Colter POV
Dati, pag sinabing pangalan ko, laging mayaman ang unang pumapasok sa isip ng mga tao. Trillionaire. Negosyante. Tagapagmana ng Alcazan empire. Pero hindi ko makakalimutan ang mga nakakasalamuha ko noon—mga babaeng mabilis umiwas ng tingin, mga lalaking patago ang tingin ng paghamak, at mga staff ko na halatang hindi man lang ako ma-idolize. Ngayon, ilang buwan matapos ang desisyon kong magbago, ibang-iba na ang sitwasyon. Hindi ko na sinayang ang oras. Pagbalik ko mula sa paghahabol sa scammer na iyon—kung saan halos wala akong nagawa kundi magmukhang kawawa—agad akong nagpagawa ng isang state-of-the-art gym dito sa mansion ko. Pinakamahal na equipment, imported weights at kahit sauna, meron dito. Wala akong dahilan para magpunta pa sa public gym. “Mr. Alcazan, today we’ll focus on core strength,” sabi ni Chad, ang private coach na kinuha ko. Isa siyang world-class trainer na dati pang nagtratrabaho sa mga kilalang atleta. Pero ngayon, full-time na siyang naka-assign sa akin. “I don’t want to just focus on strength, Chad. I want results—quick results,” sabi ko habang nakatingin sa sarili sa salamin. Nagsimula na ring lumiit ang tiyan ko, pero hindi pa ako kontento. “Yes, sir. But remember, it’s not just about speed. It’s about consistency.” Tumango na lang ako. Sa presyo ng bayad ko sa kaniya, alam kong kaya niya akong gawing parang Greek god. Habang nagpapatuloy ang pagbabago sa katawan ko, naisip ko ring panahon na para ayusin ang mukha ko. Dumaan ako sa matinding puberty noon, at naiwan sa akin ang mga peklat mula sa tagyawat na hindi ko na naisip ayusin. Ngayon, trinabaho ko iyon nang husto. Regular akong pumunta sa The Aesthetics Lounge, isang high-end derma clinic na kilala sa mga celebrity clients nito. “Mr. Alcazan, your skin is looking better each session,” sabi ng dermatologist ko. “Good. I want it flawless. Money isn’t an issue, so don’t hold back,” sagot ko. “Yes, sir. We’ll include diamond microdermabrasion, stem cell therapy, and gold-infused facials in your next sessions. Your skin will look as good as new.” Pagkatapos ng ilang buwan ng treatments, parang ibang tao na ang nakikita ko sa salamin. Wala na ang tagyawat. Wala na ang insecurity. Naging mas confident na ako humarap sa kahit sino. Noon, wala akong pakialam sa pormahan. Jeans at simpleng shirt lang ang madalas kong suot. Pero ngayon, kinuha ko ang pinakamagaling na stylist sa bansa para baguhin ang buong wardrobe ko. “Mr. Alcazan, your body is now the perfect canvas for tailored suits,” sabi ng stylist ko habang sinukat niya ako para sa mga bagong damit. “Tailored suits, luxury watches, and shoes—make sure everything is top-tier,” utos ko. Ngayon, kahit saan ako magpunta, kitang-kita ang klase at yaman ko. Hindi lang sa bank account, kundi pati na rin sa tindig at porma. Hindi ko rin kinalimutan ang kakulangan ko pagdating sa self-defense. Kumuha ako ng martial arts instructor, at sinimulan kong pag-aralan ang mixed martial arts, Krav Maga, at maging ang paggamit ng baril. “Your stance is improving, sir,” sabi ng instructor ko habang binabantayan ang bawat galaw ko. “I need to be perfect at this. No weaknesses,” sagot ko habang pinagpapawisan pero mas determinado kaysa dati. Ang pag-aaral ng martial arts at self-defense ang nagbigay sa akin ng kumpiyansa na kahit sinong scammer o kriminal pa ang humarap sa akin, hindi na nila ako basta-basta matatalo. Ilang buwan lang ang lumipas, pero parang ibang tao na ako. Mula ulo hanggang paa, halatang pinaghandaan ko ang bawat aspeto ng sarili ko. Ang katawan ko ngayon, matipuno at parang nililok ng eksperto. Ang mukha ko, makinis at may natural glow na kahit ang mga