“Saint, ano ka ba…” mahinang saway ni Sloane sa asawa at pasimple pang kinurot ang kamay nito na nakalingkis sa baywang niya.Wala namang reaksyon si Saint sa kurot ni Sloane at hinuli lang ang kamay ng asawa.“Cat got your tongue?” panunuya pa ni Saint kay Denzel.“I’m not flirting with her,” Denzel argued.“Don’t make me a fool. I have eyes and I saw how your filthy hands touched her.”Napaangat ang tingin ni Sloane sa gulat.‘Kanina pa siya nandyan?’ nagtataka niyang tanong sa isip.Dumako ang matalim na tingin sa kaniya ni Saint at agad itong pumungay nang makita ang mga nangungusap na mata ni Sloane.‘Damn it. Why is she staring at me with those eyes?’“I’ll let you off the hook this time.” Muling bumalik ang matalim na tingin ni Saint kay Denzel. “I don’t want to see you in front of my wife again.”Natutulirong tumango si Denzel at takot na kumaripas ng takbo. Saint scoffed in irritation, pulling Sloane closer to him, closing the distance.Meanwhile, Sloane felt a bit frightened
Tahimik na bumyahe pauwi sina Saint at Sloane pagkatapos nilang kumain sa restaurant. Nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ng mga bodyguard kung saan naroon din ang mga pinamili nila.“I don’t think I need a bodyguard,” mahinang saad ni Sloane, tinatantsa ang reaksyon ni Saint.Nagsalubong agad ang kilay ng kaniyang asawa.“What are you saying?”“Kaya ko naman ang sarili ko. At isa pa, alam ko naman ang mga pasikot-sikot dito sa Maynila.”“No,” mariing tanggi ni Saint. “Do I have to state my conditions again?”Sloane sighed deeply. Alam niya namang hindi papayag ang asawa pero gusto niya lang magbaka-sakali.“Are you worried na baka takasan kita?”Inihinto ni Saint ang sasakyan, hudyat na nasa bahay na sila. Lumingon ito kay Sloane na may mariin na titig, halos magsalpukan na ang mga kilay.“You know damn well I would still be able to find you, right?” he taunted.“Then I don’t need your bodyguards,” giit ni Sloane.Bumaling si Saint sa harapan, matalim na ang tingin. Hindi niya maw
Nakatulog nang mahimbing si Sloane pagkatapos ng ilang minutong pag-i-internal monologue dahil sa kagagahan na ginawa niya kanina. Si Saint naman ay frustrated na umakyat sa sarili niyang kwarto pagkatapos ipaayos ang mga pinamili nila. Kung tutuusin, marami silang pinamili dahil halos nalibot nila ang buong mall. Mula sa department store kung saan namili sila ng mga bagong damit hanggang sa ibang store para sa bedroom makeover ni Sloane.Kahit na ayos naman na kay Sloane ang kwarto niya, wala na siyang nagawa kundi pumayag na ayusin ang kwarto niya nang hilahin na siya ni Saint upang mamili ng bagong kama at iba’t ibang kagamitan sa kwarto tulad ng bagong carpet, vanity table with mirror, couch, at iba pa.At lahat ng iyon ay kulay pink na siyang paborito ni Sloane.Nahihiya man nang kaunti ay hindi mapigilan ni Sloane na manabik sa ganda ng mga gamit na inaasam niya lang noon no’ng bata pa lang siya.Ngayon, habang papunta si Saint sa kaniyang kwarto, dumako ang kaniyang mga mata s
