"When are we going to meet Mr. Cabrera, Florence?" tanong sa akin ni Sir Frank habang nanananghalian kami kasama si Sir Maui.
"Bukas po ng umaga niya tayo inaasahang darating," tugon ko habang hinihiwa ang napaka-juicy na grilled tuna belly sa plato ko. "Mula po dito sa La Luna ay kailangan po nating bumiyahe ng mga thirty minutes para marating ang property ni Mr. Cabrera."
"What are our activities this afternoon, then?" si Sir Maui naman ang nag-usisa sa akin.
"Nag-set po ako kay Manager kung puwede po tayong dalhin sa Cloud 9 ngayong hapon," pahayag ko. "Mga ilang minuto lang po iyon mula dito. Baka gusto niyo rin pong makita if may potential land area doon for the resort that LDC is planning to put up. Since, mas accessible po sa mga turista ang lugar na iyon."
"That's the famous surfing spot, right?" tanong ulit ni Sir Maui.
"Opo," sagot ko habang kumukuha ng pork barbeque mula sa platter.
"See, Florence got everything covered," tila nagmamalaking sabi ni Sir Frank kay Sir Maui. "Sabi ko sa 'yo, were in good hands with her."
Nag-angat ako ng tingin kay Sir Frank nang mabanaagan ko sa tinig niya ang pagiging proud sa akin. Masaya ako na naa-appreciate niya pala ang pagta-trabaho ko para sa kanya at sa kumpanya.
Nagtama ang mga mata namin dahil nakatuon din pala sa akin ang tingin niya.
Napangiti ako. "Thank you po."
"Wala 'yon. Iniinggit ko lang 'to si Maui," may pang-aasar na sa boses niya ngayon. "Hindi niya kasi isinama si Elise."
"Bakit pa?" Ngumiti si Sir Maui. "Kaya naman ni Florence. Sa 'yo na nga nanggaling na were in good hands with her."
"Ang sabihin mo, you just wanted to lessen the expenses for this trip," pabirong banat naman ni Sir Frank. "Bagay ka nga talaga diyan sa Finance."
"I'm sure, Florence understands the reason for saving up as much as possible," chill na chill na sagot ni Sir Maui na hindi apektado sa mga pang-aalaska ni Sir Frank.
Dumako ang tingin niya sa akin. "After all, she's with me before."
"But she's mine now." Kumindat si Sir Frank sa akin.
Alam ko naman na ang sinasabi ni Sir Maui ay nasa departamento ako noon na hawak ng Finance, at alam ko rin na ang tinutukoy ni Sir Frank ay nasa OVPEA na ako ngayon.
Pero muntik na talaga akong nasamid sa hinihigop kong mango juice dahil sa palitan nila ng mga salita, lalo na iyong huli.
"Ah, mga Sir, kain na po kayo, o," sabi ko na lang sa kanila. "Lalamig po 'tong seafood sinigang."
Pero hanggang sa pagkuha ng serving ladle ay nagkasabay pa sila.
"You go ahead." Nagpa-ubaya ni Sir Maui.
"No, you could go first." Ganoon din si Sir Frank.
Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa ako na ang nag-desisyon. "Sige po, ako na. Ipagsasandok ko na po kayong dalawa."
"Thanks." Maging iyon ay nagkasabay pa silang magsalita. Natawa tuloy ako.
At natawa na lang din sila.
***
Ito pala ang Cloud 9.
Ang ganda.
Malayo mula sa pampang ang bahagi ng dagat kung saan nakikipaglaban sa alon ang mga surfers sakay ng kanilang mga surf board. Kaya isang mahabang boardwalk na gawa sa kahoy ang kailangang daanan upang mula sa dalampasigan ay marating ang surfing spot.
"Marami ngang tao sa lugar na 'to," sabi ni Sir Frank habang marahan kaming naglalakad sa boardwalk. "But I don't think I prefer this spot to put up a resort. Not that this place isn't beautiful, in fact it is. I just want somewhere secluded, with a hint of mystery. Perfect nga 'yong property ni Mr. Cabrera."
"Do you think he'll give up his parcel of land by the bay?" tanong naman ni Sir Maui.
