Satya POV
Napabuntong-hininga ako habang nililingon ang mansyon ng mga Galbaldon. Parang palasyo, pero hindi kailanman nagdulot ng kasiyahan sa akin ang pagtatrabaho doon. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko, matagal na akong umalis sa lugar na iyon. Napakasakit sa pakiramdam na araw-araw kang inaapakan ng mga taong akala mo’y nasa pedestal. Wala pa akong sahod ngayong linggo, pero kailangan kong magtiis. Tahimik akong naglakad palabas ng street na iyon, dala ang kaunting lakas ng loob para umuwi kahit walang dalang ulam o bigas. Habang naglalakad ako, umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ng luma kong bag. “Satya,” boses ni Papa sa kabilang linya, malungkot. “Pa, pauwi na po ako.” Subukan ko mang itago ang pag-aalala sa boses ko, alam kong ramdam niya iyon. “Anak... wala tayong bigas ngayon. Puro bayad sa utang ang kinita ng Mama mo sa palengke,” aniya. Parang bumagsak ang buong mundo ko sa sinabi niya. Napahinto ako. Muli, wala kaming kakainin ngayong gabi. Palaging ganito kapag kapos kami pare-pareho sa pera. Nakakasawa na talagang maging malas at mahirap. “Pa, ako na ang bahala,” sagot ko, kahit hindi ko rin alam kung saan ako kukuha ng pangkain. Pagkababa ng tawag, mabilis kong binuksan ang phone number list ko at tinawagan ang matalik kong kaibigang si Orin. “Satya, hindi mo na kailangang mahiya. Alam mo namang handa akong tumulong,” sabi ni Orin habang inaabot sa akin ang isang supot ng bigas at ilang de-lata. Nakangiti siya, parang wala siyang iniisip na kabigatan kahit palagi ko na lang siyang inaabala. Isang tawag ko lang sa kaniya kanina ay oo agad siya kaya nagmadali akong pumunta sa bahay nilang malaki. Siya lang ‘yung nag-iisang guwapong lalaki na super close friend ko. Ewan ko ba, sabi ng ibang kakilala ko ay manhid daw ako, bakit daw hindi ko ma-feel na may gusto si Orin sa akin. Hindi naman daw kasi sweet at namamansin sa ibang babae si Orin, sa akin lang. Pero kasi, kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. Nahihiya din kasing isipin na kung magiging kami, parang nakakahiya dahil halos alam na niya ang lahat ng takbo ng buhay ko. Parang di niya deserve magkaroon ng gaya kong mahirap lang at kasambahay lang. Ayokong pagtawanan siya ng ibang tao nang dahil sa akin. “Salamat talaga, Orin,” sabi ko na halos maluha. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka.” “Basta ikaw,” sagot niya, sabay kindat. “Ikaw ang pinakamabait kong kaibigan, kaya kahit kailan, nandito lang ako para sa iyo.” Gusto pa niya akong ihatid ng kotse pauwi sa amin pero umayaw ako kasi sobrang nakakahiya na talaga. Habang naglalakad ako pauwi, pinapasan ko ang supot ng bigas at iniisip kung paano ko mababayaran si Orin sa susunod na linggo. Ang bayad lang naman dito ay bonding. Pabor pa rin sa akin, kailangan ko lang siyang samahang kumain sa labas, ganoon lang. Ang problema lang ay nawawalan ako ng time dahil sa trabaho ko sa pamilyang gabaldon. Maya maya, habang patuloy akong naglalakad, at biglang may magarang kotse na dumaan nang mabilis at halos masagasaan ako. “Hoy!” sigaw ko, ngunit huli na. Nabuwal ako sa kalsada at nabitawan ang bigas. Nabutas ang supot at natapon ang laman sa lupa. Hindi ko napigilan ang inis. Tumayo ako, nagpagpag ng dumi sa damit at hinampas ang kotse. “Ano ba naman ‘yan! Wala na ngang sahod, sinira mo pa ang bigas ko!” Biglang bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang isang lalaking maraming tagyawat sa mukha at malaking tiyan. Mukha siyang mayaman, pero halatang pinapabayaan ang sarili dahil sa itsura niya. “I’m so sorry, miss! Are you hurt? Let me take you to the hospital,” alok niya na halatang kinakabahan. Napakunot ang noo ko. “Hospital? Hindi ko kailangan ‘yun! Ang kailangan ko, bigas!” Mukha siyang naguluhan pero biglang dinukot ang wallet niya. Naglabas siya ng makapal na pera at iniabot iyon sa akin. “Here, take this. I hope it covers your loss.” Nanlaki ang mga mata ko. Ang dami niyang binigay! Halos hindi ako makapagsalita. “Wait, what? You’re just giving me