"Congratulations, Florence!"
Nagulat pa ako pagpasok ko ng pantry namin para mag-kape lang sana. Sabay-sabay na binati ako ng mga kasama ko sa opisina. Dahil na-sorpresa ako, ang tagal kong naka-titig lang sa kanila, bago nag-sink-in sa akin kung ano ang nangyayari.
"Gulat si mamsh, o!" Tawa nang tawa si Ate IC na ka-opisina ko. "Galaw galaw, 'oy, baka pumanaw."
"Sorry." Natawa na lang din ako. "Malay ko ba naman kasing may paandar pala kayo dito. Kaya pala parang mga aligaga kayo kanina pa."
"Bitaw ka naman ng isang pang-malakasang speech diyan, Miss Florence." Pambubuyo sa akin ng isa ko pang officemate na si Gino. "Mga huling habilin mo sa 'min bago mo kami iwan."
Hinampas ko siya sa braso, "Gino naman! Buhay na buhay pa ako parang gusto mo na akong patayin."
Tawanan kaming lahat.
"Hindi. Mga habilin kasi siyempre, next week, sa ibang office ka na." Palusot pa niya. "Mga words of wisdom mo diyan, baka gusto mo lang i-share sa amin."
Inakbayan naman ako ng isa ko pang ka-opisina na si Eya. "'Yaan mo 'yan si Gino. Basta, ah. 'Wag mo kami kakalimutan dito."
"Ang drama naman nito!" Biro ko pero umakbay ako sa kanya at humilig sa balikat niya. "Ano ba, sa 23rd floor lang naman ako lilipat."
"Mami-miss namin mga baked goodies mo, Mamsh," malungkot na sabi naman ni Alina. "Mga chikahan natin over coffee, ay, basta, mami-miss kita."
"Group hug!" Nag-open arms si Louie kaya tumakbo kaming lahat papunta sa kanya para yakapin ang bawat isa.
"Hoy, social distancing!" saway sa amin ni Ate Aira pero naki-yakap din naman siya.
Nalulungkot din naman ako, ayoko lang ipahalata. Baka kasi mapa-iyak pa ako sa harapan nila. Kahit naman nasa iisang kumpanya pa rin kami, talagang may mag-iiba na. Baka minsan, hindi ko na sila makakasabay sa coffee break o kaya sa lunch. Alam kong magiging mas busy na ako sa opisinang lilipatan ko.
Tatlong taon na rin ako sa Accounting Department bilang Accounting Clerk, kaya itong mga kasama ko, itinuring ko nang pamilya. Mababait silang lahat at magaan ka-trabaho. Kung hindi lang dahil sa career advancement at higher salary, mas gusto kong mag-stay sa Accounting.
Pero, noong nabalitaan ko iyong hiring sa Office of the Vice President for External Affairs, at nakita kong halos doble iyong suweldo sa kasalukuyan kong kinikita ay sinubukan kong mag-apply. Pinalad naman na ako ang natanggap bilang Executive Assistant o EA. Nag-resign na kasi iyong dating EA.
Kaso, iyong current Vice President o VP ay nag-retire na rin last week, at iyong anak niya ang papalit sa posisyon - si Sir Frank Ledesma, na first time ko ring makikita next week. Technically, sabay kaming magsisimula sa bago naming trabaho. Bagamat iyong mga staff naman doon ay mga datihan na.
"Florence, guwapo raw 'yon si Sir Frank, eh." sabi ni Ate IC sa akin.
"Eh, siguro. Mukhang guwapo rin naman si Sir Freddie noong kabataan," sagot ko na ang tinutukoy ay iyong tatay ni Sir Frank na dating VP. "Tapos, maganda rin si Madam Amanda, 'yong asawa niya. Kaya malamang, guwapo rin 'yong anak nila.
"Hindi mo pa ba nakita?" tanong ni Louie. "'Di ba dapat siya ang magfa-final interview sa 'yo?"
Umiling ako. "Si Sir Freddie pa rin ng nag-interview sa akin sa final. Expected ko nga rin sana na si Sir Frank, pero hindi, eh."
"Pero sana, mabait 'no?" hopeful na sabi ni Eya.