"We'll be offering him reasonable terms," sagot ni Sir Frank. "If in case he won't agree, we could negotiate. Though, I don't think he would refuse."
Saglit na bumaling siya sa akin bago muling nagsalita. "According to Florence, mag-isa na lang sa buhay si Mr. Cabrera, biyudo, at nasa States na ang mga anak. He owns a coconut farm at palagay ko kakailanganin niya ang pera to expand his small business."
Hindi naman talaga small kundi kahit paano ay malaki rin ang negosyo ni Mr. Cabrera. Dalawang ektarya iyong taniman niya ng niyog na siyang pinagkukuhaan niya ng kopra. Pero siguro, dahil top developer ng bansa ang LDC, ang pakitingin ni Sir Frank sa negosyong iyon ay small lang.
"So, are we going back to the resort?" tanong ni Sir Maui.
"Anong going back? Kahit ke'lan napaka-boring mo talaga." Napa-iling si Sir Frank. "Magse-surfing pa tayo."
"I don't surf, so..." Nagkibit-balikat si Sir Maui.
"Subukan mo kaya," pang-eengganyo sa kanya ni Sir Frank.
"Is it easy to learn?" tanong ni Sir Maui na mukhang interesado.
"Oo naman," mabilis na sagot ni Sir Frank.
Sabay silang tumingin sa akin.
"Ah, okay lang po. Hindi po ako marunong mag-surf." Umiling ako. "Hintayin ko na lang po kayo dito."
"Sige, tawagin mo si Bradley," utos ni Sir Frank sa akin. Si Bradley ay ang resident surf instructor ng La Luna at kasama namin pagpunta dito sa Cloud 9, kaya lang nagpa-iwan siya sa shoreline at nagbilin na sabihan lang daw siya kung interesado kaming mag-surfing.
"Okay po, Sir." Patalikod na sana ako nang magsalita ulit si Sir Frank.
"Si Bradley ang magtuturo kay Maui." Ngumiti siya. "Ako'ng bahala sa 'yo.
***
"Matagal ka na pong nagtuturo?" tanong ko kay Bradley habang naglalakad kami pabalik sa kung saan ko iniwan sila Sir Maui at Sir Frank. Umalis kasi ako para hanapin siya gawa nga ng gustong mag-surfing ng dalawang bossing na kasama ko. Tinulungan ko na rin si Bradley dahil apat na surf board ang dala niya.
"Opo. mga nasa ten years na rin, Ma'am," sagot niya. Nakita ko sa mga mata niya na proud siya sa kanyang ginagawa kaya napangiti ako.
"Ang tagal na!" manghang sabi ko. "Ang petiks na lang siguro sa 'yo ng dagat at mga alon..."
Naputol ang pag-uusap namin nang makita ko si Sir Maui at Sir Frank. "'Yon. Nandoon pala sila."
Lumapit kami ni Bradley sa kinatatayuan nilang dalawa. Lumipat sila ng puwesto sa mas malapit sa hagdan ng boardwalk, pababa sa dagat.
Kanina lang ay mga naka-t-shirt pa ang mga ito, pero ngayon ay naka-board shorts na lang, at wala nang damit pang-itaas.
Hindi naman ako nasabihan na may pandesal festival palang magaganap ngayong hapon. Nagpapaligsahan kasi ang mga abs nila.
Hindi naman sa tinitignan ko pero eight packs iyong kay Sir Frank, halatang regular na nag-gi-gym o workout, at may build-up din ng bikini line. Maganda ang hubog hindi lang ng abs niya kundi ng katawan niya mismo.
Promise, iniiwasan kong tumingin pero six packs iyong kay Sir Maui, mukhang nag-gi-gym lang kapag naisipan pero lean pa rin at saka hindi nakakatakot tignan. Soft lang, hindi iyong parang bato-bato sa tigas.
Hindi talaga ako nakatingin. Mamatay man.
"Florence," tinawag ako ni Sir Frank.
Lumapit ako sa tapat niya at umiling. "Sir, ayoko po talaga. Kinakabahan ako. Bukod po doon, mukhang hindi appropriate itong suot ko."
