Tanghali na ng magising ako dahil na rin sa ilang mahihinang katok mula sa pintuan ng silid ko. Hindi iyon angd dating silid ni Olivia, alam kong kung siya rin ang bumalik ay hindi na niya gugustuhin pang matulog sa dati niyang kwarto. "Tuloy..." mahina kong salita.Pumasok naman si Yaya Adela, may dala na itong tray na may lamang pagkain. Inilapag niya iyon sa malapit na lamesa sa tabi ng higaan ko. "Kamusta kana Iha, alam kong masama pa ang pakiramdam mo dahil sa party kagabi," sabi pa nito na marahan ding umupo sa gilid ng kama ko.Bahagaya akong nagbangon at tumingin sa kanya, alam kong mayroong lungkot sa kanyang mga mata, naisip kongmarahil ay nami-miss nito ang alaga niyang si Olivia. "Pasensiya na po kayo," mahina kong sambit sa kanya."Walang anuman ito Iha, sa totoo lang ay naaawa pa nga ako sa iyo, hindi mo dapat dinaranas ang ganitong paghihirap." nakita kong may kaunting luha ang sumilay sa mga mata ng matanda. Alam ko kung gaano niya kamahal si Olivia. Tuloy ay parang nai
May limang minuto nang nakakaalis ang tatlong lalaki sa opisina ko, pero hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lang naiwang kaba sa puso ko dahil sa nakita kong hilatsiya ng mukha ni Jeffrey. Sa pagkakaalam ko sa kanya, base sa mga detalyeng nakalap ko, ay may malaking pagtingin ang isang iyon kay Olivia, pero sa mga tingin niya sa akin at kay Bong at John. Na-realized ko na hindi iyon ang tingin ng isang lalaking nagseselos o may pagtingin. Nakadarama ako ng kakaiba, tuloy ay inaapuhap ko kung saan at papano ko lalabanan ang mga ito. Ni hindi ko na tuloy alam kung sino ang tunay kong mga kalaban.Paano ko maipaghihiganti ang mga magulang ni Olivia, ang aking ama.Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa matinding pag-iisip. Walang nakakaalam ng isa pang motibo ko sa pagpayag na magpaopera at maging kamukha ni Olivia, iyon ay dahil nais ko ring ipaghiganti ang pagkawala ng mag-asawang Alcantara. Alam ko at hindi ako naniniwalang aksidente lamang ang pagkamatay nila."Ang lalim naman
Habang nakaupo pa rin siya at pinagmamasdan ang mukha ko ay napangisi ito. Ako naman ay medyo na-consious, kakaiba kasi ang mga tingin niya. Kahit na alam ko naman na alam na nito na hindi ako ang asawa niya, kaya niya ako natitingnan ng ganito. Pero isang tanong ang nabubuo sa isipan ko. Ano bang kasalanan ni Olivia at trinato niya ito ng ganito? "Bakit anong iniisip mo?" "John, alam mong alam ng lahat dito sa building na ito na mag-asawa tayo, pero di tayo okay diba?" "Yup."Sabay tango pa nito sa akin. At sinamahan ng nakakalokong ngiti."Kilala rin ba ng lahat si Helena? At ang anak mo dinala na ba niya rito sa opisina?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Ilang mga katanungan pa ang nais kong malaman."Oo, lahat ng sinabi mo totoo, at never pa akong nakaipag-usap sa iyo ng ganito katagal, nandidiri ako at ayaw kitang makita, kapag nakikita kasi kita nagkukuyos ang kalooban ko," sabi pa nito sa akin. Ako naman ay nakaramdam ng bigat sa aking dibdib. Parang hinalukay ang kalooban
KABANATA 16 - ANG LUMANG DIARY NI OLIVIATaong 2010 ang unang nakasulat sa unang pahina ng kanyang diary. Hindi ko maunawan ngunit ng bulatlatin kong maige ay napagtanto kong sa hulihan ang pinaka unang pahina. Ganoon ni Olivia isinulat ang mga damdamin niya at karanasan sa kanyang diary. Nabasa ko doon ang nakatagong damdamin ni Olivia patungkol sa kanyang nalalapit na kasal kay John Carlos. Ang lalaking kanyang pinakaiibig.diary:June 11, 2010 5:00 PMMahal na mahal ko si John, at para sa akin ay dream come true ko ang mga nagaganap ngayon, ngayon na malapit na kaming ikasal. Pero nakausap ko si John. Niyakap niya ako at hinalikan sa aking mga labi, humingi siya ng tawad sa akin. At sinabi niyang patawarin ko siya sa lahat ng mga masasamang bagay na gagawin niya sa akin. At pakatatandaan ko raw na mahal na mahal niya ako. Ako lang daw ang mamahalin niya habang buhay. Kaya lang diary sinabi niya na tumanggi na lang sana ako sa kasal, iyon daw ang pinaka mabuti para sa akin. Pero hi
