Umuwi si Sloane na wala sa hulog dahil sa pag-aalala niya. Agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at magpalit ng mga paborito niyang maternity dress. Nanatili siya sa kwarto niya at nagmuni-muni habang hinihintay na dumating ang asawa. Alas-singko pa lang hapon kaya may dalawang oras pa siya para maghintay.Napatulala siya sa kisame habang iniisip ang naganap kanina sa salon. Hindi siya makapaniwalang kinabahan siya nang sobra dahil lang sa simpleng pagbanggit ng pangalan ng dati niyang kaibigan. Hindi niya akalain na siya pa ang matatakot dito e halos mapatay niya na nga ito noong nahuli niya itong nakikipag-sex sa ex-boyfriend niya.That was different back then. Ngayong nakakasama niya na si Saint at ang magiging anak nila, pakiramdam niya ay mas nalalapit siya sa paparating na problema—lalo na ngayong parang nagpaparamdam ang babae na wala namang koneksyon sa kanilang mag-asawa.There’s this feeling inside her na sa oras na bumalik ito ay masisira ang buhay niya pati na rin ng
Naalimpungatan si Sloane dahil sa mga mabigat na braso na nakapulupot sa baywang niya. Gumalaw siya pero mas lalo lang siyang hinila palapit ni Saint. Nilingon ito ni Sloane at nakita ang asawa niyang mahimbing na natutulog, nakasuot pa ng office attire na animo’y agad na dumiretso sa higaan pagkauwi niya.“Saint…” mahinang bigkas ni Sloane sa pangalan ng asawa.Hindi sumagot si Saint ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos kay Sloane.“Saint…”“Mhmmm…”Napangiwi si Sloane. Nakakaramdam na siya ng gutom dahil hindi siya kumain ng hapunan. Gusto niya ang luto ni Saint kaya naman gusto niya itong gisingin para makakain silang dalawa.“N-nagugutom ako,” alanganing wika ni Sloane.Biglang napadilat si Saint na para bang nagising ang natutulog niyang kaluluwa sa sinabi ng asawa. Kunot-noo niya itong tinitigan.“What did you say?”Napalunok si Sloane. “N-nagugutom nga ako…”“You didn’t eat dinner?”Umiwas ng tingin si Sloane, nag-iinit ang pisngi, at iniisip kung paano sasabihin
Parang bumalik sa dati sina Sloane at Saint simula noong gabing iyon. Hindi na sila nagpapang-abot sa umaga dahil madalas ay late na siyang gumigising. Si Saint naman ay nilunod ang sarili niya sa pagtatrabaho kaya umuuwi siya kung kailan tulog na si Sloane. Kailangan niyang i-distract ang kaniyang sarili upang hindi maalala ang sakit na naramdaman niya mula sa mga salita ng asawa.Iyong gabi na ‘yon ang nagpabaligtad ng sitwasyon nila. Para silang nag-back to zero ulit—nakatira lang bilang mag-asawa sa papel at magulang sa magiging anak nila na para bang hindi sila willing sumugal sa isa’t isa.Gumising si Sloane na wala na naman ulit ang asawa. Bumaba siya ng kusina at tanging almusal niya lang ang nakatakip doon. Tahimik din ang bahay dahil nasa kanya-kanyang quarters na ang mga kasambahay, tapos na sa gawaing bahay. Dinala niya ang kaniyang pagkain at tumambay sa balkonahe sa second floor. Alas-syete pa lang ng umaga kaya healthy pa ang araw para sa kanila ng anak niya. Ngunit ma