Naka-ternong tie-dye shirt at harem pants ako. Paano bang magse-surf ako sa lagay na iyon? Naka-two piece swimwear nga iyong mga babaeng surfer sa paligid namin.
"Saka...saka wala pong magbabantay ng mga gamit niyo, Sir." Naka-isip ako ng dahilan. "Maghahawak po ng mga cellphone at wallet niyo at pati po 'yong mga damit niyo."
"Fine." Mukhang nakumbinsi ko naman si Sir Frank pero nawala ang enthusiasm na nasa mukha niya kanina. "But the next time, I won't let you refuse."
Tumango na lang ako. Halata kasing na-disappoint siya. Siguro, ganoon na lang ang kagustuhan niya na magturo. Hindi ko naman gustong mag-inarte pero talagang takot ako sa malalim na bahagi ng dagat, o kahit anong anyong-tubig. Paano na lang kung hindi ako makapag-balanse doon sa surf board at malaglag ako? Baka hindi na ako makaahon.
Lumarga na silang tatlo papunta sa dagat, dala ang kani-kanilang mga board. Nakaalalay si Bradley kay Sir Maui, at mukhang nagbibigay din ng instructions. Habang si Sir Frank na hustler, iyon, nasa malayo na agad.
Pumanhik ulit ako sa boardwalk, naglakad-lakad habang hinihintay sila at paminsan-minsan ay kumukuha ng mga larawan gamit ang aking cellphone. Sumimple rin ako ng selfie at ang background ay iyong boardwalk at dagat. Tapos ay bumalik ako sa van para kumuha ng mga tuwalya. Mangangatog sa lamig itong nga bossing ko kung sasakay sila sa van nang basang-basa.
Dumaan din ako sa bilihan ng souvenirs, tumingin-tingin ng mga produkto hanggang sa nauwi ako sa pagbili ng mga ipananalubong na key chains at ref magnets.
Nang mapansin kong magda-dalawang oras na rin pala akong nag-i-stroll ay bumalik na ako. Dalawang oras lang kasi iyong surfing session, maliban kung mag-extend sila. Pero hindi na rin siguro dahil nag-aagaw na ang liwanag at dilim.
Napansin kong napakaganda ng langit dahil doon. Naghahalo ang dilaw at kahel na may kaunting lila. Ang sarap ipinta. Kung may gamit lang sana akong dala ngayon. Gayunpaman ay kinuhaan ko na lang ng litrato iyon, baka magawa kong i-paint o i-oil pastel sa mga susunod na araw.
Pagbalik ko kung saan ako nanggaling ay nakita ko nang paahon sila Sir Maui at Sir Frank kasama si Bradley. Mukhang nag-enjoy naman sila, nagkukuwentuhan at nagtatawanan pa nga habang naglalakad pabalik sa boardwalk.
Kinawayan ko sila para makita nila ako. Nakita ko kasing palinga-linga si Sir Frank. Paano ay marami-rami na ring tao gawa nang nagsisi-ahon na rin ang mga surfers dahil nga papadilim na.
Napangiti si Sir Frank pagkakita sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang sumikdo ang dibdib ko.
Ngayon ko lang nakita si Sir Frank sa ganitong paraan. Oo, aware naman ako na guwapo siya at matipuno, pero ngayon.. hindi ko maintindihan kung bakit may iba sa kanya sa paningin ko ngayon.
Tila ba nakita ko na iyong ngiti na iyon noon. Parang pamilyar, hindi ko lang maalala kung saan o kailan.
Pero bakit ngayon ko lang napansin? Ilang buwan na rin naman ako sa kumpanya.
"Hey, Florence."
Tila ako nagising sa mula sa panaginip nang marinig ang boses niya. Pero lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko nang ma-realize ko na nakatayo na pala siya sa harapan ko.
"Sir... ano, ah..." Parang nagpa-panic ako. Ano ba itong ka-abnormalan na nangyayari sa akin?
"Let's go?" tanong niya.
Wala sa sariling tumango ako sabay abot ng mga towel na nasa loob ng canvas bag na dala ko. Pagkatapos ay nagpatiuna na akong maglakad at baka sakaling mahimasmasan ako sa kakaibang pakiramdam na ito.
