“Kontrata? Anong kontrata?”
“Come with me.” Ang akala ni Sloane ay hihilahin lamang siya nito kaya muntik na siyang mapatili nang buhatin siya nito nang marahan at pa-bridal style. Agad na napakapit si Sloane sa balikat ni Saint habang umaakyat sila sa grand staircase ng bahay papunta sa sariling opisina nito. “K-kaya ko naman maglakad…” mahinang anas ni Sloane nang ibaba siya nito. “I know. But as long as you’re under my roof, you have to be ten times more careful. Remember, you’re carrying my heir,” sagot ng lalaki. “And it’s my duty to take care of you and our baby.” Nag-init ang pisngi ni Sloane ngunit inayos niya kaagad ang sarili dahil kasal lamang sila sa papel at ginagawa lang ng lalaki ang responsibilidad niya bilang “asawa” at ama sa anak nila. Iginiya siya ni Saint sa loob ng opisina habang nakahawak sa kaniyang baywang at inalalayan siyang umupo sa couch. Sa harap nito ay ang coffee table na may mga papel sa ibabaw. “Let me discuss my rules in this house first,” panimula ni Saint at umupo sa couch sa harap ni Sloane. “Rules?” “You heard me, woman. Napasinghal nang palihim si Sloane. “First, you need to monitor your daily vitamins intake. Second, you should be asleep by 9 PM so you can wake up by 5 AM for your morning exercises,” seryosong saad nito. Nangunot ang mga noo ni Sloane. “What?” protesta niya ngunit nagpatuloy lamang si Saint. “Third, you should have your dinner by 7 PM. By then, you’ll have time for yourself before you sleep. And lastly, hindi ka pwedeng lumabas nang walang kasama.” “You’re exaggerating, Saint. Hind ako bata,” muling protesta ni Sloane. “Hindi ka nga bata pero ang nasa tiyan mo, oo,” sarkastikong sagot lamang ng lalaki at ngumisi pa. “I’m serious—” “So am I, Sloane.” Nawala ang ngisi nito. “I’m your husband now. It’s my duty to take care of you, especially that you’re pregnant. I told you, didn’t I? As long as you’re under my roof, you are my responsibility whether you like it or not,” pinal na sabi nito. Hindi na nagreklamo si Sloane. Tama naman ang asawa niya. Responsibilidad siya nito at dapat lang na intindihin siya nito lalo na’t buntis siya. “Paano kung gusto kong lumabas o mamasyal? Hindi mo naman siguro ako ikukulong dito, ‘di ba?” tanong niya, natatakot na baka pati kalayaan ay wala na sa kaniya. “Of course, not. You still have your freedom. You’ll have one of my bodyguards to take you wherever you go,” sagot nito. She sighed. “Kailangan ba talaga na may bodyguard?” “Of course, woman. All hell would break loose if something bad happens to you and to our baby.” Hindi napigilan ni Sloane na pamulahan ng pisngi. Pasimple niyang kinurot ang sarili. ‘Maghunos-dili ka nga, Sloane! Para ka namang teenager!’ “O-okay…” She cleared her throat. Ngumisi nang palihim si Saint sa namumulang pisngi ng asawa niya. ‘Damn. She’s cute,’ aniya sa kaniyang sarili ngunit agad na natauhan. ‘What the fuck am I thinking?’ “By the way,” Saint faked a cough, “here is the contract I was talking about earlier.” Kumuha siya ng ballpen at inilapag sa table. Iyon ang mga ipinagawa niyang kontrata kanina sa kaibigan niyang abogado na si Jance bago sila umuwi. Mabuti na lang at naipadala ito kaagad. “Tungkol saan ang mga ito?” “Oh… just a copy of our marriage contract. Apparently, you also need to sign it,” pasimple lamang na mga sagot ni Saint. Tumango si Sloane at inabot ang ballpen. Tama nga na kopya rin ito ng marriage contract kaya pumirma na rin siya agad. “There’s another page you need to sign. You don’t have to read it… it’s just the written conditions of