Napabalikwas si Sloane mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa panaginip niya. Nilibot niya ang paningin ng hindi pamilyar na kwarto at kitang-kita ang pagiging maaliwalas nito. Napatakip siya ng mga mata nang tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mukha. Inayos niya ang kaniyang damit ngunit napakunot dahil tila isang kumot ang suot niya.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang katawan na nakahubo. Sinilip niya ito sa ilalim ng kumot at nakita ang isang lalake na n*******d din. Unti-unti niya itong tiningnan at nakita ang mala-Greek god na itsura nito. Hubog ang mukha, matangos ang ilong, at mapupula ang mga labi. ‘Did we fuck last night?’ ani niya sa kaniyang isip. Nanigas siya mula sa pagkakaupo nang gumalaw ito kaya niya nakita ang singsing na nakasuot sa daliri nito. ‘Fuck, he’s married?!’ Nataranta siya at nagmamadaling bumangon upang dumiretso sa banyo. Lingid sa kaniyang kaalaman, gising na pala talaga ang lalake bago pa siya magising at nagtulog-tulugan lamang ito. Napatulala siya sa harap ng malaking bathroom mirror nang makita ang itsura ng buong katawan niya. Maraming marka sa kaniyang leeg, hita, at sa dibdib na halos magmukhang-pasa at may mga marka rin ng kuko sa kaniyang bewang. Magulo ang kaniyang buhok at kung may makakakita man sa kaniya ngayon, malalaman agad nila na galing siya sa isang matinding diligan. ‘Damn, he was rough…’ Hindi niya alintana ang sakit ng kaniyang pagkababae dahil sa naisip na nangyari noong nakaraang gabi. Hindi lamang iyon panaginip. Bumalik ang galit nang maalala niya kung paano niya nahuli ang kaniyang boyfriend at bestfriend na nagtatalik. Pagkatapos ng ilang gabing pagpaplano na gumanti ay natagpuan niya ang sarili niya sa bar na nagpapakalunod sa alak at nakikipagsayawan sa ibang lalake. Sa sobrang kalasingan niya, hindi niya na namalayan na maling kwarto pala ang napasukan niya. Kaya heto, narito siya sa banyo ng lalakeng katalik niya kagabi at nagtatago dahil sa kasamaang palad, may asawa na pala ito. Kinagat niya ang kaniyang kuko at nilibot ang malaking banyo para maghanap ng pwedeng maisuot. Gusto niya na lamang makatakas sa kwartong ito dahil ayaw niya nang humarap sa isa pang confrontation sa legal na asawa nito. Naloko na nga siya ng mga taong pinagkakatiwalaan niya, magiging kabit pa siya. Napahinga siya nang malalim nang maisuot ang isang robe at dahang-dahang binuksan ang pinto ng banyo. Tiningnan niya ang kama at nakitang mahimbing pa rin na natutulog ang lalake. Tinitigan niya ang mukha nito at hindi niya maitatangging may itsura nga ito. Kumuha siya ng sampung libo sa kaniyang wallet at lumapit sa bedside table at naglapag ng sampung libo. Agad siyang bumalik sa kaniyang kwarto at niligpit ang mga gamit upang bumalik sa Maynila. Bahala na ang cheater niyang ex-boyfriend at malandi niyang kaibigan. Magsama silang dalawa, parehas na mga hayop. Samantala, umigting ang panga ni Saint noong makita ang sampung libo na iniwan ng babaeng katalik niya kagabi. Hindi niya alam kung saan iyon nanggaling ngunit dahil na rin sa dala ng alak at init ng katawan ay nagalaw niya ito. Laking gulat niya pa nang malaman na virgin pa pala ito. Nilukot niya ang sampung libo at tinawagan ang isang kaibigan na private investigator upang ipahanap ang babae. “Find her as fast as you can. I need every information about her, especially her location. I need updates by today.” Naligo siya at muling bumalik sa kaniyang alaala ang ginawang pagtakas ng bride niya mula sa itinakdang kasal nila kahapon. Ni hindi man lang ito sumipot at pinagmukha lamang siyang tanga sa harap ng mga bigatin nilang bisita at sa buong clan ng Irvine. ‘How dare she… I gave everything to her.’ Kumuyom ang kaniyang kamao at tinanggal ang singsing na suot at flinush sa inidoro. Wala siyang pakialam kung magbara man ito, may pambayad naman siya. Tiim-bagang siyang nagbihis at nagbayad sa housekeeper na maglilinis ng kaniyang kwarto at umalis na ng hotel. Wala na siyang pakialam. Ang tagal niyang hinanap ang kaniyang kababata, niligawan ito, ibinigay lahat ng luho, at tiniis ang ugali nito na tila ibang-iba sa ugali nila noong mga bata pa lang sila tapos ay lolokohin lamang siya nito at tatakas sa pinakamalaking araw nila. Kinuha niya ang kaniyang cellphone nang tumunog ito at sinagot ang tawag na nagpangisi sa kaniya. Hindi niya alam na ang tawag na ito ang magpapabago sa takbo ng buhay nilang dalawa ni Sloane. “I found the girl.”Halos magda-dalawang buwan na ang nakalipas simula noong nakipag-one-night stand si Sloane sa lalaking nakilala niya noon sa Baguio. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyaring pagtatalik nila. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang bawat haplos ng lalake at ang pakiramdam ng kaniyang mainit at maskuladong katawan sa katawan ni Sloane. Sa tuwing napapadaan nga siya sa salamin ay dumadako pa rin ang mga mata niya sa parte ng katawan niya kung saan siya nag-iwan ng marka na halos isang linggo bago mawala.“Uy, kailangan na raw ni Sir Joseph ‘yong budget report for this month,” untag ng katrabaho niyang si Stephanie na nagpatahimik sa nagliliwaliw niyang isipan.“Ah, sige. Ibibigay ko na. Thank you.”Tumayo si Sloane at kinuha ang file at dumiretso sa elevator upang umakyat sa opisina ng boss niya. Malaki at matayog itong jewelry company na pinagtatrabahuan niya sa loob ng ilang buwan. Nasa pinaka-top floor ang CEO’s office pati na rin sa sekretarya niya. May
“Hindi nga ako buntis. Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sa ‘yo?”Napapikit sa inis si Saint dahil sa paulit-ulit na pagtanggi ni Sloane. Dinala niya ito sa kaniyang opisina na nasa kumpanyang pinagtatrabahuan ni Sloane. It turned out na siya pala ang CEO ng sister’s company kung saan siya nagtatrabaho. At mas lalong hindi ito matandang mayaman na madaling mamatay.“Don’t fucking lie to me. You’re bearing my future heir and lying about it is damn unforgivable.” Lumapit si Saint sa babae ngunit nadi-distract lamang siya sa ganda nito.“How can you be so sure na ikaw nga ang ama ng batang ito kung sakaling buntis nga ako?” hamon ni Sloane.“Weren’t you just moaning and writhing under me almost two months ago?” Napangisi si Saint nang lumaki ang mata ni Sloane. “Oh, yes, I know you. You even left me a goddamn ten thousand pesos as if I was a fucking callboy.”Pinigilan ni Sloane na mainis dahil huling-huli na siya ng lalaki. Hindi niya naman alam na kilala na pala siya nito. Kung paano,
“What?!” Inilayo ni Saint ang kaniyang mga mata at tiningna nang mariin ang gulat na mukha ni Sloane.“I said we’re getting married. Right now.”“T-teka, nababaliw ka na ba?” nerbyosong tumawa si Sloane. “Hindi mo ‘ko pwedeng pakasalan.”“And why not?”Napatanga pa lalo si Sloane, hind malaman kung nagha-hallucinate lang ba siya o baka on drugs itong lalaki.“A-aren’t you married? I saw a ring on your finger when I woke up that morning…”Mas lalo lamang dumiin ang kaniyang titig nang maalala ang masalimuot na nangyari sa kaniya dalawang buwan na ang nakalipas. “I’m not,” tanging sagot lamang nito, nakabusangot.“Hindi mo ako maloloko, Saint. Alam ko ang pinagkaiba ng simpleng singsing at wedding ring.”Saint raised a brow in slight annoyance. “Really? Tell me their difference, then.”Umirap si Sloane. “Ang simpleng singsing ay ‘yong mga singsing na gusto mo lang bilhin o kaya iregalo. Ang wedding ring naman ay—”“Ang wedding ring ay ang isusuot ko sa ‘yo sa oras na ikasal tayo at ma
