Tara, Florence, were going out for lunch." Niyaya ako ni Kathryn.
"Naku, sorry, may baon ako," tugon ko. "Lalabas kayong lahat?"
"Yup. Wala na kasing nakakapag-baon sa 'min," si Nadine ang sumagot sa akin. "You know, in a hurry every morning."
"Ah, sige, sa pantry na lang ako." Ngumiti ako para iparating sa kanila na okay lang naman ako.
"Okay, see you later na lang," paalam ni Kathryn at lumabas na nga sila. Naiwan akong mag-isa sa office.
Napatingin ako sa saradong pinto ni Sir Frank. Wala kayang balak mag-lunch 'yon? Katukin ko ba at yayain? Kaso baka naman nagpapahinga, mapagalitan pa ako.
Paano ba ang tamang approach sa ganito?
Ay, bahala na. Lumapit ako sa pinto at kumatok. Kung mapagalitan, eh 'di mapagalitan. 'Di ko na lang uulitin sa susunod.
"Sir..." Tawag ko habang kumakatok. "Sir Frank.."
"Come in." Narinig kong sabi niya mula sa loob.
Binuksan ko ang pinto pero sumilip lang ako. "S-Sir, lunch na po."
Sumenyas siya na pumasok ako at lumapit sa kanya. Tumalima naman ako.
"Saan kayo magla-lunch?" tanong niya.
"Lumabas po sila, Sir. Ako po kasi, may baon," sagot ko at naisipan ko ring alukin siya, "Kayo po? Gusto niyo po ba magpa-order?"
"No need." Umiling siya. "I'm on this meal plan service and they deliver my meals everyday."
Tumango ako habang nag-iisip kung ano bang gagawin. "Parating na po ba?"
"Yeah. Jonel picked it up in the building lobby." Nag-de-kuwatro siya ng upo. Napapansin ko na mukhang mannerism niya iyon.
"Okay po. S-sige, Sir. Mauna na po ako kumain," paalam ko. "Ahh... bababa na lang po ako sa pantry sa 22nd floor."
"You know what, why don't you have lunch with me?" biglang tanong niya sa akin.
Napatitig ako sa kanya.
---
"So, nagba-baon ka lagi?" tanong ni Sir Frank sa akin.
"Ah, opo. Mas matipid po kasi saka ipinagluluto talaga ako ng Mama ko," sagot ko habang nag-i-slice ng baon kong chicken tonkatsu. Naisipan kong alukin siya, "Kuha po kayo, Sir."
"Sige lang. Thanks." Tanggi niya. Napa-sulyap ako sa kinakain niya. Hindi ko alam kung ano iyon basta dilaw iyong kanin at 'yong ulam na manok parang nilaga lang pero walang sabaw. Siguro may sinusunod na diet ito si Sir.
May sariling pantry pala dito sa loob ng OVPEA, doon kami sabay na kumain ni Sir. Dahil nga umalis lahat ng kasama namin, at si Kuya Jonel din ay sa labas kumain pagka-hatid ng pagkain ni Sir Frank, kaming dalawa lang ang nandoon.
Tahimik lang kaming kumakain. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko, saka sa totoo lang medyo naiilang ako. Kahit na ba boss ko naman si Sir Frank at dapat masanay na akong kasama siya, ang posisyon niya dito sa kumpanya ay pangatlo na sa pinaka-mataas. Pagkatapos ng VP ay Presidente, at ang susunod ay CEO na. Tapos ay parehas pa niyang tiyuhin ang mga iyon.
"So, what made you stay here in this company for three years?" Biglang tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot agad kasi nagulat ako. "Ahmm... masaya lang po talaga ako. Challenging po 'yong work, pero masaya po, kasi para po kaming pamilya doon sa Accounting."
"Ano 'yon, pagpasok mo dito, doon ka agad na-assign?" tanong niya.
"Yes po." Tumango ako.
"First job?" tanong pa niya.
"Hindi po." Nagkuwento na ako, "Ang una ko pong naging trabaho ay Data Analyst. Kaso, na-acquire po 'yong company namin ng iba pang company na mas malaki, then hindi naging smooth 'yong transition kaya ang dami pong naging floating status at isa na po ako doon."
"Kaya ka nag-apply dito?" tanong niya.