what I’ve said earlier.” Kumuyom ang kamao ni Saint. Gaya ng sinabi ng lalaki, dumiretso na agad ng pirma ni Sloane upang matapos na. Hindi niya rin ito binasa dahil masyadong mahaba at medyo inaantok na siya. Tila ay nabunutan ng tinik sa lalamunan si Saint nang isara na ni Sloane ang ballpen na may maliit na ngiti, walang kaalam-alam sa mga “kondisyon” na nasa kontrata. “I guess pwede na akong matulog?” wika ni Sloane at tumayo, suot pa rin ang magarbong wedding dress. Hindi na siya makapaghintay na tanggalin ito at magpalit ng pantulog. Sakto naman na may kumatok sa labas ng opisina. “Sir, your wife’s clothes and stuff are already here,” ani ng lalaki sa labas at naglakad na rin palayo. Marahil ay isa ito sa mga bodyguard ng asawa. Lumingon si Sloane kay Saint. “Ipinakuha mo ang mga gamit ko?” “Yeah. I figured they hold sentimental values for you so I had them moved in here.” Tumayo na rin ang lalake at muling hinapit ang baywang ng asawa. “Kailan?” nagtatakong tanong ni Sloane. Hindi niya naman maalala kung kailan nag-utos ang asawa na ipakuha ang kaniyang mga gamit. Saint chuckled lowly that sent shivers down to her spine. “Earlier while we were on our way here. Perhaps you didn’t notice because you were just staring blankly outside the window. Ni hindi mo na narinig ang sinabi kong ipapalipat ko ang mga gamit mo.” Sloane bit her lip in embarrassment. Totoo ngang nakatulala lang siya kanina sa kotse dahil hindi siya makapaniwalang kasal na siya. Kahit nga paapano ay nakakapag-adjust na siya ngayon. “Don’t do that.” Her husband’s deep voice caught her attention. “Huh?” Her lips hung open. Hindi ito sumagot at bumaba ang tingin sa mga labi niya. Hindi nagtagal ay umiwas din ito ng tingin at umiling, madilim ang mga mata. “I know you’re not comfortable with us sharing beds so you I’ll let you pick your own room,” tanging sinabi lamang nito at iginiya na siya palabas ng opisina. Pinili ni Sloane ang kwarto na malapit sa balcony ng second floor just in case na kailanganin niya ng sariwang hangin. Sa ngayon ay sarado pa ito dahil gabi na. Agad na inutusan ni Saint ang tatlong boydyguard niya na ilipat ang mga gamit ni Sloane sa napili nitong kwarto. “Just fix your clothes. Helpers na ang bahala bukas sa iba mong gamit. For now, you need to rest,” sabi ni Saint at pinapasok na si Sloane sa kwarto nito. “Okay, thank you.” Sloane smiled. Napatitig na naman sa kaniya si Saint. “May kailangan ka pa ba?” Hindi sumagot si Saint. Sa halip, humakbang ito palapit at hinalikan ang noo ni Sloane. “Goodnight, wife.”Napabalikwas ng bangon si Sloane nang magising siyang bumabaligtad ang sikmura. Agad siyang dumiretso sa banyo na nasa loob ng kwarto niya at halos ilublob na ang mukha sa inidoro sa kakasuka. She groaned in dizziness and threw up again. Sa kabilang banda, nagising si Saint na may masamang kutob. Bumangon siya kaagad upang dumiretso sa katabing kwarto kung saan natutulog si Sloane. “Fuck!” Halos malaglag siya sa kinatatayuan nang marinig si Sloane sa banyo. Tumungo siya rito at dali-daling inipon ang mga buhok ni Sloane sa kaniyang kamay at hinagod ang likod nito. Hindi niya alam ang gagawin niya lalo na’t ngayon niya lang nakita ang babae na ganito ang nararanasan.“H-hey, are you okay? May masakit ba sa ‘yo? S-should I call an ambulance?” sunod-sunod na tanong ni Saint sa sobrang pagkataranta.Pinunasan ni Sloane ang kaniyang bibig, bahagyang natatawa at flinush ang inidoro.“I’m fine. Morning sickness is normal,” mahinahong sabi nito ngunit mas lalo pang naghisterikal ang asawa.
