Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nito, isapa ay wala akong balak na magpakilala kaagad sa isang tao na alam kong hindi naman talaga parte ng pamilya, pero alam kong isa ito sa paghihigantihan ko, bumalik ako para maipaghiganti ang kaapihan ng dating Olivia. Nagngingitngit na tinitigan lamang ako nito ng masama ng makita na tinalikuran ko lamang siya at hindi na pinansin pa ang lahat. Sinundan ko na lamang si Yaya Adella na bahagyang nakangiti at natuwa sa ginawa kong pagtataray kay Helena. Umpisa pa lang ang lahat, makikita nila pagtagal kung anong klaseng delubyo ang gagawin ko sa bahay ng mga ito. Nang umakyat kami sa sarili kong silid ay walang nakakita sa amin, ang lahat kasi ay abala sa mga bagay na ginagawa nila. Napansin kong tila may mahalagang event na magaganap sa mansiyon. "Ano ito Yaya may pa-welcome ba para sa akin?" tanong ko kay Yaya Adella.Lumungkot ang mukha nito at nakayukong umiling, "Hindi, ni wala ngang interesado sa iyo sa pamilyang ito, walang nais n
A Week Later:Nang araw na iyon ay maaga akong nagising. Hindi ako bumaba upang sumabay sa kanila sa agahan kahit na ipinatawag ako ng Chairman. Sinadya ko silang hindi sundin upang mas lalo pa silang maguluhan. Matapos ang isang linggo, at ginulat ko silang lahat sa naiibang paglitaw ko sa investors event ay hindi na ako muling nagpakita sa kanila. Umuwi ako sa mansiyon ng mga magulang ko at kagabi lamang ako bumalik sa mansiyong ito. Naroon ako sa coridor ng malaman kong nasa dining area na ang buong miyembro ng pamilya. Nakakubli ako at lihim kong pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila."Nasaan na naman ba ang asawa mo?" tanong ng Chairman, ama ni John."Narito po ako Papa," sagot ni Helena."T*n*a! Hindi ikaw ang inutukoy ko! Ni hindi mo nga nagawang makiharap sa mga investors kagaya ng ginawa ni Olivia! Ngayon ay puring-puri siya ng bawat share holders ng kumpanya. At ang bawat isa sa kanila ay hinahangaan siya at hinahanap!" sigaw ng matanda. Samantalang ako ay lihim na nangingit
Napansin kong dumilim ang mukha ni Bong ngunit hindi ito nagpahalata sa lahat. Sinundan nito ng isang nakakalokong ngiti ang aking ginawa sabay sabi kay John na, "Okay na ba ang lahat?" sambit nito kay John. Masamang tingin naman ang ipinukol ni John sa akin at sa kanya. Sumenyas ito at iniling lamang ang ulo. Nakita ko ang hindi maipaliwanag na inis nito. Pabagsak nitong ibinababa ang kanyang kamay sa table. Ilang minuto pa ang lumipas at patuloy na nagsisidatingan ang mga share holders at ang lahat ng bakantanteng upuan ay napuno na."Well dahil nandito naman na ang lahat simulan na natin ang meeting na ito," panimulang sambit ni John. Tumayo siya sa harapan at hinawakan ang mike na naroon upang marinig ng lahat ang mga sasabihin niya. "Ang dahilan ng meeting ay ang pagnanais ni Olivia Fuentebella Alcantara na makakuha ng isang posisyon dito sa opisina, pasensiya na kayo kung hindi ko na siya mapigilan, mukhang matapos ang operasyon niya sa America ay naalog ang utak niya." Dahil s
ALA-ALASA AMERICA: THREE YEARS AGO."Anong gagawin natin Sir Bong? Baka mamatay ang alalga ko?" umiiyak na sambit ni Yaya Adella kay Bong na abogado ni Olivia. Nasa America kami noon, isa akong nurse sa U.S.A at sa mismong ospital na iyon. Nakikita ko ang yaya na iyon ni Olivia na malakas na pumapalahaw sa buong silid, habang nire-revive ng mga batikang doctor ang katawan ni Olivia mula sa katatapos na operasyon. Nagkaroon ng matinding nerve damage sa puso ni Olivia, kaya' t kahit na naging matagumpay ang operasyong iyon ay nanatiling comatose ang anak ng mag-asawang Sylivia at Ramon Alcantara.Isang malakas na katok ang ang nagpagising sa aking malalim na pagbabalik tanaw sa nakaraang pangyayari sa buhay ng taong ngayon ay tinatawag nilang ako. Si Olivia Alcantara. "O Yaya, bakit ho humahangos kayo?""Si John, papunta siya rito, kaya umayos ka, siguraduhin mong wala siyang malalaman tungkol sa alaga ko!" mariing sambit ng matanda.Maya maya ay narinig ko na nga rin ang mga yapak n