Nagsalita naman nangg pabulong si Cheska, "At sana 'di kasing-suplado ni Sir Maui."
Si Sir Maui naman ay ang Vice President for Finance at pinaka-boss namin sa Accounting Department. Kumbaga mas boss pa sa mga Supervisor at Managers namin. Pamangkin siya ni Sir Freddie at bale pinsan naman ng magiging bagong boss ko.
"Hindi naman suplado. Tahimik lang kasi siguro talaga siya," pagtatanggol ko kay Sir Maui.
Ang totoo kasi ay crush ko si Sir Maui. Pero sikreto ko lang iyon. Wala akong pinagsasabihan kahit sino sa mga ka-trabaho ko. Mahirap na, baka kumalat at maging tampulan pa ako ng tukso. Ang mas malala, baka makarating kay Sir Maui mismo. Nakakahiya.
"O, cake pa, Miss Florence." Ipinag-slice na ako ni Gino at siya na rin ang naglagay sa platito.
"'Uy, salamat, Gino." Kinuha ko iyon mula sa kanya.
"Eh, sino palang papalit sa 'yo?" tanong ni Ate IC.
Umiling ako. "'Di ko pa alam, Ate. Pero nag-apply 'yong kaibigan ko, si Patti. Eh, sana siya ang matanggap."
"Kasing-bait mo naman ba 'yon, mamsh?" si Alina naman ang nagtanong.
"Oo, mabait 'yon. Kuwela pa. Tatawa kayo nang tatawa do'n," pagbibida ko. "Kumpara sa akin na ang boring-boring."
"'Oy, hindi, ah. Tawa mo pa nga lang masaya na kami," biro ni Louie. Madalas nilang mapag-diskitahan ang paraan ng pagtawa ko, ikinukumpara nila sa singer na si Kyla, magka-parehas daw kasi.
"O, ito na pala sila Ma'am Vivian!" bulalas ni Eya. Siya ang Head namin sa Accounting. Kasama niya iyong iba pa naming mga supervisors. Umayos kami para bigyan sila ng space.
"Paano, Florence, iiwan mo na kami," sabi ni Ma'am Vivian.
"Ma'am naman, sa taas lang po ako lilipat." Ngumiti ako at banayad ko siyang hinawakan sa braso. "Kain na po kayo."
Nagsalu-salo ang lahat sa mga pagkain na inihanda ng mga kasama ko sa department.
Naging masaya ang munting piging na iyon. Pati iyong mga taga-ibang departamento na pumapasok sa pantry ay inanyayahan na rin naming maki-salo sa amin.
Sa susunod na linggo ay sa ibang opisina na ako maa-assign. Hindi ko mapigilang malungkot, pero ang kabutihan noon, nandito pa rin naman ako sa kumpanyang ito. Marami pa ring pagkakataon na makita at makasama itong mga maiiwan ko sa Accounting Department.
Pero ngayon pa lang, alam ko, mami-miss ko talaga sila.
---
"Ay. 23rd floor na nga pala ako."
Napa-iling ako nang mapindot ko iyong 22nd na button sa elevator. Doon kasi ang Accounting Department - ang dati kong departamento. Buti na lang mag-isa lang ako dahil maaga pa naman. Kung dati ay maaga na akong pumasok, mas inagahan ko pa ngayon para kung may mga adjustment na kailangang gawin, dahil bago nga ako, at least ay nandito na ako sa opisina.
Humugot ako ng malalim na paghinga pagbukas ng elevator sa 23rd floor. Medyo kinakabahan ako, pero siguro kahit sino naman. Bagong opisina, bagong boss, bagong mga kasama, bagong environment.
"Good morning po." Nakakita ako ng pamilyar na mukha sa reception. Sa dami kasi ng empleyado sa kumpanyang ito ay hindi na halos magkakakilala ang lahat.
"Doon ka." Walang kangiti-ngiting sumagot sa akin ang babae. Hala. Sa reception pa naman siya naka-puwesto at sumasalubong sa mga guests tapos ganoon ka-taray.
Itinuro niya ang direksyon papunta sa opisina ni Sir Frank. Magkatabi pala ang office nila ni Sir Maui.