Hindi nga nagkamali si Saint nang sabihin nito na darating agad ang mga singsing dahil pagkarating nila ni Sloane sa simbahan pagtapos magpalit ng wedding attire ay naroon na agad nakahanda ang mga singsing. Hindi pa nagsisimula ay napapalunok na si Sloane dahil mula sa entrance ng simbahan kung saan siya magsisimulang maglakad, nakikita niya na agad ang kinang ng mga singsing na siguro ay umabot sa humigit-kumulang 50 million kabuuan.Suot ang magarbong wedding gown at flower bouquet sa kamay, lumakad siya palapit sa altar, dinarama ang bawat sandali bago siya legal na maging misis. Sa bawat hakbang niya ay tila naka-slow motion ang paligid, hindi makapaniwala na talaga ngang nasa kasalan na siya—na siya mismo ang bride at hindi abay lang.Tiningnan niya si Saint sa harapan. Seryoso ang titig nito sa kaniya ngunit may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata. Sa likuran nito ay ang kaibigan nitong abogado na gumawa ng marriage contract nila, ang nag-iisa nilang witness. Nang makarati
“Kontrata? Anong kontrata?” “Come with me.” Ang akala ni Sloane ay hihilahin lamang siya nito kaya muntik na siyang mapatili nang buhatin siya nito nang marahan at pa-bridal style. Agad na napakapit si Sloane sa balikat ni Saint habang umaakyat sila sa grand staircase ng bahay papunta sa sariling opisina nito. “K-kaya ko naman maglakad…” mahinang anas ni Sloane nang ibaba siya nito. “I know. But as long as you’re under my roof, you have to be ten times more careful. Remember, you’re carrying my heir,” sagot ng lalaki. “And it’s my duty to take care of you and our baby.” Nag-init ang pisngi ni Sloane ngunit inayos niya kaagad ang sarili dahil kasal lamang sila sa papel at ginagawa lang ng lalaki ang responsibilidad niya bilang “asawa” at ama sa anak nila. Iginiya siya ni Saint sa loob ng opisina habang nakahawak sa kaniyang baywang at inalalayan siyang umupo sa couch. Sa harap nito ay ang coffee table na may mga papel sa ibabaw. “Let me discuss my rules in this house firs
Napabalikwas ng bangon si Sloane nang magising siyang bumabaligtad ang sikmura. Agad siyang dumiretso sa banyo na nasa loob ng kwarto niya at halos ilublob na ang mukha sa inidoro sa kakasuka. She groaned in dizziness and threw up again. Sa kabilang banda, nagising si Saint na may masamang kutob. Bumangon siya kaagad upang dumiretso sa katabing kwarto kung saan natutulog si Sloane. “Fuck!” Halos malaglag siya sa kinatatayuan nang marinig si Sloane sa banyo. Tumungo siya rito at dali-daling inipon ang mga buhok ni Sloane sa kaniyang kamay at hinagod ang likod nito. Hindi niya alam ang gagawin niya lalo na’t ngayon niya lang nakita ang babae na ganito ang nararanasan.“H-hey, are you okay? May masakit ba sa ‘yo? S-should I call an ambulance?” sunod-sunod na tanong ni Saint sa sobrang pagkataranta.Pinunasan ni Sloane ang kaniyang bibig, bahagyang natatawa at flinush ang inidoro.“I’m fine. Morning sickness is normal,” mahinahong sabi nito ngunit mas lalo pang naghisterikal ang asawa.
