"Kunin mo na, bilis."
Nagmadali tuloy ako sa pagkuha. Ang tagal na kasing naka-extend ng kamay niya na hawak iyong credit card.
"Sige po," sabi ko. "Puwede naman po i-reimburse ito."
"Bahala ka na rin diyan." Aniya na para bang balewala ang pera.
Ibinaba niya na iyong screen ng laptop niya. "Wala naman na 'kong meeting 'di ba?"
Umiling ako. "Wala na po."
"Alright. I'm going." Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "Bye, Florence."
"Bye po."
Lumabas na siya ng opisina.
***
"Don't you have a nickname?" tanong sa akin ni Sir Frank pagkatapos ng lunch meeting with the Sales Department. Isa-isa nang nag-aalisan ang mga inimbitahan namin at katatapos ko lang din tumawag sa maintenance personnel para makapagligpit at linis na dito sa conference room.
"Po?" Napalingon ako sa kanya at inulit ang sinabi niya, "Nickname?"
"Oo. Ang haba kaya ng Florence." Petiks na petiks lang siyang naka-upo sa swivel chair. Ako, nag-iimis na ng mga kalat sa mahabang lamesa.
"Minsan po, Floring," sagot ko.
Tumawa siya ng malakas, "Damn. Para namang lola ko ang tinatawag ko kapag ganyan. 'Yon talaga? 'Di man lang Rence?"
"Tunog-lalaki po, eh," wika ko naman.
"Sabagay. Kung Flo naman, parang rapper." Napa-iling siya. "Yo, Flo!"
Doon na ako natawa. "Florence na lang po talaga, Sir."
"O'nga, eh. Na-murder ko na pangalan mo." Tumayo na siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. "'Yaan mo na sa mga maintenance 'yan. Sumunod ka sa akin."
"Okay po."
Nauna na siyang lumakad. Napansin kong naiwan niya ang mga gamit niya sa table. Notebook, ballpen, folder.. pati cellphone! Kinuha ko na lahat iyon bago ako sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung sinasadya niyang iwanan ang mga iyon dahil alam naman niyang kukunin ko, o talagang makalimutin lang siya.
"Ate, makiusyo, pakilinisan na lang po ng maigi, ha," sabi ko sa isa sa mga dumating na maintenance personnel. "Thank you po."
"Sige, Ma'am."
Malayo na ang distansya ni Sir Frank sa akin nang bigla siyang huminto sa paglalakad. May kinapa sa magkabilang-bulsa. Hindi siya hitsurang nagpa-panic pero alam kong may hinahanap siya.
Binilisan kong maglakad para makalapit sa kanya. Ipinakita ko ang cellphone na dala ko. "Ito po ba, Sir?"
"Yeah." Napansin ko na lumapad ang ngiti niya nang makita ang hawak ko. "Thank you so much."
Nakalimutan niya nga talaga. iPhone12 pa naman yata iyon, nakalimutan ng ganoon lang?
Parang nangyari na ito noon. Hindi ko lang maalala kung saan at ano iyong eksaktong naganap. Déjà vu?
Magkasabay na kami ngayong naglalakad papunta sa opisina nang bigla siyang nagsalita, "Tahimik ka lang talaga?"
Lumingon ako sa kanya. Kailangan ko siyang tingalain, matangkad kasi siya
halos umabot lang ako sa dibdib niya. "Ah, opo. Ganito lang po talaga ako.""What are your interests then?" tanong niya sa akin.
"H-ha? Ah.." Nabigla pa ako sa tanong bago ako nakasagot, "Mag-bake."
"That's given. I mean, you bake real good stuff." Ngumiti siya.
"Matcha cookies pa lang naman po 'yong natikman niyo," sabi ko na lang. Hindi ko alam kung anong mayroon sa ngiti niya at bigla akong nahiya.
"I just know." Nagkibit-balikat siya. "Ano pa bukod sa baking?"
Ang dami yatang tanong nito ni Sir.
"Ah..magbasa po ng libro. Mag-color-color," sagot ko.
"Anong color-color?" Tumawa siya. "Coloring book? Ano ka, kinder?"
Natawa rin tuloy ako sa sarili kong sagot. "Ano po, ibig ko sabihin, mag-paint, doodle, oil pastel, mga ganyan po. Pero t-in-ry ko rin po 'yan, noong nauso 'yong coloring book for adults."