Doon muna ako lumapit sa opisina ni Sir Maui. Binasa ko ang metal plate sa pinto ng opisina.
Mauro Iñigo M. Ledesma
Vice President for Finance"Doon ka. Hindi diyan." Nagulat pa ako nang marinig ang walang kabuhay-buhay na boses ng receptionist na binati ko kanina. Paglingon ko ay nakatingin nga siya sa akin.
Pinagpasensiyahan ko na lang. Bahagya akong tumango at naglakad na papunta sa kasunod na opisina.
Franco Luis Miguel C. Ledesma
Vice President for External AffairsAng haba pala ng pangalan ni Sir.
Kumatok ako ng dalawang beses bago ko buksan ang pinto.
Ang laki pala sa loob ng opisinang ito.
At may tao na doon. Babae. Nakilala ko agad kung sino siya noong tumingin siya sa akin. Nagkita na kami noon nang i-orient ako sa HR Office para sa magiging bago kong trabaho. Siya ang Chief-of-Staff at magsu-supervise sa aming lahat.
"Good morning po, Miss Celine," bumati ako at ngumiti.
Nahiya ako nang tumayo siya at lumapit sa akin. Sobrang corporate ng suot niya! Mula sa buhok na malinis na naka-pusod, white button down polo sa ilalim ng black blazer na tinernuhan ng black skirt na above-the-knee ang haba. May skintone stockings at naka-black pumps na nasa five-inch yata ang taas.
Samantalang ako, naka-long sleeved cream blouse na overlapping sa harap, nakapaloob ang laylayan noon sa checkered na red skirt na hanggang binti ko ang haba, at malapit din sa kulay ng suot kong blouse ang low-cut boots na suot ko.
"Good morning," pagbati niya. "Welcome to the OVPEA. That's how we call this office. Ang haba kasi kung bubuuin pa."
Okay, na-gets ko naman iyong acronym, kahit binigkas niya iyon na O-V-Peya.
"Ito ang magiging puwesto mo." Sinamahan niya ako papunta doon. Ang haba nitong magiging table ko, ang bongga ng upuan - sa totoo lang, iyong buong feels ng opisina talagang ramdam kong pang-executive level. Malayo sa maliit na cubicle ko noon sa Accounting Department.
Naalala ko na naman. Na-miss ko tuloy sila doon bigla.
"Itong puwesto mo ang pinakamalapit sa pinto ng office ni Sir Frank o ng VP. Ikaw kasi ang pinakamadalas niyang tatawagin o kakausapin,"sabi pa ni Miss Celine.
Tumangu-tango ako. "Thank you po."
"If you have questions, please don't hesitate to ask me or anyone of us," paalala niya sa akin. "Mamaya, ipapakilala kita sa mga kasama natin kapag dumating na sila."
Natutulala ako kay Miss Celine. Iba kasi ang level of confidence niya. Malayo sa shy-type at reserved person na katulad ko. Samantalang palagay ko naman hindi kami nagkakalayo ng edad. Baka mga two to three years lang ang tanda niya sa akin.
Maya-maya ay dumating na rin ang ibang mga kasama namin. Ang mga aura nila para ding si Miss Celine - confident, dignified. Ipinakilala ako ni Miss Celine sa kanila. Bale anim pala kaming lahat dito sa OVPEA bukod sa Vice President mismo. Anim lang - pero iyong opisina kasing-laki na yata ng buong Accounting Department. Tapos iyong mismong opisina ng VP, kasing-laki rin nitong sa staff, at mag-isa lang siya doon.
"Kilala kita, ikaw 'yong masarap mag-bake!" masayang sabi ni Kathryn, isa siya sa mga Administrative Assistant. "Nakakarating pa sa 'kin 'pag nag-uuwi si Gino. Panalo 'yong matcha cookies mo, girl."
Siguro nakita niya ang tanong sa mga mata ko kaya siya na rin ang nagkusa na magpaliwanag, "We live together."
Tumangu-tango ako. "Ikaw pala 'yong naikukuwento niya minsan sa amin na GF niya. Nice meeting you."
