Share

Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)
Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)
Author: LiyaCollargaSiosa

Kabanata 1

last update Huling Na-update: 2024-12-30 15:22:06

Satya POV

Nasa ikalawang palapag ako ng mansiyon ng pamilyang Galbaldon, nagpupunas ng mga antigong muwebles na hindi ko kailanman magagawang bilhin kahit buong buhay kong ipunin ang sahod ko. Sa liit ng suweldo ko bilang kasambahay, sakto lang ‘to para sa mga kailangan ng pamilya ko. Pero ganito ang buhay ko ngayon—isang hamak na yaya, katulong at punching bag ng mga anak ng amo kong sina Madam Leonora at Sir Miguel.

“Hey, Satya!” sigaw ni Rian sa akin ang bunso sa magkapatid. Napalingon ako sa hagdan, hawak pa rin ang basahang basa ng furniture polish.

Ang mukha ni Rian, na para bang laging nasa gitna ng isang tantrum ay masama ang tingin sa akin ngayon kaya nakaramdam agad ako ng takot.

“What are you doing standing there? Do you think you're some kind of princess? Go clean my room. It's disgusting!” hiyaw niya habang ang boses ay umaalingawngaw sa buong mansiyon.

“Sandali lang po, Ma’am Rian,” sagot ko habang pilit na pinapalabas ang lambing sa tinig ko kahit gusto ko nang sumigaw. Bawat salita niya ay tila kutsilyong dumidiin sa aking pagkatao. Ang sakit sa akin na ganituhin, pero wala akong magagawa kasi mahirap lang ako at trabaho ko ito.

Nasanay na akong tawagin nilang “Tanga,” “Tamad,” at “Inutil.” Sinasabi ko sa sarili kong trabaho lang ito at darating ang araw na matatapos din ang lahat ng ito. Ngunit sa araw-araw na pang-aapi, nararamdaman ko kung paano ako unti-unting nawawala.

Pagod na akong apihin.

Sa bahay namin, ako ang breadwinner. Ako ang bumubuhay sa pamilya ko. Ang tatay ko, putol na ang isang paa dahil sa diabetes. Nasa bahay lang siya, kadalasan ay tulala, pinagmamasdan ang kanyang pilay na paa habang tila nawawala sa sarili. Ang nanay ko naman, nagtutulak ng kariton ng mga gulay sa palengke. Alas-tres pa lang ng umaga, nasa bangketa na siya, nagtitinda para lang may maiuwi kahit kaunting kita.

Ako? Dalawang gawain ang pinagsasabay ko—ang pagiging kasambahay sa mga Galbaldon at ang pag-aaral sa kolehiyo. Gusto kong makatapos para mabigyan ng mas magandang buhay ang pamilya ko. Pero habang pinapasan ko ang bigat ng responsibilidad, mas lalo kong nararamdamang nabibigatan ako.

“Tanga ka ba?”

Bumalik sa akin ang boses ni Rhea, ang panganay na anak ng Galbaldon, habang nakatayo siya sa harap ko, ang kanyang cellphone ay halos ipukpok na sa mukha ko. Mabuti na lang at hindi tumama sa akin.

“I said no sugar in my coffee! Can you even follow simple instructions?” sigaw niya. Tumulo ang kape sa sahig matapos niya itong ibagsak sa mesa. Ako ang kailangang maglinis, syempre.

“Pasensya na po, Ma’am Rhea,” sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Ayaw kong umiyak. Hindi ako puwede umiyak sa harap nila.

“Stupid maid,” bulong niya, pero malinaw ko itong narinig. Lumapit siya sa akin at itinulak ako nang bahagya sa balikat. “Clean this up, and don’t mess up again. If you can't even do your job right, maybe we should just fire you!”

Kung sana puwede lang. Pero hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho.

“Satya…”

Ito ang pinakakinatatakutan ko—ang malalim na boses ni Sir Miguel. Hatinggabi na at tapos na ang mga gawain ko. Nakaupo ako sa kusina, tahimik na iniinom ang natitirang mainit na tubig sa tasa ko, nang bigla siyang sumulpot.

“What are you still doing up?” tanong niya, ang mga mata niya ay tila nag-aapoy habang nakatitig sa akin. Napalunok ako habang pilit na inilalayo ang tingin ko sa kanya.

“Ah… tapos na po ako sa trabaho. Maliligo na po sana ako bago matulog.”