"Siguradong mas maraming magiging turista dito pagkatapos ng pandemic," saad ni Sir Frank habang nagsasalo kaming tatlo nila Sir Maui sa hapunan. Ayoko sana munang harapin si Sir Frank gawa ng naramdaman ko kanina na hindi ko maipaliwanag. Pero wala akong magagawa dahil ako ang nakikipag-coordinate sa resort ng lahat ng bagay na kailangan namin katulad nitong pagsisilbi ng pagkain para sa dinner. "If this plan will push through, then maybe we could start with the construction towards the latter part of next year." Seryoso si Sir Maui na tila ba iniisip ang mga magiging proseso sa pagpapagawa ng resort. "Then a soft opening on 2023. How's that?" "That's also the target year I have in mind." Tumangu-tango si Sir Frank. "I think, by that time, travel restrictions are not so tight anymore." Negosyo at trabaho pa rin ang pinag-uusapan ng mag-pinsang ito kahit nasa hapag-kainan. Bahala sila. Basta ako tahimik na lumalantak ng buttered seafoods. Iniiwasan kong mapatingin kay Sir F
"Nag-iwan pa nga ako sa 'yo ng calling card no'n," nakangiting sabi niya. "Tama, 'di ba?" "Ikaw nga po, Sir!" Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang lalaking iyon sa car show noon - at boss ko pa ngayon. Natawa siya sa pagkabigla ko. "But of course, I couldn't call you "baby girl" anymore. That would be inappropriate." "Eh...opo," sabi kong napa-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng hiya ng banggitin niya ulit ang endearment na iyon. "Mukha ka lang kasi talagang menor de edad no'n. Parang baby girl nga." Ngumisi siya. "Though, up until now you don't look like your age." "Salamat po." Bahagya akong tumango. Maka-ilang beses niya nang sinabi sa akin iyon, na hindi nga ako mukhang twenty-six. "But actually, hindi na kita namumukhaan," pagtatapat niya. "But when you brought it up, it rang a bell and I suddenly remembered that particular day." "Okay lang po. Hindi ko na rin po natatandaan 'yong hitsura niyo." Ngumiti ako. "Pero 'yong sinabi niyo po
Nagsabay pa silang magtanong sa akin. English nga lang iyong kay Sir Maui, at tagalog si Sir Frank. "Ah...naglakad-lakad lang po diyan sa labas. Sorry po." Bahagya akong yumukod. "It's okay kahit 'di ka nagyayaya." Tumawa si Sir Frank. Akala ko pa naman, galit siya dahil umalis ako nang walang paalam. "Take your seat." Magiliw na inilahad pa ni Sir Maui ang kamay niya patungo sa bakanteng upuan sa tapat nila. "Thank you po." Naupo na ako at nginitian silang dalawa. "Good morning po." "Good morning." Si Sir Maui ang sumagot sa akin. Tinanguan lang ako ni Sir Frank pero nakangiti naman siya. Saglit na yumuko ako at pumikit para magdasal bago kumain. Pagdilat ko ay nakapikit din sila at nakayuko. Si Sir Maui nga magkasiklop pa ang mga kamay. Nag-sign-of-the-cross pa si Sir Maui pagkatapos niya, si Sir Frank ay hindi na. "Kain na po," masayang anyaya ko sa kanila. "Sa susunod, Florence, sabihan mo naman kami," pabirong sabi ni Sir Frank. "Pakuha na ako ng omelett
Nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin ni Sir Frank iyon. Mukhang galit nga talaga siya sa akin dahil sa ginawa ko. "You're not going anywhere," ulit niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya, "without me." Bigla rin tuloy akong napangiti. Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na hindi naman siya galit. "Ano, kayo lang?" sabi pa niya. "Wala naman kaming sinabi na kami lang,"si Sir Maui ang sumagot na bahagya pang natatawa. "Unless you'll allow her to go out alone with me." "Eh 'wag ako ang tanungin mo." Tumingin nang makahulugan sa akin si Sir Frank. "Ah, sa tidal pool po tayo." Naisipan ko nang magsalita. Kinabahan ako baka may masabi pang iba itong si Sir Frank. "Ngayon na po ba? Sasabihan ko na po si Bradley." "After lunch, perhaps." Nagkibit-balikat si Si Sir Frank. "Sige po. Kausapin ko lang po si Bradley." Nagpaalam ako sa kanila bago ako tumalikod.*** Buong maghapon ang ginugol namin sa paglilibot mula sa Magpupungko Tid