Hindi ko maintidihan ang kakaibang ngiti ni Jeffrey kaya pinilit kong maging pormal sa kanya. Tama nang nahuli o nabisto na ako ni John. Hindi na maaring madagdagan pa ang nakakaalam na hindi ako si Olivia."O Mr. Jeffrey Carlos, I hope hindi mo naman nauubos ang oras mo sa kasusunod mo sa akin?"Ngumisi siya sa akin at kumibit lang ang balikat nito. Habang ibinalik ang dalwang kamay sa kanyang bulas. At muling ngumiti ng alanganin. Iyong ngiti na parang nang-uuyam. Gusto kong mainsulto pero nagpanggap akong hindi ko nahalata na may nais siyang iparating sa mga tingin niya.Umiwas ako ng tingin at sadyang lumihis upang hindi ko siya masagi. At nahalata kong hindi niya nagustuhan ang bagay na iyon. Kaya naman mas ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad. Ngunit may bigla akong naisip, para mahuli mo ang daga, kailangan mo ng pain. At iyon ang gagawin ko. Pumihit ako ng aking mga paa at lumakad pabalik upang sabayan siya. Nakita kong nagulat siya."O Olivia," nasambit niya ang pang
KABANATA 18 - ISANG PLANONang makaupo na si Jeffrey sa harap ng hapag kainan ay tumayo ako sa kinatatayuan ko at lumipat sa tabi nito, “I want to say thank you,” nakangiti kong sambit kay Jeffery. At alam kong nagtaasan ang mga kilay ng mga kababaihan na naroon, ang mga kapatid nilang babae at ang ina ng mga ito.“Well stop acting like crazy thing, Olivia, go back to your seat,” may pang-uuyam namang utos ng babae kong biyenan.“Anong nangyayari sa iyo?” taas naman ang kilay nang isa sa mga kapatid na babae ni John, si Luvi.“Baka naman na alog ang utak niya kasi, three years ago naoperahan ang puso niya,” sabay ngisin ni Angela sa lahat, matapos niyang sabihin ang lahat ng mga iyon.“Well, I think kung meron mang naalog ang utak rito, baka ikaw iyon?” Napahalukipkip pa ako at sumandal sa kinauupuan ko. Tinaasan ko ito ng kilay, na alam kong ikinagulat na naman nila. Hindi pa rin sila sanay sa bagong ugali ng Olivia’ng kaharap nila ngayon.“Ha! Ang lakas na pala talaga ng loob niya n
Hinatid pa ako ni Jeffrey sa mismong opisina ko, nagulat pa kaming pareho nang makita namin sa harap ng opisina si Bong. "O ang tagal niyo naman, saan ba kayo galing?" kaswal na tanong ni Bong sa amin. Well alam ko naman na pasakalye niya lang iyon. Hindi ko naman alam kung ano ang pakay niya sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" maiksi kong tanong. "Ano pa hinihintay ang best friend ko," sabay tingin nito kay Jefferey. Nakita nitong nakahawak sa braso ko si Jeffrey kaya naman napabitiw na ako. Alam kong okay na ako, at pwede na akong iwan nito. "Okay, Bye Olivia, and see you later!" He said while he smirked at me. Sa puntong iyong medyo na alangan na akong tumbasan pa ng ngiti rin ang kanyang tinuran. At hindi pa man ako lumilingon ay tila nakikita ko na ang masasamang titig sa akin ni Bong. ------------------------ Ilang minuto na ang lumipas at wala na rin si Jeffrey, ngunit si Bong ay nanatiling walang imik, nakayuko lamang ito habang nakapatong ang mga braso sa mga hita. Hindi