staff ko ay hindi na maitago ang paghanga. “Sir, you look amazing today,” sabi ng assistant ko isang umaga habang papasok ako sa opisina. Ngumiti lang ako. Sanay na akong makarinig ng ganitong papuri, pero minsan hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating binabalewala lang ng mga tao ay halos pinagkakaguluhan na ngayon. Kapag dumadaan ako sa hallway ng kumpanya, naririnig ko ang bulong ng mga empleyado ko. “Grabe, ang hot ni Mr. Alcazan ngayon.” “Parang hindi na siya yung dating boss natin!” “Crush ko na siya, promise!” Hindi lang iyon. Kapag nasa labas ako, halos maglaway na ang mga babae kapag tumitingin sila sa akin. Kung dati, halos hindi nila ako magawang tignan ng diretso, ngayon halatang gusto nilang mapansin ko sila. Habang nakaupo ako sa terrace ng mansyon ko isang gabi, iniisip ko ang lahat ng nangyari. Kung gaano kalayo na ang narating ko mula sa dating ako. “Colter Alcazan, you’ve outdone yourself,” sabi ko sa sarili ko na nakangiti habang iniinom ang isang basong mamahaling whisky. Pero alam ko rin na hindi pa ito ang katapusan. Sa bagong anyo ko, alam kong mas marami pa akong maabot. Ang tanong na lang ay, sino kaya ang susunod na babaeng magiging bahagi ng bagong buhay ko?Colter POVSa likod ng malaking pagbabago ko sa katawan, hitsura, at lifestyle, isang bagay ang hindi nagbago—ang pagkakaibigan namin ng bestfriend kong si Damien. Siya ang taong palaging nandiyan, walang filter kung magsalita, pero sigurado kang totoo.Ngayon, nasa penthouse siya, isang napakalaking unit sa tuktok ng isa sa pinakamamahaling condominium sa lungsod. Parang nasa sarili niyang mundo si Damien—suot ang isang silk robe, may hawak na baso ng mamahaling alak, at nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window na tanaw ang buong skyline ng Garay City.“Colter, you’re late,” sabi niya nang lumingon sa akin, ang kilay niya ay nakataas.“Tch. You know I hate being rushed, Damien,” sagot ko habang inaabot ang baso ng whisky na inabot ng butler niya. Umupo ako sa malambot na leather couch at sinimulan ang gabing pagba-bonding namin.Ganito palagi ang bonding namin—isang tahimik na gabi na may mamahaling alak, magandang pelikula, at walang katapusang asaran.Habang nanonood kami ng is
Satya POVIsang ordinaryong umaga iyon sa mansiyon—o iyon ang akala ko. Habang nagsisimula pa lang akong magwalis sa sala, narinig ko ang malalakas na boses mula sa itaas. Tila may away na naman ang mag-iina.“Rhea! Rian! How many times do I have to tell you? Hindi kayo puwedeng umuwi ng madaling-araw!” galit na sigaw ni Madam Leonora mula sa taas ng hagdan. Napapailing si Satya kasi madalas gawin ng magkapatid iyon. Sure siyang umuwi na naman ang dalawa ng lasing.“Mama, we were just enjoying ourselves! Isang beses lang naman!” sagot ni Rhea, ang panganay.“Yeah, Mama! It’s not like we’re doing anything bad!” dagdag ni Rian, ang bunso. Mga sinungaling. Ilang beses na nilang ginagawa ‘yan. Ngayon lang sila nahuli.Napahinto ako sa pagwawalis, natatakot na baka marinig ako at mapagbuntunan ng init ng ulo ni Madam Leonora. Pero hindi ko rin maiwasang mapakinggan ang kanilang pag-aaway.“Enough!” Naputol ang kanilang pagtatalo sa malakas na sigaw ni Madam. “You two are not going to the b