"I mean, take this calligraphy lyrics of Here In My Heart." "Okay po." Muli, mukhang hindi rin naman siya papayag na tanggihan ko kaya kinuha ko na. "Thank you so much po, Sir." "Wala 'yon." Humawak siya sa handle ng pinto. Bubuksan niya na sana kaso nagtanong ako kaya huminto siya at tumingin sa akin. "Sino po bang kumanta nito?" tanong ko sa kanya. "Mayonnaise," sagot niya. "Band po 'yon?" tanong ko na naman." "Yup. They're an OPM band." Sa pagkakataong iyon ay binuksan niya na talaga ang pinto ng suite. Aminado akong hindi ako masyadong pamilyar sa Original Pilipino Music o OPM nga. Madalas kasi ay K-Pop ang pinakikinggan ko lalung-lalo na ang BTS. Certified ARMY ako. "Search ko po 'yan," sabi ko. Na-curious din ako doon sa kanta. Pinauna niya akong makapasok sa suite habang hawak niya ang pinto para hindi iyon sumara. "Sir, tawagin ko po kayo kapag ready na po 'yung dinner. I-coordinate ko lang po sa staff." Tiningala ko siya para tignan kasi nasa pang
Bigla akong napa-bunghalit ng tawa. "'Tay naman. Imposible po 'yang sinasabi niyo," natatawa pa rin ako nang sabihin iyon. "Alam niyo po ba, ang mga dine-date no'n, mga model, minsan mga beauty queen, mga artista. Minsan nga, ako pa po ang nag-aayos ng reservation sa mga date niya." "Ngayon lang 'yan, nagpapakasawa sa pagka-binata, eh," sabi niya sa akin. "Mayaman pa, tapos magandang lalaki. Kahit akong nasa kalagayan niyan eh ide-date ko lahat ng babaeng gusto ko." "Pero, alam mo, anak, ang isang tao, gaano man karami ang magagara niyang sapatos, tsinelas pa rin ang hahanapin niyan pag-uwi ng bahay," makahulugan pa niyang sabi. Hindi ko malaman ang isasagot doon. Napangiti na lang ako. Matapos ay nag-bukas ako ng bagong pag-uusapan. Tungkol kay tatay at sa pamilya niya ang mga itinatanong ko. Hindi namin namalayan na ang layo na pala ng narating namin sa paglalakad-lakad sa tabing-dagat. Niyaya na ako ni Tatay Gabriel maglakad pabalik sa kanyang bahay habang nagku-kuwen
Pagkakain ng tanghalian, dahil na-cancel nga iyong island-hopping namin ay wala nang gagawin ngayong maghapon. Nang mahagip ng tingin ko ang mga watercolor pen brushes na ibinigay sa akin ni Sir Frank, biglang may ideya na pumasok sa isip ko. Hinila ko ang isang drawer sa bedside kung saan may nakita akong mga notepad noong nag-check ako noong isang araw. "May nakita akong bond paper dito noon, eh," sabi ko sa sarili ko. Sinubukan kong hilahin ang kasunod na drawer. "Ito!" Natuwa ako nang makita ko ang hinahanap ko. Mga papel iyon na mas makapal sa bond paper pero may logo ng resort. Iilang piraso lang pala iyon. Ang ginawa ko, pinunit ko 'yung mga gilid para kunwari design, para matanggal ko rin 'yung logo ng La Luna. Lumabas ako sa balkonahe bitbit iyong mga watercolor pen at papel. Naupo sa couch na naroon at hinila ang coffee table palapit sa akin. Sinimulan kong iguhit gamit ang watercolor brush pen ang bahay ni Tatay Gabriel sa dalampasigan. Balak kong ibigay ito s