"Same here." Nakangiting sagot niya.
"Pa-experience naman niyang matcha cookies na 'yan," pabirong sabi ni Nadine. Katulad ni Kathryn ay Administrative Assistant din siya. At oo, nagkataon na ganoon talaga ang mga pangalan nila. Ang lakas maka-artista.
"Good morning."
Naputol ang pag-uusap namin at sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang marinig ang baritonong boses na iyon.
Isang lalaki ang dumating, matangkad, at siguro nasa mid-thirties ang edad. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, may bigote at balbas pero hindi naman kakapalan. Parang bida sa mga Mexican telenovela na sinusubaybayan ni Mama noong bata pa ako. Pero ang nakatawag ng pansin sa akin ay ang buhok niya - ash grey. Hindi ko alam kung uban ba iyon pero parang ang bata pa ni Sir para magka-uban na ganoon karami, saka lahat ng parte ng buhok niya, ganoon. Parang nagpa-kulay lang yata siya, pero in fairness, bagay naman sa kanya. Hindi siya nagmukhang matanda sa ganoong kulay ng buhok. "Good morning, Sir," sabay-sabay naming pagbati pero halata sa mga boses namin na nananatiya kami sa aming bagong boss. Ngumiti siya sa amin. "Chill. Ang stiff niyo masyado. Ganyan ba ka-terror si Dad?" Hindi namin alam kung tatawa ba kami sa biro niya. May isang nagla
Tara, Florence, were going out for lunch." Niyaya ako ni Kathryn. "Naku, sorry, may baon ako," tugon ko. "Lalabas kayong lahat?" "Yup. Wala na kasing nakakapag-baon sa 'min," si Nadine ang sumagot sa akin. "You know, in a hurry every morning." "Ah, sige, sa pantry na lang ako." Ngumiti ako para iparating sa kanila na okay lang naman ako. "Okay, see you later na lang," paalam ni Kathryn at lumabas na nga sila. Naiwan akong mag-isa sa office. Napatingin ako sa saradong pinto ni Sir Frank. Wala kayang balak mag-lunch 'yon? Katukin ko ba at yayain? Kaso baka naman nagpapahinga, mapagalitan pa ako.
"Luh. Totoo?" Nagulat ako. "Paano mo nalaman?" "Eh kaya nga sila nagkagalit ni Sir Maui!" pag-iinsist niya. "Magkasama lang sa sasakyan, may relasyon na?" Pagtataka ko. "Malamang! Anong ginagawa nila at ba't sila magkasama, aber?" Sure na sure naman itong si Kimverly. "Ano, naki-hitch lang? Galing pa nga sila sa isang five-star hotel bago nangyari 'yon, 'no." "Nandoon ka?" tanong ko. "Gaga! Siyempre, wala!" Natawa siya nang malakas at hindi ko alam kung bakit, nagtanong lang naman ako. "Pero 'yan ang kumakalat na usap-usapan sa opisina noon pa." "Ah, akala ko nandoon ka mismo sa hotel na pinanggalingan nila," sabi ko naman. "Tange, hindi." Tumatawa-tawa pa rin siya bago siya sumeryoso. "Kaya nga 'di agad naka-upo 'yan si Sir Frank as VP ng External Affairs, kasi iniiwasan niya talaga si Sir Maui." "Hindi ba dahil nasa puwesto pa rin naman kasi 'yong tatay niya, si Sir Freddie?" tanong ko. "Ano ka ba, dapat nga matagal nang nag-retire 'yon. Eh, kaso nga wala
"May sakit? Nagkita pa kami noong isang araw at mukhang maayos naman ang pakiramdam niya." Halata ang pagtataka sa boses ni Mr. Chan nang tawagan ko siya para sabihin na postponed ang meeting nila ngayong araw ni Sir Frank. "A-ang totoo po Sir, bago po siya umuwi kahapon ay nabanggit niya po iyon sa akin." Gumawa na lang ako ng kuwento. Sana lang hindi halatado dahil dito talaga ako mahina - sa pagsisinungaling. "Sinabi niya rin po kahapon na susubukan niya pa rin daw pong pumasok ngayon," sabi ko pa. "Kaya lang po, nag-advice siya ngayong umaga na hindi na nga po siya makakarating." Ang ending, ni-reschedule ko na lang ang meeting sa ibang date. Ganoon din ang ginawa ko sa nauna kong naka-usap na si Mr. Cordero na dapat ay ka-meeting din ni Sir Frank ngayong araw na ito. Tinuruan ako ni Miss Celine kanina kung paano makipag-usap professionally sa mga ka-deal ni Sir Frank. Dapat daw assertive ako at confident, pero alam ko, paminsan-minsan ay bumabalik ako sa shy at tim