Pekeng tumawa si Sloane, iniignora ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Para siyang sinampal ng katotohanan—ng reyalidad na binabalot lamang siya ng ilusyon na may namamagitan sa kanila ni Saint.“Sigurado ka ba? Baka naman kamukha niya lang,” hindi alam ni Sloane kung si Mich ba aang kinukumbinsi niya o ang sarili niya.Ngunit kahit anong gawin niya, nasa harapan niya na talaga ang reyalidad.“Hindi, girl. Siya talaga ‘yong nakita ko. Hindi pa ako lasing noon kaya malinaw ang paningin ko. Nakasuot pa siya ng office attire niya,” kumpirma ni Mich. “Sa pagkakatanda ko, may dala siyang envelope. ‘Di ko lang knows if ano ang laman no’n.”Kumawala ang malalim na buntong-hininga kay Sloane. Naninikip ang dibdib niya. Wow, too much for asking this day to be normal, huh?Simple lang naman ang hiling niya na sana ay walang balita na dumating sa kaniya na makasisira ng mood niya. Masama na ang loob niya dahil sa nangyari sa kanila ni Saint pero mas lalo pang lumala dahil ngayon.L
Fuck, babe…” ungol ng babae. Ungol ng bestfriend ni Sloane na si Margaux. “Deeper!”Nag-unahan na tumulo ang kaniyang mga luha at nanginginig na lumapit sa pinto. Mas lalo namang naging klaro ang mga boses.“Damn, love… you’re really good at this…” It was Lawrence’s voice. Her boyfriend.Hindi na napigilan ni Sloane ang nag-uumapaw na galit sa kaniyang dibdib at sinipa niya ang pinto nang sobrang lakas. Bumukas ito at napasigaw sa gulat ang traydor na babae.“Malandi ka!” galit na galit na sigaw niya.Nanlilisik ang mga mata, pumunta siya sa kaibigan niya at sinabunutan ito. Kinaladkad niya ito pababa mula sa pagkakapatong sa katawan ng boyfriend niya at pinagsasampal ito. Halos mapaiyak sa sakit ang babae dahil hindi niya maiwasan ang kamay ni Sloane na halos lumipad na sa sobrang galit. Tila naman ay nanigas ang lalake sa kinauupuan kaya napatitig lamang siya sa dalawang babae.“Anong ginawa ko sa ‘yo para traydurin ako nang ganito?!” nanginig ang boses ni Sloane habang patuloy sa
Napabalikwas si Sloane mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa panaginip niya. Nilibot niya ang paningin ng hindi pamilyar na kwarto at kitang-kita ang pagiging maaliwalas nito. Napatakip siya ng mga mata nang tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mukha. Inayos niya ang kaniyang damit ngunit napakunot dahil tila isang kumot ang suot niya.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang katawan na nakahubo. Sinilip niya ito sa ilalim ng kumot at nakita ang isang lalake na nakahubad din. Unti-unti niya itong tiningnan at nakita ang mala-Greek god na itsura nito. Hubog ang mukha, matangos ang ilong, at mapupula ang mga labi. ‘Did we fuck last night?’ ani niya sa kaniyang isip.Nanigas siya mula sa pagkakaupo nang gumalaw ito kaya niya nakita ang singsing na nakasuot sa daliri nito.‘Fuck, he’s married?!’ Nataranta siya at nagmamadaling bumangon upang dumiretso sa banyo. Lingid sa kaniyang kaalaman, gising na pala talaga ang lalake bago pa siya magising at nagtulog-tulugan lamang i
Halos magda-dalawang buwan na ang nakalipas simula noong nakipag-one-night stand si Sloane sa lalaking nakilala niya noon sa Baguio. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyaring pagtatalik nila. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang bawat haplos ng lalake at ang pakiramdam ng kaniyang mainit at maskuladong katawan sa katawan ni Sloane. Sa tuwing napapadaan nga siya sa salamin ay dumadako pa rin ang mga mata niya sa parte ng katawan niya kung saan siya nag-iwan ng marka na halos isang linggo bago mawala.“Uy, kailangan na raw ni Sir Joseph ‘yong budget report for this month,” untag ng katrabaho niyang si Stephanie na nagpatahimik sa nagliliwaliw niyang isipan.“Ah, sige. Ibibigay ko na. Thank you.”Tumayo si Sloane at kinuha ang file at dumiretso sa elevator upang umakyat sa opisina ng boss niya. Malaki at matayog itong jewelry company na pinagtatrabahuan niya sa loob ng ilang buwan. Nasa pinaka-top floor ang CEO’s office pati na rin sa sekretarya niya. May