"Ano 'yon?" Nagtaka siya. Parang first time niya narinig.
"Usually po, mga mandala 'yong content po no'n, or mga garden setting po. Pero wala pong kulay, tapos ikaw po bahala maglagay ng color. I-mix niyo po, i-combine, basta kayo po ang bahala," Ipinaliwanag ko sa kanya. "Usually, ang pang-gamit po doon, color pencil kasi maliliit 'yong detalye."
"Ngayon ko lang narinig 'yan," sabi naman niya. "Masaya ba gawin? Hindi boring?"
"Depende po sa inyo, Sir," sagot ko. "Masaya po makita 'yong end result. Iyong tapos na tapos na siya."
"Sounds interesting." Ako na ang nagbukas ng pinto para sa kanya. "Anong susunod kong meeting?"
"Wala na po." Umiling ako. Kailangan kong kabisaduhin ang pang-araw-araw na schedule ni Sir para hindi ako naka-asa sa online calendar namin at magmamadaling buksan iyon tuwing magtatanong siya.
"Okay. Marami akong re-review-hin at babasahing documents." Nagbigay siya sa akin ng mga instruction, "If I need anything, I'll just call you up. If someone looks for me, tell them I have papers for review, then let's just call them back later. Clear?"
“Yes, Sir.” Tumango ako.
***
"Where's Frank?"
Tuluy-tuloy na pumasok sa opisina namin ang isang babae na blonde at wavy ang buhok. Walang nakapigil sa kanya maski si Kimverly na siyang naka-puwesto malapit sa pinto. Sila Nadine at Kathryn ay nawalan din ng kibo at napatingin na lang sa kanya.
Sabay tingin din nila sa akin.
"Yes, Ma'am?" Tumayo ako nang tumapat siya sa puwesto ko, pero hindi niya ako pinansin at tuluy-tuloy siyang naglakad papunta sa pinto ni Sir Frank.
Napilitan akong habulin siya at tumayo talaga ako sa may pintuan. "Ah, Ma'am, busy po kasi si Sir with.."
"Get out of my way!" Hindi niya na ako pinatapos magsalita. "He knows that I'm coming today."
Nanliit ako pagharap ko sa kanya. Ang hahaba kasi ng mga biyas ni Ma'am, tapos naka-heels pa.
"Wala po siyang nabanggit sa akin." Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. "Puwede ko naman po siyang sabihan muna bago ko kayo papasukin."
"What?" maarteng saad niya. "Who needs appointments? Kilala niya 'ko. Come on, padaanin mo 'ko."
Ang kulit naman ng babaeng ito! Ako mapapagalitan sa ginagawa nito, eh.
"Sasabihan ko lang muna po siya." Hindi ako nagpatinag. "Kunin ko po sana ang pangalan niyo Ma'am para mabanggit ko sa kanya na nandito po kayo."
"And who are you to do that?" Tumaas ang isang kilay niya. "You are just some stupid secretary who.."
Naputol ang sinasabi niya nang bumukas ang pinto sa likuran ko.
"Frank." Kanina lang muntik nang maging tigre ito si Ma'am, ngayon biglang naging maamong kuting.
Kumapit siya sa braso ni Sir sabay sumbong na parang bata, itinuro pa niya ako. "She doesn't wanna let me in."
Tumingin sa akin si Sir Frank. Inihanda ko na ang sarili ko na mapagalitan kaya ako naman ang umiwas ng tingin, kahit wala naman akong kasalanan. Malay ko ba kasi kung sino itong babaeng ito. Jowa yata ni Sir.
"Chill. She's just doing her job."
Pakiramdam ko nagliwanag ang paligid nang sabihin ni Sir Frank iyon.
"But I'm not just a visitor or somebody else." Pagpupumilit pa ni Ma'am. "I could come in anytime, right?"
"Si Florence lang kasi ang may karapatang magbukas ng pintuang ito." Tumuro si Sir Frank sa pinto. "Sa kanya ko lang ibinibigay 'yon."
Napalingon ako kay Sir Frank nang sabihin niya iyon. Pagtingin ko naman sa jowa niya, nagpupuyos na nakatingin siya sa akin.