"Ang una po nating pupuntahan ay ang Sohoton Cove." Habang nagsisimulang lumayag ang bangkang de motor, nagpapaliwanag sa amin si Bradley sa mga destinasyon namin sa island hopping ngayong araw na ito. Kami-kami lang din ang sakay ng bangka, kaming tatlo nila Sir Maui at Sir Frank, dalawang staff ng resort at dalawang crew na siyang nagpapatakbo ng bangka. "Pagdating po natin doon, magta-transfer po tayo ng bangka para maikot niyo po 'yong jellyfish sanctuary. Mas maliit na bangka po kasi ang puwede lang pumasok doon," pagbabahagi pa ni Bradley. Habang nasa biyahe ay nagkukuwentuhan lang ang lahat. Kaso napansin ko na medyo tahimik si Sir Frank. Nang humupa na ang usapan at naging abala na sa kanya-kanyang pagsa-sight-seeing at iba pang mga bagay ang mga sakay ng bangka, naisipan kong tanungin si Sir Frank. "Sir, okay lang po ba kayo?" "Uhh...yeah. Just a little bit of hangover I guess." Bahagya siyang ngumiti para ipakitang ayos lang siya. "Naalala ko tuloy 'yong kape m
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with
"Naku po, ito na naman ang chopper na 'to." Napa-antanda ako ng krus nang makita ang sasakyang-panghimpapawid na iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Frank dahil sa reaksiyon ko. "Sige, sa'n mo mas gustong sumakay? Diyan o sa 'kin?" "Ano po?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya. "Wala. Sabi ko, I love you." Kinindatan niya ako. "Come on, get inside now." Inalalayan niya ako upang makasampa sa chopper. Tapos ay sumunod na rin siya at naupo sa tabi ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga nang magsimulang suma-himpapawid ang chopper. Life is short to live in fear. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maui noong nag-usap kami. Napagtanto ko na hindi lang iyon sa pag-ibig maaaring i-apply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. "Close your eyes if you don't wanna see it," mahinang sabi ni Sir Frank sa likod ko. Nakatingin kasi ako sa kabilang direksyon, tinatanaw ang bughaw na langit at mga ulap. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Maganda na
"Bakit po tayo nandito?" Nagulat ako nang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Frank sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Bermudez Builders. "You will know." Ngumiti siya. Kinabahan naman ako. Ganoon pa man ay tumuloy pa rin kami. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na dito ang tungo namin. Basta sabi lang ay may pupuntahan. Akala ko naman ay kakain lang sa labas o may papasyalan. Madalas kasi ay ganoon siya kapag nagyayaya, hindi sasabihin kung saan para surprise daw. Sa isang conference room kami dumiretso. Naroon at naghihintay ang dati kong boss na si Ms. Vicky at si Sir NMB na VP for Engineering. "G-good afternoon po," ako na ang naunang bumati pagkakita ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Sir Frank sa likod ko upang igiya ako patungo sa upuan. "Good afternoon, Ms. Catacutan, Mr. Ledesma," si Ms. Vicky ang sumagot sa amin. "Please have a seat." Nang magkakaharap na kami sa lamesa ay si Sir NMB na ang nagsimula ng pagpu
(This part of the story is told through Maui's perspective/point-of-view (POV).) "Ahh, M-maui, may ibibigay pala sana ako sa 'yo." May iniabot si Florence sa akin. It was wrapped in a parchment paper with a thin red ribbon to bind the wrapper. "What's this?" I asked while unwrapping what she gave me. It is an unfinished sketch of my face in charcoal pencil, enclosed in a wooden frame. I easily recognized that it was me despite the fact that some parts are not shaded yet. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan sa 1st anniversary natin," paliwanag niya. "Kaso.. k-kaso hindi na umabot. Kaya hindi ko na tinapos. Ayoko namang itapon, pero ayoko na ring itago. Kung.. kung gusto mong tapusin, o may kilala kang puwedeng magdugtong, ipagawa mo na lang siguro. O i-dispose mo na lang. Ang importante ay maibigay ko 'yan sa 'yo." "No, I won't dispose this, definitely. But I will keep it this way." I smiled. This will be a very good reminder of our relationship. Seems unfinished, yet there's