Si Florence ay nagta-trabaho bilang Executive Assistant ni Frank Ledesma, Vice President for External Affairs ng Ledesma Development Corporation o LDC, ang nangungunang real estate developer sa bansa. Ngunit, ibang lalaki ang napupusuan ni Florence - ang pinsan ng kanyang boss, si Maui Ledesma, Vice President for Finance ng LDC. Iyon nga lamang, ni hindi man lang siya napapansin nito. Hanggang sa kinailangan nilang tatlo na magtungo sa Siargao para sa ipatatayong resort ng LDC sa lugar na iyon, dahilan upang mapalapit si Florence sa dalawang bise presidente ng kumpanya. Parehong guwapo, matipuno, matagumpay sa buhay, at galing sa buena pamilya. Sino ang pipiliin ni Florence kung sabay na manligaw ang dalawa sa kanya?
view more"Catacutan, Florence. Cum Laude."
Nagkatinginan kami ni Mama at ngumiti sa isa't-isa. Ito na ang bunga ng lahat ng sakripisyo, lahat ng pagsisikap, lahat ng puyat at pagod sa pinagsasabay na pag-aaral at trabaho bilang kasambahay.
Buong pagmamalaki kong tinanggap ang diploma at medalyang isinabit sa leeg ko habang hawak ko ang kamay ni Mama. Siya ang inspirasyon ko para magawa ang lahat ng ito. Pangarap ko kasing maiahon na siya sa pagiging katulong na katulad ko. Gusto kong masabi sa kanya balang-araw na, "Ma, ako na ang bahala."
Konting kembot na lang iyon. Next week, magsisimula na ako sa bago kong trabaho. Bago pa kasi itong pagtatapos namin ay nag-a-apply-apply na rin ako, may mangilan-ngilan ding kumpanya na tumatawag sa akin na iniimbitahan akong mag-apply sa kanila. Iyong pinakaunang nag-hire sa akin, g-in-rab ko na. Hindi na ako namili ng posisyon o kumpanya. Kahit ano pa iyan basta makapaghanapbuhay na ako at kumita.
Pagkatapos ng seremonya ay nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko.
"Mga bakla!" Naiiyak-iyak na sabi ni Patti. "Ano na, mami-miss ko kayo. Chosko, welcome to the real world na talaga 'to!"
"Group hug, dali!" Ibinuka ni Luna ang mga braso niya. Sumugod kami lahat sa kanya at nagyakap kaming lima.
Masaya akong natagpuan ang mga tunay kong kaibigan sa unibersidad na ito. Magagandang alaala ang babunin ko sa pagharap sa bagong yugto ng buhay ko dahil sa kanila.
"May mga kanya-kanya tayong celebration sa bahay, malamang," ani Ellie nang magkalas kaming lahat sa pagkakayakap sa isa't isa. "Ke'lan na tayo magkikita nito?"
"PM-PM tayo mga bes. Basta, PM-PM pa rin," sabi ko sa kanila. "'Wag kayong makakalimot, ha. Kahit magiging busy na tayo."
"Ikaw pa lang." Hinampas ni Chanel ang balikat ko. "Kami, mga tambay pa lang. But you, you're gonna start working next week."
"Wala, Cum Laude, eh." Nagkibit-balikat si Patti. "Cum landi lang kasi ang kinaya ko."
Tawanan kaming lahat.
"Ay, ito na sila Mommy," biglang sabi ni Chanel. Papalapit nga sa amin ang parents niya kasama pa ang boyfriend niyang si Jake.
"Tita!" sabi ni Patti sa Mommy ni Chanel. "Graduate na kami! Wala na pong manggugulo sa bahay niyo."
Natawa tuloy kami pati iyong mga parents ni Chanel. Sa bahay kasi nila kami madalas gumawa ng projects at research dahil malaki iyong bahay nila at kasya kaming lahat kahit doon pa mag-overnight.
"Paano, guys, we have to go," paalam ni Chanel sa amin. "Message, call, whatever, just please communicate mga beh!"
Nakita na rin ni Luna at Ellie ang mga parents nila sa crowd kaya kami ni Patti ang naiwan.
"Nasaan si Mama mo?" tanong ni Patti sa akin.
"Siguro nasa gate 'yon, naghihintay," tugon ko. "Eh si Pudra mo?" Ganoon niya kasi tawagan iyong tatay niya kaya ganoon na rin ang tawag ko.
"Nandoon din siguro. Tara," aniya. "Walang CP 'yon, eh."
Naglalakad na kami nang magsalita siya ulit, "Baks, game ka ba rumaket? Pero bukas na 'to."
"Anong raket 'yan?" tanong ko.
