Share

Chapter 3

Author: Rawra1441
last update Last Updated: 2025-03-26 15:40:08

"OKAY ka na ba talaga, Amelie?"

Nakasunod sa akin si Sunny, pero hindi ko siya pinapansin. Kanina pa siya tanong nang tanong kung ayos lang ako.

"Oo, ayos lang ako. Puwede ba, Sunny? Umuwi ka na nga!" Binuksan niya ang pinto ng bahay ng lola niya na hindi nililingon si Sunny.

"I-I'm sorry—"

"Tss! Umuwi ka na, puwede?" Inis niyang hinarap si Sunny dahil napipikon na siya.

Bakit ba kinukulit siya nito at hindi na lang umuwi? Sinabi na nga niyang okay na siya, nangungulit pa rin.

Napayuko si Sunny dahil sa pagsinghal niya. Bigla naman siyang nakonsensiya dahil sa nagawa, pero pinigil niya ang sarili na lapitan ito at aluin. Naiinis kasi siya. Naiinis siya na nakikita itong nagiging malapit kay Tristan. Nakararamdam siya ng takot. Maganda si Sunny, 'di hamak na mas maganda sa kaniya at nakikita niyang nakikita iyon ni Tristan.

Kinagat niya na lang ang pang-ibabang labi niya at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay ng lola niya na hindi man lang inaaya sa loob si Sunny.

"Oh, Amelie? Parang narinig ko 'yong kapatid mo, hindi mo man lang pinapasok muna?" salubong ng lola niya sa kaniya.

"E-Eh, uuwi na raw po siya, 'La. T-in-ext na kasi siya ni Daddy," pagsisinungaling niya.

Ang dami na niya ng kasinungalingan ngayong araw.

"Ganoon ba? Oh, kumain ka na rito," aya nito sa kaniya.

"Busog pa po ako, 'La, aakyat na lang ako sa taas," aniya at nagtatakbo na papunta sa silid niya.

Agad siyang nag-dive sa kama niya at tumihaya ng higa paharap sa kisame. Inaalala niya ang lahat ng nangyari. 'Yong kilig na naramdaman niya nang kausapin at magpasalamat sa kaniya si Tristan. Hinila niya ang unan niya at niyakap iyon habang ini-imagine na si Tristan ang kayakap niya.

Natigil lang siya sa pagpapantasya nang maalala ang half sister, mapasimangot na lang siya. Ipinikit niya ang mga mata para muling pangarapin si Tristan.

Madilim na nang magising siya. Naroroon na rin ang mommy niya nang bumaba siya. Humalik siya rito at sumalo sa mga ito sa hapag.

"Si Lolo po?' tanong niya sa lola niya.

"Nanonood. Mamaya na raw siya kakain."

Napansin niyang napasimangot ang mommy niya. Alam niya na kung bakit. Hindi kasi gusto ng lolo niya na mag-asawang muli ang mommy niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakabati ang mga ito.

Hindi na lang siya umimik at tahimik na lang siyang kumain. Nang makatapos ay umakyat siya ulit sa kuwarto niya. Naglaro na lang siya sa cellphone niya dahil wala namang ibang magagawa sa bahay ng lola niya.

"Nag-half bath ka na ba?" ani ng mommy niya nang sumungaw sa pintuan ng kuwarto niya.

"Hindi pa," sagot niya na ang mga mata ay nasa gadget pa rin.

Bumuntonghininga ito. "Dalaga ka na, Amelie, pero kung hindi kita sasabihan ay hindi ka makakaisip maghugas ng katawan mo bago ka humilata riyan sa kama mo. Ang laki-laki mo na, pero lahat na lang ba kailangan pang ipaalala sa 'yo? Why don't you act like, Sunny? 'Yong kapatid mo na 'yon kung kumilos parang dalagang-dalaga na."

May kirot siyang naramdaman. Sunny na naman. Lagi na lang si Sunny ang napupuri ng lahat.

"Ano? Hindi ka pa rin kikilos?" sermon pa rin ng mommy niya.

Nakalabing tumayo na lang siya at kinuha ang tuwalya saka pumasok sa banyo, hindi na niya pinansin ang panenermon ng mommy niya. Kabisado naman na niya ang lintanya ng mommy niya. Puri papuri at pagkukumpara ang lalabas sa bibig nito. Siya ang mas matanda kay Sunny, pero si Sunny ang role model para sa mommy niya.

