Share

Chapter 6

Author: Rawra1441
last update Last Updated: 2025-03-26 15:41:32

NANG sumunod na pasukan ay nalungkot siya. Wala na kasi si Tristan sa school nila. Tapos sa Manila pa ito nag-aral ng college. Do'n na rin ito magbo-board dahil hussle kung uuwi pa ito araw-araw.

Ang nagbibigay lakas na lang sa kaniya ay ang araw ng Sabado at Linggo kung saan uuwi si Tristan.

Doon niya na lang ito nakikita. Madalas sa nakakasabay niya ito sa agahan. Pero madalas itong wala. Lagi nitong kasama si Sunny. Sa tingin niya may relasyon na ang dalawa pero hindi lang umaamin.

Mas okay na rin na hindi pa umaamin ang dalawa dahil alam niyang masasaktan lang siya nang sobra kapag nalaman niya ang totoo. Mas madaling magpanggap at paniwalain ang sarili sa bagay na gusto niyang paniwalaan kaysa harapin ang katotohanan na may ugnayan na ang kapatid niya at ang lalaking mahal niya.

"Amy, puwede mo bang gisingin si Tristan? Ang alam ko kasi may lakad siya ngayon at nagpapagising nang maaga, hindi ko naman maiwan itong whini-whisk ko dahil baka 'di ko makuha ang consistency na gusto ko," ani sa kaniya ni Tita Bianca.

Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na spatula dahil sa narinig.

"A-Ako po?" tanong niya.

"Oo, please, hija. Pakigising mo na ang bunso ko na 'yon," nakangiting ulit nito.

Kung sinasadya man iyon ni Tita Bianca o hindi, wala na siyang pake. Dali-dali na siyang nagtanggal ng apron dahil baka biglang pumasok si Ate Melba at ito pa ang mautusan.

Malakas ang kabog ng dibdib niya habang naglalakad patungo sa kuwarto ni Tristan. Wala sina Tito Henry at Kuya Travis ngayon dahil sinamahan ni Tito Henry si Kuya Travis na mag-submit ng candedacy for SK Chairman.

Huminga muna siya ng ilang ulit at inayos ang buhok at damit bago kinatok ang pinto ni Tristan. Nakailang katok na siya at tawag dito pero hindi ito sumasagot. Kaya naman nagpasya na siyang buksan na lang ang pinto. Bumukas naman agad nang pinihit niya ang seradura.

Sumalubong sa kaniyda ang lamig ng aircon mula sa kuwarto ni Tristan. Medyo madilim dahil nakasarado ang makakapal na kurtina sa nag-iisang bintana.

Aninag niya naman ang kama kung saan padapang nakahiga roon si Tristan. Namula ang mga pisngi niya habang nakatingin sa hubad nitong likuran. Malapad at makinis ang likod ni Tristan. Napansin niya na mas lumalapad ang katawan ni Tristan simula nang mag-aral ito sa Manila. Mas tumangkad din ito. Nagbago rin ang pananamit nito. Mas naging maporma kaya mas lalong pinagkakaguluhan si Tristan ng mga kababayan nila kapag umuuwi ito.

Lumapit pa siya sa kama. Pinagmasdan niya muna si Tristan nang matagal. Pinagsawa niya ang mga mata sa maamo nitong mukha. Para itong baby na napakainosente habang natutulog. Bahagyang nakatagiid ang mukha nito paharap sa kaniya kaya medyo naka-pout ang labi ni Tristan. Para talagang baby. Natural na mapula ang labi ni Tristan, makakapal din ang pilikmata nito at matangos ang ilong. Daig pa nito ang isang artista sa kinis ng mukha, ni parang walang pores.

Nahaplos niya tuloy nang wala sa oras ang mukha niya, napangiwi siya dahil oily na siya.

Muli niya sanang tatapikin si Tristan nang bigla itong gumalaw. Sa sobrang taranta niya ay dumapa siya sa ibaba ng kama. Nang maramdaman niyang mas lumundo pa ang kama ay nagsumiksik siya sa ilalim ng kama. Takot na baka mahuli siya ni Tristan na nasa loob siya ng kuwarto nito.

Naduling siya nang tumapat sa kaniya ang mga paa ni Tristan. Inis na nasabunutan niya na lang ang ulo. Bakit ba kasi nagtago-tago pa siya? E, may dahilan naman siya kaya siya nasa kuwarto ni Tristan, pero dahil sa pagkataranta niya ay sumuot siya sa ilalim ng kama nito at inilagay ang sarili sa alanganin. Paano siya ngayon lalabas sa kinaroroonan niya at ipaliliwanag kung bakit siya nagsumiksik dito nang hindi siya napag-iisipang freak ni Tristan?

Napatakip siya sa bibig niya nang malaglag sa mga paa ni Tristan ang pajama nito. Napanganga siya nang maglakad si Tristan papunta sa closet nito at kumuha ng tuwalya. Kitang-kita mula sa kinaroroonan niya ang matambok na pang-upo nito. Nang haharap si Tristan ay agad siyang pumikit. Hindi pa siya handang makita ang lahat-lahat kay Tristan. Isinubsob niya ang mukha sa sahig at pinakinggan ang mga yabang ni Tristan. Narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo, kasunod niyon ay ang lagaslas ng shower.

Naliligo na si Tristan. Kinuha niya naman ang pagkakataon na iyon para umalis sa ilalim ng kama at dahan-dahang lumabas ng kuwarto ni Tristan. Napasandal siya sa likod ng pintuan ni Tristan habang hawak ang kaniyang kaliwang dibdib. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nagwawala iyon at gustong kumawala sa ribs niya.

"Oh, Amelie? Bakit pawis na pawis ka? Saka bakit nandiyan ka sa labas ng kuwarto ni Tristan?" takang tanong ni Ate Melba, galing ito sa kuwarto ni Kuya Travis bitbit ang mga maruruming damit.

Napalunok siya dahil nanunuyo ang lalamunan niya. Pinunasan niya rin ang pawis niya. "G-Ginising ko si Tristan, Ate Melba, inutusan a-ako ni Tita," nabubulol na sagot niya sa tanong nito.

Nagdududa naman siyang tiningnan nito, pero hindi na nagtanong. Tumalikod na ito. Siya naman ay nanginginig ang mga tuhod na bumalik sa kusina. Nililigpit na ni Tita Bianca ang ilang pinaggamitan nila sa pagbe-bake. Itinuloy na rin nito ang ginagawa niya kanina na paglalagay ng icing sa cake.

"Oh, Amelie, gising na ba si Tris—Okay ka lang ba, hija?" nag-aalalang tanong nito. Binitiwan ni Tita Bianca ang ginagawa at nilapitan siya. Sinalat nito ang noo niya. "Ang lamig ng pawis mo," anito.

Hindi naman siya makaimik. Shock pa rin kasi siya sa nakita. Ayaw ng mawala sa balintataw niya ang . . . omg, nagiging pervert na siya!

"S-Sinisikmura po 'ata ako, Tita," pagpapalusot niya.

"Naku, maupo ka muna at ipagtitimpla kita ng gatas para mainitan 'yang sikmura mo."

Inakay pa siya nito paupo sa high stool at pinaupo siya roon. Ipinagtimpla siya nito ng gatas. Nakonsensiya naman siya dahil nag-alala pa ito sa kaniya dahil sa kalokohan niya.

"Here, inumin mo muna 'yan." Inilapag ni Tita Bianca ang isang basong gatas sa mesa.

Kahit tuloy hindi siya mahilig sa gatas ay napainom siya.

NAGING madalang na ang pag-uwi ni Tristan dahil mas naging busy na ito sa pag-aaral. Ang noon na linggo-linggong uwi nito ay naging buwanan na, hanggang sa kada semester na lang ito umuuwi.

Lungkot na lungkot siya dahil miss na miss niya na ito pero wala siyang magawa. Tinutukan niya na lang ang pag-aaral para naman makakuha siya ng mataas na grade at payagan siyang sa Manila na rin mag-aral kung saan nag-aaral si Tristan.

Ang kaso hindi siya pinayagan ng mommy niya. Bakit pa raw siya lalayo kung may university naman sa bayan nila? Iniyakan niya iyon. Asang-asa kasi siya na kapag gr-um-aduate siya ng senior high ay makakasama na ulit niya si Tristan sa isang eskuwelahan.

Mas lalo pa siyang naiyak nang makalipas ang isang taon ay si Sunny naman ang naka-graduate at napayagang makapag-aral sa university kung saan nag-aaral si Tristan.

Masama ang loob niya. Iniisip niya pa lang na magkakasama sina Sunny at Tristan ay selos na selos na siya. Araw-araw nang magkikita ang dalawa, paniguradong mas lalalim ang ugnayan ng mga ito na ikinatatakot niya.

Dumating ang graduation ni Tristan, may hinandang party para dito. Muling nagkakulay ang mundo niya. Darating si Tristan at muli na naman niyang makikita nang personal. Tanging sa social media na lang kasi niya ito nakikita, doon na lang din siya nakikibalita at paminsan-minsan ay kay Tita Bianca.

Tumulong siya para sa graduation party ni Tristan. Mamayang gabi ang dating nito kasama ang mga magulang. Hindi nito alam na may inihanda para ditto, ang alam lang nito ay may munting salo-salo.

Excited na excited siya. Nang matapos niyang gawin ang cake na para kay Tristan ay nagmadali siyang pumunta sa parlor para magpa-hot oil, magpa-pedi, at mani. Gusto niyang magandang-maganda siya kapag nakita siya ulit ni Tristan.

"NANDIYAN na sila!" impit na tili ni Ate Melba.

Nakapatay ang mga ilaw at nagsama-sama sila sa isang sulok sa sala para magtago. Kumpleto ang mga barkada ni Tristan. Narito rin si Tere at ilang classmate ni Tristan noong senior high.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Inayos-ayos niya ang buhok. Pumuwesto siya sa unahan para siya ang unang makikita ni Tristan pagpasok nito. Hawak niya ang party popper. Nang bumukas ang ilaw at bumaha ang liwanag ay dalawa sila ni Tristan na nagulat. Hindi niya tuloy napaputok ang party popper. Natulala siya sa babaeng kasama ni Tristan. Si Sunny.

Mas lalong gumanda at mas naging sopistikada. Gaya ni Tristan, hindi niya na rin masyadong nakikita ang kapatid. Ni hindi niya nga ito ina-accept sa f******k. Insecure na kung insecure, pero ayaw niyang nakikita ang mga litrato ng kapatid sa social media dahil kinakain siya ng insecurities niya.

Sikat ang kapatid niya dahil may sarili itong vlog at rumarampa rin ito para sa ilang kilalang brand dito sa Pilipinas. Ang layo-layo ni Sunny kumpara sa kaniya—at ngayong nakikita niya ito katabi si Tristan, kumikirot kasi ang puso niya dahil bagay na bagay ang dalawa.

"Uy, Amelie, natulala ka na riyan?" bulong sa kaniya ni Kuya Travis na kaakbay si Tere na ngayon ay kasintahan na nito. Siniko pa siya ni Kuya Travis. Napakurap-kurap naman siya. Ngayon niya lang napansin na nasa kaniya na pala ang atensyon ng ibang tao roon. Dahil sino ba sa mga naroroon ang hindi nakakaalam kung gaano siya kabaliw kay Tristan? Malamang na natatawa ang mga ito sa kaniya.

"Yey!" aniya. Walang buhay at saka pinaputok ang party popper kahit tapos na. Binuntutan niya iyon ng tawang wala ring buhay.

Naramdaman niya namang may umakbay sa kaniya at nang tingalain niya iyon ay ang nakangiting mukha ni Drake ang sumalubong sa kaniya.

"Lutang na naman 'tong si Amelie. Gutom ka na, 'no?" anito. "Kainan na!" sigaw nito saka siya giniya papunta sa buffet na inihanda nila. Dahil naman doon ay nawala na sa kaniya ang atensiyon ng mga tao.

"Official na ba ang kapatid mo at si Tristan?" bulong sa kaniya ni Tere na kasama niyang kumukuha ng pagkain. Si Kuya Travis kasi ay nakikipag-usap sa ibang mga kakilala nitong dumating.

"Ewan," sagot niya. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit hindi niya ini-stalk ang kapatid.

"Mukhang sila na pero ayaw lang umamin. Tingnan mo, oh, kung magtinginan ang lagkit-lagkit."

Tiningnan niya rin sina Tristan at Sunny na magkatabi sa isang mesa kasama ang ibang barkada ng mga ito. Dikit na dikit ang mga ito na halos wala ng espasyo sa gitna. Halos subuan din ito ni Tristan ng pagkain.

"Siguro natatakot siyang umamin dahil mananagot siya kay Daddy," aniya kay Tere. Mahigpit kasing bilin ng daddy nila na hindi sila puwedeng mag-boyfriend hangga't hindi sila nakaka-graduate ng college. At dahil pareho sila ni Sunny na Daddy's girl ay sinusunod nila iyon.

"Baka nga. Maiba pala ako, nanliligaw ba sa 'yo si Drake?"

Nangunot naman ang noo niya sa tanong ni Tere. "Nanliligaw? Si Drake? Sa akin?"

Tumango lang ito dahil hindi makapagsalita. Ngumunguya na ito ng lumpia.

"Hindi, ah!" natatawang tanggi niya. May mga ilan na ngang nagtatanong kung nanliligaw ba sa kaniya si Drake. Sa iisang university kasi sila nag-aaral ni Drake. Ito lang 'ata sa mga magbabarkada ang nanatili rito sa bayan nila at hindi nag-aral sa Manila. "May jowa 'yon! 'Yong taga PolSci," aniya. Natatawa. Hindi niya kasi ma-imagine na magkakagusto sa kaniya si Drake.

Oo nga at hindi na sila parang aso at pusa, medyo naging close na rin sila, pero katulad ng nararamdaman niya kay Kuya Travis ay parang isang nakatatandang kapatid lang ang turing niya kay Drake at sa tingin niya naman ay ganoon din ito sa kaniya.

Nagkibit-balikat naman si Tere. "Sabi mo, e," anito.

Naiiling na hindi na lang din siya nakipagtalo kahit pa gusto niyang ipagpilitan na hinding-hindi siya liligawan ni Drake. Ang gaganda kaya ng mga nali-link kay Drake. Noon kasi asar siya kay Drake kaya hindi niya naa-appreciate na guwapo naman din ito katulad ni Tristan, hindi rin papahuli kung physical na aspeto ang pag-uusapan. At ang mga kagaya niya ay hinding-hindi papatusin ni Drake. Mahilig iyon sa mga sosyal kagaya ng mga kapatid niya. Ang alam niya nga, ang bagong girlfriend ni Drake ay isang modelo na taga kabilang bayan.

Sinalubong sila ni Kuya Travis, kinuha nito ang hawak ni Tere at inalalayan pa ang kaibigan niya sa paglalakad. Minsan naiinggit siya sa kaibigan niya, kitang-kita niya kung gaano ito kamahal ni Kuya Travis. Hatid-sundo pa ni Kuya Travis si Tere sa school, minsan nagseselos na siya kasi madalas nang makasama ni Tere si Kuya Travis, pero iniisip niya na lang na siguro kung magiging sila ni Tristan baka ganoon din ang mangyari—baka mas marami siyang oras para kay Tristan.

Malapit sa puwesto nina Tristan sila naupo. Nagpasalamat na lang siya na hindi sa mismong lamesa ng mga ito sila dinala ni Kuya Travis.

"Okay ka lang ba, Amy?" tanong sa kaniya ni Kuya Travis.

Ngumiti siya rito at tumango. "Oo naman. Ahmm, mag-CR lang ako," paalam niya sa mga ito.

Tumayo siya at nagtungo sa loob ng bahay, pero hindi siya pumasok sa banyo. Dumaan siya sa backdoor kung saan may daan patungo sa garden, doon siya nagtungo.

Natigil lang siya sa paghakbang at dali-daling nagkubli nang makita niya sina Sunny at Tristan na nasa 'di kalayuan at magkayakap.

"Kailan mo ba ipapaalam sa mga magulang natin na tayo?" tanong ni Tristan kay Sunny.

Daig niya pa ang nasampal sa narinig. Masakit pala talaga ang katotohanan. Pakiramdam niya kasi parang nilalamukos ang puso niya.

"'Di ba napag-usapan na natin 'to? After college puwede na nating sabihin sa lahat."

"And it's two years from now."

"Just, just two year. Mabilis lang naman lumipas ang mga araw."

Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Tristan. "Pero tuloy pa rin naman ang paglipat mo sa condo ko, hindi ba?"

"Of course . . ."

Napatakip siya sa bibig niya. Kung ganoon maybalak nang magsama ang dalawa? Nakaramdam siya ng galit. Hindi siya papayag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • MY CHEATING HEART   Chapter 7

    HINDI na siya bumalik sa loob, dumaan siya sa pool side at dirediretso nang lumabas sa bahay ng mga Rivera. Nanginginig ang mga kamay niya at tuhod kaya nagpasya na lang siya na tumuloy sa bahay ng lola niya na katapat lang ng bahay ng mga Rivera.Napagbuksan siya ng lola niya. "Tapos na ang party?" tanong nito at tumanaw pa sa likuran niya."Hindi pa po," mahinang tugon niya at pumasok na sa loob."Oh, bakit umuwi ka na?""Pagod na po kasi ako, e," katwiran niya. "Akyat na ako sa taas, 'La," paalam niya at hindi na niya ito inantay na makasagot, nagtuloy-tuloy na siya sa hagdanan at pumasok sa kuwarto niya.Nahiga siya sa kama na hindi man lang nagpapalit ng damit. Namaluktot siya roon habang yakap-yakap ang unan niya. Hinayaan niya ang sarili na umiyak. Ang gusto lang naman niya ay mapansin siya ni Tristan, pero paano pa iyon mangyayari kung nagmamahalan na ito at ang kapatid niya?Agawin mo si Tristan . . .Sulsol ng isang bahagi ng utak niya.Bumangon siya at naupo sa kama. Walang

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 8

    "TIGILAN mo nga 'yan! Para kang tanga!" sita ni Tere sa kaniya sabay hila ng kamay niya palayo sa bibig niya. Kanina niya pa nginangatngat ang mga kuko niya dahil sa sobrang kaba. Habit niya iyon lalo na kapag tensiyonado siya.Tumingin siya sa relo, mag-iisang oras ng late sa kasal nila si Tristan. Kanina pa kompleto ang entourage at inip na naghihintay sa labas ng simbahan.Maski siya ay inip na inip na rin kanina pa. Nakontak naman daw kanina ito ng mommy nito at sinabing na-traffic lang daw. Pinanghawakan niya iyon. Inisip niya na lang na baka na-traffic lang talaga si Tristan."Darating pa ba ang groom mo?" tanong ni Tere sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya dahil si Sunny ang tumayong maid of honor—sa kagustuhan ng kaniyang daddy.Ayaw niya sana dahil ayaw niya nang budburan ng asin ang sugat na nilikha niya rito, pero masyado siyang masaya dahil ikakasal na siya kay Tristan kaya hindi na niya pinansin ang kapatid. Mukha rin namang wala itong planong tumutol dahil sumang-ayon ito

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 9

    NAG-INIT ang mukha ni Amelie nang mapag-isa sila ni Tristan sa hotel suite nila.Maganda ang suite. May overlooking view ng city. Malaki ang kama at napapalibutan ng mga rose petals. Nagkalat din sa paligid ang mga maliliit na scented candle. Dim ang ilaw kaya napaka-romantic ng ambience.Hindi niya maiwasang kiligin. Sa katunayan napakabilis ng tibok ng puso niya sa isiping dalawa lang sila ni Tristan suite na ito.Matagal niyang pinangarap at in-imagine ang magiging ganap sa unang gabi nila bilang mag-asawa.Marami na siyang nabasa at napanood kung paano paligayahin ang isang lalaki sa kama. Kaya kahit virgin siya at never been touch and never been kissed ang drama niya hindi naman siya inosente sa mga ganoong bagay.Nagtanggal na ng suit si Tristan at necktie. Lumapit ito sa center table kung saan mayroong bote ng wine na nakalubog sa bucket ng yelo. Binuksan nito iyon at nagsalin saka mabilisang nilagok.Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito.Bahagya lang siyang sinulyapan

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 10

    NAUNA siyang magising kay Tristan. Nakita niya ang lalaki na natutulog sa sofa at ang laptop nito ay nakapatong sa center table.Hindi na siya nilalagnat kahit medyo nanghihina pa siya. Tumayo na siya at nagpunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo.Alas-otso na ng umaga at kumakalam na ang sikmura niya. Nagdesisyon siyang mag-order na ng pagkain nilang dalawa.Pagkatapos um-order ay lumapit siya sa sofa kung saan nakahiga si Tristan. Naupo siya sa kaharap nitong center table at malayang pinagmasdan ang asawa.Bahagyang nakaawang ang mapupulang labi nito. Mahaba at malantik ang pilikmata nito, maganda rin ang korte ng makapal nitong kilay na bumagay sa mga mata nito.Iyon nga 'ata ang asset ni Tristan. Napangiti siya at hindi niya na napigil ang sarili na haplusin ang mukha nito. Makinis ang balat ni Tristan, mas makinis pa 'ata sa balat niya.Sana kapag nagkaanak sila ay maging kamukha nito.Pero agad napawi ang saya niya at malungkot siyang napangiti.Hindi pa sila dapat magkaana

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 11

    NASA lobby na siya ng hotel nang dumating sina Tere at Kuya Travis para sunduin siya. Agad na niyakap siya ni Tere."Ayos ka lang ba talaga?" tanong nito sa kaniya. Kinuha naman ni Kuya Travis ang maleta niya. Nginitian siya nito at niyakap."Oo nga," natatawang tugon niya sa kaibigan. "Siya nga pala, doon niyo na lang ako sa bus stop ihatid—""No, Amelie, ihahatid ka na namin sa condo ni Tristan," putol ni Kuya Travis sa sasabihin niya. Seryoso ang mukha nito. Minsan lang magseryoso si Kuya Travis kaya alam niya na hindi siya makahihindi rito.Sumakay sila sa kotse ni Kuya Travis. Magkatabi ito at si Tere sa unahan habang mag-isa naman siya sa backseat. Dumaan pa sila sa drive thru at nag-take out ng pagkain. Nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan kaya kahit papaano ay nalibang siya sa biyahe. Pinag-uusapan nila noong mga bata pa sila ni Tere at nakikita ni Kuya Travis na takbo nang takbo sa kalsada nang walang mga sapin sa paa."Tapos ang iitim niyo pa," natatawang kantiyaw ni Kuya Tr

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 12

    "ANO'NG g-ginagawa mo rito?" hawak ang dibdib na tanong niya."Ikaw. Ikaw ang ano'ng ginagawa mo rito?" balik tanong nito. Humalukipkip ito at tinaasan siya ng kilay.Napakamot siya sa kilay niya. "Dito nakatira ang asawa ko."Isang dangkal 'ata ang itinaas ng kilay ni Drake. "Sino?""Si Tristan!" Pinandilatan niya ito. Alam naman niyang alam nito kung sino ang napangasawa niya. Alam naman ng lahat ng kabarkada ni Tristan sa San Simon na nagpakasal sila."Eh, bakit nandito ka?""A-Ano k-kasi . . ." Nahihirapan siyang mag-isip ng idadahilan. Nahihiya naman siyang umamin. "N-Naglilinis pa kasi siya sa taas, a-ayaw niyang makasinghot ako ng alikabok kasi ano, e. Ahmm . . .""Amelie, galing ako sa taas. Nag-iinuman kami ro'n at hindi naglilinis."Nakagat niya ang pang-ibabang labi nito. Napahiya siya. Bakit ba hindi niya naisip na isa ito sa mga bisita ni Tristan?"Tara!" aya bigla ni Drake sa kaniya."Ha?""Kape tayo." Inilahad nito ang kamay sa kaniya.Napalabi siya at napatingin sa mga

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 13

    INIINIT ni Amelie ang ulam na niluto niya kaninang tanghali nang pumasok sa kusina si Tristan. Nakaligo na ito. Sando at short ang suot nito, bahagya pang basa ang buhok."Hi!" masiglang bati niya sa asawa, pero para itong walang nakita at narinig.Dumiretso lang ito sa ref at kumuha ng bottled water."Gusto mo ng kape?" alok niya rito. Tiningnan lang siya nito pero hindi sumagot. Naupo si Tristan sa lamesa. Napangiti siya. Lumapit siya sa coffee maker at gumawa ng kape para kay Tristan. Inilapag niya iyon sa harap nito. Wala siyang natanggap na pasasalamat pero sapat na para sa kaniya na dinampot ni Tristan ang tasa at ininuman. "Maluluto na 'yong iniinit ko, kain na tayo."Binalikan niya ang niluluto. Pinatay niya na ang gas. Kumuha siya ng mga pinggan nila at kutsara. Namili siya kahapon ng mga kitchen wares dahil kulang sa mga ganoon ang condo ni Tristan."Kain na," aniya at siya pa ang nagsandok ng pagkain para sa lalaki.Gutom na rin siguro kaya hindi na umimik at tahimk na kina

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 14

    NAGISING si Tristan ng alanganing oras. Nakaramdam siya ng uhaw. Binuksan niya ang lampshade sa tabi niya. Alas-dos na ng madaling araw ayon sa alarm clock niya.Tumayo siya at lumabas ng silid. Nais niyang kumuha ng tubig sa kusina.Patay ang ilaw sa sala pero bukas naman ang nasa kusina, iyon ang nagbibigay ng bahagyang liwanag sa sala.Kita niya si Amelie na nakahiga sa sofa bed niya. Nakatalukbong ito ng kumot. Napasimangot siya at nilagpasan ito.Dumiretso na siya sa kusina. Maliit lang naman ang kusina niya. Hindi niya naman kasi iyon ginagamit. Madalas na take out food lang ang kinakain niya o kaya'y nagdadala si Sunny ng lutong ulam na ito mismo ang nagluto.May kirot na dumaan sa kaniyang puso nang maalala ang dating kasintahan. Huling nakausap niya ito ay ang gabi ng honeymoon niya. Pinilit niyang makipagkita sa kaniya si Sunny. Pumayag ito at nagtungo sila sa park.Nakiusap siya rito na lumayo na lang sila. Ilang beses niya iyong ginawa bago pa ang kasal nila ni Amelie pero

    Last Updated : 2025-03-26

Latest chapter

  • MY CHEATING HEART   Wakas

    MAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp

  • MY CHEATING HEART   Chapter 51

    IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam

  • MY CHEATING HEART   Chapter 50

    "TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s

  • MY CHEATING HEART   Chapter 49

    "HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong

  • MY CHEATING HEART   Chapter 48

    "GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa."W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan."Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—""Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan."'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan.""Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"Huminga muna siya nang malal

  • MY CHEATING HEART   Chapter 47

    AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito."Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pa

  • MY CHEATING HEART   Chapter 46

    NANATILI lang nakatingin si Amelie sa kisame habang nagkakagulo ang mga taong dumudulog sa kaniya. Nahawi ang mga ito nang may isang pigurang lumapit at lumuhod sa tabi niya pagkatapos ay kinandong ang ulo niya.Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha at pagkahilo. Ramdam na niya ang panghihina ng sariling katawan. Ang unti-unting paghirap na huminga."Please, hold on . . ." ani ng lalaking may kalong-kalong sa ulo niya. Naramdaman niya ang mainit na likidong pumatak sa pisngi niya mula sa mga mata nito.Pamilyar ang tinig sa kaniya. Isang pamilyar na boses na hindi niya pagsasawaang pakinggan. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para paalisin ang mga namumuong luha. Nais niyang makita kung sino ang dumating. Nais niyang kumpirmahin kung tama ba ang hinala niya. At nang luminaw ang kaniyang mga mata at makita ang takot at puno ng pag-aalalang mukha ni Tristan ay may tuwang umahon sa kaniyang puso."D-Dumating ka . . ." aniya. Ngumiti kahit nahihirapan. Kanina pa niya iniisip na kung it

  • MY CHEATING HEART   Chapter 45

    GUSTO niyang sumugod sa loob ng rest house ni Dave, pero mahigpit na nakahawak sa braso niya ang mommy niya na kasama niyang sumugod dito nang malaman nila kung saan dinala ng mga k-um-idnap sina Amelie at Sunny.Kasama nila ang mga pulis, ang magulang ni Dave, at si General Santisimo na kumpare ng daddy niya.Nasa loob na ang swat at dinig nila ang putukan sa loob. Halos hindi siya humihinga. Nais niyang pumasok pero nangangamba siya na baka atakihin naman ang mommy niya, isa pa'y nangako ang General na walang mangyayaring masama sa dalawang babae dahil undercontrol na ng mga ito ang sitwasyon."Si Sunny!" sigaw ng mommy nito na katabi at nakayakap sa esposo. Kasunod ito ng mga magulang niyang dumating nang makarating sa mga ito ang nangyari."Diyos ko, ang anak ko!" parang hihimataying paghihisterya ni Mrs. Rivera.Palabas si Sunny sa rest house, nakaalalay rito ang dalawang swat. Namumutla ang babae at nanginginig. Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Kung ligtas si Sunny, malamang

  • MY CHEATING HEART   Chapter 44

    "D-DAVE . . ." Namutla si Sunny nang makita si Dave.Maski siya'y nagulat din. Ibang-iba ang itsura ni Dave. Mahaba ang buhok nito at magulo. Makapal na rin ang balbas, mukhang ilang buwang hindi nagshe-shave ang lalaki. Namayat din ito at humumpak ang pisngi. Nanlalalim ang mga mata.Basa ang malagong buhok nito, halatang kaliligo lang. Puting long sleeve polo ang suot nito na hindi maayos ang pagkaka-tuck in sa itim na slacks, wala itong sapin sa paa."Hi, love . . . kumusta ka na?" malambing na tanong nito kay Sunny na ngayon ay unti-unti nang napapalitan ng galit ang gulat at takot na bumadha sa mukha nito kanina nang pumasok ang binata."Anong kalokohan 'to, Dave?" galit na tanong ni Sunny.Ngumiti lang si Dave. Lumuhod ito sa harapan ng kapatid niya. Ipinatong ang ulo sa kandungan ni Sunny. Nakapaling ang mukha nito sa gawi niya kaya naman kita niya ang pagod sa mukha nito. Nakapikit si Dave."I m-miss you, love . . ." garalgal ang tinig na ani Dave. Namasa rin ang pilikmata nit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status