Nauna nang umuwi ang mga kasama ko sa opisina. Ako na lang ang naiwan dahil hindi pa lumalabas si Sir at iyong bisita niya. Sa paraan ng pag-uusap nila, para namang friends sila ni Sir. Sana nag-set na lang sila ng weekend, hindi iyong ganitong office hours. Pasado alas sais na ng hapon.Wala na rin naman akong ginagawa dahil natapos ko na lahat ng tasks ko for today. Nakaligpit na nga lahat ng gamit ko at uwing-uwi na rin ako talaga. "O, Florence, nandito ka pa?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Sir Frank. May inilagay kasi akong file sa ilalim ng table ko. "Hatid na kita pauwi," sabi ni Mr. Sanchez sa akin. Ito na naman 'yong ngisi niyang nakakaloko. Medyo nakakainis na. "Hindi. Sa akin siya sasabay." Napatitig ako kay Sir Frank nang sabihin niya iyon. *** Nag-commute ako pauwi. Mas okay na ito kaysa sumabay sa kahit sinuman kina Mr. Sanchez o Sir Frank. Hindi naman sa pagmamaganda pero hinding-hindi ako magpapahatid sa Mr. Sanchez na iyon. Sobrang pr
"Kunin mo na, bilis." Nagmadali tuloy ako sa pagkuha. Ang tagal na kasing naka-extend ng kamay niya na hawak iyong credit card. "Sige po," sabi ko. "Puwede naman po i-reimburse ito." "Bahala ka na rin diyan." Aniya na para bang balewala ang pera. Ibinaba niya na iyong screen ng laptop niya. "Wala naman na 'kong meeting 'di ba?" Umiling ako. "Wala na po." "Alright. I'm going." Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "Bye, Florence." "Bye po." Lumabas na siya ng opisina. *** "Don't you have a nickname?" tanong sa akin ni Sir Frank pagkatapos ng lunch meeting with the Sales Department. Isa-isa nang nag-aalisan ang mga inimbitahan namin at katatapos ko lang din tumawag sa maintenance personnel para makapagligpit at linis na dito sa conference room. "Po?" Napalingon ako sa kanya at inulit ang sinabi niya, "Nickname?" "Oo. Ang haba kaya ng Florence." Petiks na petiks lang siyang naka-upo sa swivel chair. Ako, nag-iimis na ng mga kalat sa mahabang
Bumaling na sa kanya sila Luna at Patti, pero ako, parang nanigas sa kinauupuan ko. "Hi, Florence. I know it's you." Narinig ko ulit ang baritonong tinig na iyon. Nai-imagine ko iyong hitsura niya habang sinasabi iyon kaya lalong hindi ako makalingon. "Hi daw, baks!" Siniko ako ni Patti. Napilitan akong ipa-ikot ang kinauupuan kong high swivel chair para harapin siya. Wala na akong magagawa. At tama nga ako, isang pang-asar na ngiti ang nasa mga labi niya ng mga oras na iyon. "Sir Frank..." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Kung puwede lang akong kunin ng mga alien ngayon, sasama na talaga ako. Sobrang nakakahiya! Kailan pa kaya siya nakatayo sa likuran namin? Anu-ano pa kaya iyong mga narinig niya? Pakiramdam ko, ang init ng mga pisngi ko, at kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong namumula ang mga iyon. Napansin kong may dalang cup of coffee si Sir Frank, at ang suot niya ay iyong coat and slacks na suot niya rin kanina sa opisina. "Don't worry, I won'