Nagtataka man ay agad na naligo at nagbihis si Sloane pagkatapos niya kumain. Hindi niya alam kung saan sila pupunta kaya naman ay nagsuot lang siya ng pink na off-shoulder v-line fitted top na pinartneran niya ng wide-legged pants at puting sapatos. Sa ngayon ay hindi pa gaanong halata ang baby bump niya kaya malaya pa siyang nakakasuot ng kahit ano. Dali-dali siyang bumaba pagkatapos niyang mag-spray ng paborito niyang pabango at nakita niya naman si Saint sa bungad ng main door na mala-Greek god na naman ang itsura. Suot ang blue-collared shirt at black trousers na pinartneran ng black shoes, tila nahiya si Sloane sa suot niya. Ngunit pagkakita sa kaniya ni Saint, pumungay ang seryosong mata nito at napatitig sa kaniya.“Saan tayo pupunta?” imik ni Sloane, hindi matagalan ang kakaibang titig ng asawa.“You’re so beautiful,” he replied instead, his voice shaking in some sort of restraint.Labis na nag-init ang pisngi ni Sloane kaya umiwas siya ng tingin dito. Sanay na siyang makata
Nagtatangis ang panga ni Saint habang nililibot ang buong department store. Ikinalat niya ang kaniyang mga bodyguard upang mas mapabilis ang paghahanap. Hindi niya na alam kung saan niya hahagilapin ang asawa at kaunti na lang ay mapuputol na ang pisi ng pasensya niya. At the same time, kinakabahan na rin siya dahil sa naiisip na baka tinakbuhan na siya ng asawa o kaya ay may nangyaring masama rito. Nalibot niya na ang buong first floor ng department store. Nakapunta na rin siya sa iba’t-ibang aisle kung saan posibleng magpunta ang asawa ngunit hindi niya nakita ni anino nito. “Sir, we’re sorry po. Hindi po namin mahanap ang asawa niyo,” kinakabahan na sabi ng bodyguard. Namumuo ang pawis nito sa noo at alam ni Saint na hindi ito dahil sa pagod. “May inutusan na rin po kaming maghanap sa women’s bathroom pero wala po siya roon,” segunda naman ng isa. Mas lalo lamang nangalit si Saint. Kumuyom ang kaniyang mga kamao at kung wala lang tao ay baka napatay niya ang mga pulpol ni
“Saint, ano ka ba…” mahinang saway ni Sloane sa asawa at pasimple pang kinurot ang kamay nito na nakalingkis sa baywang niya.Wala namang reaksyon si Saint sa kurot ni Sloane at hinuli lang ang kamay ng asawa.“Cat got your tongue?” panunuya pa ni Saint kay Denzel.“I’m not flirting with her,” Denzel argued.“Don’t make me a fool. I have eyes and I saw how your filthy hands touched her.”Napaangat ang tingin ni Sloane sa gulat.‘Kanina pa siya nandyan?’ nagtataka niyang tanong sa isip.Dumako ang matalim na tingin sa kaniya ni Saint at agad itong pumungay nang makita ang mga nangungusap na mata ni Sloane.‘Damn it. Why is she staring at me with those eyes?’“I’ll let you off the hook this time.” Muling bumalik ang matalim na tingin ni Saint kay Denzel. “I don’t want to see you in front of my wife again.”Natutulirong tumango si Denzel at takot na kumaripas ng takbo. Saint scoffed in irritation, pulling Sloane closer to him, closing the distance.Meanwhile, Sloane felt a bit frightened