Bakit kaya hindi na lang sila naging 100% na magkapatid ni Sunny? Siguro kung nagkataon kasing ganda rin siya ni Sunny, kasing graceful din nito kumilos, kasing talino.

Siguro marami ring magkakainteres na makipagkaibigan sa kaniya.

MAAGA siyang nagising kinabukasan, pagkatapos niyang mag-almusal ay tumawid ulit siya sa kabilang bahay. Nakita niya si Kuya Travis na nagbubunot ng damo sa lawn.

"Hoy, ang aga mo na naman!" sigaw nito sa kaniya at sinenyasan siyang lumapit dito.

Naglakad naman siya palapit kay Kuya Travis. Wala itong t-shirt at boxer lang ang suot-suot nito sa lumang salakot. Mukha itong magsasaka, guwapong magsasaka. Napangisi siya, kung si Tristan lang naabutan niyang ganito ang ayos ay buong-buo na ang umaga niya.

"Bakit?" tanong niya kay Kuya Travis nang makalapit siya rito.

"Ikaw!" Duro nito sa kaniya na naniningkit ang mga mata.

Nagulat naman siya kaya napaatras siya.

"'Di ka nagsasabi ng totoo kahapon. Pinanood ko 'yong CCTV, kitang-kita kong sinadya ni Drake na mahulog ka sa pool," galit na anito sa kaniya.

Namilog naman ang mga mata niya sa sinabi nito.

"CCTV?"

"Oo. Masyado kang die hard sa kapatid ko." Nagyuko ito ng ulo. "Kahit napapahamak ka na," anito na ikinapula ng mukha niya.

Napalabi siya at hindi nakasagot. Totoo naman kasi 'yon, totoong patay na patay siya kay Tristan. Bata pa lang siya ay malaki na ang pagkakagusto niya rito at kahit teenager pa lang siya ay alam niyang mahal na niya ito.

"Umiwas ka na kay Tristan, Amelie," pagkuwan ay narinig niyang ani Kuya Travis, nakatutok ang mga mata nito sa binubunot na damo. Ngayon niya lang ito nakita na ganito kaseryoso kaya naman hindi niya alam kung ano'ng isasagot niya. "Masasaktan ka lang."

Natawa siya at napakamot na lang sa gilid ng noo niya. Alam niya na 'yon, matagal na. Tanggap niya naman na imposible siyang magustuhan ni Tristan, pero ano'ng magagawa niya? E, sa batang puso niya ito ang sinisigaw.

"Big girl na ako," aniya na ikinalingon ni Kuya Travis. Ngumiti siya at ikiniling ang ulo. "And big girls don't wait to be loved. They make way to be loved, Kuya Travis," aniya at nakangiting tinalikuran ito.

Pumasok siya sa bahay at agad na hinanap si Tita Bianca, nangako kasi ito na tuturuan siyang mag-bake. Alam niya naman na kapag linggo ay wala si Tristan at naroon sa mga kabarkada nito. Gusto niya lang talaga na tumambay sa bahay ng mga ito. Feel na feel niya kapag umuuwi si Tristan at naroon siya. Feeling niya mag-asawa sila ni Tristan and she's waiting for him for dinner. She loved imagining it.

"UY, si Tristan!"

"Saan?" Nagtaas siya ng tingin mula sa ginagawa at lumingon-lingon.

Narinig niya naman ang paghagikgik ni Tere sa tabi niya na kumakain ng Piattos at may hawak na Zesto. Nasa bench sila malapit sa quadrangle kung saan pinipilit niyang tapusin ang project niya sa Science dahil mamaya na ang pasahan. Nakalimutan niya kasing gawin iyon dahil nalibang siya sa panonood ng Vampire's diaries sa N*****x.

"Para kang tanga!" Inis na inirapan niya ang kaibigan, imbis kasi na tulungan siya nito ay pinagti-trip-an pa siya, parang tanga lang. Hindi na nga niya nagawang mag-lunch.

"'Andiyan naman talaga! Ayun, oh! Tingin ka sa kaliwa mo."

Tumingin naman siya sa kaliwa niya, namilog ang mga mata niya nang makita niya nga si Tristan. Kasama nito sina Bench, Drake, Justin, Carlo, Eve at . . . si Sunny na naman.