Tumalikod na siya sa akin pero parang hindi ako makagalaw. Nang tignan ko ang mga staff niya na nakatayo lang malapit sa amin, sila mismo ay may tanong din sa kanilang mga mata na para bang first time ginawa iyon ng boss nila. Tinanguan ko na lang sila bago ako lumabas ng pintuan. Pagkasarang-pagkasara ko noon ay kinagat ko ang ibabang labi ko para 'di ako mapa-tili. Mukhang tama si Luna - malala na itong tama ko. Kaso habang naglalakad ako pabalik sa opisina namin ay biglang sumilip sa diwa ko si Sir Frank. Ang nakakaloko niyang ngiti at nang-aasar niyang mga banat. Pero mas okay kung ikaw magbigay sa kanya para magka-moment naman kayo. Napa-iling na lang ako. Thank you na rin po, Sir Frank.*** "Is Frank inside?" Isang magandang babae ang lumapit sa mesa ko at nagtanong. Sa ilang linggo kong pagta-trabaho dito sa OVPEA ay nasanay na akong iba-ibang babae ang dumadalaw kay Sir Frank - na hindi naka-schedule o walang appointment. Buti nga hindi sila nagkakasabay
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with
"Naku po, ito na naman ang chopper na 'to." Napa-antanda ako ng krus nang makita ang sasakyang-panghimpapawid na iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Frank dahil sa reaksiyon ko. "Sige, sa'n mo mas gustong sumakay? Diyan o sa 'kin?" "Ano po?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya. "Wala. Sabi ko, I love you." Kinindatan niya ako. "Come on, get inside now." Inalalayan niya ako upang makasampa sa chopper. Tapos ay sumunod na rin siya at naupo sa tabi ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga nang magsimulang suma-himpapawid ang chopper. Life is short to live in fear. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maui noong nag-usap kami. Napagtanto ko na hindi lang iyon sa pag-ibig maaaring i-apply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. "Close your eyes if you don't wanna see it," mahinang sabi ni Sir Frank sa likod ko. Nakatingin kasi ako sa kabilang direksyon, tinatanaw ang bughaw na langit at mga ulap. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Maganda na
"Bakit po tayo nandito?" Nagulat ako nang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Frank sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Bermudez Builders. "You will know." Ngumiti siya. Kinabahan naman ako. Ganoon pa man ay tumuloy pa rin kami. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na dito ang tungo namin. Basta sabi lang ay may pupuntahan. Akala ko naman ay kakain lang sa labas o may papasyalan. Madalas kasi ay ganoon siya kapag nagyayaya, hindi sasabihin kung saan para surprise daw. Sa isang conference room kami dumiretso. Naroon at naghihintay ang dati kong boss na si Ms. Vicky at si Sir NMB na VP for Engineering. "G-good afternoon po," ako na ang naunang bumati pagkakita ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Sir Frank sa likod ko upang igiya ako patungo sa upuan. "Good afternoon, Ms. Catacutan, Mr. Ledesma," si Ms. Vicky ang sumagot sa amin. "Please have a seat." Nang magkakaharap na kami sa lamesa ay si Sir NMB na ang nagsimula ng pagpu
(This part of the story is told through Maui's perspective/point-of-view (POV).) "Ahh, M-maui, may ibibigay pala sana ako sa 'yo." May iniabot si Florence sa akin. It was wrapped in a parchment paper with a thin red ribbon to bind the wrapper. "What's this?" I asked while unwrapping what she gave me. It is an unfinished sketch of my face in charcoal pencil, enclosed in a wooden frame. I easily recognized that it was me despite the fact that some parts are not shaded yet. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan sa 1st anniversary natin," paliwanag niya. "Kaso.. k-kaso hindi na umabot. Kaya hindi ko na tinapos. Ayoko namang itapon, pero ayoko na ring itago. Kung.. kung gusto mong tapusin, o may kilala kang puwedeng magdugtong, ipagawa mo na lang siguro. O i-dispose mo na lang. Ang importante ay maibigay ko 'yan sa 'yo." "No, I won't dispose this, definitely. But I will keep it this way." I smiled. This will be a very good reminder of our relationship. Seems unfinished, yet there's