KABANATA 20Nanlalaki ang mga mata niya, halos mapugtu na ang hininga niya ng takpan ng lalaki ang bibig niya dahil sa napakalakas niyang pagtili. "Sophia! Shut up!" mariin ngunit pabulong lamang ang salita ng tinig na hindi ko kaagad nakilala.Dala marahil ng matinding kaba, at pag-aalala na maabutan ako ng lalaking humahabol sa akin, at hindi ko akalaing naroon pa si Bong ng mga oras na iyon, "W-what are you doing here! You're driving me crazy! O my gosh!" humihingal kong sambit habang nakahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib na kulang na lang ay lumabas sa aking kalooban."What happened?" Nag-aalala nitong hinawakan ang mukha ko, ako naman ay napasandal na sa pader ng building na kinaroroona namin. "You know, You're the one who made me this way! Ikaw na lang palagi ang iniisip ko, hindi mo ba alam na akong nababaliw dahil sa iyo!" Mabilis nitong hinablot ang isang kamay ko at pahila na akong isinama sa paglalakad niya.Ako naman ay humahangos ding napapasunod na lang sa binata,
KABANATA 39BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?KINABUKASAN pumutok ang balitang nagkaroon ng malaking pagbagsak ng stock sa market, pero sa halip na ikalungkot ko iyon, lihim kong ikinatuwa, magkakaroon ng dahilan ang mga board members na question-in ang ilang malalaking pagbabago sa kanilang corporasyon.Ang Alacantara Corporation ay tuluyang nasakop ng mga Carlos, iyon ang isa sa mga nakikita kong maaaring maging dahilan para ihiwalay ang kumpanya ko, sa kanilang kumpanya.Alam ko na kung mangyayari iyon, pupulutin sa putik ang mga Carlos, saan kaya ni Jeffrey kukunin ang ilang milyong ibabalik sa mga investors, malaki na rin ang nalulugi sa pera ng mga ito.“Olivia, ito na ang pagkakataon, pilitin mong kumalas ang ilang investors, kapag nagkaganon, mapipilitan silang magbenta ng share nila, at iyon ang pagkakataon kong makabili ng ilang shares, sa pamamagitan ng kaibigan ko, pangalan.” Tiningnan ko si John, at nakita ko sa mga mata nito ang pagka-agrisibo dahil sa nalalapit na pagba
KABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA“NAROON SIYA.” Itunuro ni JC si Sophia na noo’y nakatunghay sa malawak na karagatan habang nasisilaw sa mataas na sikat ng araw.“SALAMAT JC, dahil inaalagaan mo pa rin si Sophia, alam mo naiingit ako sa iyo, kasi hindi ko man lang siya magawang lapitan,” sabi ko kay Jc habang pigil ang aking pag-iyak. Ayokong maging mahina ng mga sandaling iyon, kaya sinikap kong pigilan ang mga luha ko.Nalulungkot akong hindi ko magawang ibalik sa kanya ang pag-aalaga na ginawa niya sa akin noon. Noong ako ang nakaratay sa ospital.“Huwag kang mag-aalala, malakas at matapang na babae si Sophia, pasasaan ba at magbabalik rin ang mga alaala niya,” sabat ni John na nasa likuran ko na pala. “Nakita ko ang tapang at lakas niya noong unang beses niyang magpanggap na ikaw, buo ang loob niya na ipaghiganti ka, pero sinong mag-aakala, na kay Bong lang pala siya titiklop.”“Ang inaalala ko John, iyong bata sa sinapupunan niya, paano na lang kung maapektuhan iyon ng
KABANATA 37ANG TUNAY NA PAGKATAO NI JOHNNalaman ko na kaya pala ganon ang ipinakita sa aking kasamaan ni John, para mabuksan ang isip ko at matutong lumaban, ayaw rin niyang maisip ng mga Carlos na pwede siyang gamitin ng mga ito para ma-control ako, ayaw niyang siya pa ang hilingan ng mga ito na kunin ang kayamanan ko, kaya lahat ay nauwi sa masakit naming pagsasama.Pero ngayon alam ko na, alam ni John noon pa bago kami ikasal, na siya pala ay hindi tunay na anak ng mga Carlos, kundi ginagamit lamang siya ng mga ito para makuha ng tuluyan ang kayaman ng mga Alacantara.Nagbalik sa akin ang alaala nang pagtatapat ni John ng mga tunay niyang dahilan.“Olivia, nalaman ko noon, noong bago tayo ikasal, nalaman ko na hindi nila ako tunay na anak, na anak ako ng matalik na kaibigan ng ama mo, at kasosyo nila sa negosyo, pinatay nila ang tunay kong mga magulang, at pinalaki nila ako para gamitin naman para makuha ang kayaman ng buong pamilya mo,” umiiyak na pagsasalaysay sa akin ni John.