Tahimik na bumyahe pauwi sina Saint at Sloane pagkatapos nilang kumain sa restaurant. Nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ng mga bodyguard kung saan naroon din ang mga pinamili nila.“I don’t think I need a bodyguard,” mahinang saad ni Sloane, tinatantsa ang reaksyon ni Saint.Nagsalubong agad ang kilay ng kaniyang asawa.“What are you saying?”“Kaya ko naman ang sarili ko. At isa pa, alam ko naman ang mga pasikot-sikot dito sa Maynila.”“No,” mariing tanggi ni Saint. “Do I have to state my conditions again?”Sloane sighed deeply. Alam niya namang hindi papayag ang asawa pero gusto niya lang magbaka-sakali.“Are you worried na baka takasan kita?”Inihinto ni Saint ang sasakyan, hudyat na nasa bahay na sila. Lumingon ito kay Sloane na may mariin na titig, halos magsalpukan na ang mga kilay.“You know damn well I would still be able to find you, right?” he taunted.“Then I don’t need your bodyguards,” giit ni Sloane.Bumaling si Saint sa harapan, matalim na ang tingin. Hindi niya maw
Nakatulog nang mahimbing si Sloane pagkatapos ng ilang minutong pag-i-internal monologue dahil sa kagagahan na ginawa niya kanina. Si Saint naman ay frustrated na umakyat sa sarili niyang kwarto pagkatapos ipaayos ang mga pinamili nila. Kung tutuusin, marami silang pinamili dahil halos nalibot nila ang buong mall. Mula sa department store kung saan namili sila ng mga bagong damit hanggang sa ibang store para sa bedroom makeover ni Sloane.Kahit na ayos naman na kay Sloane ang kwarto niya, wala na siyang nagawa kundi pumayag na ayusin ang kwarto niya nang hilahin na siya ni Saint upang mamili ng bagong kama at iba’t ibang kagamitan sa kwarto tulad ng bagong carpet, vanity table with mirror, couch, at iba pa.At lahat ng iyon ay kulay pink na siyang paborito ni Sloane.Nahihiya man nang kaunti ay hindi mapigilan ni Sloane na manabik sa ganda ng mga gamit na inaasam niya lang noon no’ng bata pa lang siya.Ngayon, habang papunta si Saint sa kaniyang kwarto, dumako ang kaniyang mga mata s
Nanatili si Saint sa kwarto ni Sloane, dinarama ang pakiramdam na malapit lang ang babae sa kaniya. Patuloy ang malamyos na paghaplos niya sa asawa habang pinapakiramdaman ang tiyan nito.Samantala, naalimpungatan si Sloane nang maramdaman niya ang presensya sa tabi niya. Nararamdaman niya ang haplos nito.“Hmm…” ungot niya at nag-unat nang kaunti.Napahinto si Saint, nakikiramdam. Naramdaman niya ang paunti-unting pagbilis ng tibok ng kaniyang puso habang tinitingnan ang nagigising na si Sloane.“Hmmmm…” mahabang ungot ulit nito, nakakunot ang noo.Nakikita ni Saint ang discomfort ni Sloane dahil sa pang-alis na suot pa rin nito hanggang ngayon. Dahan-dahan siyang lumayo, natatakot na baka biglang magising ang babae at maabutan siyang nasa kwarto nito. Ngunit bago pa siya makaalis sa higaan ng asawa ay agad itong bumalik sa mahimbing na pagtulog at nagulat siya sa ginawa nito.Niyakap siya ni Sloane at sumiksik pa sa dibdib niya na para bang nagpapalambing at nakatulog ulit na para