"Opo. Suwerte naman po na natanggap agad ako," pagbabahagi ko pa. "Saka pa lang po ako nag-resign formally sa dati kong company. Doon pa lang din po nila ako in-offer-an ng permanent post. Hindi ko na po tinanggap kasi magsisimula na po ako dito."
"I see." Tumangu-tango siya. "So, 'yong officemates mo sa previous mong department ang pupuntahan mo sana sa 22nd?"
"Ah, eh sana po," tugon ko. "P-pero okay lang naman po. Kung bumaba ako do'n, maiiwan ko po kayo mag-isa dito."
Ngumiti siya. "Eh, si Maui, kumusta naman sa inyo?"
"Po?" Narinig ko naman ang sinabi niya, nagulat lang talaga ako pagkarinig sa pangalan na iyon.
"'Di ba, siya ang VP for Finance?" pag-uusisa niya. "Sa hierarchy, siya ang pinaka-head mo, ninyo."
"Bihira po kasi namin makahalubilo si Sir Maui," sagot ko. "M-medyo tahimik lang po kasi siya, pero mabait naman po."
"Talaga?" Sa tono ng boses niya, mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Ayoko naman itanong.
At hindi ko rin alam kung anong isasagot sa sinabi niya.
"Ah, Sir, magka-kape po ako," sabi ko sa kanya nang matapos akong kumain. "Gusto niyo po?"
"Kape pagkatapos kumain?" Parang hindi siya makapaniwala.
Tumango ako. "Eh, opo. Masarap po mag-kape kapag busog."
"Damn. Mas masarap mag-yosi," natatawa niyang sambit.
"Hindi po ako naninigarilyo, Sir," sagot ko naman.
"Mukha namang hindi talaga. You seem like a good girl," nakatitig siya sa akin nang sabihin iyon. "Sige nga, pa-try niyang kape mo."
"Okay po." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para magsalang sa coffee maker. Pagpasok ko pa lang kanina sa pantry na ito ay nakita ko na agad iyon. Pakiramdam ko nag-korteng puso ang mga mata ko pagkakita sa kape at coffee maker - dahil coffee is life.
"'Yong timpla mo na, please," pahabol na sabi niya.
Buti na lang nakatalikod ako sa kanya, kung hindi, nakita niya kung paano ako natigilan sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salita. Parang hindi ko siya boss - para ngang ibang tao siya. Pagka-lambing ng bigkas.
"Sige po," tugon kong hindi pa rin bumabaling ng tingin sa kanya.
Pagbalik ko sa mesa ay dala ko na ang dalawang tasa ng kape na nakapatong sa saucer.
"Bango, ah," komento niya nang ilapag ko ang tasa na para sa kanya. "Thanks."
Nginitian ko lang siya at bahagya akong tumango. Umupo ako sa katapat na upuan.
"Ang sarap." Kakaupo ko pa lang nang magsalita siya. "Masarap gumising sa ganito kapag may hang-over ka."
"T-thank you po." Napa-ngiti ako nang alanganin. Natuwa naman ako na nagustuhan niya, pero nakaramdam din ng hiya.
"Salamat din. Nakaligtas ako sa isang stick dahil sa kape mo." Naiiling siya pero nangingiti rin.
Nginitian ko na lang din siya bago ko hinigop ang kape ko.
---
Lumabas si Sir Frank mula sa loob ng opisina niya. May bitbit na laptop bag. Mukhang pauwi na. Nakauwi na rin ang halos lahat sa opisina dahil mag-a-alas sais na iyon ng hapon, kami na lang ni Kimverly ang natira. Sinadya kong magpa-iwan, baka kasi may kailangan pa si Sir Frank sa akin. Saka pinag-aaralan ko rin ang mga files na ibinigay sa akin ni Miss Celine.
Huminto si Sir sa tapat ng lamesa ko. "Florence, anong schedule ko bukas?"
"Sir, bukas po ng morning, 10:00 A.M., may meeting po kayo with Mr. Cordero, and sa afternoon po, 2:00 P.M. ay with Mr. Chan naman po," sagot ko.
"Dito naman lahat 'yan, 'di ba?" tanong niya ulit.
Tumango ako. "Opo."