Nanatili si Saint sa kwarto ni Sloane, dinarama ang pakiramdam na malapit lang ang babae sa kaniya. Patuloy ang malamyos na paghaplos niya sa asawa habang pinapakiramdaman ang tiyan nito.Samantala, naalimpungatan si Sloane nang maramdaman niya ang presensya sa tabi niya. Nararamdaman niya ang haplos nito.“Hmm…” ungot niya at nag-unat nang kaunti.Napahinto si Saint, nakikiramdam. Naramdaman niya ang paunti-unting pagbilis ng tibok ng kaniyang puso habang tinitingnan ang nagigising na si Sloane.“Hmmmm…” mahabang ungot ulit nito, nakakunot ang noo.Nakikita ni Saint ang discomfort ni Sloane dahil sa pang-alis na suot pa rin nito hanggang ngayon. Dahan-dahan siyang lumayo, natatakot na baka biglang magising ang babae at maabutan siyang nasa kwarto nito. Ngunit bago pa siya makaalis sa higaan ng asawa ay agad itong bumalik sa mahimbing na pagtulog at nagulat siya sa ginawa nito.Niyakap siya ni Sloane at sumiksik pa sa dibdib niya na para bang nagpapalambing at nakatulog ulit na para
Hindi makapaniwala ang mga kasambahay ni Saint habang pasimple nilang pinapanood ang kanilang amo na sabik na sabik habang nagluluto. Nagh-ha-hum pa ito ng kanta habang niluluto ang specialty niyang Sinigang. Paborito ito ni Saint simula noong bata pa lang siya kaya inaral niya talaga itong lutuin para sa babaeng pakakasalan niya. Sa kasamaang palad, hindi niya naman ito natupad dahil bukod sa tinakasan siya sa kasal nito, hindi rin niya nagagawang ipagluto ang dating nobya dahil ito mismo ang tumatanggi sa tuwing inaalok niya itong ipagluto.At ngayong may pagkakataon na siya at kasal na, hindi niya na ito sasayangin pa.Pagkatapos magluto ay pinatay niya na kaagad ang kalan at naglinis sa kusina, bagay na ikinamangha lalo ng kaniyang mga kasambahay.Agad siyang dumiretso sa kwarto ni Sloane na hanggang ngayon ay naabutan niyang tulog na tulog pa rin. Bago gisingin ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at pinicturan ito. May close-up pictures ito na nakanganga, sa iba-ibang anggulo,
Tahimik na bumaba sina Sloane at Saint sa dining room. Hindi pa man nakakarating ay amoy na amoy na agad ni Sloane ang Sinigang. Agad na kumalam ang tiyan niya at nakaramdam ng gutom. Napansin naman ito ni Saint kaya napangiti siya.Nagulat man ay walang imik na umupo si Sloane nang ipinaghila siya ni Saint ng upuan. Napanganga rin siya nang kaunti nang hainan siya ni Saint ng pagkain.“Ah, kaya ko na. Thank you.” Sinubukang kunin ni Sloane ang sandok kay Saint ngunit aksidente niya lamang nahawakan ang kamay ng lalaki.Saint looked at her gently, caressing her hand a bit. “Let me.”Pasimpeng inagaw ni Sloane ang kaniyang kamay, inaalala ang boundaries na balak niyang i-set. Nagsalubong nang kaunti ang mga kilay ni Saint.Tahimik silang kumain, nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Hindi ito ang inasahan ni Saint kaya wala siya sa sarili habang kumakain. Ilang beses pa siyang nahuli ni Sloane na nakatingin ngunit hindi man lang siya umiwas ng tingin.Samantala, halos isubsob na ni Sloane a
Hindi alam nina Sloane at Saint kung ano ang pumasok sa mga kokote nila kung bakit ganoon na lamang sila ka-competitive sa deal nila. Walang nagpapatalo at iwasan kung iwasan.Hindi rin mawari ni Saint kung bakit bigla na lang siyang pumayag sa deal ng asawa kahit na gusto niya na itong bawiin. Gayunpaman, ayaw niya namang mapahiya kay Sloane kaya panggap na panggap din siya na iniiwasan ang babae kapag nasa bahay sila.“Ako ang nauna riyan,” sambit ni Sloane nang maabutan niya si Saint na nasa balkonahe. Nakasuot na ito ng attire na pang-opisina kaya alam niyang papasok na ito maya-maya lang.Pinagtaasan lang siya ng kilay ni Saint at humigop sa tasa ng tsaa na iniinom niya, nakangisi.“You can share this balcony with me, you know. Marami pa naman space and seats.” Tiningala niya ang nakabusangot na asawa at hindi maiwasang mapatitig sa maganda ngunit mataray nitong mukha na nasisinagan ng araw. Napakaganda nito at tila nagkakasundo sila ng Haring Araw dahil para siya nitong binigya