Hinawakan ni Sir Frank ang braso ng bisita niya at iginiya papasok ng opisina. Umusog na lang ako para paraanin sila, habang iniwanan naman ako ng matalim na tingin ng babae noong hindi na nakatingin si Sir Frank.
Tumalikod ako at bumuntong-hininga. Kung girlfriend ni Sir iyon, hindi pa ito ang huli naming pagkikita.
***
"Krumpalin ko pa siya ng diploma at medal mo, eh!" Gigil na sabi ni Patti matapos kong maikuwento ang tungkol sa bisita ni Sir Frank kanina, na napag-alaman kong Madeline ang pangalan. "Anong stupid? 'Tang ina, sa 'yo nga kami nangongopya no'ng college!"
Napabunghalit ako ng tawa sa sinabi niya. "Eh, hinayaan ko na lang. Pero sa totoo lang muntik na 'ko maiyak no'n."
"Naku, 'wag kang iiyak sa gano'n!" Sabi naman ni Luna. "Sabihan mo lang kami, reresbakan natin 'yong malditang 'yon."
Nagkayayaan kaming magkakaibigan na kumain sa labas pagkatapos ng trabaho. Dinaanan nila ako sa work ko at doon na rin kami nag-dinner sa isang cafe na malapit sa building namin.
Si Luna at Patti ay mga classmates ko noong college, pero hanggang ngayon ay masasabi kong solido at tunay ang pagkakaibigan namin. May dalawa pa kaming friends, Si Chanel at si Ellie. Kaso hindi na sila nakasama ngayon dahil sa kani-kanilang mga commitments.
"Buti na lang, baks, sa 'yo kumampi 'yong boss mo," ani Patti. "Baka naman 'di niya talaga jowa 'yon?"
"Ewan ko rin." Umiling ako. "Pero wala naman sa akin kung anuman siya ni Sir. 'Di lang ako makapaniwala na may gano'ng klase ng tao. Akala ko mga kontrabida lang sa palabas iyong ganoon na tipong sumusugod sa opisina."
"Ba't nga kaya pinatulan ng boss mo 'yon?" Tanong ni Luna. "Teka nga, iyon bang boss mo, gurang na?"
"Hindi. Bata pa si Sir," wika ko. "Sinabi niya dati kung ilang taon siya. Nakalimutan ko lang. Basta early thirties lang 'yon."
"Anong hitsura? Si Patti naman ang nagtanong.
"Mukhang Kastila," sagot ko.
"Napaka-specific, ah!" Tumawa si Patti. "Ano ba, guwapo ba? Pamatay ba tumingin? Matangkad? Masarap? Gano'n mag-describe, bakla!"
"Guwapo naman," pag-amin ko. "Parang lahi naman kasi ng mga guwapo 'yong pamilya nila. Kahit 'yong mga may edad na, alam mong guwapo no'ng kabataan, eh. Parang 'yong presidente namin at CEO. Mga nasa sixties na ang mga 'yon pero bakas pa rin ang kaguwapuhan.
"Tengene. Gusto kong makilala 'yang pamilya na 'yan." Iwinasiwas pa ni Patti sa hangin ang hintuturo niya.
"Sila ba may-ari ng kumpanya niyo?" Tanong na naman ni Luna.
"Oo," sagot ko naman.
"Mga guwapo na, mayayaman pa!" Pumalatak pa si Patti. "Hindi ko na lang sila gustong makilala, gusto ko nang maging parte ng pamilya na 'yon. May single ba do'n bukod sa boss mong may malditang jowa?"
"Eh me'ron, halos ka-edad lang din ni Sir Frank," pabulong kong sabi na para bang may makakarinig sa aking ibang tao. "Pero mine na 'yon."
"Ay, putspa! Gumaganyan ka na!" Hinampas pa ni Luna ang balikat ko. Nagtawanan tuloy kaming tatlo.
"Eh ano 'yon ng Sir mo? Kamag-anak din?" Tanong niya.
"Pinsan." Humigop ako ng kape. "'Yong totoo, matagal ko nang crush 'yon si Sir Maui, mga bes. Bago pa lang ako sa kumpanya."
"Guwapo talaga?" Tanong ni Patti.
"Oo. Guwapo talaga. 'Yong kapag tumitig sa 'yo.." Nangangarap na tumingin ako sa dako pa roon.