"Natatandaan mo 'yong agent na kumukuha sa 'tin dati para mag-flyering?" wika niya. "Need niya daw kasi ng tao bukas para sa booth niya sa car show sa MOA."
"Talaga? Sige. Kailangan ko rin ng perang panimula, eh," pahayag ko. "Hindi naman ako susuweldo agad."
Minsan kasi ay suma-sideline kami ni Patti bilang tiga-abot ng flyers sa mga kalsada o sa mga malls kapag wala kaming pasok. May kilala siyang agent na galing naman sa isang advertising company na siyang kumukuha sa amin. Mula sa sabon, bagong bukas na restaurant, bagong labas na motor at kung anu-ano pang produkto na maaaring i-advertise sa pamamagitan ng flyers.
Dito ako mas na-train sa patibayan ng loob. Nasanay na akong ma-deadma ng karamihan tuwing may iniaabot akong flyer, iyong tipong extend na extend na ang braso ko pero parang wala silang nakita. Pero mas malala iyong tatarayan pa ako na tipong titignan ako mula ulo hanggang paa na nakataas ang isang kilay, sabay sasabihin sa akin, "Do you seriously think I need that?"
Pero hindi ko na rin masyadong dinibdib ang mga ganoon. Ang importante sa akin, iyong kikitain ko. Pambaon din 'yon para hindi ko na mabawasan iyong pa-allowance nila Ma'am Carla sa akin. Pambili naman ng ibang pangangailangan sa school tulad ng mga libro at supplies para hindi ko na hingiin pa iyon kay Mama.
"Sige, game, kita tayo bukas sa office, baks," sabi ni Patti.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with
"Naku po, ito na naman ang chopper na 'to." Napa-antanda ako ng krus nang makita ang sasakyang-panghimpapawid na iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Frank dahil sa reaksiyon ko. "Sige, sa'n mo mas gustong sumakay? Diyan o sa 'kin?" "Ano po?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya. "Wala. Sabi ko, I love you." Kinindatan niya ako. "Come on, get inside now." Inalalayan niya ako upang makasampa sa chopper. Tapos ay sumunod na rin siya at naupo sa tabi ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga nang magsimulang suma-himpapawid ang chopper. Life is short to live in fear. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maui noong nag-usap kami. Napagtanto ko na hindi lang iyon sa pag-ibig maaaring i-apply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. "Close your eyes if you don't wanna see it," mahinang sabi ni Sir Frank sa likod ko. Nakatingin kasi ako sa kabilang direksyon, tinatanaw ang bughaw na langit at mga ulap. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Maganda na
"Bakit po tayo nandito?" Nagulat ako nang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Frank sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Bermudez Builders. "You will know." Ngumiti siya. Kinabahan naman ako. Ganoon pa man ay tumuloy pa rin kami. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na dito ang tungo namin. Basta sabi lang ay may pupuntahan. Akala ko naman ay kakain lang sa labas o may papasyalan. Madalas kasi ay ganoon siya kapag nagyayaya, hindi sasabihin kung saan para surprise daw. Sa isang conference room kami dumiretso. Naroon at naghihintay ang dati kong boss na si Ms. Vicky at si Sir NMB na VP for Engineering. "G-good afternoon po," ako na ang naunang bumati pagkakita ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Sir Frank sa likod ko upang igiya ako patungo sa upuan. "Good afternoon, Ms. Catacutan, Mr. Ledesma," si Ms. Vicky ang sumagot sa amin. "Please have a seat." Nang magkakaharap na kami sa lamesa ay si Sir NMB na ang nagsimula ng pagpu
(This part of the story is told through Maui's perspective/point-of-view (POV).) "Ahh, M-maui, may ibibigay pala sana ako sa 'yo." May iniabot si Florence sa akin. It was wrapped in a parchment paper with a thin red ribbon to bind the wrapper. "What's this?" I asked while unwrapping what she gave me. It is an unfinished sketch of my face in charcoal pencil, enclosed in a wooden frame. I easily recognized that it was me despite the fact that some parts are not shaded yet. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan sa 1st anniversary natin," paliwanag niya. "Kaso.. k-kaso hindi na umabot. Kaya hindi ko na tinapos. Ayoko namang itapon, pero ayoko na ring itago. Kung.. kung gusto mong tapusin, o may kilala kang puwedeng magdugtong, ipagawa mo na lang siguro. O i-dispose mo na lang. Ang importante ay maibigay ko 'yan sa 'yo." "No, I won't dispose this, definitely. But I will keep it this way." I smiled. This will be a very good reminder of our relationship. Seems unfinished, yet there's
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments