LOGINHindi nga nagkamali si Saint nang sabihin nito na darating agad ang mga singsing dahil pagkarating nila ni Sloane sa simbahan pagtapos magpalit ng wedding attire ay naroon na agad nakahanda ang mga singsing.
Hindi pa nagsisimula ay napapalunok na si Sloane dahil mula sa entrance ng simbahan kung saan siya magsisimulang maglakad, nakikita niya na agad ang kinang ng mga singsing na siguro ay umabot sa humigit-kumulang 50 million kabuuan. Suot ang magarbong wedding gown at flower bouquet sa kamay, lumakad siya palapit sa altar, dinarama ang bawat sandali bago siya legal na maging misis. Sa bawat hakbang niya ay tila naka-slow motion ang paligid, hindi makapaniwala na talaga ngang nasa kasalan na siya—na siya mismo ang bride at hindi abay lang. Tiningnan niya si Saint sa harapan. Seryoso ang titig nito sa kaniya ngunit may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata. Sa likuran nito ay ang kaibigan nitong abogado na gumawa ng marriage contract nila, ang nag-iisa nilang witness. Nang makarating siya sa harapan, sinalubong siya ni Saint at hinawakan nito ang malamig niyang mga kamay, kabaligtaran nito ang init na pakiramdam ng mga kamay ng lalaki. “You ready?” mahinang tanong nito. Tumango lamang siya bago sila tuluyang pumunta sa altar kung saan naroon na ang pari na nakaantabay sa kanila. “Dearly beloved, thank you all for coming today to share in this wonderful occasion. Today, we are here together to unite Sloane Elizabeth Alvarez and Saint Evander Irvine in marriage,” panimula ng pari. Doon natauhan si Sloane. Isang Irvine ang ikakasal sa kaniya. Ang hindi gaanong kilalang CEO ng mga kilalang multibillion company sa Pilipinas, Italy, at America. Kilala ito sa pagiging “faceless” dahil bibihira lamang ito nakikita sa publiko. Kung sa mga magazine naman, exclusive lang ito sa mga elite socialites kaya halos sila-sila lang din ang nakakakilala sa lalaki. Nagpatuloy ang seremonya na parang hinahalukat ang sikmura ni Sloane dahil sa nalaman niya. Hindi nga ito basta-basta lang. At sigurado siyang malaki nga ang magiging pagbabago sa buhay niya lalo na’t dinadala rin niya ang tagapagmana nito sa hinaharap. “Do you, Sloane Elizabeth Alvarez, take this man to be your lawfully wedded husband, to live together in matrimony, to love him, comfort him, honor and keep him in sickness and in health, in sorror and in joy, to love and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?” Parang may bikig sa lalamunan ni Sloane na pinipigilan siyang magsalita. Samantala, nakatitig lamang si Saint sa kaniya na may kaba kahit na alam nitong hindi na siya matatakasan pa. “I-I do…” Tila nakahinga nang maluwag si Saint. Inulit ng pari ang kaniyang mga sinabi kay Saint. Hindi gaya ng babae, walang pag-aalinlangan itong sumagot. “I do.” Nang maisuot ang mga singsing, mas lalo pang naramdaman ni Sloane ang bigat sa kaniyang dibdib. Kabaligtaran ito ng nararamdaman ni Saint na parang nabuhayan ng dugo nang maisuot ang singsing sa babae. Sa kaniya na ito ngayon. Ilang segundo lamang ay magiging opisyal niya na itong asawa. “By the authority vested in me, I now pronounce you as husband and wife!” Hindi na nag-aksaya ng oras si Saint at agad na hinalikan si Sloane, bagay na matagal na niyang gustong gawin. Dinig naman ang palakpakan ng kaibigan ni Saint at ng pari. Mag-asawa na sila ngayon. Bagay na kailanman ay hindi na nila matatakasan. Ilang sandali lang ang lumipas ay nasa bahay na sila ni Saint, o mas maganda sigurong sabihin na mansyon dahil sa sobrang garbo at lawak nito. “From this day, my properties are your properties. What is mine is