Oras ng pagpasok sa opisina at ang posisyong kinuha ko kay John ay magsisimula na sa araw na ito.Kaya naman habang nagmamaneho ako patungong opisina ng araw na iyon ay nakatanggap ako ng isang kakaibang tawag sa aking cellphone. "Hello who's this?"Isang malakas na tawa muna ang pinawalan nito bago tuluyang sumagot,"kamusta ka na? Masaya ka bang nakuha mo ang posisyong gusto mo? But! I assured you na hindi ka magtatagal sa posisyong iyan!""Sandali nga--" ngunit hindi ko naituloy pa ang mga sasabihin ko dahil mabilis na ibinaba nito ang linya. Naiinis akong naipreno ang sasakyang minamaneho ko. Napukpok ko ang manibela dahil sa naiinis ako sa mga narinig ko. Sino ang babaeng iyon na tumawag pa sa akin. Ginulat naman ako ng tatlong malalakas na katok sa bintana ng kotseng sinasakyan ko. Napatingin ako sa gawing iyon at binuksan ang salamin niyon. Tumambad sa akin si Bong, baghagya akong nagulat sa sumungaw na mukha nito."Hoy, ano ka ba? Kanina pa ako kumakatok bakit ang tagal mong mag
Isang malaking selebrasyon ang idinaos sa opisina para sa bagong CEO, at ang selebrasyong iyon ay nagdulot sa akin ng sobra-sobrang tuwa dahil nakikita ko ang mga nakasumbangot na pagmumukha ng buong pamilya Carlos. Ang poker face na mukha ni Jefferey, na sinasabi nilang may matagal nang pagtingin kay Olivia, at sa tingin ko ay nakakaamoy na rin ito sa totoong ako. Nakita kong lumapit si Jefferey Kay John at nag-usap ang mga ito."John, wala ka bang napapansin kay Olivia? I think she so different?" napapakunot noo pang tanong ni Jeffrey kay John."O camon! Kuya Jeff, baka naman kasi nanibago ka lang dahil sa malamig na ang pagtrato niya sa iyo?""Well, baka nga dahil lang iyon don. But I think, malaki ang epekto sa kanya ng operasyon sa America, do you think?""Hindi, siya pa rin ang Olivia na minahal mo," sabi nito sa kuya niya at sabay tumalikod. Ako naman ay nagtaka sa mga isinagot ni John kay Jeffrey. Isang malaking takatanungan ang dumaratal sa aking isipan. Bakit John? Ano bang
Tanghali na ng magising ako dahil na rin sa ilang mahihinang katok mula sa pintuan ng silid ko. Hindi iyon angd dating silid ni Olivia, alam kong kung siya rin ang bumalik ay hindi na niya gugustuhin pang matulog sa dati niyang kwarto. "Tuloy..." mahina kong salita.Pumasok naman si Yaya Adela, may dala na itong tray na may lamang pagkain. Inilapag niya iyon sa malapit na lamesa sa tabi ng higaan ko. "Kamusta kana Iha, alam kong masama pa ang pakiramdam mo dahil sa party kagabi," sabi pa nito na marahan ding umupo sa gilid ng kama ko.Bahagaya akong nagbangon at tumingin sa kanya, alam kong mayroong lungkot sa kanyang mga mata, naisip kongmarahil ay nami-miss nito ang alaga niyang si Olivia. "Pasensiya na po kayo," mahina kong sambit sa kanya."Walang anuman ito Iha, sa totoo lang ay naaawa pa nga ako sa iyo, hindi mo dapat dinaranas ang ganitong paghihirap." nakita kong may kaunting luha ang sumilay sa mga mata ng matanda. Alam ko kung gaano niya kamahal si Olivia. Tuloy ay parang nai