"Okay." Parang napapa-isip siya. "Kailan 'yong Virtual Anniversary Celebration?"
"Sa Friday pa po," sagot ko.
"Sige." Bahagya siyang tumango. "See you tomorrow, Florence."
"Ingat po," paalala ko. Kusa na lang lumabas iyon sa bibig ko.
"Ikaw din," pagkasabi niya noon ay lumakad na siya. Narinig kong nag-"bye" siya kay Kimverly nang magsabi ang huli ng, "Ingat, Sir." Noong marinig kong sumara na ang pinto, nagsimula na akong magligpit ng mga gamit.
"Nagco-commute ka lang?" tanong sa akin ni Kimverly. Paglingon ko ay nakatayo na pala siya sa likod ko.
"Oo. Sabay tayo? Saan ba ang way mo?" tanong ko din sa kanya.
Sinabi niya kung taga-saan siya, at alam ko ang lugar na iyon. Sinabi ko rin kung saan ang lugar ko. "Iisa lang ang way natin."
Nakita kong natuwa siya. "Taralets! Naku, buti na lang! Naiwan na tayo ng company service, eh. Teka, teka ha, C-CR lang ako."
"Sige lang."
Paglabas niya ng office ay ipinagpatuloy ko ang pagliligpit para pagbalik niya ay ready na ako.
---
"Alam mo naman siguro na mag-pinsan si Sir Maui at si Sir Frank, 'di ba?" tanong sa akin ni Kimverly habang nag-aabang kami ng bus.
Tumango ako. "Bakit?"
"Alam mo din ba na magkagalit 'yang dalawang 'yan?" Isa pang tanong.
"Ha?" Umiling ako. "Hindi, eh."
"Sabi na nga ba, eh. Mga tiga-Accounting huli talaga sa balita. Puro kasi financial statements kaharap niyo." Tumawa siya. "I-chika ko sa 'yo."
Pinara ko ang paparating na bus. Nakatingin kasi ako sa mga papadaang sasakyan habang nakikinig kay Kimverly. Naupo kami sa pangatlong upuan mula sa harap. Pagkatapos naming magbayad sa kunduktor ay ipinagpatuloy ni Kimverly ang ikinukuwento niya kanina.
"'Yon nga, going back, magkagalit si Sir Maui at si Sir Frank." May naisip siyang itanong, "Teka, ilang taon ka na ba sa company all in all?"
"Three years," sagot ko.
"'Yon na nga, 'di mo na siguro inabutan 'yong dating Sir Maui," sabi niya na parang may inaalala.
"Bakit, ano ba siya dati?" Bigla akong naging interesado.
"Hindi siya ganyan na suplado at tahimik," siguradung-sigurado si Kimverly sa sinasabi niyang iyon. "Mabait 'yan, pala-ngiti, basta chummy siya with everyone."
"Weh?" Parang hindi ko makita si Sir Maui na ganoon. Parang simula kasi ng pumasok ako sa kumpanya ay tahimik na siya at hindi halos ngumingiti. Ayokong sabihin na suplado, feeling ko mabait naman talaga siya. Baka wala lang pagkakataon na maka-bonding namin siya o makausap during company events.
"Anong nangyari? Bakit siya nag-iba?" Inusisa ko si Kimverly.
"May jowa kasi 'yan si Sir Maui," kuwento niya. "Actually, ikakasal na nga sila. Kaso, na-aksidente si jowa."
"Tapos?" Kadalasan, hindi naman ako fan ng mga chismis na ganito pero siguro, dahil nga crush ko si Sir Maui noon pa, kaya gusto ko ring may malaman pa tungkol sa kanya.
"Nabangga 'yong sinasakyang kotse. Sadly, na-tegi si jowa, hindi nakaligtas. And guess what, sino ang kasama sa sasakyan nang ma-aksidente?" May pa-blind item pa talaga itong si Kimverly with a "v".
Parang alam ko na kung sino ang tinutumbok nito. "Si Sir Frank?"
"Tumpak!" Tumuro pa siya sa akin na akala mo host ng game show. "At 'yon ang reason kung bakit warla sila hanggang ngayon."
"Sinisisi ni Sir Maui si Sir Frank sa nangyari, ganoon ba?" konklusyon ko. "Tapos ang masama, siya ang nabuhay pero 'yong girlfriend ay hindi?"