this?” tanong ko, ngunit mabilis siyang bumalik sa loob ng kotse at pinaandar iyon na parang may hinahabol. Natulala ako, hawak-hawak ang perang iniabot niya. Sa tantiya ko, lampas limampung libo ito. ** Pagkauwi ko sa bahay, bitbit ko ang isang plastic ng ulam, gulay, at prutas na nabili ko gamit ang pera ng mayamang lalaki. Bumili rin ako ng bagong bigas, mas marami pa sa nawala. “Anak, ang dami mong dala,” sabi ni Mama, nagulat nang makita ako. “Ma, Pa, huwag na kayong mag-alala. May pang-ulam na tayo,” sabi ko habang inaabot ang isang parte ng pera sa kanila. “Anak, saan mo nakuha ito?” tanong ni Papa, halatang nag-aalala. “Ma, Pa, huwag kayong mag-isip nang masama. May nakabangga lang sa akin kanina, at binayaran nila ako,” paliwanag ko. Hindi na ako nagdetalye. Ayokong mag-alala pa sila nang husto. Ang mahalaga, maganda ang hapunan namin ngayong gabi. Sa gabing iyon, habang kumakain kaming pamilya, ramdam ko ang kakaibang saya. Minsan, kahit mahirap ang buhay, may dumadating na biyaya sa hindi inaasahang pagkakataon.Colter POVMilyonaryo. Gwapo. Successful. At walang duda, pinapantasya ng halos lahat ng babaeng nakikilala ko. Pero ngayong nakaupo ako sa driver’s seat ng kotse ko, tagaktak ang pawis ko at mabilis ang tibok ng puso. Ito ay dahil may hinahabol akong lalaki—isang scammer na kumuha ng milyon-milyong piso mula sa kumpanya ko.“Damn it!” sigaw ko habang pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan ko. Kanina ko pa siya sinusundan, pero ang bilis ng motor niya. Paikot-ikot siya sa mga masisikip na eskinita ng lungsod habang pilit akong nilalayuan.Kinuha niya ang pera ko, pero hindi ko siya papayagang makatakas. Oo, trillionaire ako pero hindi ko ata kayang sayangin ang milyon-milyon na kinuha niya. Hindi ko palalagpasin ito.Nasa kalagitnaan ako ng paghabol nang bigla siyang lumiko sa kanan. Sa pagmamadali kong huwag siyang mawala, kinabig ko rin ang manibela pakanan, pero hindi ko napansin ang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada.“Sh*t!” Napadiin ako sa preno, pero huli na. Ang isang
Colter POVDati, pag sinabing pangalan ko, laging mayaman ang unang pumapasok sa isip ng mga tao. Trillionaire. Negosyante. Tagapagmana ng Alcazan empire. Pero hindi ko makakalimutan ang mga nakakasalamuha ko noon—mga babaeng mabilis umiwas ng tingin, mga lalaking patago ang tingin ng paghamak, at mga staff ko na halatang hindi man lang ako ma-idolize.Ngayon, ilang buwan matapos ang desisyon kong magbago, ibang-iba na ang sitwasyon.Hindi ko na sinayang ang oras. Pagbalik ko mula sa paghahabol sa scammer na iyon—kung saan halos wala akong nagawa kundi magmukhang kawawa—agad akong nagpagawa ng isang state-of-the-art gym dito sa mansion ko. Pinakamahal na equipment, imported weights at kahit sauna, meron dito. Wala akong dahilan para magpunta pa sa public gym.“Mr. Alcazan, today we’ll focus on core strength,” sabi ni Chad, ang private coach na kinuha ko. Isa siyang world-class trainer na dati pang nagtratrabaho sa mga kilalang atleta. Pero ngayon, full-time na siyang naka-assign sa ak
Colter POVSa likod ng malaking pagbabago ko sa katawan, hitsura, at lifestyle, isang bagay ang hindi nagbago—ang pagkakaibigan namin ng bestfriend kong si Damien. Siya ang taong palaging nandiyan, walang filter kung magsalita, pero sigurado kang totoo.Ngayon, nasa penthouse siya, isang napakalaking unit sa tuktok ng isa sa pinakamamahaling condominium sa lungsod. Parang nasa sarili niyang mundo si Damien—suot ang isang silk robe, may hawak na baso ng mamahaling alak, at nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window na tanaw ang buong skyline ng Garay City.“Colter, you’re late,” sabi niya nang lumingon sa akin, ang kilay niya ay nakataas.“Tch. You know I hate being rushed, Damien,” sagot ko habang inaabot ang baso ng whisky na inabot ng butler niya. Umupo ako sa malambot na leather couch at sinimulan ang gabing pagba-bonding namin.Ganito palagi ang bonding namin—isang tahimik na gabi na may mamahaling alak, magandang pelikula, at walang katapusang asaran.Habang nanonood kami ng is