May limang minuto nang nakakaalis ang tatlong lalaki sa opisina ko, pero hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lang naiwang kaba sa puso ko dahil sa nakita kong hilatsiya ng mukha ni Jeffrey. Sa pagkakaalam ko sa kanya, base sa mga detalyeng nakalap ko, ay may malaking pagtingin ang isang iyon kay Olivia, pero sa mga tingin niya sa akin at kay Bong at John. Na-realized ko na hindi iyon ang tingin ng isang lalaking nagseselos o may pagtingin. Nakadarama ako ng kakaiba, tuloy ay inaapuhap ko kung saan at papano ko lalabanan ang mga ito. Ni hindi ko na tuloy alam kung sino ang tunay kong mga kalaban.Paano ko maipaghihiganti ang mga magulang ni Olivia, ang aking ama.Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa matinding pag-iisip. Walang nakakaalam ng isa pang motibo ko sa pagpayag na magpaopera at maging kamukha ni Olivia, iyon ay dahil nais ko ring ipaghiganti ang pagkawala ng mag-asawang Alcantara. Alam ko at hindi ako naniniwalang aksidente lamang ang pagkamatay nila."Ang lalim naman
KABANATA 39BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?KINABUKASAN pumutok ang balitang nagkaroon ng malaking pagbagsak ng stock sa market, pero sa halip na ikalungkot ko iyon, lihim kong ikinatuwa, magkakaroon ng dahilan ang mga board members na question-in ang ilang malalaking pagbabago sa kanilang corporasyon.Ang Alacantara Corporation ay tuluyang nasakop ng mga Carlos, iyon ang isa sa mga nakikita kong maaaring maging dahilan para ihiwalay ang kumpanya ko, sa kanilang kumpanya.Alam ko na kung mangyayari iyon, pupulutin sa putik ang mga Carlos, saan kaya ni Jeffrey kukunin ang ilang milyong ibabalik sa mga investors, malaki na rin ang nalulugi sa pera ng mga ito.“Olivia, ito na ang pagkakataon, pilitin mong kumalas ang ilang investors, kapag nagkaganon, mapipilitan silang magbenta ng share nila, at iyon ang pagkakataon kong makabili ng ilang shares, sa pamamagitan ng kaibigan ko, pangalan.” Tiningnan ko si John, at nakita ko sa mga mata nito ang pagka-agrisibo dahil sa nalalapit na pagba
KABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA“NAROON SIYA.” Itunuro ni JC si Sophia na noo’y nakatunghay sa malawak na karagatan habang nasisilaw sa mataas na sikat ng araw.“SALAMAT JC, dahil inaalagaan mo pa rin si Sophia, alam mo naiingit ako sa iyo, kasi hindi ko man lang siya magawang lapitan,” sabi ko kay Jc habang pigil ang aking pag-iyak. Ayokong maging mahina ng mga sandaling iyon, kaya sinikap kong pigilan ang mga luha ko.Nalulungkot akong hindi ko magawang ibalik sa kanya ang pag-aalaga na ginawa niya sa akin noon. Noong ako ang nakaratay sa ospital.“Huwag kang mag-aalala, malakas at matapang na babae si Sophia, pasasaan ba at magbabalik rin ang mga alaala niya,” sabat ni John na nasa likuran ko na pala. “Nakita ko ang tapang at lakas niya noong unang beses niyang magpanggap na ikaw, buo ang loob niya na ipaghiganti ka, pero sinong mag-aakala, na kay Bong lang pala siya titiklop.”“Ang inaalala ko John, iyong bata sa sinapupunan niya, paano na lang kung maapektuhan iyon ng
KABANATA 37ANG TUNAY NA PAGKATAO NI JOHNNalaman ko na kaya pala ganon ang ipinakita sa aking kasamaan ni John, para mabuksan ang isip ko at matutong lumaban, ayaw rin niyang maisip ng mga Carlos na pwede siyang gamitin ng mga ito para ma-control ako, ayaw niyang siya pa ang hilingan ng mga ito na kunin ang kayamanan ko, kaya lahat ay nauwi sa masakit naming pagsasama.Pero ngayon alam ko na, alam ni John noon pa bago kami ikasal, na siya pala ay hindi tunay na anak ng mga Carlos, kundi ginagamit lamang siya ng mga ito para makuha ng tuluyan ang kayaman ng mga Alacantara.Nagbalik sa akin ang alaala nang pagtatapat ni John ng mga tunay niyang dahilan.“Olivia, nalaman ko noon, noong bago tayo ikasal, nalaman ko na hindi nila ako tunay na anak, na anak ako ng matalik na kaibigan ng ama mo, at kasosyo nila sa negosyo, pinatay nila ang tunay kong mga magulang, at pinalaki nila ako para gamitin naman para makuha ang kayaman ng buong pamilya mo,” umiiyak na pagsasalaysay sa akin ni John.