“Hindi nga ako buntis. Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sa ‘yo?”Napapikit sa inis si Saint dahil sa paulit-ulit na pagtanggi ni Sloane. Dinala niya ito sa kaniyang opisina na nasa kumpanyang pinagtatrabahuan ni Sloane. It turned out na siya pala ang CEO ng sister’s company kung saan siya nagtatrabaho. At mas lalong hindi ito matandang mayaman na madaling mamatay.“Don’t fucking lie to me. You’re bearing my future heir and lying about it is damn unforgivable.” Lumapit si Saint sa babae ngunit nadi-distract lamang siya sa ganda nito.“How can you be so sure na ikaw nga ang ama ng batang ito kung sakaling buntis nga ako?” hamon ni Sloane.“Weren’t you just moaning and writhing under me almost two months ago?” Napangisi si Saint nang lumaki ang mata ni Sloane. “Oh, yes, I know you. You even left me a goddamn ten thousand pesos as if I was a fucking callboy.”Pinigilan ni Sloane na mainis dahil huling-huli na siya ng lalaki. Hindi niya naman alam na kilala na pala siya nito. Kung paano,
Pekeng tumawa si Sloane, iniignora ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Para siyang sinampal ng katotohanan—ng reyalidad na binabalot lamang siya ng ilusyon na may namamagitan sa kanila ni Saint.“Sigurado ka ba? Baka naman kamukha niya lang,” hindi alam ni Sloane kung si Mich ba aang kinukumbinsi niya o ang sarili niya.Ngunit kahit anong gawin niya, nasa harapan niya na talaga ang reyalidad.“Hindi, girl. Siya talaga ‘yong nakita ko. Hindi pa ako lasing noon kaya malinaw ang paningin ko. Nakasuot pa siya ng office attire niya,” kumpirma ni Mich. “Sa pagkakatanda ko, may dala siyang envelope. ‘Di ko lang knows if ano ang laman no’n.”Kumawala ang malalim na buntong-hininga kay Sloane. Naninikip ang dibdib niya. Wow, too much for asking this day to be normal, huh?Simple lang naman ang hiling niya na sana ay walang balita na dumating sa kaniya na makasisira ng mood niya. Masama na ang loob niya dahil sa nangyari sa kanila ni Saint pero mas lalo pang lumala dahil ngayon.L
Parang bumalik sa dati sina Sloane at Saint simula noong gabing iyon. Hindi na sila nagpapang-abot sa umaga dahil madalas ay late na siyang gumigising. Si Saint naman ay nilunod ang sarili niya sa pagtatrabaho kaya umuuwi siya kung kailan tulog na si Sloane. Kailangan niyang i-distract ang kaniyang sarili upang hindi maalala ang sakit na naramdaman niya mula sa mga salita ng asawa.Iyong gabi na ‘yon ang nagpabaligtad ng sitwasyon nila. Para silang nag-back to zero ulit—nakatira lang bilang mag-asawa sa papel at magulang sa magiging anak nila na para bang hindi sila willing sumugal sa isa’t isa.Gumising si Sloane na wala na naman ulit ang asawa. Bumaba siya ng kusina at tanging almusal niya lang ang nakatakip doon. Tahimik din ang bahay dahil nasa kanya-kanyang quarters na ang mga kasambahay, tapos na sa gawaing bahay. Dinala niya ang kaniyang pagkain at tumambay sa balkonahe sa second floor. Alas-syete pa lang ng umaga kaya healthy pa ang araw para sa kanila ng anak niya. Ngunit ma