Nagtataka man ay agad na naligo at nagbihis si Sloane pagkatapos niya kumain. Hindi niya alam kung saan sila pupunta kaya naman ay nagsuot lang siya ng pink na off-shoulder v-line fitted top na pinartneran niya ng wide-legged pants at puting sapatos. Sa ngayon ay hindi pa gaanong halata ang baby bump niya kaya malaya pa siyang nakakasuot ng kahit ano. Dali-dali siyang bumaba pagkatapos niyang mag-spray ng paborito niyang pabango at nakita niya naman si Saint sa bungad ng main door na mala-Greek god na naman ang itsura. Suot ang blue-collared shirt at black trousers na pinartneran ng black shoes, tila nahiya si Sloane sa suot niya. Ngunit pagkakita sa kaniya ni Saint, pumungay ang seryosong mata nito at napatitig sa kaniya.“Saan tayo pupunta?” imik ni Sloane, hindi matagalan ang kakaibang titig ng asawa.“You’re so beautiful,” he replied instead, his voice shaking in some sort of restraint.Labis na nag-init ang pisngi ni Sloane kaya umiwas siya ng tingin dito. Sanay na siyang makata
Nagtatangis ang panga ni Saint habang nililibot ang buong department store. Ikinalat niya ang kaniyang mga bodyguard upang mas mapabilis ang paghahanap. Hindi niya na alam kung saan niya hahagilapin ang asawa at kaunti na lang ay mapuputol na ang pisi ng pasensya niya. At the same time, kinakabahan na rin siya dahil sa naiisip na baka tinakbuhan na siya ng asawa o kaya ay may nangyaring masama rito. Nalibot niya na ang buong first floor ng department store. Nakapunta na rin siya sa iba’t-ibang aisle kung saan posibleng magpunta ang asawa ngunit hindi niya nakita ni anino nito. “Sir, we’re sorry po. Hindi po namin mahanap ang asawa niyo,” kinakabahan na sabi ng bodyguard. Namumuo ang pawis nito sa noo at alam ni Saint na hindi ito dahil sa pagod. “May inutusan na rin po kaming maghanap sa women’s bathroom pero wala po siya roon,” segunda naman ng isa. Mas lalo lamang nangalit si Saint. Kumuyom ang kaniyang mga kamao at kung wala lang tao ay baka napatay niya ang mga pulpol ni
Pekeng tumawa si Sloane, iniignora ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Para siyang sinampal ng katotohanan—ng reyalidad na binabalot lamang siya ng ilusyon na may namamagitan sa kanila ni Saint.“Sigurado ka ba? Baka naman kamukha niya lang,” hindi alam ni Sloane kung si Mich ba aang kinukumbinsi niya o ang sarili niya.Ngunit kahit anong gawin niya, nasa harapan niya na talaga ang reyalidad.“Hindi, girl. Siya talaga ‘yong nakita ko. Hindi pa ako lasing noon kaya malinaw ang paningin ko. Nakasuot pa siya ng office attire niya,” kumpirma ni Mich. “Sa pagkakatanda ko, may dala siyang envelope. ‘Di ko lang knows if ano ang laman no’n.”Kumawala ang malalim na buntong-hininga kay Sloane. Naninikip ang dibdib niya. Wow, too much for asking this day to be normal, huh?Simple lang naman ang hiling niya na sana ay walang balita na dumating sa kaniya na makasisira ng mood niya. Masama na ang loob niya dahil sa nangyari sa kanila ni Saint pero mas lalo pang lumala dahil ngayon.L
Parang bumalik sa dati sina Sloane at Saint simula noong gabing iyon. Hindi na sila nagpapang-abot sa umaga dahil madalas ay late na siyang gumigising. Si Saint naman ay nilunod ang sarili niya sa pagtatrabaho kaya umuuwi siya kung kailan tulog na si Sloane. Kailangan niyang i-distract ang kaniyang sarili upang hindi maalala ang sakit na naramdaman niya mula sa mga salita ng asawa.Iyong gabi na ‘yon ang nagpabaligtad ng sitwasyon nila. Para silang nag-back to zero ulit—nakatira lang bilang mag-asawa sa papel at magulang sa magiging anak nila na para bang hindi sila willing sumugal sa isa’t isa.Gumising si Sloane na wala na naman ulit ang asawa. Bumaba siya ng kusina at tanging almusal niya lang ang nakatakip doon. Tahimik din ang bahay dahil nasa kanya-kanyang quarters na ang mga kasambahay, tapos na sa gawaing bahay. Dinala niya ang kaniyang pagkain at tumambay sa balkonahe sa second floor. Alas-syete pa lang ng umaga kaya healthy pa ang araw para sa kanila ng anak niya. Ngunit ma