Satya POVIsang ordinaryong umaga iyon sa mansiyon—o iyon ang akala ko. Habang nagsisimula pa lang akong magwalis sa sala, narinig ko ang malalakas na boses mula sa itaas. Tila may away na naman ang mag-iina.“Rhea! Rian! How many times do I have to tell you? Hindi kayo puwedeng umuwi ng madaling-araw!” galit na sigaw ni Madam Leonora mula sa taas ng hagdan. Napapailing si Satya kasi madalas gawin ng magkapatid iyon. Sure siyang umuwi na naman ang dalawa ng lasing.“Mama, we were just enjoying ourselves! Isang beses lang naman!” sagot ni Rhea, ang panganay.“Yeah, Mama! It’s not like we’re doing anything bad!” dagdag ni Rian, ang bunso. Mga sinungaling. Ilang beses na nilang ginagawa ‘yan. Ngayon lang sila nahuli.Napahinto ako sa pagwawalis, natatakot na baka marinig ako at mapagbuntunan ng init ng ulo ni Madam Leonora. Pero hindi ko rin maiwasang mapakinggan ang kanilang pag-aaway.“Enough!” Naputol ang kanilang pagtatalo sa malakas na sigaw ni Madam. “You two are not going to the b
Satya POV"Kaya ko ba talaga 'to?" tanong ko sa sarili habang binabaybay ang daan papunta sa bahay ng bestfriend kong si Taylin. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang iniisip ang mga mangyayari sa gabing ito. Mula noong sabihin sa akin ni Madam Leonora na ako ang isasama niya sa ball, hindi ako mapakali. Isang kasambahay na pupunta sa isang marangyang pagtitipon? Parang imposible. Pero nandito na ako, kailangan kong gawin ang lahat para hindi mapahiya si Madam.Si Taylin, ang bestfriend ko mula pa noong elementary, ang una kong naisip para tulungan ako. Bukod sa anak siya ng vice mayor at sanay sa mundo ng mga mayayaman, mahilig din siyang mag-makeup at mag-ayos. Marami rin siyang makeup tools na pang-professional, kaya alam kong siya lang ang makakatulong sa akin sa sitwasyong ito. Ang mahal kasi magpa-makeup ngayon kaya wala akong ibang maaasahan kundi si Taylin lang.Pagdating ko sa bahay nila Taylin na pagkalaki-laki, tinanggap ako agad ng kanilang kasambahay at pinatuloy sa malak
Satya POVPagbukas ng pinto ng mansiyon, agad akong nakaramdam ng bigat ng mga tingin. Halos lahat ng kapwa ko kasambahay ay napalingon sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero para bang tumigil ang oras. Tumigil rin ako sa pinto, bahagyang nakayuko at hindi malaman kung saan ipapako ang paningin.“Aba! Si Satya ba talaga ‘yan? Parang hindi ko na siya makilala!” ang bungad ni Ate Maring na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya.“Sabi ko na eh, maganda talaga si Satya. Hindi lang halata kasi hindi siya mahilig mag-ayos,” dagdag ni Tita Linda, sabay ngiti sa akin.“Grabe, parang artista! Anong sekreto mo, Satya?” tanong naman ni Nida, ang pinakamalapit kong kaibigan sa mansiyon.“Naku, parang hindi na ikaw ang kasama namin dito sa kusina! Ang ganda mo, parang may dugong prinsesa!” sabi ni Aling Luz habang nagkukrus pa ng mga braso sa dibdib.“Siguradong mapapahiya ang magkapatid na ‘yon! Hindi nila ‘to inaasahan,” hirit ni Bert, ang driver na halatang aliw na aliw sa itsur
Satya POVSa sandaling lumapit ako sa buffet table, nanlaki ang mga mata ko sa dami ng masasarap na pagkain na nakalatag sa harap ko. May mga pagkain akong hindi pa kailanman nakita at lalo na, hindi pa natitikman. Hindi ko napigilang ngumiti nang malaki habang tinutunton ang bawat pagkain, iniisip ko kung ano ang uunahin ko."Saan ka magsisimula, Satya? Ang dami nito," bulong ko sa sarili habang kumukuha ng maliit na plato.Pagkakuha ko ng maliit na hiwa ng steak, halos matunaw iyon sa bibig ko sa unang kagat. "Ang sarap! Grabe, ganito pala ‘to kasarap," sabi ko nang pabulong na tila hindi makapaniwala. Napapikit pa ako habang nilalasap ang lasa.Naramdaman ko ang bahagyang kirot sa dibdib ko. Sana nandito si Nanay at Tatay. Sila ang madalas kong kasama sa mga simpleng hapunan sa bahay. Sa isipan ko, iniisip kong sana natitikman din nila ang ganitong klaseng pagkain."Ang sarap siguro kung nandito si Nanay," bulong ko habang kumukuha ng mashed potato. "At si Tatay, tiyak na magugustu