"Kasama na 'yon, saka siyempre, dahil may relasyon sila," deklara ni Kimverly.
"Huh? Sinong may relasyon?" Naguluhan ako.
"Si Sir Frank at 'yong jowa ni Sir Maui!"
"Luh. Totoo?" Nagulat ako. "Paano mo nalaman?" "Eh kaya nga sila nagkagalit ni Sir Maui!" pag-iinsist niya. "Magkasama lang sa sasakyan, may relasyon na?" Pagtataka ko. "Malamang! Anong ginagawa nila at ba't sila magkasama, aber?" Sure na sure naman itong si Kimverly. "Ano, naki-hitch lang? Galing pa nga sila sa isang five-star hotel bago nangyari 'yon, 'no." "Nandoon ka?" tanong ko. "Gaga! Siyempre, wala!" Natawa siya nang malakas at hindi ko alam kung bakit, nagtanong lang naman ako. "Pero 'yan ang kumakalat na usap-usapan sa opisina noon pa." "Ah, akala ko nandoon ka mismo sa hotel na pinanggalingan nila," sabi ko naman. "Tange, hindi." Tumatawa-tawa pa rin siya bago siya sumeryoso. "Kaya nga 'di agad naka-upo 'yan si Sir Frank as VP ng External Affairs, kasi iniiwasan niya talaga si Sir Maui." "Hindi ba dahil nasa puwesto pa rin naman kasi 'yong tatay niya, si Sir Freddie?" tanong ko. "Ano ka ba, dapat nga matagal nang nag-retire 'yon. Eh, kaso nga wala
"May sakit? Nagkita pa kami noong isang araw at mukhang maayos naman ang pakiramdam niya." Halata ang pagtataka sa boses ni Mr. Chan nang tawagan ko siya para sabihin na postponed ang meeting nila ngayong araw ni Sir Frank. "A-ang totoo po Sir, bago po siya umuwi kahapon ay nabanggit niya po iyon sa akin." Gumawa na lang ako ng kuwento. Sana lang hindi halatado dahil dito talaga ako mahina - sa pagsisinungaling. "Sinabi niya rin po kahapon na susubukan niya pa rin daw pong pumasok ngayon," sabi ko pa. "Kaya lang po, nag-advice siya ngayong umaga na hindi na nga po siya makakarating." Ang ending, ni-reschedule ko na lang ang meeting sa ibang date. Ganoon din ang ginawa ko sa nauna kong naka-usap na si Mr. Cordero na dapat ay ka-meeting din ni Sir Frank ngayong araw na ito. Tinuruan ako ni Miss Celine kanina kung paano makipag-usap professionally sa mga ka-deal ni Sir Frank. Dapat daw assertive ako at confident, pero alam ko, paminsan-minsan ay bumabalik ako sa shy at tim
Nauna nang umuwi ang mga kasama ko sa opisina. Ako na lang ang naiwan dahil hindi pa lumalabas si Sir at iyong bisita niya. Sa paraan ng pag-uusap nila, para namang friends sila ni Sir. Sana nag-set na lang sila ng weekend, hindi iyong ganitong office hours. Pasado alas sais na ng hapon.Wala na rin naman akong ginagawa dahil natapos ko na lahat ng tasks ko for today. Nakaligpit na nga lahat ng gamit ko at uwing-uwi na rin ako talaga. "O, Florence, nandito ka pa?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Sir Frank. May inilagay kasi akong file sa ilalim ng table ko. "Hatid na kita pauwi," sabi ni Mr. Sanchez sa akin. Ito na naman 'yong ngisi niyang nakakaloko. Medyo nakakainis na. "Hindi. Sa akin siya sasabay." Napatitig ako kay Sir Frank nang sabihin niya iyon. *** Nag-commute ako pauwi. Mas okay na ito kaysa sumabay sa kahit sinuman kina Mr. Sanchez o Sir Frank. Hindi naman sa pagmamaganda pero hinding-hindi ako magpapahatid sa Mr. Sanchez na iyon. Sobrang pr
"Kunin mo na, bilis." Nagmadali tuloy ako sa pagkuha. Ang tagal na kasing naka-extend ng kamay niya na hawak iyong credit card. "Sige po," sabi ko. "Puwede naman po i-reimburse ito." "Bahala ka na rin diyan." Aniya na para bang balewala ang pera. Ibinaba niya na iyong screen ng laptop niya. "Wala naman na 'kong meeting 'di ba?" Umiling ako. "Wala na po." "Alright. I'm going." Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "Bye, Florence." "Bye po." Lumabas na siya ng opisina. *** "Don't you have a nickname?" tanong sa akin ni Sir Frank pagkatapos ng lunch meeting with the Sales Department. Isa-isa nang nag-aalisan ang mga inimbitahan namin at katatapos ko lang din tumawag sa maintenance personnel para makapagligpit at linis na dito sa conference room. "Po?" Napalingon ako sa kanya at inulit ang sinabi niya, "Nickname?" "Oo. Ang haba kaya ng Florence." Petiks na petiks lang siyang naka-upo sa swivel chair. Ako, nag-iimis na ng mga kalat sa mahabang