Lumapit siya sa akin. Napansin ko ang bahagyang ngisi sa kanyang labi. “You look tired, Satya. Want me to help you relax?”

Halos malaglag ko ang hawak kong tasa. Hindi ito ang unang beses na sinubukan niya akong bastusin, pero tuwing ginagawa niya ito, tila nadudurog ang kaluluwa ko.

“H-hindi na po, Sir. Okay lang po ako,” sagot ko sabay tayo. Tumalikod ako at nagmadaling pumunta sa quarters ko.

Araw-araw, ganito ang buhay ko. Gising sa madaling araw, trabaho buong araw at pag-aaral sa gabi. Ang katawan ko, napapagod na, pero ang puso ko, mas pagod pa. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung hanggang kailan ako magtitiis.

**

Habang naglalakad pauwi mula sa kolehiyo isang gabi, iniisip ko ang kwento ni Cinderella. Hindi ako naniniwala sa mga fairytale, pero minsan hindi ko maiwasang umasa. Kailan kaya darating ang araw na makakahanap ako ng prinsipe na mag-aahon sa akin mula sa impyernong ito?

Gusto ko lang naman mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya ko. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nararamdaman kong unti-unting nawawala ang sarili ko na para bang gusto ko nang mabaliw dahil sa mga nararanasan kong paghihirap sa buhay ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis. Pero isa lang ang sigurado ko—kailangan kong magtiis. Para sa pamilya ko. Para sa sarili ko. Para sa pag-asa na balang araw, magbabago rin ang lahat.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 2

    Colter POVAraw-araw, parang nakakasawa na ‘yung mga ginagawa ko. Weird lang kasi wala ng thrill ang buhay ko kasi kahit anong gusto ko, kayang-kaya kong makuha ko.Paulit-ulit na lang na puro meeting sa mga business kong hawak, bonding sa mga kaibigan kong nandiyan lang para sa connection, makipaglandian sa mga babaeng yaman ko lang ang gusto.Nakakainis lang isipin na kahit trilyonaryo na ako, saka pa ganito, walang sumiseryoso sa akin. Imposibleng pakinggan pero ‘yun ang totoo. Wala na akong nakikitang babae na seryosong mahalin ako. Napakatanga nila kasi ako na ‘to, Colter Alcazan, isa sa sikat na trilyonaryo sa Pilipinas, pero bakit ginagago nila ako?Ako na lang ang natitira sa pamilya Alcazan. Wala nang magulang, wala ring kapatid. Ang mga magulang ko, kinuha ng mundo sa paraang hindi makatarungan. Assassination. Pinaulanan ng bala ang sasakyan nila habang papunta sila sa isang business event. Nandito ako sa mansiyong ito noon, abala sa pakikipag-meeting sa mga shareholders, n

    Huling Na-update : 2024-12-30
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 3

    Satya POVNapabuntong-hininga ako habang nililingon ang mansyon ng mga Galbaldon. Parang palasyo, pero hindi kailanman nagdulot ng kasiyahan sa akin ang pagtatrabaho doon. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko, matagal na akong umalis sa lugar na iyon. Napakasakit sa pakiramdam na araw-araw kang inaapakan ng mga taong akala mo’y nasa pedestal.Wala pa akong sahod ngayong linggo, pero kailangan kong magtiis. Tahimik akong naglakad palabas ng street na iyon, dala ang kaunting lakas ng loob para umuwi kahit walang dalang ulam o bigas. Habang naglalakad ako, umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ng luma kong bag.“Satya,” boses ni Papa sa kabilang linya, malungkot.“Pa, pauwi na po ako.” Subukan ko mang itago ang pag-aalala sa boses ko, alam kong ramdam niya iyon.“Anak... wala tayong bigas ngayon. Puro bayad sa utang ang kinita ng Mama mo sa palengke,” aniya. Parang bumagsak ang buong mundo ko sa sinabi niya.Napahinto ako. Muli, wala kaming kakainin n

    Huling Na-update : 2025-01-02
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 4