Naalimpungatan si Sloane dahil sa mga mabigat na braso na nakapulupot sa baywang niya. Gumalaw siya pero mas lalo lang siyang hinila palapit ni Saint. Nilingon ito ni Sloane at nakita ang asawa niyang mahimbing na natutulog, nakasuot pa ng office attire na animo’y agad na dumiretso sa higaan pagkauwi niya.“Saint…” mahinang bigkas ni Sloane sa pangalan ng asawa.Hindi sumagot si Saint ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos kay Sloane.“Saint…”“Mhmmm…”Napangiwi si Sloane. Nakakaramdam na siya ng gutom dahil hindi siya kumain ng hapunan. Gusto niya ang luto ni Saint kaya naman gusto niya itong gisingin para makakain silang dalawa.“N-nagugutom ako,” alanganing wika ni Sloane.Biglang napadilat si Saint na para bang nagising ang natutulog niyang kaluluwa sa sinabi ng asawa. Kunot-noo niya itong tinitigan.“What did you say?”Napalunok si Sloane. “N-nagugutom nga ako…”“You didn’t eat dinner?”Umiwas ng tingin si Sloane, nag-iinit ang pisngi, at iniisip kung paano sasabihin
Umuwi si Sloane na wala sa hulog dahil sa pag-aalala niya. Agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at magpalit ng mga paborito niyang maternity dress. Nanatili siya sa kwarto niya at nagmuni-muni habang hinihintay na dumating ang asawa. Alas-singko pa lang hapon kaya may dalawang oras pa siya para maghintay.Napatulala siya sa kisame habang iniisip ang naganap kanina sa salon. Hindi siya makapaniwalang kinabahan siya nang sobra dahil lang sa simpleng pagbanggit ng pangalan ng dati niyang kaibigan. Hindi niya akalain na siya pa ang matatakot dito e halos mapatay niya na nga ito noong nahuli niya itong nakikipag-sex sa ex-boyfriend niya.That was different back then. Ngayong nakakasama niya na si Saint at ang magiging anak nila, pakiramdam niya ay mas nalalapit siya sa paparating na problema—lalo na ngayong parang nagpaparamdam ang babae na wala namang koneksyon sa kanilang mag-asawa.There’s this feeling inside her na sa oras na bumalik ito ay masisira ang buhay niya pati na rin ng
Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Sloane nang marinig ang pamilyar na pangalan. Napaangat siya ng tingin sa salamin ngunit hindi niya na nakita ang babae dahil inakay na ito ng isang hair stylist papunta sa isang room. Hindi niya nakita ang mukha nito kaya mas lalo itong kinabahan sa isipin na baka nga si Margaux ang pumasok.Samantala, dahil tutok si Mich sa cellphone niya at nagpapatugtog sa earphones niya, hindi niya napansin si Sloane na namumutla na para bang nakakita ng multo. Agad niya itong inabot at tinapik sa balikat.“Huy, anyare? Bakit namumutla ka dyan?” “N-narinig mo ba ‘yung pangalan ng pumasok na babae?”Kumunot ang noo ni Mich. “Sino? Hindi ko napansin, girl. Naka-earphones ako,” wika nito at bahagyang ipinakita ang tainga nito na may nakasalpak ngang earphones.Mas lalong ginapangan ng kaba si Sloane. Tumakbo sa isip niya ang iba’t ibang scenario kung sakaling si Margaux nga ang pumasok at magkita sila. Ano na lang ang magiging reaksyon niya? Magugulat din ang baba