Satya POV"Kaya ko ba talaga 'to?" tanong ko sa sarili habang binabaybay ang daan papunta sa bahay ng bestfriend kong si Taylin. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang iniisip ang mga mangyayari sa gabing ito. Mula noong sabihin sa akin ni Madam Leonora na ako ang isasama niya sa ball, hindi ako mapakali. Isang kasambahay na pupunta sa isang marangyang pagtitipon? Parang imposible. Pero nandito na ako, kailangan kong gawin ang lahat para hindi mapahiya si Madam.Si Taylin, ang bestfriend ko mula pa noong elementary, ang una kong naisip para tulungan ako. Bukod sa anak siya ng vice mayor at sanay sa mundo ng mga mayayaman, mahilig din siyang mag-makeup at mag-ayos. Marami rin siyang makeup tools na pang-professional, kaya alam kong siya lang ang makakatulong sa akin sa sitwasyong ito. Ang mahal kasi magpa-makeup ngayon kaya wala akong ibang maaasahan kundi si Taylin lang.Pagdating ko sa bahay nila Taylin na pagkalaki-laki, tinanggap ako agad ng kanilang kasambahay at pinatuloy sa malak
Satya POVPagbukas ng pinto ng mansiyon, agad akong nakaramdam ng bigat ng mga tingin. Halos lahat ng kapwa ko kasambahay ay napalingon sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero para bang tumigil ang oras. Tumigil rin ako sa pinto, bahagyang nakayuko at hindi malaman kung saan ipapako ang paningin.“Aba! Si Satya ba talaga ‘yan? Parang hindi ko na siya makilala!” ang bungad ni Ate Maring na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya.“Sabi ko na eh, maganda talaga si Satya. Hindi lang halata kasi hindi siya mahilig mag-ayos,” dagdag ni Tita Linda, sabay ngiti sa akin.“Grabe, parang artista! Anong sekreto mo, Satya?” tanong naman ni Nida, ang pinakamalapit kong kaibigan sa mansiyon.“Naku, parang hindi na ikaw ang kasama namin dito sa kusina! Ang ganda mo, parang may dugong prinsesa!” sabi ni Aling Luz habang nagkukrus pa ng mga braso sa dibdib.“Siguradong mapapahiya ang magkapatid na ‘yon! Hindi nila ‘to inaasahan,” hirit ni Bert, ang driver na halatang aliw na aliw sa itsur
Satya POVSa sandaling lumapit ako sa buffet table, nanlaki ang mga mata ko sa dami ng masasarap na pagkain na nakalatag sa harap ko. May mga pagkain akong hindi pa kailanman nakita at lalo na, hindi pa natitikman. Hindi ko napigilang ngumiti nang malaki habang tinutunton ang bawat pagkain, iniisip ko kung ano ang uunahin ko."Saan ka magsisimula, Satya? Ang dami nito," bulong ko sa sarili habang kumukuha ng maliit na plato.Pagkakuha ko ng maliit na hiwa ng steak, halos matunaw iyon sa bibig ko sa unang kagat. "Ang sarap! Grabe, ganito pala ‘to kasarap," sabi ko nang pabulong na tila hindi makapaniwala. Napapikit pa ako habang nilalasap ang lasa.Naramdaman ko ang bahagyang kirot sa dibdib ko. Sana nandito si Nanay at Tatay. Sila ang madalas kong kasama sa mga simpleng hapunan sa bahay. Sa isipan ko, iniisip kong sana natitikman din nila ang ganitong klaseng pagkain."Ang sarap siguro kung nandito si Nanay," bulong ko habang kumukuha ng mashed potato. "At si Tatay, tiyak na magugustu
Colter POVPagpasok ko sa event ball, bumungad agad ang mararangyang ilaw at mamahaling dekorasyon. Halos lahat ng tao dito ay mukhang galing sa mundo ng kayamanan—mga naka-designer suits at gowns na tila ipinangalandakan ang kanilang estado sa buhay. Pero wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging goal ko ngayong gabi ay siguraduhing matatalo si Damien sa pustahan namin.Halos hindi na ako makilala ng mga tao rito dahil sa bagong anyo ko. Pero pansin ko na ilan sa mga kababaihan ay nakatingin sa akin. Ilan sa mga followers ko sa social media ay tiyak na kilala at namumukhaan na ako. Lalo na ‘yung ibang mga naging ex-girlfriend ko. Gusto nilang magpapansin sa akin pero wala na ‘yung effect dahil hindi na sila welcome sa buhay ko. Iba na ang gusto ko ngayon.Isang bilyong piso ang nakataya para sa pustahan namin ni Damien at ayokong hayaan siyang manalo. Sa pustahan namin, simple lang ang usapan—kailangan makakapag-uwi ako ng isang babae mula sa event na ito, para manalo ako.Sa gilid
Colter POVTahimik kaming dalawa ni Satya habang nasa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat siya, nakatingin lang sa kawalan, tila malayo ang iniisip. Hindi ko maiwasang tingnan siya mula sa gilid ng aking mata. Kung tutuusin, kahit simpleng babae siya, may kakaibang bagay sa kanya na parang hindi ko maipaliwanag.Pero hindi ako nagmadali. Hinayaan ko lang ang katahimikan, hanggang sa bigla siyang nagsalita.“Ang hirap talaga ng buhay,” bulong niya na halos hindi ko narinig. Tila magsisimula na siyang magdrama dala nang kalasingan niya.Pagkatapos ng ilang saglit, tumulo ang luha niya. Napatigil tuloy ako sa pagngiti. Hindi ko inasahan iyon.“Sino bang hindi iiyak sa buhay ko?” nagsimula siyang magsalita habang pinupunasan ang mga mata. “Ang totoo, kasambahay lang ako. Sinama lang ako ng amo ko sa event na ‘to para parusahan ang mga anak niyang bruha. Breadwinner ako sa pamilya. Ang nanay ko, nagtitinda lang ng gulay sa palengke. Ang tatay ko, wala nang trabaho.”Tahimik akong nakinig
Satya POVNapamulagat ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha mula sa isang bintanang may kurtinang kulay champagne. Pagdilat ko nang tuluyan, napansin kong nasa isang napakagarang kuwarto ako—mas magara pa kaysa sa nakikita ko sa mga magazines o telenovela.Ang buong paligid ay parang isang palasyo. Ang higaan kong kinalalagyan ay napakalambot, may baldakin pang puti at gintong tela na tila inukit mula sa ulap. Ang kisame ay may intricate na disenyo ng mga bituin at bulaklak, na parang sinadyang ilapat ng isang master sa sining. Sa gilid ng kama, may mga side table na gawa sa marmol at ginto. May lampshade itong hugis parang korona at mamahaling relo na mukhang mas mahal pa sa buong bahay ko.Ang mga pader ng kuwarto ay gawa sa puting marmol, may accent na gintong linya, at may nakasabit pang malalaking painting na mukhang gawa ng mga sikat na pintor. Sa isang sulok, may malaking chandelier na may kristal na parang bahaghari kapag tinatamaan ng ilaw. May carpet na kulay cream na an
Satya POVKahit busog na ako mula sa dinner sa restaurant nina Nanay at Tatay, wala akong nagawa kundi umupo sa hapag-kainan para sabayan si Colter. Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang pagod at bahagyang galit, pero hindi na kasing tindi ng kanina.“Eat,” sabi niya habang inaabot ang isang plato sa akin. “I don’t want you skipping meals.”Ewan ko ba, parang siya ang tatay ko. Hindi siya galit dahil late ako, galit pala siya kasi akala niya ay nagpapalipas ako ng gutom. Hindi niya alam, busog na ako dahil kakakain ko lang.“Okay,” sagot ko habang pilit na ngumingiti. Kahit gusto kong sabihin na busog pa ako, alam kong hindi niya iyon tatanggapin bilang sagot. Kaya kahit mabigat na ang tiyan ko, kumuha ako ng kaunting pagkain at sinimulan itong kainin.Dahan-dahan na lang ako sa pagkain para hindi ako mabusog lalo.Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan o kung kailangan pa bang magsalita. Pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko dahil mas
Satya POVMaaga pa naman at hindi pa ako gaanong pagod, kaya naisip kong dumaan sa bagong bahay nina Nanay at Tatay. Ilang na rin mula nang huli kong makita sila, at curious din akong makita ang bahay na para sa kanila.Akala nila ay kaya hindi rin ako umuuwi sa bagong bahay namin ay dahil naka-stay ako sa mansiyon ng pamilya gabaldon pero ang totoo ay sa bahay ni Colter ako umuuwi tuwing gabi.Bumaba ako sa tricycle pagkaabot ko ng bayad kay Manong. Pagdating ko sa harap ng bahay nila nanay at tatay agad kong napansin ang bagong at maayos na nilang bahay. Ang dating maliit na bahay na halos hindi namin mapuno ng gamit ay ngayon puno ng magagarang kagamitan sa bagong bahay na ito. May Malaking fridge, flat screen TV, mga bagong upuan, at dining set na parang galing pa sa mamahaling furniture shop. Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.“Wow,” bulong ko habang iniikot ang paningin ko sa sala. Walang tao sa bahay. May susi lang ako kasi inabutan ako ni Terter ng susi ng bahay na