Habang nasa byahe si Saint patungo sa Italy, hindi niya alam na naghihintay si Sloane sa kanilang bahay, umaasa na maabutan niya ang lalaki upang makahingi ng tawad sa nasabi niya kaninang umaga.Ngunit sumapit na lang ang hapunan hanggang sa mag-alas nuebe ay hindi niya nakita ni ano ni Saint. Kakaunti na nga lang ang kinain niyang Sinigang dahil wala rin siyang gana. Kanina pa rin siya nakaupo sa balkonahe, inaantay ang kotse ng asawa.Bumuntong-hininga siya nang makitang malapit na mag-alas diyes, mukhang overtime ito sa trabaho. Ayaw niya namang magpuyat dahil masama ito para sa baby niya at alam niyang ayaw din naman ni Saint na magpuyat siya kahihintay.Napagdesisyunan niyang matulog na lang, humihiling na sana ay antukin siya sa kabila ng pag-aalala sa kalagayan ng asawa. Sa kabilang banda, bukod sa nag-aalala sa emergency ng kumpanya ay hindi rin mapakali si Saint sa kalagitnaan ng byahe. Inaalala niya si Sloane, kung kumain na ba ito o kung tulog na ba. Wala siyang kaalam-al
Pekeng tumawa si Sloane, iniignora ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Para siyang sinampal ng katotohanan—ng reyalidad na binabalot lamang siya ng ilusyon na may namamagitan sa kanila ni Saint.“Sigurado ka ba? Baka naman kamukha niya lang,” hindi alam ni Sloane kung si Mich ba aang kinukumbinsi niya o ang sarili niya.Ngunit kahit anong gawin niya, nasa harapan niya na talaga ang reyalidad.“Hindi, girl. Siya talaga ‘yong nakita ko. Hindi pa ako lasing noon kaya malinaw ang paningin ko. Nakasuot pa siya ng office attire niya,” kumpirma ni Mich. “Sa pagkakatanda ko, may dala siyang envelope. ‘Di ko lang knows if ano ang laman no’n.”Kumawala ang malalim na buntong-hininga kay Sloane. Naninikip ang dibdib niya. Wow, too much for asking this day to be normal, huh?Simple lang naman ang hiling niya na sana ay walang balita na dumating sa kaniya na makasisira ng mood niya. Masama na ang loob niya dahil sa nangyari sa kanila ni Saint pero mas lalo pang lumala dahil ngayon.L
Parang bumalik sa dati sina Sloane at Saint simula noong gabing iyon. Hindi na sila nagpapang-abot sa umaga dahil madalas ay late na siyang gumigising. Si Saint naman ay nilunod ang sarili niya sa pagtatrabaho kaya umuuwi siya kung kailan tulog na si Sloane. Kailangan niyang i-distract ang kaniyang sarili upang hindi maalala ang sakit na naramdaman niya mula sa mga salita ng asawa.Iyong gabi na ‘yon ang nagpabaligtad ng sitwasyon nila. Para silang nag-back to zero ulit—nakatira lang bilang mag-asawa sa papel at magulang sa magiging anak nila na para bang hindi sila willing sumugal sa isa’t isa.Gumising si Sloane na wala na naman ulit ang asawa. Bumaba siya ng kusina at tanging almusal niya lang ang nakatakip doon. Tahimik din ang bahay dahil nasa kanya-kanyang quarters na ang mga kasambahay, tapos na sa gawaing bahay. Dinala niya ang kaniyang pagkain at tumambay sa balkonahe sa second floor. Alas-syete pa lang ng umaga kaya healthy pa ang araw para sa kanila ng anak niya. Ngunit ma