Naghaharutan ang mga kaibigan ni Tristan habang kaagapay naman nito sa paglalakad ang kapatid niya. Maraming estudyante ang napapatingin sa mga ito. Sikat kasi ang grupo nina Tristan sa school.

Nawala ang pamimilog ng mga mata niya, naningkit iyon habang nakatingin kina Tristan at Sunny na sweet na nag-uusap.

"Sila na ba ng sissy mo?" tanong ni Tere sabay subo ng Piattos. Nakatingin din ito kina Tristan na naupo sa waiting shed na malapit sa kinaroroonan nila. Kita niya pa kung paano inalalayan ni Tristan si Sunny para makaupo.

"Ewan." Nag-iwas siya ng tingin at binalingan ang Science project niya. May munting kirot siyang nararamdaman at inggit.

Hanggang sa mag-bell ay hindi na niya nilingon ang puwesto nina Tristan at Sunny. Nawala na rin siya sa mood gumawa ng project kaya hindi niya na rin natapos. Ang bigat ng pakiramdam niya.

Wala sa klase ang atensiyon niya kaya ilang beses siyang napagalitan ng teacher nila. Sa Math subject ay halos thirty minutes siyang nakatayo sa likod dahil hindi niya nasagot ang recitation.

"Besh, ang lungkot-lungkot mo, dahil ba nakita mo sina Tristan at Sunny na magkasama?" tanong sa kaniya ni Tere nang lumabas sila ng room.

Hindi naman siya umimik.

"Grabe ka, besh, ano ang feeling ng pinagtaksilan?" nandudumilat na tanong nito sa kaniya.

Hindi siya umimik. Binilisan niya na lang ang lakad para maiwan ito. Tatawa-tawa naman itong sumunod sa kaniya.

"Hoy, Amelie!" tawag sa kaniya ni Tere.

Naiinis siya. Bakit ba ang manhid ng best friend niya? Kung puwede lang mamili ng best friend kaso hindi puwede dahil silang dalawa lang naman ang nagkakasundo sa lahat ng bagay.

"May pinagtutulungang Grade 9 sa likod ng gym!"

Sabi ng isang estudyante. Nabunggo pa siya ng mga ito sa pagmamadali.

"Ang pikon mo talaga!" hinihingal na reklamo ni Tere nang maabutan siya nito.

"May nagsasabunutan daw sa gym," imporma niya rito. "Punta tayo," aya niya. Hindi niya na ito hinayaan na makatanggi dahil hinila niya na ito at nakitakbo na sila papunta sa likod ng gym.

Marami ng mga estudiyanteng miron ang naroroon nang makarating sila. Nakipagsiksikan siya kahit ang iba ay minumura na siya dahil sa paghawi niya sa mga ito. Nakarating sila sa unahan. May tatlong Grade 12 na pinagtutulungan ang isang babaeng estudiyante na halos mahubaran na ng uniform na nakahiga sa sahig.

"Si Sunny!" tili ni Tere. "Si Sunny 'yong pinagtutulungan!"

"Ha?" Gulat na sinipat niya ang mukha ng babaeng nakahiga at nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Sunny nga ang binubugbog ng tatlong Grade 12.

"Hoy! Kapatid ko 'yan!" sigaw niya sabay takbo palapit sa mga ito. Bumuwelo siya at malakas na inihampas ang bagpack niya sa babaeng nakakubabaw sa kapatid niya.

Napasubsob naman ang isa. Hinila niya ang buhok ng isang babae na nakadagan kay Sunny para ilayo sa kapatid niya. Hinarap naman siya nito at galit na nakipagsabunutan sa kaniya. Napasigaw siya nang may humila ng buhok niya mula sa likuran. 'Yong babaeng hinampas niya ng bag. Kahit pakiramdam niya mabubunot na ang ulo niya ay hindi niya binitiwan ang buhok ng babaeng nasa harapan niya.

Lumapit naman sa kanila si Tere at sinabunutan ang babaeng na sa likuran niya, pare-pareho silang natumba sa sahig at nagpagulong-gulong hanggang sa may mga nakaisip nang umawat sa kanila.

Itinayo siya ng lalaking umawat sa kaniya. Yakap-yakap siya nito.

"Easy, easy, awat na, Amelie," anito sa kaniya.