Bumaling na sa kanya sila Luna at Patti, pero ako, parang nanigas sa kinauupuan ko. "Hi, Florence. I know it's you." Narinig ko ulit ang baritonong tinig na iyon. Nai-imagine ko iyong hitsura niya habang sinasabi iyon kaya lalong hindi ako makalingon. "Hi daw, baks!" Siniko ako ni Patti. Napilitan akong ipa-ikot ang kinauupuan kong high swivel chair para harapin siya. Wala na akong magagawa. At tama nga ako, isang pang-asar na ngiti ang nasa mga labi niya ng mga oras na iyon. "Sir Frank..." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Kung puwede lang akong kunin ng mga alien ngayon, sasama na talaga ako. Sobrang nakakahiya! Kailan pa kaya siya nakatayo sa likuran namin? Anu-ano pa kaya iyong mga narinig niya? Pakiramdam ko, ang init ng mga pisngi ko, at kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong namumula ang mga iyon. Napansin kong may dalang cup of coffee si Sir Frank, at ang suot niya ay iyong coat and slacks na suot niya rin kanina sa opisina. "Don't worry, I won'
Tumalikod na siya sa akin pero parang hindi ako makagalaw. Nang tignan ko ang mga staff niya na nakatayo lang malapit sa amin, sila mismo ay may tanong din sa kanilang mga mata na para bang first time ginawa iyon ng boss nila. Tinanguan ko na lang sila bago ako lumabas ng pintuan. Pagkasarang-pagkasara ko noon ay kinagat ko ang ibabang labi ko para 'di ako mapa-tili. Mukhang tama si Luna - malala na itong tama ko. Kaso habang naglalakad ako pabalik sa opisina namin ay biglang sumilip sa diwa ko si Sir Frank. Ang nakakaloko niyang ngiti at nang-aasar niyang mga banat. Pero mas okay kung ikaw magbigay sa kanya para magka-moment naman kayo. Napa-iling na lang ako. Thank you na rin po, Sir Frank.*** "Is Frank inside?" Isang magandang babae ang lumapit sa mesa ko at nagtanong. Sa ilang linggo kong pagta-trabaho dito sa OVPEA ay nasanay na akong iba-ibang babae ang dumadalaw kay Sir Frank - na hindi naka-schedule o walang appointment. Buti nga hindi sila nagkakasabay
"Oo." Tumango siya. "Free diving ba ibig mo sabihin?" "Opo," sabi ko naman. "Or scuba po, mga underwater activities." "Yeah, I do those." Naroon pa rin sa labi niya iyong mapaglarong ngiti na para bang may nais ipakahulugan. Tumangu-tango na lang ako. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot, saka iyong pagkakangiti niya sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Tinanong ko lang naman siya kung sumisisid siya. So, baby take me home Come on and take me home Don't take me baby for a one night stand Just love me baby Love me all you can... Ibang kanta na iyong tumutugtog, hindi ko rin alam kung anong kanta iyon. Pero parang iisa lang ang tema mula doon sa una. Tumanaw ulit ako sa labas ng bintana nang magsalita na naman si Sir Frank, "Nandoon na raw si Maui." Napilitan tuloy akong lumingon sa kanya. "Sa airport po?" "Oo." Ibinalik niya ang hawak na cellphone sa bulsa niya. "Ang aga niya." Tinanaw ko mula sa bintana kung nasaang lugar na kami. "