Satya POV Pagod man, hindi ko mapigilan ang excitement na maramdaman nang mag-aya si Taylin na kumain sa labas pagkatapos ng trabaho ko. Isang mahabang araw na naman ang natapos sa Pamilyang Gabaldon, at ang simpleng pagkain sa labas ay parang malaking reward na para sa akin. Kasama pa namin ang kaibigan naming si Orin, kaya sigurado akong mas masaya ang gabi. Libre na naman ako ng mga friend kong rich kid. “Libre ko,” sabi ni Taylin habang nilalakad namin ang daan palabas ng Gabaldon mansion. “Kaya order lang kayo ng gusto niyo.” “Sigurado ka?” tanong ko sabay tawa. Kahit ang totoo ay dati namang puro siya ang nanlilibre sa amin. “Baka magalit ang wallet mo.” “Walang problema,” sagot niya sabay wink. “Deserve ko rin namang gumastos paminsan-minsan para sa mga kaibigan ko.” Sumakay kami sa sasakyan ni Orin at habang bumibiyahe, nagkukulitan kami sa mga kuwento mula sa trabaho at buhay-buhay. Nakaupo ako sa likod habang si Taylin at Orin ay nasa harap. Napansin kong parang may pina
Satya POVPagmulat ng mga mata ko, masarap sa pakiramdam kasi parang napaka-perfect ng tulog ko. Hindi manlang ata ako naalimpungatan, pero nang maramdaman kong may kakaiba ay doon na ako tuluyang dumilat. Putangina! Ano ‘to—bakit ako nakayakap sa natutulog na si Colter?!Parang tumigil ang mundo ko habang napatingin ako sa mukha niya—banayad ang paghinga, perpekto ang bawat anggulo, at parang gawa ng mga diyos ang mukha niya. Anong ginagawa ko? tanong ko sa sarili ko habang nanlalamig ang buong katawan ko sa gulat. Grabe, ang umbok ng dibdib niya na yakap-yakap ko. Ang matipuno ng katawan niya. Ibig sabihin ay matagal na akong nakaganito sa kaniya?Hindi ko alam kung aalis ba ako sa posisyon ko o hindi. Nakapako ako sa mukha niya. Napakaguwapo naman talaga ng lalaking ito. Ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong, at ang natural na linya ng kanyang labi—para bang isang obra maestra na hindi kayang pantayan ng kahit sinong artist. Napaisip tuloy ako kung paano naging posibl
Colter POVNang tawagin ko si Satya, nakita kong para siyang estatwa na nakatayo lang sa may harap ko paglapit niya rito sa dining area, parang walang buhay, mukhang pagod na pagod, at halatang galing sa iyak. Ang bigat sa dibdib tingnan ang ganoong kalagayan, pero hindi ko alam kung bakit. Sa unang tingin, halatang may mabigat siyang pinagdaraanan.Napakunot ang noo ko. Bukod ba sa pagiging kasambahay, may iba pa siyang trabaho? Hindi ko maiwasang mag-isip. May mga taong nagkakandarapa sa pera, at minsan, kahit ang katawan ay nagiging puhunan na. Hindi naman siguro ako nakakuha ng asawa na pokpök? Sana ay hindi kasi maaga palang ay paaalisin ko na siya."Hindi naman siguro," bulong ko sa sarili ko. Pero alam mo iyon, kapag ganoon ang itsura ng isang tao, mahirap pigilan ang mag-isip ng masama."Eat," malamig kong sabi sa kaniya habang nakaupo na ako sa dulo. Hindi ko na iniwasang magmukhang brusko. "I don’t want to sleep beside someone who smells bad and feels filthy. So after you e