Colter POVPagpasok ko sa event ball, bumungad agad ang mararangyang ilaw at mamahaling dekorasyon. Halos lahat ng tao dito ay mukhang galing sa mundo ng kayamanan—mga naka-designer suits at gowns na tila ipinangalandakan ang kanilang estado sa buhay. Pero wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging goal ko ngayong gabi ay siguraduhing matatalo si Damien sa pustahan namin.Halos hindi na ako makilala ng mga tao rito dahil sa bagong anyo ko. Pero pansin ko na ilan sa mga kababaihan ay nakatingin sa akin. Ilan sa mga followers ko sa social media ay tiyak na kilala at namumukhaan na ako. Lalo na ‘yung ibang mga naging ex-girlfriend ko. Gusto nilang magpapansin sa akin pero wala na ‘yung effect dahil hindi na sila welcome sa buhay ko. Iba na ang gusto ko ngayon.Isang bilyong piso ang nakataya para sa pustahan namin ni Damien at ayokong hayaan siyang manalo. Sa pustahan namin, simple lang ang usapan—kailangan makakapag-uwi ako ng isang babae mula sa event na ito, para manalo ako.Sa gilid
Satya POVPagdating ko sa bahay, agad kong sinarado ang pinto at napasandal, napapikit, at napahinga nang malalim. Parang ang bigat ng buong araw na iyon. Nasa kwarto pa rin ako ng isang trillionaire kanina lang, pero ngayon, nandito na ako sa masikip at luma kong inuuwian—isang simpleng kuwarto na may manipis na kurtina, kahoy na sahig at mga pader na bitak-bitak na.Agad akong nagbihis at nagpunta sa banyo. Tumutulo ang malamig na tubig mula sa kalawanging shower. Habang hinuhugasan ko ang katawan ko, iniisip ko kung totoo ba talaga ang lahat ng nangyari. Totoo bang nakapagsuot ako ng wedding ring na mas mahal pa sa buhay ko? Totoo bang kinasal ako kay Colter Alcazan? At ngayon, babalik ako sa buhay kong mahirap, parang walang nangyari?Pagkatapos maligo, nagbihis agad ako ng simpleng dress at itim na pantalon. Naghanda na rin ako para pumasok sa mansiyon ng mga Gabaldon, ang pamilya kung saan ako nagtatrabaho bilang kasambahay.“Kumain ka na, may natira pa atang talbos ng kamote ay
Satya POVNapamulagat ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha mula sa isang bintanang may kurtinang kulay champagne. Pagdilat ko nang tuluyan, napansin kong nasa isang napakagarang kuwarto ako—mas magara pa kaysa sa nakikita ko sa mga magazines o telenovela.Ang buong paligid ay parang isang palasyo. Ang higaan kong kinalalagyan ay napakalambot, may baldakin pang puti at gintong tela na tila inukit mula sa ulap. Ang kisame ay may intricate na disenyo ng mga bituin at bulaklak, na parang sinadyang ilapat ng isang master sa sining. Sa gilid ng kama, may mga side table na gawa sa marmol at ginto. May lampshade itong hugis parang korona at mamahaling relo na mukhang mas mahal pa sa buong bahay ko.Ang mga pader ng kuwarto ay gawa sa puting marmol, may accent na gintong linya, at may nakasabit pang malalaking painting na mukhang gawa ng mga sikat na pintor. Sa isang sulok, may malaking chandelier na may kristal na parang bahaghari kapag tinatamaan ng ilaw. May carpet na kulay cream na an
Colter POVTahimik kaming dalawa ni Satya habang nasa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat siya, nakatingin lang sa kawalan, tila malayo ang iniisip. Hindi ko maiwasang tingnan siya mula sa gilid ng aking mata. Kung tutuusin, kahit simpleng babae siya, may kakaibang bagay sa kanya na parang hindi ko maipaliwanag.Pero hindi ako nagmadali. Hinayaan ko lang ang katahimikan, hanggang sa bigla siyang nagsalita.“Ang hirap talaga ng buhay,” bulong niya na halos hindi ko narinig. Tila magsisimula na siyang magdrama dala nang kalasingan niya.Pagkatapos ng ilang saglit, tumulo ang luha niya. Napatigil tuloy ako sa pagngiti. Hindi ko inasahan iyon.“Sino bang hindi iiyak sa buhay ko?” nagsimula siyang magsalita habang pinupunasan ang mga mata. “Ang totoo, kasambahay lang ako. Sinama lang ako ng amo ko sa event na ‘to para parusahan ang mga anak niyang bruha. Breadwinner ako sa pamilya. Ang nanay ko, nagtitinda lang ng gulay sa palengke. Ang tatay ko, wala nang trabaho.”Tahimik akong nakinig