"When are we going to meet Mr. Cabrera, Florence?" tanong sa akin ni Sir Frank habang nanananghalian kami kasama si Sir Maui. "Bukas po ng umaga niya tayo inaasahang darating," tugon ko habang hinihiwa ang napaka-juicy na grilled tuna belly sa plato ko. "Mula po dito sa La Luna ay kailangan po nating bumiyahe ng mga thirty minutes para marating ang property ni Mr. Cabrera." "What are our activities this afternoon, then?" si Sir Maui naman ang nag-usisa sa akin. "Nag-set po ako kay Manager kung puwede po tayong dalhin sa Cloud 9 ngayong hapon," pahayag ko. "Mga ilang minuto lang po iyon mula dito. Baka gusto niyo rin pong makita if may potential land area doon for the resort that LDC is planning to put up. Since, mas accessible po sa mga turista ang lugar na iyon." "That's the famous surfing spot, right?" tanong ulit ni Sir Maui. "Opo," sagot ko habang kumukuha ng pork barbeque mula sa platter. "See, Florence got everything covered," tila nagmamalaking sabi ni Sir Fr
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with
"Naku po, ito na naman ang chopper na 'to." Napa-antanda ako ng krus nang makita ang sasakyang-panghimpapawid na iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Frank dahil sa reaksiyon ko. "Sige, sa'n mo mas gustong sumakay? Diyan o sa 'kin?" "Ano po?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya. "Wala. Sabi ko, I love you." Kinindatan niya ako. "Come on, get inside now." Inalalayan niya ako upang makasampa sa chopper. Tapos ay sumunod na rin siya at naupo sa tabi ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga nang magsimulang suma-himpapawid ang chopper. Life is short to live in fear. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maui noong nag-usap kami. Napagtanto ko na hindi lang iyon sa pag-ibig maaaring i-apply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. "Close your eyes if you don't wanna see it," mahinang sabi ni Sir Frank sa likod ko. Nakatingin kasi ako sa kabilang direksyon, tinatanaw ang bughaw na langit at mga ulap. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Maganda na
"Bakit po tayo nandito?" Nagulat ako nang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Frank sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Bermudez Builders. "You will know." Ngumiti siya. Kinabahan naman ako. Ganoon pa man ay tumuloy pa rin kami. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na dito ang tungo namin. Basta sabi lang ay may pupuntahan. Akala ko naman ay kakain lang sa labas o may papasyalan. Madalas kasi ay ganoon siya kapag nagyayaya, hindi sasabihin kung saan para surprise daw. Sa isang conference room kami dumiretso. Naroon at naghihintay ang dati kong boss na si Ms. Vicky at si Sir NMB na VP for Engineering. "G-good afternoon po," ako na ang naunang bumati pagkakita ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Sir Frank sa likod ko upang igiya ako patungo sa upuan. "Good afternoon, Ms. Catacutan, Mr. Ledesma," si Ms. Vicky ang sumagot sa amin. "Please have a seat." Nang magkakaharap na kami sa lamesa ay si Sir NMB na ang nagsimula ng pagpu
(This part of the story is told through Maui's perspective/point-of-view (POV).) "Ahh, M-maui, may ibibigay pala sana ako sa 'yo." May iniabot si Florence sa akin. It was wrapped in a parchment paper with a thin red ribbon to bind the wrapper. "What's this?" I asked while unwrapping what she gave me. It is an unfinished sketch of my face in charcoal pencil, enclosed in a wooden frame. I easily recognized that it was me despite the fact that some parts are not shaded yet. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan sa 1st anniversary natin," paliwanag niya. "Kaso.. k-kaso hindi na umabot. Kaya hindi ko na tinapos. Ayoko namang itapon, pero ayoko na ring itago. Kung.. kung gusto mong tapusin, o may kilala kang puwedeng magdugtong, ipagawa mo na lang siguro. O i-dispose mo na lang. Ang importante ay maibigay ko 'yan sa 'yo." "No, I won't dispose this, definitely. But I will keep it this way." I smiled. This will be a very good reminder of our relationship. Seems unfinished, yet there's