    Colter POVMilyonaryo. Gwapo. Successful. At walang duda, pinapantasya ng halos lahat ng babaeng nakikilala ko. Pero ngayong nakaupo ako sa driver’s seat ng kotse ko, tagaktak ang pawis ko at mabilis ang tibok ng puso. Ito ay dahil may hinahabol akong lalaki—isang scammer na kumuha ng milyon-milyong piso mula sa kumpanya ko.“Damn it!” sigaw ko habang pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan ko. Kanina ko pa siya sinusundan, pero ang bilis ng motor niya. Paikot-ikot siya sa mga masisikip na eskinita ng lungsod habang pilit akong nilalayuan.Kinuha niya ang pera ko, pero hindi ko siya papayagang makatakas. Oo, trillionaire ako pero hindi ko ata kayang sayangin ang milyon-milyon na kinuha niya. Hindi ko palalagpasin ito.Nasa kalagitnaan ako ng paghabol nang bigla siyang lumiko sa kanan. Sa pagmamadali kong huwag siyang mawala, kinabig ko rin ang manibela pakanan, pero hindi ko napansin ang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada.“Sh*t!” Napadiin ako sa preno, pero huli na. Ang isang

    Huling Na-update : 2025-01-04
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 5

    Colter POVDati, pag sinabing pangalan ko, laging mayaman ang unang pumapasok sa isip ng mga tao. Trillionaire. Negosyante. Tagapagmana ng Alcazan empire. Pero hindi ko makakalimutan ang mga nakakasalamuha ko noon—mga babaeng mabilis umiwas ng tingin, mga lalaking patago ang tingin ng paghamak, at mga staff ko na halatang hindi man lang ako ma-idolize.Ngayon, ilang buwan matapos ang desisyon kong magbago, ibang-iba na ang sitwasyon.Hindi ko na sinayang ang oras. Pagbalik ko mula sa paghahabol sa scammer na iyon—kung saan halos wala akong nagawa kundi magmukhang kawawa—agad akong nagpagawa ng isang state-of-the-art gym dito sa mansion ko. Pinakamahal na equipment, imported weights at kahit sauna, meron dito. Wala akong dahilan para magpunta pa sa public gym.“Mr. Alcazan, today we’ll focus on core strength,” sabi ni Chad, ang private coach na kinuha ko. Isa siyang world-class trainer na dati pang nagtratrabaho sa mga kilalang atleta. Pero ngayon, full-time na siyang naka-assign sa ak

    Huling Na-update : 2025-01-04
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 6

    Colter POVSa likod ng malaking pagbabago ko sa katawan, hitsura, at lifestyle, isang bagay ang hindi nagbago—ang pagkakaibigan namin ng bestfriend kong si Damien. Siya ang taong palaging nandiyan, walang filter kung magsalita, pero sigurado kang totoo.Ngayon, nasa penthouse siya, isang napakalaking unit sa tuktok ng isa sa pinakamamahaling condominium sa lungsod. Parang nasa sarili niyang mundo si Damien—suot ang isang silk robe, may hawak na baso ng mamahaling alak, at nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window na tanaw ang buong skyline ng Garay City.“Colter, you’re late,” sabi niya nang lumingon sa akin, ang kilay niya ay nakataas.“Tch. You know I hate being rushed, Damien,” sagot ko habang inaabot ang baso ng whisky na inabot ng butler niya. Umupo ako sa malambot na leather couch at sinimulan ang gabing pagba-bonding namin.Ganito palagi ang bonding namin—isang tahimik na gabi na may mamahaling alak, magandang pelikula, at walang katapusang asaran.Habang nanonood kami ng is

    Huling Na-update : 2025-01-04
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 7

    Satya POVIsang ordinaryong umaga iyon sa mansiyon—o iyon ang akala ko. Habang nagsisimula pa lang akong magwalis sa sala, narinig ko ang malalakas na boses mula sa itaas. Tila may away na naman ang mag-iina.“Rhea! Rian! How many times do I have to tell you? Hindi kayo puwedeng umuwi ng madaling-araw!” galit na sigaw ni Madam Leonora mula sa taas ng hagdan. Napapailing si Satya kasi madalas gawin ng magkapatid iyon. Sure siyang umuwi na naman ang dalawa ng lasing.“Mama, we were just enjoying ourselves! Isang beses lang naman!” sagot ni Rhea, ang panganay.“Yeah, Mama! It’s not like we’re doing anything bad!” dagdag ni Rian, ang bunso. Mga sinungaling. Ilang beses na nilang ginagawa ‘yan. Ngayon lang sila nahuli.Napahinto ako sa pagwawalis, natatakot na baka marinig ako at mapagbuntunan ng init ng ulo ni Madam Leonora. Pero hindi ko rin maiwasang mapakinggan ang kanilang pag-aaway.“Enough!” Naputol ang kanilang pagtatalo sa malakas na sigaw ni Madam. “You two are not going to the b