Hinihingal na nilingon niya ito. Nagulat siya nang makita ang nakangising si Drake. Agad na humiwalay siya rito at pinulot ang bag niya sa sahig. Nilapitan niya si Tere na nakaupo sa sahig at tinulungang makatayo. Nilibot niya ang paningin. Awat ng ilang kalalakihan ang mga nakaaway nila. Habang pinalilibutan naman nina Tristan si Sunny. Kita niya ang galit at pag-aaalala sa mukha ni Tristan habang hinuhubad nito ang jacket at isinuot sa kapatid niya.

Nakita niya ang ilang kalmot sa mukha at leeg ng kapatid niya. Muli na naman siyang nakaramdam ng galit sa mga nakaaway nito.

"Tara na," aya niya kay Tere.

Pero bago pa sila makaalis ay inakbayan na sila ni Drake. "Sumabay na kayo sa amin," anito.

Nangunot ang noo niya. "Bakit naman kami sasabay sa inyo?" aniya at pilit inaalis ang braso nito sa balikat niya.

"Kasi po baka abangan kayo ng grupo nina Melody sa labas," ani Drake at ininguso ang Grade 12 student na nakaaway nila. Masama ang tingin ng mga ito sa kanila. Hindi na siya umimik at hindi na rin siya tumutol.

"Ayos ka lang, Amelie?" tanong ni Sunny sa kaniya nang makalapit sila sa mga ito.

"Bakit ka nakikipag-away?" nakakunot ang noong tanong niya rito habang inaayos ang butones ng blouse niya na nasira. "May pardible ka ba?" Bumaling siya kay Tere.

Agad namang nagkalkal sa bag nito si Tere kahit hindi pa nito naaayos ang gulo-gulo nitong buhok. Natawa siya sa itsura ni Tere, mukha kasing pugad ng ibon ang buhok nito.

"Mukha kang ni-rape!" aniya sabay tawa.

Sinimangutan naman siya nito habang nagkakalkal sa bag at naghahanap ng pardible.

"Ikaw mukha kang nasilya elektrika!" anito at natawa na rin.

"Ayos, ah? Tuwang-tuwa pa kayong dalawa," nakataas ang kilay na puna sa kanila ni Bench.

Sabay silang napalingon dito. Nakatingin pala ang lahat sa kanila at nawiwirdohan sa kanilang dalawang magkaibigan. Natigilan siya at bahagyang napahiya lalo na nang makitang nakatingin sa kaniya si Tristan.

"Wala akong pardible, besh," ani Tere.

Hinubad ni Drake ang suot niyang jacket at iniabot sa kaniya. "Isuot mo na lang 'to," anito.

Nahihiyang kinuha niya naman iyon at isinuot.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • MY CHEATING HEART   Chapter 4

    "HINDI ka ba nasaktan?" tanong sa kaniya ni Drake habang naglalakad sila. Nakaagapay ito sa kaniya habang nakasunod naman sila sa likuran nina Tristan at Sunny.Nakalagay sa likod ni Sunny ang kamay ni Tristan, inaalalayan ito sa paglalakad habang mahinang nagbubulungan ang dalawa."Sila na ba?" tanong niya kay Drake na hindi pinansin ang tanong nito sa kaniya kanina.Nagkibit-balikat naman ito."Ewan. Hindi namin alam kung ano'ng score sa kanilang dalawa. Bakit? Selos ka?" nanunudyong tanong nito sa kaniya.Lumabi siya at inirapan ito.Siyempre . . . Bulong niya sa isip. Pero hindi niya isinatinig dahil alam niyang tutudyuin lang siya ni Drake. Dapat talaga hindi na lang siya sumabay sa mga ito, hindi niya pa kasama si Tere dahil sinundo ito ng kuya niya."Alam mo, hindi ko akalain na ipagtatanggol mo si Sunny roon sa grupo nina Melody," anito na nakapagpalingon sa kaniya."Kapatid ko siya, malamang na tulungan ko siya kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Ikaw ba kapag nakita mong gi