Naalimpungatan si Sloane dahil sa mga mabigat na braso na nakapulupot sa baywang niya. Gumalaw siya pero mas lalo lang siyang hinila palapit ni Saint. Nilingon ito ni Sloane at nakita ang asawa niyang mahimbing na natutulog, nakasuot pa ng office attire na animo’y agad na dumiretso sa higaan pagkauwi niya.“Saint…” mahinang bigkas ni Sloane sa pangalan ng asawa.Hindi sumagot si Saint ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos kay Sloane.“Saint…”“Mhmmm…”Napangiwi si Sloane. Nakakaramdam na siya ng gutom dahil hindi siya kumain ng hapunan. Gusto niya ang luto ni Saint kaya naman gusto niya itong gisingin para makakain silang dalawa.“N-nagugutom ako,” alanganing wika ni Sloane.Biglang napadilat si Saint na para bang nagising ang natutulog niyang kaluluwa sa sinabi ng asawa. Kunot-noo niya itong tinitigan.“What did you say?”Napalunok si Sloane. “N-nagugutom nga ako…”“You didn’t eat dinner?”Umiwas ng tingin si Sloane, nag-iinit ang pisngi, at iniisip kung paano sasabihin
Umuwi si Sloane na wala sa hulog dahil sa pag-aalala niya. Agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at magpalit ng mga paborito niyang maternity dress. Nanatili siya sa kwarto niya at nagmuni-muni habang hinihintay na dumating ang asawa. Alas-singko pa lang hapon kaya may dalawang oras pa siya para maghintay.Napatulala siya sa kisame habang iniisip ang naganap kanina sa salon. Hindi siya makapaniwalang kinabahan siya nang sobra dahil lang sa simpleng pagbanggit ng pangalan ng dati niyang kaibigan. Hindi niya akalain na siya pa ang matatakot dito e halos mapatay niya na nga ito noong nahuli niya itong nakikipag-sex sa ex-boyfriend niya.That was different back then. Ngayong nakakasama niya na si Saint at ang magiging anak nila, pakiramdam niya ay mas nalalapit siya sa paparating na problema—lalo na ngayong parang nagpaparamdam ang babae na wala namang koneksyon sa kanilang mag-asawa.There’s this feeling inside her na sa oras na bumalik ito ay masisira ang buhay niya pati na rin ng
Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Sloane nang marinig ang pamilyar na pangalan. Napaangat siya ng tingin sa salamin ngunit hindi niya na nakita ang babae dahil inakay na ito ng isang hair stylist papunta sa isang room. Hindi niya nakita ang mukha nito kaya mas lalo itong kinabahan sa isipin na baka nga si Margaux ang pumasok.Samantala, dahil tutok si Mich sa cellphone niya at nagpapatugtog sa earphones niya, hindi niya napansin si Sloane na namumutla na para bang nakakita ng multo. Agad niya itong inabot at tinapik sa balikat.“Huy, anyare? Bakit namumutla ka dyan?” “N-narinig mo ba ‘yung pangalan ng pumasok na babae?”Kumunot ang noo ni Mich. “Sino? Hindi ko napansin, girl. Naka-earphones ako,” wika nito at bahagyang ipinakita ang tainga nito na may nakasalpak ngang earphones.Mas lalong ginapangan ng kaba si Sloane. Tumakbo sa isip niya ang iba’t ibang scenario kung sakaling si Margaux nga ang pumasok at magkita sila. Ano na lang ang magiging reaksyon niya? Magugulat din ang baba
Lumipas ang ilang linggo pagkatapos ng naging memorable na date nila ay mas malapit na ang loob nina Saint at Sloane sa isa’t isa. Wala na ang ilang sa kanila at malaya na rin nilang naipapakita ang nararamdaman nila. Gayunpaman, hindi pa sila umaabot sa punto kung saan aaminin na nila sa isa’t isa ang pagmamahal na tinatago nila. Pareho nilang gustong sulitin ang oras na magkasama sila at huwag magmadali.Ikaapat na buwan na rin ng pagbubuntis ni Sloane kaya halatang-halata na ang baby bump niya na ikinatuwa nilang mag-asawa. Madalas na rin siyang magsuot ng maternity dresses. Bukod pa rito, hindi na rin siya gaano nakakaranas ng morning sickness at mas magana na siyang kumain kaya bibihira na lang din pumapasok si Saint sa trabaho upang mapagsilbihan ang kaniyang asawa—bagay na hindi ikinatuwa ng nanay niya.“Sweetheart, ano itong naririnig ko na hindi ka na raw gaanong pumapasok sa company? What’s happening, huh?” Nailayo ni Saint ang cellphone mula sa kaniyang tainga dahil sa stri
Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso naman sila sa isa sa mga tourist spot sa Tagaytay kung saan kitang-kita ang Taal—ang Picnic Grove.Nagkakalat ang pagkamangha ni Sloane sa kaniyang mukha habang naglalakad sila sa mala-bundok na lupa sa Picnic Grove. Napakapresko ng hangin dito at malamig pa. Maraming tao sa paligid kaya buhay na buhay ang lugar. May ilang grupo ng magkakaibigan na nagsasalitan sa pagkuha ng litrato, may mga pamilyang nagpi-picnic, at may mga estudyante rin na sa tingin nila ay nagfi-field trip. Bukod pa rito, may mga naririnig din silang sigaw sa taas dahil sa mga nagzi-zipline. Napapahalakhak na lang si Sloane dahil ang iba ay nagmumura pa. Maliban sa mga taong nag-eenjoy sa tanawin ng Tagaytay, marami ring souvenir shops sa paligid tulad ng mga keychain, wooden bag, shirts, at marami pang iba. “Ang ganda, grabe…” namamanghang usal ni Sloane.Nakatitig lamang si Saint sa kaniyang asawa at sumang-ayon sa kaniyang isip.‘Maganda nga. Napakaganda.’Napapailing na
“S-saan tayo pupunta pagkatapos?” tikhim ni Sloane pagkalabas nila ng hospital. Hanggang ngayon ay namumula pa rin siya sa usapan nina Dra. Gracia at Saint.“We’ll eat first tapos saka tayo mamasyal,” ani ni Sint, pinipigilan ang ngisi.Napasimangot si Sloane sa pasimpleng panunukso ng asawa at tumango. “Saang restaurant ba? Masyado yatang maraming tourist dito ngayon, mahihirapan tayo maghanap ng free table.”Ngumisi lang si Saint dahil sa nakalatag niyang plano. Sakto naman na huminto ang isang black Sedan sa harapan nila at hinatid sila sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay dahil sa overlooking view nito sa Taal.Namamangha silang pumasok sa loob na nagmistulang kainan sa gitna ng napakalawak na hardin. Preskong-presko at malamig ang simoy ng hangin. Idagdag pa ang mabangong amoy ng mga bagong dilig na halaman sa paligid.Sinalubong sila ng buong crew na ipinagtaka ni Sloane at hinatid sila sa mesa nito kung saan ito ang may pinakamagandang spot sa buong restaurant.Ang ganda n
Pagka-land ng kanilang helicopter sa helipad ng hospital kung nasaan naroon si Dra. Gracia ay dumiretso na sila sa clinic nito. Sakto namang nasa break ito kaya nakasingit ang kanilang check-up bago muling dumagsa ang mga pasyente.“Good morning, Dra. Gracia,” bati nina Saint and Sloane.“Good morning, Mr. and Mrs. Irvine. Maupo kayo.” Iminuwestra ni Dra. Gracia ang magkatabing upuan at naupo naman doon ang mag-asawa. “So, today’s your monthly check-up. How are you feeling, Mrs. Irvine?”“I’m quite well, doctora. Maayos naman po kaming nakabyahe rito,” malumanay na sagot ni Sloane.“That’s good to know dahil ginambala pa ako ng asawa mo kagabi para itanong kung pwede bang sumakay sa helicopter ang buntis,” turo ng doctor kay Saint na ngayon ay may munting ngisi. “You did that?” gulat na baling ni Sloane sa asawa.Saint casually shrugged. “Well, I have to make sure everything’s perfect if I want to take you out on a date, right?”Nag-init ang pisngi ni Sloane sa kaswal na response sa