KABANATA 36SI OLIVIA AY NAGPANGGAP NA SI SOPHIA"Hello John, okay, I'll be right there in a few minutes...." malambing na sabi ko sa kabilang linya. "Okay Honey, palagi mong iingatan ang sarili mo, huwag kang magpapalipas ng gutom," tugon ni John sa akin mula sa kabilang linya.Okay na kami ni John, inanunsiyo na rin nito ang pagkakaayos namin sa buong pamilya ng mga Carlos, kahit na hindi magawang palayasin ni John si Helena dahil may anak daw sila, hinayaan na lang namin, isa pa ang mahalaga sa akin ay ang kapakanan ng relasyon namin.Ang mahalaga sa akin ay ang pagkakaayos at pagiging malinaw ng status namin sa isa't isa. Nagulat pa ako ng may biglang humalik sa pisngi ko mula sa likuran. Mabilis akong napalingon, inakala ko kasing si John iyon, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Jeffrey pala iyon. Napatayo ako sa kinauupuan ko, mabuti na lang at ako pa lang ang nasa harap ng mahabang lamesa."J-Jeffrey? Ang akala ko ay nasa Madrid ka ngayon?" gulat kong tanong.Nu
KABANATA 35 KAMATAYAN PARA KAY SOPHIA Parehong nanlalaki ang mga mata namin ng makita at mapagsino ang kumakatok sa salamin ng kotse. Masamang titig ng mga mata ang nakita naming pareho ni Bong, at sa hindi inaasahang pagkakataon, laking gulat pa namin ng may dala na pala itong napakalaking maso, malakas nito inihampas ang maso sa harap ng salaming ng kotseng kinalululanan namin. Mabilis akong niyakap ni Bong upang maprotektahan sa mga nabasag na bubog. Matapos noon ay agad na nabuksan ni Jeffrey ang pintuan ng kotse at malakas na hinila si Bong palabas ng sasakyan. Galit na galit ito kay Bong. Biglang inundayan ng suntok sa sikmura. Hindi nakailag si Bong dahil sa labis na pagkabigla sa mga pangyayari. Dahil doon ay sinamantala iyon ni Jeffrey. Sinundan kaagad nito ng malakas na sipa, at tadyak upang hindi makabangon si Bong. Ngunit nang makabangon si Bong ay gumanti ito ng suntok at sipa, kaya natumba si Jeffrey. Kaya lang ay may dala pala itong baril at agad na binaril si Bon
KABANATA 34 ANG ISANG KATOTOHANAN NAKARATING kami sa isang mamahaling restaurant na si Bong ang nag-sugest, sinunod ko na lang para hindi na madagdagan pa ang init ng ulo nito sa aming dalawa ni JC. Ito naman si JC ay tila natutuwa sa kanyang nakikitang inaasal ni Bong. "Well, ang gusto kong pag-usapan natin ay iyong sinabi mo kanina, may nalaman kang lead? Saan mo nalaman ang impormasyon?" tanong ko, sobrang excited ako na malaman ang tungkol sa mga sinasabi nito. "Nalaman ko lang mula sa isang kaibigan ko na ang ama niya ay dating naging empleyado ng mga Carlos, matagal na panahon na," panimula ni JC. Naka-order na rin kami ng lunch namin kaya naghihintay na lang kami para ihatid iyon sa amin. Ako tutok na tutok sa mga sasabihin ni JC. Nang bigla kong maramdaman ang pagkiskis ng mga daliri ng paa ni Bong sa ilalim ng lamesa. Kaya napatitig ako sa kanya. “Wait! Excuse me, I need to go to the bathroom,” sabi ko kahit na gustong-gusto ko nang marinig ang mga salitang sasabihin n
KABANATA 33 LUMIPAS pa ang ilang buwan, kahit na pinapayuhan ako ni JC ay hindi ako nakinig. Patuloy akong nagpanggap bilang si OLIVIA, habang nasa masayang bakasyon ang kapatid kong si Olivia, ako naman patuloy na naghahanap ng mga ibedensiyang makukuha ko para isiwalat ang katotohanan. Hindi alam ng marami na si JC ay isang pulis, isa siyang detective na na na-asign sa kasong ito. Simula ng pabuksan kong muli ang kaso ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Olivia, si JC na ang humawak nito, kaya lang nasa ilalim rin siya ng isang under operation kaya walang nakakakaalam. Ako lang at Si Bong ang nakakaalam ng lahat. Sadyang maraming asset si Bong, nakakakilos siya at nagagawa niya ang ilang bagay na hindi ko inaakalang magagawa niya. Dahil din doon kaya ako tuluyang nahulog sa mga kamay niya. Kaya lang hindi ko makakayang maging masaya sa piling niya, kung ganitong hindi ko pa nakakamit ang tunay na hustisya para sa mga magulang ko. " HELLO, masyado ka yatang busy nitong mga hulin
KABANATA 32LUMABAS si Bong matapos ang pagkakainitan nila ni John. Nakita ko na lang ang sarili ko na marahang nilalagyan ng gamot ang mga sugat niya sa mukha, habang hawak ang bulak . Mula roon ay nakatitig lang kami ni John sa isa't isa.Hindi ako makapaniwala na ang mga oras na iyon ay nangyayari, ang akala ko hanggang pangarap na lang ang lahat. Nakatingin sa aking mga mata si John, bahagya siyang napapitlag ng makaramdam ng kaunting kirot sanhi ng bahagya kong pagdiin sa bulak, gusto kong malaman kung tunay ang mga nangyayari at hindi panaginip."Parang isang panaginip John, itong nangyayari ngayon, kahit na minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na magagawa ko sa iyo ito, na isang araw ay masasaktan ka ng dahil sa akin," Unit-unting tumulo ang mga luha ko, naglandas aking mga pisngi. Umangat ang isang kamay niya, at ang likod ng isang daliri niya ay pumahid sa pisngi kong basa ng luha.Nakatitig siya sa mga mata ko, at marahang bumaba ang kanyang paningin sa aking mga labi, "I'm
KABANATA 31- ANG PAGBABAGO NI JOHNNAG-AALALA ako alam na alam kong hindi nila titigilan si Olivia hanggang hindi nila nakukuha ang nais nila sa kapatid ko, ako ang malakas, ako ang may kakayahang pisikal kaya naman hindi ako papayag na masaktan nila ang kapatid ko, ngunit halos mapatalon ako sa gulat, nang biglang lumitaw sa harapan ko si John.Nahablot niya ako at mariing isinandal sa likod ng pader, "Bakit nandito ka na naman? Nasaan si Olivia?" may galit na tanong nito sa akin, sabay hablot rin ng isa sa mga braso ko."Ano ba! Nasasaktan ako," paanas kong salita ngunit may himig galit. Binawi ko ang braso ko na hawak-hawak niya. "Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya? Sabi ko kasi mas okay pa, na ilayo niyo na lang siya ng tuluyan, bakit kinakailangang bumalik pa siya?""Dahil alam kong nag-aalala pa rin siya sa 'yo John!" mariin kong nasabi."Ano?""Oo mahal ka pa rin niya! Pero ikaw, hindi mo man lang gawin ang tungkulin mo sa kapatid ko bilang asawa!" hindi ko na napigilang sab