"Laglag ang panty mo?" Dugtong ni Patti.
"Panty talaga? Puso naman." Dramatikong humawak pa ako sa dibdib ko. "Ang linis-linis pang tignan no'n ni Sir Maui. Walang pores ang mukha! Maputi, tapos parang mabango palagi. Pero mabango nga talaga. Naamoy ko no'ng nagkasabay kami sa elevator minsan."
Tawa nang tawa si Luna. "Parang ang lala na ng amats mo, Floring. Ngayon lang kita naringgan ng ganyan. Seryoso."
Natawa din tuloy ako. "Ewan ko ba. Para kasi sa akin, siya 'yong epitome ng perpektong lalaki."
"So, you like my cousin, huh?"
Nanlaki ang mga mata ko nang may pamilyar na boses na nagsalita sa likod ko.
Bumaling na sa kanya sila Luna at Patti, pero ako, parang nanigas sa kinauupuan ko. "Hi, Florence. I know it's you." Narinig ko ulit ang baritonong tinig na iyon. Nai-imagine ko iyong hitsura niya habang sinasabi iyon kaya lalong hindi ako makalingon. "Hi daw, baks!" Siniko ako ni Patti. Napilitan akong ipa-ikot ang kinauupuan kong high swivel chair para harapin siya. Wala na akong magagawa. At tama nga ako, isang pang-asar na ngiti ang nasa mga labi niya ng mga oras na iyon. "Sir Frank..." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Kung puwede lang akong kunin ng mga alien ngayon, sasama na talaga ako. Sobrang nakakahiya! Kailan pa kaya siya nakatayo sa likuran namin? Anu-ano pa kaya iyong mga narinig niya? Pakiramdam ko, ang init ng mga pisngi ko, at kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong namumula ang mga iyon. Napansin kong may dalang cup of coffee si Sir Frank, at ang suot niya ay iyong coat and slacks na suot niya rin kanina sa opisina. "Don't worry, I won'
Tumalikod na siya sa akin pero parang hindi ako makagalaw. Nang tignan ko ang mga staff niya na nakatayo lang malapit sa amin, sila mismo ay may tanong din sa kanilang mga mata na para bang first time ginawa iyon ng boss nila. Tinanguan ko na lang sila bago ako lumabas ng pintuan. Pagkasarang-pagkasara ko noon ay kinagat ko ang ibabang labi ko para 'di ako mapa-tili. Mukhang tama si Luna - malala na itong tama ko. Kaso habang naglalakad ako pabalik sa opisina namin ay biglang sumilip sa diwa ko si Sir Frank. Ang nakakaloko niyang ngiti at nang-aasar niyang mga banat. Pero mas okay kung ikaw magbigay sa kanya para magka-moment naman kayo. Napa-iling na lang ako. Thank you na rin po, Sir Frank.*** "Is Frank inside?" Isang magandang babae ang lumapit sa mesa ko at nagtanong. Sa ilang linggo kong pagta-trabaho dito sa OVPEA ay nasanay na akong iba-ibang babae ang dumadalaw kay Sir Frank - na hindi naka-schedule o walang appointment. Buti nga hindi sila nagkakasabay
"Oo." Tumango siya. "Free diving ba ibig mo sabihin?" "Opo," sabi ko naman. "Or scuba po, mga underwater activities." "Yeah, I do those." Naroon pa rin sa labi niya iyong mapaglarong ngiti na para bang may nais ipakahulugan. Tumangu-tango na lang ako. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot, saka iyong pagkakangiti niya sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Tinanong ko lang naman siya kung sumisisid siya. So, baby take me home Come on and take me home Don't take me baby for a one night stand Just love me baby Love me all you can... Ibang kanta na iyong tumutugtog, hindi ko rin alam kung anong kanta iyon. Pero parang iisa lang ang tema mula doon sa una. Tumanaw ulit ako sa labas ng bintana nang magsalita na naman si Sir Frank, "Nandoon na raw si Maui." Napilitan tuloy akong lumingon sa kanya. "Sa airport po?" "Oo." Ibinalik niya ang hawak na cellphone sa bulsa niya. "Ang aga niya." Tinanaw ko mula sa bintana kung nasaang lugar na kami. "