Naalimpungatan si Sloane dahil sa mga mabigat na braso na nakapulupot sa baywang niya. Gumalaw siya pero mas lalo lang siyang hinila palapit ni Saint. Nilingon ito ni Sloane at nakita ang asawa niyang mahimbing na natutulog, nakasuot pa ng office attire na animo’y agad na dumiretso sa higaan pagkauwi niya.“Saint…” mahinang bigkas ni Sloane sa pangalan ng asawa.Hindi sumagot si Saint ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos kay Sloane.“Saint…”“Mhmmm…”Napangiwi si Sloane. Nakakaramdam na siya ng gutom dahil hindi siya kumain ng hapunan. Gusto niya ang luto ni Saint kaya naman gusto niya itong gisingin para makakain silang dalawa.“N-nagugutom ako,” alanganing wika ni Sloane.Biglang napadilat si Saint na para bang nagising ang natutulog niyang kaluluwa sa sinabi ng asawa. Kunot-noo niya itong tinitigan.“What did you say?”Napalunok si Sloane. “N-nagugutom nga ako…”“You didn’t eat dinner?”Umiwas ng tingin si Sloane, nag-iinit ang pisngi, at iniisip kung paano sasabihin
Umuwi si Sloane na wala sa hulog dahil sa pag-aalala niya. Agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at magpalit ng mga paborito niyang maternity dress. Nanatili siya sa kwarto niya at nagmuni-muni habang hinihintay na dumating ang asawa. Alas-singko pa lang hapon kaya may dalawang oras pa siya para maghintay.Napatulala siya sa kisame habang iniisip ang naganap kanina sa salon. Hindi siya makapaniwalang kinabahan siya nang sobra dahil lang sa simpleng pagbanggit ng pangalan ng dati niyang kaibigan. Hindi niya akalain na siya pa ang matatakot dito e halos mapatay niya na nga ito noong nahuli niya itong nakikipag-sex sa ex-boyfriend niya.That was different back then. Ngayong nakakasama niya na si Saint at ang magiging anak nila, pakiramdam niya ay mas nalalapit siya sa paparating na problema—lalo na ngayong parang nagpaparamdam ang babae na wala namang koneksyon sa kanilang mag-asawa.There’s this feeling inside her na sa oras na bumalik ito ay masisira ang buhay niya pati na rin ng
Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Sloane nang marinig ang pamilyar na pangalan. Napaangat siya ng tingin sa salamin ngunit hindi niya na nakita ang babae dahil inakay na ito ng isang hair stylist papunta sa isang room. Hindi niya nakita ang mukha nito kaya mas lalo itong kinabahan sa isipin na baka nga si Margaux ang pumasok.Samantala, dahil tutok si Mich sa cellphone niya at nagpapatugtog sa earphones niya, hindi niya napansin si Sloane na namumutla na para bang nakakita ng multo. Agad niya itong inabot at tinapik sa balikat.“Huy, anyare? Bakit namumutla ka dyan?” “N-narinig mo ba ‘yung pangalan ng pumasok na babae?”Kumunot ang noo ni Mich. “Sino? Hindi ko napansin, girl. Naka-earphones ako,” wika nito at bahagyang ipinakita ang tainga nito na may nakasalpak ngang earphones.Mas lalong ginapangan ng kaba si Sloane. Tumakbo sa isip niya ang iba’t ibang scenario kung sakaling si Margaux nga ang pumasok at magkita sila. Ano na lang ang magiging reaksyon niya? Magugulat din ang baba
Lumipas ang ilang linggo pagkatapos ng naging memorable na date nila ay mas malapit na ang loob nina Saint at Sloane sa isa’t isa. Wala na ang ilang sa kanila at malaya na rin nilang naipapakita ang nararamdaman nila. Gayunpaman, hindi pa sila umaabot sa punto kung saan aaminin na nila sa isa’t isa ang pagmamahal na tinatago nila. Pareho nilang gustong sulitin ang oras na magkasama sila at huwag magmadali.Ikaapat na buwan na rin ng pagbubuntis ni Sloane kaya halatang-halata na ang baby bump niya na ikinatuwa nilang mag-asawa. Madalas na rin siyang magsuot ng maternity dresses. Bukod pa rito, hindi na rin siya gaano nakakaranas ng morning sickness at mas magana na siyang kumain kaya bibihira na lang din pumapasok si Saint sa trabaho upang mapagsilbihan ang kaniyang asawa—bagay na hindi ikinatuwa ng nanay niya.“Sweetheart, ano itong naririnig ko na hindi ka na raw gaanong pumapasok sa company? What’s happening, huh?” Nailayo ni Saint ang cellphone mula sa kaniyang tainga dahil sa stri
Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso naman sila sa isa sa mga tourist spot sa Tagaytay kung saan kitang-kita ang Taal—ang Picnic Grove.Nagkakalat ang pagkamangha ni Sloane sa kaniyang mukha habang naglalakad sila sa mala-bundok na lupa sa Picnic Grove. Napakapresko ng hangin dito at malamig pa. Maraming tao sa paligid kaya buhay na buhay ang lugar. May ilang grupo ng magkakaibigan na nagsasalitan sa pagkuha ng litrato, may mga pamilyang nagpi-picnic, at may mga estudyante rin na sa tingin nila ay nagfi-field trip. Bukod pa rito, may mga naririnig din silang sigaw sa taas dahil sa mga nagzi-zipline. Napapahalakhak na lang si Sloane dahil ang iba ay nagmumura pa. Maliban sa mga taong nag-eenjoy sa tanawin ng Tagaytay, marami ring souvenir shops sa paligid tulad ng mga keychain, wooden bag, shirts, at marami pang iba. “Ang ganda, grabe…” namamanghang usal ni Sloane.Nakatitig lamang si Saint sa kaniyang asawa at sumang-ayon sa kaniyang isip.‘Maganda nga. Napakaganda.’Napapailing na
“S-saan tayo pupunta pagkatapos?” tikhim ni Sloane pagkalabas nila ng hospital. Hanggang ngayon ay namumula pa rin siya sa usapan nina Dra. Gracia at Saint.“We’ll eat first tapos saka tayo mamasyal,” ani ni Sint, pinipigilan ang ngisi.Napasimangot si Sloane sa pasimpleng panunukso ng asawa at tumango. “Saang restaurant ba? Masyado yatang maraming tourist dito ngayon, mahihirapan tayo maghanap ng free table.”Ngumisi lang si Saint dahil sa nakalatag niyang plano. Sakto naman na huminto ang isang black Sedan sa harapan nila at hinatid sila sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay dahil sa overlooking view nito sa Taal.Namamangha silang pumasok sa loob na nagmistulang kainan sa gitna ng napakalawak na hardin. Preskong-presko at malamig ang simoy ng hangin. Idagdag pa ang mabangong amoy ng mga bagong dilig na halaman sa paligid.Sinalubong sila ng buong crew na ipinagtaka ni Sloane at hinatid sila sa mesa nito kung saan ito ang may pinakamagandang spot sa buong restaurant.Ang ganda n
Pagka-land ng kanilang helicopter sa helipad ng hospital kung nasaan naroon si Dra. Gracia ay dumiretso na sila sa clinic nito. Sakto namang nasa break ito kaya nakasingit ang kanilang check-up bago muling dumagsa ang mga pasyente.“Good morning, Dra. Gracia,” bati nina Saint and Sloane.“Good morning, Mr. and Mrs. Irvine. Maupo kayo.” Iminuwestra ni Dra. Gracia ang magkatabing upuan at naupo naman doon ang mag-asawa. “So, today’s your monthly check-up. How are you feeling, Mrs. Irvine?”“I’m quite well, doctora. Maayos naman po kaming nakabyahe rito,” malumanay na sagot ni Sloane.“That’s good to know dahil ginambala pa ako ng asawa mo kagabi para itanong kung pwede bang sumakay sa helicopter ang buntis,” turo ng doctor kay Saint na ngayon ay may munting ngisi. “You did that?” gulat na baling ni Sloane sa asawa.Saint casually shrugged. “Well, I have to make sure everything’s perfect if I want to take you out on a date, right?”Nag-init ang pisngi ni Sloane sa kaswal na response sa