    Huling Na-update : 2025-01-04
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 8

    Satya POV"Kaya ko ba talaga 'to?" tanong ko sa sarili habang binabaybay ang daan papunta sa bahay ng bestfriend kong si Taylin. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang iniisip ang mga mangyayari sa gabing ito. Mula noong sabihin sa akin ni Madam Leonora na ako ang isasama niya sa ball, hindi ako mapakali. Isang kasambahay na pupunta sa isang marangyang pagtitipon? Parang imposible. Pero nandito na ako, kailangan kong gawin ang lahat para hindi mapahiya si Madam.Si Taylin, ang bestfriend ko mula pa noong elementary, ang una kong naisip para tulungan ako. Bukod sa anak siya ng vice mayor at sanay sa mundo ng mga mayayaman, mahilig din siyang mag-makeup at mag-ayos. Marami rin siyang makeup tools na pang-professional, kaya alam kong siya lang ang makakatulong sa akin sa sitwasyong ito. Ang mahal kasi magpa-makeup ngayon kaya wala akong ibang maaasahan kundi si Taylin lang.Pagdating ko sa bahay nila Taylin na pagkalaki-laki, tinanggap ako agad ng kanilang kasambahay at pinatuloy sa malak

    Huling Na-update : 2025-01-07
  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 9

    Satya POVPagbukas ng pinto ng mansiyon, agad akong nakaramdam ng bigat ng mga tingin. Halos lahat ng kapwa ko kasambahay ay napalingon sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero para bang tumigil ang oras. Tumigil rin ako sa pinto, bahagyang nakayuko at hindi malaman kung saan ipapako ang paningin.“Aba! Si Satya ba talaga ‘yan? Parang hindi ko na siya makilala!” ang bungad ni Ate Maring na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya.“Sabi ko na eh, maganda talaga si Satya. Hindi lang halata kasi hindi siya mahilig mag-ayos,” dagdag ni Tita Linda, sabay ngiti sa akin.“Grabe, parang artista! Anong sekreto mo, Satya?” tanong naman ni Nida, ang pinakamalapit kong kaibigan sa mansiyon.“Naku, parang hindi na ikaw ang kasama namin dito sa kusina! Ang ganda mo, parang may dugong prinsesa!” sabi ni Aling Luz habang nagkukrus pa ng mga braso sa dibdib.“Siguradong mapapahiya ang magkapatid na ‘yon! Hindi nila ‘to inaasahan,” hirit ni Bert, ang driver na halatang aliw na aliw sa itsur

    Huling Na-update : 2025-01-07

Pinakabagong kabanata

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 26

    Satya POVKahit busog na ako mula sa dinner sa restaurant nina Nanay at Tatay, wala akong nagawa kundi umupo sa hapag-kainan para sabayan si Colter. Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang pagod at bahagyang galit, pero hindi na kasing tindi ng kanina.“Eat,” sabi niya habang inaabot ang isang plato sa akin. “I don’t want you skipping meals.”Ewan ko ba, parang siya ang tatay ko. Hindi siya galit dahil late ako, galit pala siya kasi akala niya ay nagpapalipas ako ng gutom. Hindi niya alam, busog na ako dahil kakakain ko lang.“Okay,” sagot ko habang pilit na ngumingiti. Kahit gusto kong sabihin na busog pa ako, alam kong hindi niya iyon tatanggapin bilang sagot. Kaya kahit mabigat na ang tiyan ko, kumuha ako ng kaunting pagkain at sinimulan itong kainin.Dahan-dahan na lang ako sa pagkain para hindi ako mabusog lalo.Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan o kung kailangan pa bang magsalita. Pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko dahil mas

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 25

    Satya POVMaaga pa naman at hindi pa ako gaanong pagod, kaya naisip kong dumaan sa bagong bahay nina Nanay at Tatay. Ilang na rin mula nang huli kong makita sila, at curious din akong makita ang bahay na para sa kanila.Akala nila ay kaya hindi rin ako umuuwi sa bagong bahay namin ay dahil naka-stay ako sa mansiyon ng pamilya gabaldon pero ang totoo ay sa bahay ni Colter ako umuuwi tuwing gabi.Bumaba ako sa tricycle pagkaabot ko ng bayad kay Manong. Pagdating ko sa harap ng bahay nila nanay at tatay agad kong napansin ang bagong at maayos na nilang bahay. Ang dating maliit na bahay na halos hindi namin mapuno ng gamit ay ngayon puno ng magagarang kagamitan sa bagong bahay na ito. May Malaking fridge, flat screen TV, mga bagong upuan, at dining set na parang galing pa sa mamahaling furniture shop. Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.“Wow,” bulong ko habang iniikot ang paningin ko sa sala. Walang tao sa bahay. May susi lang ako kasi inabutan ako ni Terter ng susi ng bahay na