Hindi makapaniwala ang mga kasambahay ni Saint habang pasimple nilang pinapanood ang kanilang amo na sabik na sabik habang nagluluto. Nagh-ha-hum pa ito ng kanta habang niluluto ang specialty niyang Sinigang. Paborito ito ni Saint simula noong bata pa lang siya kaya inaral niya talaga itong lutuin para sa babaeng pakakasalan niya. Sa kasamaang palad, hindi niya naman ito natupad dahil bukod sa tinakasan siya sa kasal nito, hindi rin niya nagagawang ipagluto ang dating nobya dahil ito mismo ang tumatanggi sa tuwing inaalok niya itong ipagluto.At ngayong may pagkakataon na siya at kasal na, hindi niya na ito sasayangin pa.Pagkatapos magluto ay pinatay niya na kaagad ang kalan at naglinis sa kusina, bagay na ikinamangha lalo ng kaniyang mga kasambahay.Agad siyang dumiretso sa kwarto ni Sloane na hanggang ngayon ay naabutan niyang tulog na tulog pa rin. Bago gisingin ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at pinicturan ito. May close-up pictures ito na nakanganga, sa iba-ibang anggulo,
Pekeng tumawa si Sloane, iniignora ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Para siyang sinampal ng katotohanan—ng reyalidad na binabalot lamang siya ng ilusyon na may namamagitan sa kanila ni Saint.“Sigurado ka ba? Baka naman kamukha niya lang,” hindi alam ni Sloane kung si Mich ba aang kinukumbinsi niya o ang sarili niya.Ngunit kahit anong gawin niya, nasa harapan niya na talaga ang reyalidad.“Hindi, girl. Siya talaga ‘yong nakita ko. Hindi pa ako lasing noon kaya malinaw ang paningin ko. Nakasuot pa siya ng office attire niya,” kumpirma ni Mich. “Sa pagkakatanda ko, may dala siyang envelope. ‘Di ko lang knows if ano ang laman no’n.”Kumawala ang malalim na buntong-hininga kay Sloane. Naninikip ang dibdib niya. Wow, too much for asking this day to be normal, huh?Simple lang naman ang hiling niya na sana ay walang balita na dumating sa kaniya na makasisira ng mood niya. Masama na ang loob niya dahil sa nangyari sa kanila ni Saint pero mas lalo pang lumala dahil ngayon.L
Parang bumalik sa dati sina Sloane at Saint simula noong gabing iyon. Hindi na sila nagpapang-abot sa umaga dahil madalas ay late na siyang gumigising. Si Saint naman ay nilunod ang sarili niya sa pagtatrabaho kaya umuuwi siya kung kailan tulog na si Sloane. Kailangan niyang i-distract ang kaniyang sarili upang hindi maalala ang sakit na naramdaman niya mula sa mga salita ng asawa.Iyong gabi na ‘yon ang nagpabaligtad ng sitwasyon nila. Para silang nag-back to zero ulit—nakatira lang bilang mag-asawa sa papel at magulang sa magiging anak nila na para bang hindi sila willing sumugal sa isa’t isa.Gumising si Sloane na wala na naman ulit ang asawa. Bumaba siya ng kusina at tanging almusal niya lang ang nakatakip doon. Tahimik din ang bahay dahil nasa kanya-kanyang quarters na ang mga kasambahay, tapos na sa gawaing bahay. Dinala niya ang kaniyang pagkain at tumambay sa balkonahe sa second floor. Alas-syete pa lang ng umaga kaya healthy pa ang araw para sa kanila ng anak niya. Ngunit ma
Naalimpungatan si Sloane dahil sa mga mabigat na braso na nakapulupot sa baywang niya. Gumalaw siya pero mas lalo lang siyang hinila palapit ni Saint. Nilingon ito ni Sloane at nakita ang asawa niyang mahimbing na natutulog, nakasuot pa ng office attire na animo’y agad na dumiretso sa higaan pagkauwi niya.“Saint…” mahinang bigkas ni Sloane sa pangalan ng asawa.Hindi sumagot si Saint ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos kay Sloane.“Saint…”“Mhmmm…”Napangiwi si Sloane. Nakakaramdam na siya ng gutom dahil hindi siya kumain ng hapunan. Gusto niya ang luto ni Saint kaya naman gusto niya itong gisingin para makakain silang dalawa.“N-nagugutom ako,” alanganing wika ni Sloane.Biglang napadilat si Saint na para bang nagising ang natutulog niyang kaluluwa sa sinabi ng asawa. Kunot-noo niya itong tinitigan.“What did you say?”Napalunok si Sloane. “N-nagugutom nga ako…”“You didn’t eat dinner?”Umiwas ng tingin si Sloane, nag-iinit ang pisngi, at iniisip kung paano sasabihin