also yours.” Ramdam ni Sloane ang mainit na hininga ni Saint sa kaniyang likuran na nagpatindig ng kaniyang balahibo. “At anong kapalit?” “Ikaw. Ikaw pati ng magiging anak natin.” Lumapit si Saint at ipinulupot ang mga braso sa baywang ni Sloane at hinapit ito papalapit. Tahimik na napasingap si Sloane nang maramdaman niya ang matigas na dibdib ng kaniyang asawa. Asawa. Hindi niya alam ang kaniyang mararamdaman. Naging misis agad siya sa iilang oras lang. Kaninang umaga lang ay gumising siya upang magtrabaho, ngunit ngayon ay matutulog siyang may asawa na at may sanggol pa sa kaniyang sinapupunan. “You’re an Irvine now. Your life has already changed,” bulong ni Saint sa kaniyang tainga habang hinihimas ang tiyan nito. “I will make sure you and our baby will enjoy being mine.” Napalunok si Sloane. “Sana lang ay huwag mong kalimutan na kasal lang tayo sa papel at ginagawa lang natin ito para sa bata,” tangi niyang nasabi. Halos hindi niya na marinig ang sariling boses sa lakas ng tibok ng puso niya. Naramdaman niya ang ngisi ni Saint at mas lalo pa siyang hinapit palapit, wala nang pagitan sa kanilang dalawa. Kumislap nang kakaiba ang mga mata nito. “That reminds me of another contract you need to sign.”“Are these our new weapons?” Iyon ang naging bungad sa kanila ni Dominic habang papasok sa conference room kasama ang ibang direktor. Sa hindi inaasahan, nakasunod sa kanila si Gabriel na dumiretso agad ang mga mata kay Evony. Evony was slightly stunned seeing Gabriel again. Hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita simula noong mamatay si Anjo. Mas lumayo na sila sa isa’t isa at hindi naman manhid si Gabriel upang hindi maramdaman iyon. Lori immediately switch seats so Gabriel could sit next to Evony, giving them time to exchange knowing glances. Nakamasid naman sa kanila si Roman, may mariing pagbabantay kay Evony lalo na’t nariyan ang binata. Evony avoided Gabriel's eyes and gave a single nod to Dominic. “Yes, sir. Iyan ang ibinigay sa akin ng Cascara Grounds,” sagot niya. Dominic hummed in acknowledgement, opening the luggage. “How about your parents?” tanong ulit nito habang ini-inspection ang mga high-end na armas. “Ligtas ba silang nakaalis?” “I hope so, sir. Sinigu
“Evony…” Si Lori kaagad ang bumungad kay Evony pagkarating niya sa headquarters. Nag-aalala ang kanyang itsura lalo na’t alam nito ang plinano ng kaibigan ngayong araw. “Are they okay?” she asked, her voice full of unmistakable worry. Evony smiled softly and caressed Lori’s shoulder. “They're okay, Lori. Hindi naging madali dahil pinigilan talaga ako ni kuya, pero it was a success. By this time, they are on their way to Canada kung nasaan nandoon sina Dada Rocky.” Napahinga nang malalim si Lori dahil sa ginhawa. Maliit na lamang siyang ngumiti kay Evony kahit na nalulungkot ang buong diwa niya dahil sa paglisan ni Radleigh. Simula kasi noong mamatay si Anjo, hindi siya nito makausap nang maayos. Masyado siyang naapektuhan sa pagkamatay ng kaibigan na halos hindi niya na nabibigyan ng atensyon ang nobyo. Noong ibinalita ng Duello sa kanila ang plano na ilayo ang kanilang mga mahal sa buhay, alam niyang mawawalay si Radleigh mula sa piling niya sa sandaling oras. Ayaw man niyang m