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 24

    Satya POV Pagod man, hindi ko mapigilan ang excitement na maramdaman nang mag-aya si Taylin na kumain sa labas pagkatapos ng trabaho ko. Isang mahabang araw na naman ang natapos sa Pamilyang Gabaldon, at ang simpleng pagkain sa labas ay parang malaking reward na para sa akin. Kasama pa namin ang kaibigan naming si Orin, kaya sigurado akong mas masaya ang gabi. Libre na naman ako ng mga friend kong rich kid. “Libre ko,” sabi ni Taylin habang nilalakad namin ang daan palabas ng Gabaldon mansion. “Kaya order lang kayo ng gusto niyo.” “Sigurado ka?” tanong ko sabay tawa. Kahit ang totoo ay dati namang puro siya ang nanlilibre sa amin. “Baka magalit ang wallet mo.” “Walang problema,” sagot niya sabay wink. “Deserve ko rin namang gumastos paminsan-minsan para sa mga kaibigan ko.” Sumakay kami sa sasakyan ni Orin at habang bumibiyahe, nagkukulitan kami sa mga kuwento mula sa trabaho at buhay-buhay. Nakaupo ako sa likod habang si Taylin at Orin ay nasa harap. Napansin kong parang may pina

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 23

    Satya POVPagmulat ng mga mata ko, masarap sa pakiramdam kasi parang napaka-perfect ng tulog ko. Hindi manlang ata ako naalimpungatan, pero nang maramdaman kong may kakaiba ay doon na ako tuluyang dumilat. Putangina! Ano ‘to—bakit ako nakayakap sa natutulog na si Colter?!Parang tumigil ang mundo ko habang napatingin ako sa mukha niya—banayad ang paghinga, perpekto ang bawat anggulo, at parang gawa ng mga diyos ang mukha niya. Anong ginagawa ko? tanong ko sa sarili ko habang nanlalamig ang buong katawan ko sa gulat. Grabe, ang umbok ng dibdib niya na yakap-yakap ko. Ang matipuno ng katawan niya. Ibig sabihin ay matagal na akong nakaganito sa kaniya?Hindi ko alam kung aalis ba ako sa posisyon ko o hindi. Nakapako ako sa mukha niya. Napakaguwapo naman talaga ng lalaking ito. Ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong, at ang natural na linya ng kanyang labi—para bang isang obra maestra na hindi kayang pantayan ng kahit sinong artist. Napaisip tuloy ako kung paano naging posibl

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 22

    Colter POVNang tawagin ko si Satya, nakita kong para siyang estatwa na nakatayo lang sa may harap ko paglapit niya rito sa dining area, parang walang buhay, mukhang pagod na pagod, at halatang galing sa iyak. Ang bigat sa dibdib tingnan ang ganoong kalagayan, pero hindi ko alam kung bakit. Sa unang tingin, halatang may mabigat siyang pinagdaraanan.Napakunot ang noo ko. Bukod ba sa pagiging kasambahay, may iba pa siyang trabaho? Hindi ko maiwasang mag-isip. May mga taong nagkakandarapa sa pera, at minsan, kahit ang katawan ay nagiging puhunan na. Hindi naman siguro ako nakakuha ng asawa na pokpök? Sana ay hindi kasi maaga palang ay paaalisin ko na siya."Hindi naman siguro," bulong ko sa sarili ko. Pero alam mo iyon, kapag ganoon ang itsura ng isang tao, mahirap pigilan ang mag-isip ng masama."Eat," malamig kong sabi sa kaniya habang nakaupo na ako sa dulo. Hindi ko na iniwasang magmukhang brusko. "I don’t want to sleep beside someone who smells bad and feels filthy. So after you e