KABANATA 36SI OLIVIA AY NAGPANGGAP NA SI SOPHIA"Hello John, okay, I'll be right there in a few minutes...." malambing na sabi ko sa kabilang linya. "Okay Honey, palagi mong iingatan ang sarili mo, huwag kang magpapalipas ng gutom," tugon ni John sa akin mula sa kabilang linya.Okay na kami ni John, inanunsiyo na rin nito ang pagkakaayos namin sa buong pamilya ng mga Carlos, kahit na hindi magawang palayasin ni John si Helena dahil may anak daw sila, hinayaan na lang namin, isa pa ang mahalaga sa akin ay ang kapakanan ng relasyon namin.Ang mahalaga sa akin ay ang pagkakaayos at pagiging malinaw ng status namin sa isa't isa. Nagulat pa ako ng may biglang humalik sa pisngi ko mula sa likuran. Mabilis akong napalingon, inakala ko kasing si John iyon, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Jeffrey pala iyon. Napatayo ako sa kinauupuan ko, mabuti na lang at ako pa lang ang nasa harap ng mahabang lamesa."J-Jeffrey? Ang akala ko ay nasa Madrid ka ngayon?" gulat kong tanong.Nu
KABANATA 35 KAMATAYAN PARA KAY SOPHIA Parehong nanlalaki ang mga mata namin ng makita at mapagsino ang kumakatok sa salamin ng kotse. Masamang titig ng mga mata ang nakita naming pareho ni Bong, at sa hindi inaasahang pagkakataon, laking gulat pa namin ng may dala na pala itong napakalaking maso, malakas nito inihampas ang maso sa harap ng salaming ng kotseng kinalululanan namin. Mabilis akong niyakap ni Bong upang maprotektahan sa mga nabasag na bubog. Matapos noon ay agad na nabuksan ni Jeffrey ang pintuan ng kotse at malakas na hinila si Bong palabas ng sasakyan. Galit na galit ito kay Bong. Biglang inundayan ng suntok sa sikmura. Hindi nakailag si Bong dahil sa labis na pagkabigla sa mga pangyayari. Dahil doon ay sinamantala iyon ni Jeffrey. Sinundan kaagad nito ng malakas na sipa, at tadyak upang hindi makabangon si Bong. Ngunit nang makabangon si Bong ay gumanti ito ng suntok at sipa, kaya natumba si Jeffrey. Kaya lang ay may dala pala itong baril at agad na binaril si Bon
KABANATA 34 ANG ISANG KATOTOHANAN NAKARATING kami sa isang mamahaling restaurant na si Bong ang nag-sugest, sinunod ko na lang para hindi na madagdagan pa ang init ng ulo nito sa aming dalawa ni JC. Ito naman si JC ay tila natutuwa sa kanyang nakikitang inaasal ni Bong. "Well, ang gusto kong pag-usapan natin ay iyong sinabi mo kanina, may nalaman kang lead? Saan mo nalaman ang impormasyon?" tanong ko, sobrang excited ako na malaman ang tungkol sa mga sinasabi nito. "Nalaman ko lang mula sa isang kaibigan ko na ang ama niya ay dating naging empleyado ng mga Carlos, matagal na panahon na," panimula ni JC. Naka-order na rin kami ng lunch namin kaya naghihintay na lang kami para ihatid iyon sa amin. Ako tutok na tutok sa mga sasabihin ni JC. Nang bigla kong maramdaman ang pagkiskis ng mga daliri ng paa ni Bong sa ilalim ng lamesa. Kaya napatitig ako sa kanya. “Wait! Excuse me, I need to go to the bathroom,” sabi ko kahit na gustong-gusto ko nang marinig ang mga salitang sasabihin n