Hindi na nag-usap ang magkapatid pagkarating nila sa heliport. Gaya ng sabi ni Dominic, secluded nga ang area dahil halos walang katao-tao roon maliban sa mga guard at sa piloto nila. Nakilala agad ni Evony ang ilan sa mga ito dahil tauhan sila mula sa Cascara Grounds na siyang makakasama ng kanyang pamilya sa byahe. “This way, Irvines.” Their pilot personally led them on the way to the helicopter waiting for them. Nakaandar na ang makina nito at handa ng umalis. It was a huge white helicopter. Nakakatakot ang pag-ikot ng rotor blade nito. At sa tail boom naman, naroon ang malaking pangalan ng “Duello”. Binigyan lamang ni Evony ng tingin sa isa sa mga tauhan mula sa Cascara Grounds na sinuklian lamang siya ng maikling tango. “Let’s go.” Evony led the way. Nakasunod lamang sa kanya si Radleigh, nakikiusap pa rin sa kanya habang sinasabayan ang bilis ng kanyang hakbang. “Please, Evony. Don't do this. Sumama ka sa amin.” “Sasama ako sa inyo, kuya,” giit ni Evony saka huminto sa ta
“The helicopter is ready at the heliport, Evony. Shall we go now?” Napalingon si Evony kay Radleigh na nakasilip sa pinto ng kanyang kwarto. Bitbit na nito ang malaki niyang maleta, handa ng lisanin ang Pilipinas. “Mauna na kayo sa baba, kuya. Susunod na lang ako,” sagot ni Evony saka nagpatuloy sa kanyang ginagawa. “Bakit hindi ka pa nag-impake kagabi? You're taking too much time,” puna ni Radleigh ngunit wala namang bahid ng inis dito. Hindi kaagad sumagot si Evony at nagpatuloy lamang sa pagtutupi ng kanyang damit. Gayunpaman, hindi niya pa ito ipinapasok sa kanyang maleta kaya napabuntong-hininga na lamang si Radleigh at pumasok sa loob ng kwarto ng kapatid. “Let me help you.” Evony was quickly alarmed when Radleigh attempted to open her luggage. “What are you doing?” she hissed, snatching her luggage away from Radleigh’s grip. Radleigh looked bewildered at his sister’s sudden reaction. Napatitig siya rito dahil sa gulat, hindi mawari kung bakit ganoon na lang bigla ang ki
“Hindi kami papayag na malayo kami sa ‘yo, anak.”Mahigpit na hinawakan ni Evony ang kamay ng kanyang ina na kulang na lang ay lumuhod sa kanya upang magmakaawa na huwag silang dalhin sa ibang bansa.“It's for your safety, mom,” mahinahong giit ni Evony sa kanila. “I tried to talk to Sir Dominic out of this topic pero siya na mismo ang pumilit sa akin na kumbinsihin kayong dalhin muna sa ibang bansa pansamantala.”“Sa tingin mo ba matatahimik kami roon kung alam naming nagdurusa ka rito sa Pilipinas?” mariin namang sabat naman ni Saint.“Dad, please? Convince mom,” she pleaded. “Hindi pwedeng nandito kayo sa Pilipinas dahil masyado nang magulo ang away namin laban sa mga Constantino.”“Kailan pa ba matatapos iyan, anak?” Sloane sighed in exasperation. “Gusto na naming makasama ka sa araw-araw. Lagi na lang kaming nababalot ng daddy mo sa takot na baka isang araw ay mabalitaan na lamang namin… na wala ka na dahil sa pakikipag-giyera.”“Mom, listen to me.” Evony gently cradled her mothe
“Ano?! Nakatakas si Hanz?!” Sabay-sabay na naalarma ang mga direkto ng Duello kasama sina Roman and Evony sa loob ng conference room nang nagmamadaling pumasok sa loob ang isa sa mga guard na nakabantay sa basement. Humahangos itong tumango. “Oo, sir! Pagtingin po namin sa baba, wala na siya roon! Sira na rin po ang pinto!” Napamura si Dominic. “Paano naman siya makakatakas dito?! That's so impossible!” Nagkatinginan sina Evony at Roman. Kapwa silang napailing habang iniisip kung sino ang nangahas na magpalaya sa lalakeng iyon. Tatlong araw pa lang ang lumipas simula sa palpak nilang mission. Nakaburol na rin ngayon si Anjo at nakatakdang ilibing sa Linggo. Ang mga kasambahay naman na nadakip nila na siyang inaasahan nilang tutulong sa kanila ay hindi rin mapakinabangan dahil hindi sila sumasagot. Tila traumatized din sila sa nangyari kaya kineep na lamang muna sila ng Duello pansamantala. Ngayon ay panibagong problema na naman ang bumungad sa kanila dahil sa pagkalaya ni Hanz.