Umuwi si Sloane na wala sa hulog dahil sa pag-aalala niya. Agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at magpalit ng mga paborito niyang maternity dress. Nanatili siya sa kwarto niya at nagmuni-muni habang hinihintay na dumating ang asawa. Alas-singko pa lang hapon kaya may dalawang oras pa siya para maghintay.Napatulala siya sa kisame habang iniisip ang naganap kanina sa salon. Hindi siya makapaniwalang kinabahan siya nang sobra dahil lang sa simpleng pagbanggit ng pangalan ng dati niyang kaibigan. Hindi niya akalain na siya pa ang matatakot dito e halos mapatay niya na nga ito noong nahuli niya itong nakikipag-sex sa ex-boyfriend niya.That was different back then. Ngayong nakakasama niya na si Saint at ang magiging anak nila, pakiramdam niya ay mas nalalapit siya sa paparating na problema—lalo na ngayong parang nagpaparamdam ang babae na wala namang koneksyon sa kanilang mag-asawa.There’s this feeling inside her na sa oras na bumalik ito ay masisira ang buhay niya pati na rin ng
Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Sloane nang marinig ang pamilyar na pangalan. Napaangat siya ng tingin sa salamin ngunit hindi niya na nakita ang babae dahil inakay na ito ng isang hair stylist papunta sa isang room. Hindi niya nakita ang mukha nito kaya mas lalo itong kinabahan sa isipin na baka nga si Margaux ang pumasok.Samantala, dahil tutok si Mich sa cellphone niya at nagpapatugtog sa earphones niya, hindi niya napansin si Sloane na namumutla na para bang nakakita ng multo. Agad niya itong inabot at tinapik sa balikat.“Huy, anyare? Bakit namumutla ka dyan?” “N-narinig mo ba ‘yung pangalan ng pumasok na babae?”Kumunot ang noo ni Mich. “Sino? Hindi ko napansin, girl. Naka-earphones ako,” wika nito at bahagyang ipinakita ang tainga nito na may nakasalpak ngang earphones.Mas lalong ginapangan ng kaba si Sloane. Tumakbo sa isip niya ang iba’t ibang scenario kung sakaling si Margaux nga ang pumasok at magkita sila. Ano na lang ang magiging reaksyon niya? Magugulat din ang baba
Lumipas ang ilang linggo pagkatapos ng naging memorable na date nila ay mas malapit na ang loob nina Saint at Sloane sa isa’t isa. Wala na ang ilang sa kanila at malaya na rin nilang naipapakita ang nararamdaman nila. Gayunpaman, hindi pa sila umaabot sa punto kung saan aaminin na nila sa isa’t isa ang pagmamahal na tinatago nila. Pareho nilang gustong sulitin ang oras na magkasama sila at huwag magmadali.Ikaapat na buwan na rin ng pagbubuntis ni Sloane kaya halatang-halata na ang baby bump niya na ikinatuwa nilang mag-asawa. Madalas na rin siyang magsuot ng maternity dresses. Bukod pa rito, hindi na rin siya gaano nakakaranas ng morning sickness at mas magana na siyang kumain kaya bibihira na lang din pumapasok si Saint sa trabaho upang mapagsilbihan ang kaniyang asawa—bagay na hindi ikinatuwa ng nanay niya.“Sweetheart, ano itong naririnig ko na hindi ka na raw gaanong pumapasok sa company? What’s happening, huh?” Nailayo ni Saint ang cellphone mula sa kaniyang tainga dahil sa stri
Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso naman sila sa isa sa mga tourist spot sa Tagaytay kung saan kitang-kita ang Taal—ang Picnic Grove.Nagkakalat ang pagkamangha ni Sloane sa kaniyang mukha habang naglalakad sila sa mala-bundok na lupa sa Picnic Grove. Napakapresko ng hangin dito at malamig pa. Maraming tao sa paligid kaya buhay na buhay ang lugar. May ilang grupo ng magkakaibigan na nagsasalitan sa pagkuha ng litrato, may mga pamilyang nagpi-picnic, at may mga estudyante rin na sa tingin nila ay nagfi-field trip. Bukod pa rito, may mga naririnig din silang sigaw sa taas dahil sa mga nagzi-zipline. Napapahalakhak na lang si Sloane dahil ang iba ay nagmumura pa. Maliban sa mga taong nag-eenjoy sa tanawin ng Tagaytay, marami ring souvenir shops sa paligid tulad ng mga keychain, wooden bag, shirts, at marami pang iba. “Ang ganda, grabe…” namamanghang usal ni Sloane.Nakatitig lamang si Saint sa kaniyang asawa at sumang-ayon sa kaniyang isip.‘Maganda nga. Napakaganda.’Napapailing na
“S-saan tayo pupunta pagkatapos?” tikhim ni Sloane pagkalabas nila ng hospital. Hanggang ngayon ay namumula pa rin siya sa usapan nina Dra. Gracia at Saint.“We’ll eat first tapos saka tayo mamasyal,” ani ni Sint, pinipigilan ang ngisi.Napasimangot si Sloane sa pasimpleng panunukso ng asawa at tumango. “Saang restaurant ba? Masyado yatang maraming tourist dito ngayon, mahihirapan tayo maghanap ng free table.”Ngumisi lang si Saint dahil sa nakalatag niyang plano. Sakto naman na huminto ang isang black Sedan sa harapan nila at hinatid sila sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay dahil sa overlooking view nito sa Taal.Namamangha silang pumasok sa loob na nagmistulang kainan sa gitna ng napakalawak na hardin. Preskong-presko at malamig ang simoy ng hangin. Idagdag pa ang mabangong amoy ng mga bagong dilig na halaman sa paligid.Sinalubong sila ng buong crew na ipinagtaka ni Sloane at hinatid sila sa mesa nito kung saan ito ang may pinakamagandang spot sa buong restaurant.Ang ganda n
Pagka-land ng kanilang helicopter sa helipad ng hospital kung nasaan naroon si Dra. Gracia ay dumiretso na sila sa clinic nito. Sakto namang nasa break ito kaya nakasingit ang kanilang check-up bago muling dumagsa ang mga pasyente.“Good morning, Dra. Gracia,” bati nina Saint and Sloane.“Good morning, Mr. and Mrs. Irvine. Maupo kayo.” Iminuwestra ni Dra. Gracia ang magkatabing upuan at naupo naman doon ang mag-asawa. “So, today’s your monthly check-up. How are you feeling, Mrs. Irvine?”“I’m quite well, doctora. Maayos naman po kaming nakabyahe rito,” malumanay na sagot ni Sloane.“That’s good to know dahil ginambala pa ako ng asawa mo kagabi para itanong kung pwede bang sumakay sa helicopter ang buntis,” turo ng doctor kay Saint na ngayon ay may munting ngisi. “You did that?” gulat na baling ni Sloane sa asawa.Saint casually shrugged. “Well, I have to make sure everything’s perfect if I want to take you out on a date, right?”Nag-init ang pisngi ni Sloane sa kaswal na response sa