"When are we going to meet Mr. Cabrera, Florence?" tanong sa akin ni Sir Frank habang nanananghalian kami kasama si Sir Maui. "Bukas po ng umaga niya tayo inaasahang darating," tugon ko habang hinihiwa ang napaka-juicy na grilled tuna belly sa plato ko. "Mula po dito sa La Luna ay kailangan po nating bumiyahe ng mga thirty minutes para marating ang property ni Mr. Cabrera." "What are our activities this afternoon, then?" si Sir Maui naman ang nag-usisa sa akin. "Nag-set po ako kay Manager kung puwede po tayong dalhin sa Cloud 9 ngayong hapon," pahayag ko. "Mga ilang minuto lang po iyon mula dito. Baka gusto niyo rin pong makita if may potential land area doon for the resort that LDC is planning to put up. Since, mas accessible po sa mga turista ang lugar na iyon." "That's the famous surfing spot, right?" tanong ulit ni Sir Maui. "Opo," sagot ko habang kumukuha ng pork barbeque mula sa platter. "See, Florence got everything covered," tila nagmamalaking sabi ni Sir Fr
"Siguradong mas maraming magiging turista dito pagkatapos ng pandemic," saad ni Sir Frank habang nagsasalo kaming tatlo nila Sir Maui sa hapunan. Ayoko sana munang harapin si Sir Frank gawa ng naramdaman ko kanina na hindi ko maipaliwanag. Pero wala akong magagawa dahil ako ang nakikipag-coordinate sa resort ng lahat ng bagay na kailangan namin katulad nitong pagsisilbi ng pagkain para sa dinner. "If this plan will push through, then maybe we could start with the construction towards the latter part of next year." Seryoso si Sir Maui na tila ba iniisip ang mga magiging proseso sa pagpapagawa ng resort. "Then a soft opening on 2023. How's that?" "That's also the target year I have in mind." Tumangu-tango si Sir Frank. "I think, by that time, travel restrictions are not so tight anymore." Negosyo at trabaho pa rin ang pinag-uusapan ng mag-pinsang ito kahit nasa hapag-kainan. Bahala sila. Basta ako tahimik na lumalantak ng buttered seafoods. Iniiwasan kong mapatingin kay Sir F
"Nag-iwan pa nga ako sa 'yo ng calling card no'n," nakangiting sabi niya. "Tama, 'di ba?" "Ikaw nga po, Sir!" Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang lalaking iyon sa car show noon - at boss ko pa ngayon. Natawa siya sa pagkabigla ko. "But of course, I couldn't call you "baby girl" anymore. That would be inappropriate." "Eh...opo," sabi kong napa-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng hiya ng banggitin niya ulit ang endearment na iyon. "Mukha ka lang kasi talagang menor de edad no'n. Parang baby girl nga." Ngumisi siya. "Though, up until now you don't look like your age." "Salamat po." Bahagya akong tumango. Maka-ilang beses niya nang sinabi sa akin iyon, na hindi nga ako mukhang twenty-six. "But actually, hindi na kita namumukhaan," pagtatapat niya. "But when you brought it up, it rang a bell and I suddenly remembered that particular day." "Okay lang po. Hindi ko na rin po natatandaan 'yong hitsura niyo." Ngumiti ako. "Pero 'yong sinabi niyo po
Nagsabay pa silang magtanong sa akin. English nga lang iyong kay Sir Maui, at tagalog si Sir Frank. "Ah...naglakad-lakad lang po diyan sa labas. Sorry po." Bahagya akong yumukod. "It's okay kahit 'di ka nagyayaya." Tumawa si Sir Frank. Akala ko pa naman, galit siya dahil umalis ako nang walang paalam. "Take your seat." Magiliw na inilahad pa ni Sir Maui ang kamay niya patungo sa bakanteng upuan sa tapat nila. "Thank you po." Naupo na ako at nginitian silang dalawa. "Good morning po." "Good morning." Si Sir Maui ang sumagot sa akin. Tinanguan lang ako ni Sir Frank pero nakangiti naman siya. Saglit na yumuko ako at pumikit para magdasal bago kumain. Pagdilat ko ay nakapikit din sila at nakayuko. Si Sir Maui nga magkasiklop pa ang mga kamay. Nag-sign-of-the-cross pa si Sir Maui pagkatapos niya, si Sir Frank ay hindi na. "Kain na po," masayang anyaya ko sa kanila. "Sa susunod, Florence, sabihan mo naman kami," pabirong sabi ni Sir Frank. "Pakuha na ako ng omelett
Nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin ni Sir Frank iyon. Mukhang galit nga talaga siya sa akin dahil sa ginawa ko. "You're not going anywhere," ulit niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya, "without me." Bigla rin tuloy akong napangiti. Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na hindi naman siya galit. "Ano, kayo lang?" sabi pa niya. "Wala naman kaming sinabi na kami lang,"si Sir Maui ang sumagot na bahagya pang natatawa. "Unless you'll allow her to go out alone with me." "Eh 'wag ako ang tanungin mo." Tumingin nang makahulugan sa akin si Sir Frank. "Ah, sa tidal pool po tayo." Naisipan ko nang magsalita. Kinabahan ako baka may masabi pang iba itong si Sir Frank. "Ngayon na po ba? Sasabihan ko na po si Bradley." "After lunch, perhaps." Nagkibit-balikat si Si Sir Frank. "Sige po. Kausapin ko lang po si Bradley." Nagpaalam ako sa kanila bago ako tumalikod.*** Buong maghapon ang ginugol namin sa paglilibot mula sa Magpupungko Tid
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with
"Naku po, ito na naman ang chopper na 'to." Napa-antanda ako ng krus nang makita ang sasakyang-panghimpapawid na iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Frank dahil sa reaksiyon ko. "Sige, sa'n mo mas gustong sumakay? Diyan o sa 'kin?" "Ano po?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya. "Wala. Sabi ko, I love you." Kinindatan niya ako. "Come on, get inside now." Inalalayan niya ako upang makasampa sa chopper. Tapos ay sumunod na rin siya at naupo sa tabi ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga nang magsimulang suma-himpapawid ang chopper. Life is short to live in fear. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maui noong nag-usap kami. Napagtanto ko na hindi lang iyon sa pag-ibig maaaring i-apply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. "Close your eyes if you don't wanna see it," mahinang sabi ni Sir Frank sa likod ko. Nakatingin kasi ako sa kabilang direksyon, tinatanaw ang bughaw na langit at mga ulap. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Maganda na
"Bakit po tayo nandito?" Nagulat ako nang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Frank sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Bermudez Builders. "You will know." Ngumiti siya. Kinabahan naman ako. Ganoon pa man ay tumuloy pa rin kami. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na dito ang tungo namin. Basta sabi lang ay may pupuntahan. Akala ko naman ay kakain lang sa labas o may papasyalan. Madalas kasi ay ganoon siya kapag nagyayaya, hindi sasabihin kung saan para surprise daw. Sa isang conference room kami dumiretso. Naroon at naghihintay ang dati kong boss na si Ms. Vicky at si Sir NMB na VP for Engineering. "G-good afternoon po," ako na ang naunang bumati pagkakita ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Sir Frank sa likod ko upang igiya ako patungo sa upuan. "Good afternoon, Ms. Catacutan, Mr. Ledesma," si Ms. Vicky ang sumagot sa amin. "Please have a seat." Nang magkakaharap na kami sa lamesa ay si Sir NMB na ang nagsimula ng pagpu
(This part of the story is told through Maui's perspective/point-of-view (POV).) "Ahh, M-maui, may ibibigay pala sana ako sa 'yo." May iniabot si Florence sa akin. It was wrapped in a parchment paper with a thin red ribbon to bind the wrapper. "What's this?" I asked while unwrapping what she gave me. It is an unfinished sketch of my face in charcoal pencil, enclosed in a wooden frame. I easily recognized that it was me despite the fact that some parts are not shaded yet. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan sa 1st anniversary natin," paliwanag niya. "Kaso.. k-kaso hindi na umabot. Kaya hindi ko na tinapos. Ayoko namang itapon, pero ayoko na ring itago. Kung.. kung gusto mong tapusin, o may kilala kang puwedeng magdugtong, ipagawa mo na lang siguro. O i-dispose mo na lang. Ang importante ay maibigay ko 'yan sa 'yo." "No, I won't dispose this, definitely. But I will keep it this way." I smiled. This will be a very good reminder of our relationship. Seems unfinished, yet there's