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 21

    Satya POVPagkatapos ng isang buong araw ng walang katapusang trabaho, halos wala na akong lakas na maglakad palabas ng mansiyon ng pamilyang Gabaldon. Tatlong kuwarto ang pinaglilinis sa akin ngayong araw, at parang binitiwan na rin ng katawan ko ang anumang natitirang energy ko.“Satya, maaga ka na lang umuwi,” sabi ni Tita Linda—ang mayordoma dito sa mansiyon ng pamilyang gabaldon, habang pinupunasan niya ang pawis sa noo ko. “Mukha kang babagsak sa pagod. Kami na ang bahala dito. Wala naman na sila, kaya sige, uwi na at magpahinga ka na.”Gusto ko sanang tumanggi, pero hindi ko na kaya. Ang bigat ng pakiramdam ko, at alam kong kung pipilitin ko pang manatili doon, baka mag-collapse lang ako sa gitna ng sala. Tumango ako bilang pasasalamat bago ako naglakad palabas ng malaking gate ng mansiyon.Habang nasa daan, hinugot ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Taylin, ang matalik kong kaibigan.“Hello, Taylin?” tanong ko nang sagutin niya ang tawag.“Satya? Ano’ng nangyar

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 20

    Colter POV Narinig ko ang tunog ng cellphone ko habang nakaupo ako sa balcony ng condo, hawak ang isang baso ng scotch. Ang pangalan ni Damien ang nag-flash sa screen. Alam ko na agad na may nakabaang na agad siyang kabundulan na sasabihin, lalo na’t siya ang tipo ng tao na laging may iniisip na kagaguhan. Hindi ko nga alam kung bakit kumagat ako sa pusta niya. Heto, nakasal na tuloy agad ako dahil sa pustahan na iyon. Sana naman ay matinong babae ang Satya na ‘yon. Sana ay hindi ako nakakuha ng mapapangasawa na sakit sa ulo. Sinagot ko ang tawag at saka nilapat ang baso sa lamesa. “What is it, Damien?” tanong ko na halos naiinip na agad. “Colter!” sigaw niya sa kabilang linya habang ang boses niya ay parang nakainom na ng tequila. Mukhang lasing siya. “I heard the news! Congratulations on tying the knot with that woman you took home from the ball! You sly fox!” Napangisi ako, bahagyang tumango habang sinasandalan ang upuan. “Word travels fast. You’re well-informed, as usual.” “Of

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 19

    Satya POV“Satya! Anong tagal mo diyan? Hindi ka ba marunong gumamit ng brush?” malakas na sigaw ni Rhea mula sa labas ng banyo. Kapag naglilinis ako, nakabantay siya nang nakabantay. Masaya siya na inaapi at nahihirapan ako. Mas lalong dumoble ang galit nila sa akin dahil sa binibintang ng ama nila.“Patapos na po, ma’am,” sagot ko nalang habang pilit na pinipigilan ang pagluha ko.Hawak ang toilet brush, dahan-dahan kong kinuskos ang gilid ng inidoro. Pumipintig ang likod ko sa pagod, pero tuloy lang ako. Ang amoy ng panlinis ay masyadong matapang, ngunit parang wala na akong karapatang magreklamo.Habang abala ako sa paglilinis, nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ng luma kong apron. Agad kong hinugasan ang kamay ko at kinuha ang telepono. Si Terter ang tumatawag.“Hello, Terter—” naputol ko ang sasabihin ko nang mapansin ko si Rhea na nakatayo sa pintuan ng banyo. Nakapamewang siya, nakataas ang kilay at puno ng panunuya ang mukha.“Wow. Nagce-cellphone ka pa habang nasa trabaho? S

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 18

    Satya POVKumakabog ang dibdib ko habang kausap si Terter. Ayoko siyang lokohin, pero alam kong hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. May urgency sa boses ni Madam Leonora nang tawagan niya ako kanina, kaya wala akong choice kundi sumunod.“Terter,” malumanay kong bungad habang nasa garden siya at nagdidilig ng mga halaman.“Yes, ma’am Satya? Anything you need?” tanong niya habang nakangiti.“I need to step out for a while. May bibilhin lang ako sa convenience store.”Natigilan siya. “Bibilhin? I can have someone get it for you. No need to—”“I insist,” putol ko habang pilit ang ngiti. “Gusto ko lang makalabas ng kaunti. Hindi ako magtatagal.”Pansin ko ang pag-aalangan niya pero sa huli, tumango siya. “Okay, ma’am. I’ll call the driver to take you there.”“Thank you,” sagot ko sabay bitbit ng maliit kong bag.Ang sosyal kasi magarang kotse pa ang sinakyan ko para ihatid ako sa convenience store. Huminto ang sasakyan sa harap ng convenience store, at dali-dali akong bumaba. Sinilip pa

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status