Ipinasunog ko ang mga natitirang labi ng mga eroplano na nakuha nila sa pinagbagsakan nito at iyon ang ipinalagay ko sa isang kabaong, kung saan itinuturing ko iyong mga labi ng mga magulang ko. Nasa memorial park pa ako ng mga sandaling iyon, umiiyak at kahit ako na lamang mag-isa roon ay nanatili pa rin ako sa lugar na iyon. Umiiyak. Hindi ko alam na nasa di kalayuan sina Yaya Adella at Atty. Bong Villegas. Si Atty. Bong Villegas ang abogado ng aming pamilya. Siya rin ang isa sa mga matatalik kong kaibigan ay pinagkakatiwalaan ng aking pamilya. Si Yaya Adella na simula pa noong isilang ako ay kasama ko na at halos ikalawang ina ko na.Sila na lamang ang nakakaunawa sa akin. At alam kong kakampi ko pa rin sa kabila ng lahat ng mga naganap sa akin. "Hindi ka pa ba tatayo riyan?" tanong sa akin ni Bong.Nakasalampak pa kasi ako damuhan habang nakamasid pa rin sa lapida ng
Natapos nga ang aming hapunan, at sumambulat sa aking harapan ang hayagan at harap-harapang pangbabae ng aking asawa. At ang masakit pa ron ni wala manlang sa kanyang pamilya ang kumontra at pinagsabihan ang ginawang iyon ni John. Para silang mga bulag at pipi sa maling ginagawa ni anak nila. At ang pakiramdam ko pa nga ay ako ang sampid sa mga ito. Ngunit wala na akong pakialam don, ang pinaka masakit sa akin ay ang makitang napaka sweet nila sa isa't isa. Na para bang ang Helenang iyon ang kanyang asawang pinakasalan at hindi ako. Masakit na parang dinudurog ang puso ko. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila? Ano bang pagkakamali ko? Mali ba na minahal ko siya ng buong puso at buong buhay ko? Mali ba iyon? Nakadapa ako sa kama ko at patuloy na humihikbi. Narinig ko ang katok ni Yaya, at pumasok siya sa aking silid."Olivia, mahal kong alaga, bakit mo hinahayaang gawin nila sa iyo ang bagay na ito? Marangal kang babae," sambit ni Yaya, at naririnig ko na rin ang paghikbi nito."Y
Kabanata 4Matapos maihayag ang rebelasyon sa aking yaman, hinimok na ako ni Bong na kunin ang pamamahala ng buong kumpanya, malaki raw ang share ko, at may karapatan akong humawak ng malaking posisyon sa kumpanya ng mga Carlos, kung saan nakipag merge ang kumpanya ng aking Papa. OFA FOOD CORPORATION PHILIPINES ang dating pangalan nito, ngunit ng mag-merge ito sa kumpanya ng mga Carlos ay nailagay ang C sa pangalan nito. Na ngayon ay COFA na ang bagong pangalan. Dahil doon ay hinihikayat nila akong kumuha ng posisyon sa bagong kumpanya na halos lahat ay pamilya nina John ang namamahala."Olivia, bakit hindi mo kunin ang posisyong CEO o kaya President, tiyak na mananalo ka sa botohan, ikaw ang may pinka malaking shares, kaya malaki rin ang karapatan mo." Paghihikayat pa sa akin ni Bong."Hindi ko pwedeng gawin iyan Bong, ang posisyong iyon ay kay John, ayokong maging dahilan pa ito ng lalo naming pagkakasira," sambit ko sa kanya."Look, kahit kailan ba ay itinuring kang asawa ng lalak
Si Mama, siya ang sumampal sa akin. Mabilis kong nahawakan ang pisngi ko at nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa biyenan ko. Na noo'y nanlalaki ang mga mata at hinihingal pa dahil sa galit. Agad siyang nahawakan ni Jeffrey upang awatin. "Wala kang karapatang wasakin ang pamilya ko! Alam mo kung hindi lang dahil sa yaman mo, hindi ko hahayaan ang kahit na sino sa mga anak ko na mapakasalan ka.""Bakit po Mama? Ano bang kasalanan ko? Sa pagkakaalam ko hindi ko kayo pinilit na ipakasal sa akin si John?" sabi ko habang hawak ko ang isang pisngi ko. "Umalis na kayo rito sa kwarto ko!" sigaw ko na lang."Aba ang lakas naman ng loob mo!" nanginginig na sambit ni Mama ni John at Jeffrey sa akin. Nanlalaki ang mga mata nito pati na ang butas ng ilong, at halos habol ang hininga dahil sa pagpipigil. Tiningnan ko siya ng tuwid sa mga mata niya."Ayaw niyong umalis? Sige ako na lang ang aalis! Gusto ba ni John ng kalayaan? Para magsama na sila ng Helenang iyon?""No! Dito ka lang Olivia!" mar
Napakadilim at maliit na liwanag lamang ang aking nakikita, sa mga oras na iyon ay hindi ko alam kung anong nangyayari sa aking paligid basta ang alam ko lang ay may naririnig akong mga tinig, mga tinig na nag-uusap at hindi ko naman ma unawaan kung anong kanilang mga na pag-uusapan. Maaaring iyon ay ang mga doktor na mag-oopera sa akin, naalala kong nawalan ako ng malay at matagal na nakatulog. Ngunit kahit na ako ay walang malay, naririnig ko pa rin ang mga tinig sa aking paligid. Naririnig ko si Yaya na umiiyak, at si Bong ay naroon din. ------------3 YEARS LATER:Nasa airport na ako at alam kong si Atty. Bong at Yaya lamang ang susundo sa akin, tulad ng aming mga napag-usapan. Ang unang plano sa pagbabalik ko ay ang bumalik din sa mansiyon ng mga Carlos at doon ay gawin ang isang malaking paghihiganti. Humanda na silang makilala ang isang bago at naiibang Olivia Alcantara.Ilang minuto lang naman akong nakaupo sa waiting area ng airport para sa mga pasahero na nag-iintay pa ng