Satya POVPagkatapos ng isang buong araw ng walang katapusang trabaho, halos wala na akong lakas na maglakad palabas ng mansiyon ng pamilyang Gabaldon. Tatlong kuwarto ang pinaglilinis sa akin ngayong araw, at parang binitiwan na rin ng katawan ko ang anumang natitirang energy ko.“Satya, maaga ka na lang umuwi,” sabi ni Tita Linda—ang mayordoma dito sa mansiyon ng pamilyang gabaldon, habang pinupunasan niya ang pawis sa noo ko. “Mukha kang babagsak sa pagod. Kami na ang bahala dito. Wala naman na sila, kaya sige, uwi na at magpahinga ka na.”Gusto ko sanang tumanggi, pero hindi ko na kaya. Ang bigat ng pakiramdam ko, at alam kong kung pipilitin ko pang manatili doon, baka mag-collapse lang ako sa gitna ng sala. Tumango ako bilang pasasalamat bago ako naglakad palabas ng malaking gate ng mansiyon.Habang nasa daan, hinugot ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Taylin, ang matalik kong kaibigan.“Hello, Taylin?” tanong ko nang sagutin niya ang tawag.“Satya? Ano’ng nangyar
Colter POV Narinig ko ang tunog ng cellphone ko habang nakaupo ako sa balcony ng condo, hawak ang isang baso ng scotch. Ang pangalan ni Damien ang nag-flash sa screen. Alam ko na agad na may nakabaang na agad siyang kabundulan na sasabihin, lalo na’t siya ang tipo ng tao na laging may iniisip na kagaguhan. Hindi ko nga alam kung bakit kumagat ako sa pusta niya. Heto, nakasal na tuloy agad ako dahil sa pustahan na iyon. Sana naman ay matinong babae ang Satya na ‘yon. Sana ay hindi ako nakakuha ng mapapangasawa na sakit sa ulo. Sinagot ko ang tawag at saka nilapat ang baso sa lamesa. “What is it, Damien?” tanong ko na halos naiinip na agad. “Colter!” sigaw niya sa kabilang linya habang ang boses niya ay parang nakainom na ng tequila. Mukhang lasing siya. “I heard the news! Congratulations on tying the knot with that woman you took home from the ball! You sly fox!” Napangisi ako, bahagyang tumango habang sinasandalan ang upuan. “Word travels fast. You’re well-informed, as usual.” “Of
Satya POV“Satya! Anong tagal mo diyan? Hindi ka ba marunong gumamit ng brush?” malakas na sigaw ni Rhea mula sa labas ng banyo. Kapag naglilinis ako, nakabantay siya nang nakabantay. Masaya siya na inaapi at nahihirapan ako. Mas lalong dumoble ang galit nila sa akin dahil sa binibintang ng ama nila.“Patapos na po, ma’am,” sagot ko nalang habang pilit na pinipigilan ang pagluha ko.Hawak ang toilet brush, dahan-dahan kong kinuskos ang gilid ng inidoro. Pumipintig ang likod ko sa pagod, pero tuloy lang ako. Ang amoy ng panlinis ay masyadong matapang, ngunit parang wala na akong karapatang magreklamo.Habang abala ako sa paglilinis, nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ng luma kong apron. Agad kong hinugasan ang kamay ko at kinuha ang telepono. Si Terter ang tumatawag.“Hello, Terter—” naputol ko ang sasabihin ko nang mapansin ko si Rhea na nakatayo sa pintuan ng banyo. Nakapamewang siya, nakataas ang kilay at puno ng panunuya ang mukha.“Wow. Nagce-cellphone ka pa habang nasa trabaho? S
Satya POVKumakabog ang dibdib ko habang kausap si Terter. Ayoko siyang lokohin, pero alam kong hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. May urgency sa boses ni Madam Leonora nang tawagan niya ako kanina, kaya wala akong choice kundi sumunod.“Terter,” malumanay kong bungad habang nasa garden siya at nagdidilig ng mga halaman.“Yes, ma’am Satya? Anything you need?” tanong niya habang nakangiti.“I need to step out for a while. May bibilhin lang ako sa convenience store.”Natigilan siya. “Bibilhin? I can have someone get it for you. No need to—”“I insist,” putol ko habang pilit ang ngiti. “Gusto ko lang makalabas ng kaunti. Hindi ako magtatagal.”Pansin ko ang pag-aalangan niya pero sa huli, tumango siya. “Okay, ma’am. I’ll call the driver to take you there.”“Thank you,” sagot ko sabay bitbit ng maliit kong bag.Ang sosyal kasi magarang kotse pa ang sinakyan ko para ihatid ako sa convenience store. Huminto ang sasakyan sa harap ng convenience store, at dali-dali akong bumaba. Sinilip pa