KABANATA 33 LUMIPAS pa ang ilang buwan, kahit na pinapayuhan ako ni JC ay hindi ako nakinig. Patuloy akong nagpanggap bilang si OLIVIA, habang nasa masayang bakasyon ang kapatid kong si Olivia, ako naman patuloy na naghahanap ng mga ibedensiyang makukuha ko para isiwalat ang katotohanan. Hindi alam ng marami na si JC ay isang pulis, isa siyang detective na na na-asign sa kasong ito. Simula ng pabuksan kong muli ang kaso ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Olivia, si JC na ang humawak nito, kaya lang nasa ilalim rin siya ng isang under operation kaya walang nakakakaalam. Ako lang at Si Bong ang nakakaalam ng lahat. Sadyang maraming asset si Bong, nakakakilos siya at nagagawa niya ang ilang bagay na hindi ko inaakalang magagawa niya. Dahil din doon kaya ako tuluyang nahulog sa mga kamay niya. Kaya lang hindi ko makakayang maging masaya sa piling niya, kung ganitong hindi ko pa nakakamit ang tunay na hustisya para sa mga magulang ko. " HELLO, masyado ka yatang busy nitong mga hulin
KABANATA 32LUMABAS si Bong matapos ang pagkakainitan nila ni John. Nakita ko na lang ang sarili ko na marahang nilalagyan ng gamot ang mga sugat niya sa mukha, habang hawak ang bulak . Mula roon ay nakatitig lang kami ni John sa isa't isa.Hindi ako makapaniwala na ang mga oras na iyon ay nangyayari, ang akala ko hanggang pangarap na lang ang lahat. Nakatingin sa aking mga mata si John, bahagya siyang napapitlag ng makaramdam ng kaunting kirot sanhi ng bahagya kong pagdiin sa bulak, gusto kong malaman kung tunay ang mga nangyayari at hindi panaginip."Parang isang panaginip John, itong nangyayari ngayon, kahit na minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na magagawa ko sa iyo ito, na isang araw ay masasaktan ka ng dahil sa akin," Unit-unting tumulo ang mga luha ko, naglandas aking mga pisngi. Umangat ang isang kamay niya, at ang likod ng isang daliri niya ay pumahid sa pisngi kong basa ng luha.Nakatitig siya sa mga mata ko, at marahang bumaba ang kanyang paningin sa aking mga labi, "I'm
KABANATA 31- ANG PAGBABAGO NI JOHNNAG-AALALA ako alam na alam kong hindi nila titigilan si Olivia hanggang hindi nila nakukuha ang nais nila sa kapatid ko, ako ang malakas, ako ang may kakayahang pisikal kaya naman hindi ako papayag na masaktan nila ang kapatid ko, ngunit halos mapatalon ako sa gulat, nang biglang lumitaw sa harapan ko si John.Nahablot niya ako at mariing isinandal sa likod ng pader, "Bakit nandito ka na naman? Nasaan si Olivia?" may galit na tanong nito sa akin, sabay hablot rin ng isa sa mga braso ko."Ano ba! Nasasaktan ako," paanas kong salita ngunit may himig galit. Binawi ko ang braso ko na hawak-hawak niya. "Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya? Sabi ko kasi mas okay pa, na ilayo niyo na lang siya ng tuluyan, bakit kinakailangang bumalik pa siya?""Dahil alam kong nag-aalala pa rin siya sa 'yo John!" mariin kong nasabi."Ano?""Oo mahal ka pa rin niya! Pero ikaw, hindi mo man lang gawin ang tungkulin mo sa kapatid ko bilang asawa!" hindi ko na napigilang sab