Lumipas ang ilang linggo pagkatapos ng naging memorable na date nila ay mas malapit na ang loob nina Saint at Sloane sa isa’t isa. Wala na ang ilang sa kanila at malaya na rin nilang naipapakita ang nararamdaman nila. Gayunpaman, hindi pa sila umaabot sa punto kung saan aaminin na nila sa isa’t isa ang pagmamahal na tinatago nila. Pareho nilang gustong sulitin ang oras na magkasama sila at huwag magmadali.Ikaapat na buwan na rin ng pagbubuntis ni Sloane kaya halatang-halata na ang baby bump niya na ikinatuwa nilang mag-asawa. Madalas na rin siyang magsuot ng maternity dresses. Bukod pa rito, hindi na rin siya gaano nakakaranas ng morning sickness at mas magana na siyang kumain kaya bibihira na lang din pumapasok si Saint sa trabaho upang mapagsilbihan ang kaniyang asawa—bagay na hindi ikinatuwa ng nanay niya.“Sweetheart, ano itong naririnig ko na hindi ka na raw gaanong pumapasok sa company? What’s happening, huh?” Nailayo ni Saint ang cellphone mula sa kaniyang tainga dahil sa stri
Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso naman sila sa isa sa mga tourist spot sa Tagaytay kung saan kitang-kita ang Taal—ang Picnic Grove.Nagkakalat ang pagkamangha ni Sloane sa kaniyang mukha habang naglalakad sila sa mala-bundok na lupa sa Picnic Grove. Napakapresko ng hangin dito at malamig pa. Maraming tao sa paligid kaya buhay na buhay ang lugar. May ilang grupo ng magkakaibigan na nagsasalitan sa pagkuha ng litrato, may mga pamilyang nagpi-picnic, at may mga estudyante rin na sa tingin nila ay nagfi-field trip. Bukod pa rito, may mga naririnig din silang sigaw sa taas dahil sa mga nagzi-zipline. Napapahalakhak na lang si Sloane dahil ang iba ay nagmumura pa. Maliban sa mga taong nag-eenjoy sa tanawin ng Tagaytay, marami ring souvenir shops sa paligid tulad ng mga keychain, wooden bag, shirts, at marami pang iba. “Ang ganda, grabe…” namamanghang usal ni Sloane.Nakatitig lamang si Saint sa kaniyang asawa at sumang-ayon sa kaniyang isip.‘Maganda nga. Napakaganda.’Napapailing na
“S-saan tayo pupunta pagkatapos?” tikhim ni Sloane pagkalabas nila ng hospital. Hanggang ngayon ay namumula pa rin siya sa usapan nina Dra. Gracia at Saint.“We’ll eat first tapos saka tayo mamasyal,” ani ni Sint, pinipigilan ang ngisi.Napasimangot si Sloane sa pasimpleng panunukso ng asawa at tumango. “Saang restaurant ba? Masyado yatang maraming tourist dito ngayon, mahihirapan tayo maghanap ng free table.”Ngumisi lang si Saint dahil sa nakalatag niyang plano. Sakto naman na huminto ang isang black Sedan sa harapan nila at hinatid sila sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay dahil sa overlooking view nito sa Taal.Namamangha silang pumasok sa loob na nagmistulang kainan sa gitna ng napakalawak na hardin. Preskong-presko at malamig ang simoy ng hangin. Idagdag pa ang mabangong amoy ng mga bagong dilig na halaman sa paligid.Sinalubong sila ng buong crew na ipinagtaka ni Sloane at hinatid sila sa mesa nito kung saan ito ang may pinakamagandang spot sa buong restaurant.Ang ganda n
Pagka-land ng kanilang helicopter sa helipad ng hospital kung nasaan naroon si Dra. Gracia ay dumiretso na sila sa clinic nito. Sakto namang nasa break ito kaya nakasingit ang kanilang check-up bago muling dumagsa ang mga pasyente.“Good morning, Dra. Gracia,” bati nina Saint and Sloane.“Good morning, Mr. and Mrs. Irvine. Maupo kayo.” Iminuwestra ni Dra. Gracia ang magkatabing upuan at naupo naman doon ang mag-asawa. “So, today’s your monthly check-up. How are you feeling, Mrs. Irvine?”“I’m quite well, doctora. Maayos naman po kaming nakabyahe rito,” malumanay na sagot ni Sloane.“That’s good to know dahil ginambala pa ako ng asawa mo kagabi para itanong kung pwede bang sumakay sa helicopter ang buntis,” turo ng doctor kay Saint na ngayon ay may munting ngisi. “You did that?” gulat na baling ni Sloane sa asawa.Saint casually shrugged. “Well, I have to make sure everything’s perfect if I want to take you out on a date, right?”Nag-init ang pisngi ni Sloane sa kaswal na response sa