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 5

    "ANG ganda mo, Amelie," papuri sa kaniya ni Sunny. Hindi siya umimik at tinitigan lang ang sarili sa salamin.Naka-messy bun ang buhok niya at may mga hiblang nakakawala sa kaniyang tainga. Manipis lang ang makeup niya, pero dark na red lipstick ang pinalagay niya. Gumanda nga siya, ang kaso . . . mas maganda pa rin ang kapatid niya. Pareho sila ng gown na suot. Isang tube cocktail dress. Kulay itim na maraming sequins ang sa kaniya samantalang baby pink naman ang kay Sunny.Nagmukha itong dalaga, bumagay sa kulay ng gown ang kutis ng balat nito. Malambot at mala-sutla."Maganda ka rin, Miss Sunny," ani ng baklang kumare ng stepmother niya na nag-ayos sa kanilang dalawa. Mayuming ngumiti ang kapatid niya. Maski ang pagngiti nito ay nakahahalina. Lihim siyang napabuntonghininga at isinuot na ang black na three-inches heels niya."Tulungan na kita," ani Sunny at yumuko sa harap niya. Nakaupo kasi siya sa harap ng dresser. Hindi niya na ito nasaway dahil inagaw na nito sa kaniya ang sapa

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 6

    NANG sumunod na pasukan ay nalungkot siya. Wala na kasi si Tristan sa school nila. Tapos sa Manila pa ito nag-aral ng college. Do'n na rin ito magbo-board dahil hussle kung uuwi pa ito araw-araw.Ang nagbibigay lakas na lang sa kaniya ay ang araw ng Sabado at Linggo kung saan uuwi si Tristan.Doon niya na lang ito nakikita. Madalas sa nakakasabay niya ito sa agahan. Pero madalas itong wala. Lagi nitong kasama si Sunny. Sa tingin niya may relasyon na ang dalawa pero hindi lang umaamin.Mas okay na rin na hindi pa umaamin ang dalawa dahil alam niyang masasaktan lang siya nang sobra kapag nalaman niya ang totoo. Mas madaling magpanggap at paniwalain ang sarili sa bagay na gusto niyang paniwalaan kaysa harapin ang katotohanan na may ugnayan na ang kapatid niya at ang lalaking mahal niya."Amy, puwede mo bang gisingin si Tristan? Ang alam ko kasi may lakad siya ngayon at nagpapagising nang maaga, hindi ko naman maiwan itong whini-whisk ko dahil baka 'di ko makuha ang consistency na gusto k

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 7

    HINDI na siya bumalik sa loob, dumaan siya sa pool side at dirediretso nang lumabas sa bahay ng mga Rivera. Nanginginig ang mga kamay niya at tuhod kaya nagpasya na lang siya na tumuloy sa bahay ng lola niya na katapat lang ng bahay ng mga Rivera.Napagbuksan siya ng lola niya. "Tapos na ang party?" tanong nito at tumanaw pa sa likuran niya."Hindi pa po," mahinang tugon niya at pumasok na sa loob."Oh, bakit umuwi ka na?""Pagod na po kasi ako, e," katwiran niya. "Akyat na ako sa taas, 'La," paalam niya at hindi na niya ito inantay na makasagot, nagtuloy-tuloy na siya sa hagdanan at pumasok sa kuwarto niya.Nahiga siya sa kama na hindi man lang nagpapalit ng damit. Namaluktot siya roon habang yakap-yakap ang unan niya. Hinayaan niya ang sarili na umiyak. Ang gusto lang naman niya ay mapansin siya ni Tristan, pero paano pa iyon mangyayari kung nagmamahalan na ito at ang kapatid niya?Agawin mo si Tristan . . .Sulsol ng isang bahagi ng utak niya.Bumangon siya at naupo sa kama. Walang

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 8

    "TIGILAN mo nga 'yan! Para kang tanga!" sita ni Tere sa kaniya sabay hila ng kamay niya palayo sa bibig niya. Kanina niya pa nginangatngat ang mga kuko niya dahil sa sobrang kaba. Habit niya iyon lalo na kapag tensiyonado siya.Tumingin siya sa relo, mag-iisang oras ng late sa kasal nila si Tristan. Kanina pa kompleto ang entourage at inip na naghihintay sa labas ng simbahan.Maski siya ay inip na inip na rin kanina pa. Nakontak naman daw kanina ito ng mommy nito at sinabing na-traffic lang daw. Pinanghawakan niya iyon. Inisip niya na lang na baka na-traffic lang talaga si Tristan."Darating pa ba ang groom mo?" tanong ni Tere sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya dahil si Sunny ang tumayong maid of honor—sa kagustuhan ng kaniyang daddy.Ayaw niya sana dahil ayaw niya nang budburan ng asin ang sugat na nilikha niya rito, pero masyado siyang masaya dahil ikakasal na siya kay Tristan kaya hindi na niya pinansin ang kapatid. Mukha rin namang wala itong planong tumutol dahil sumang-ayon ito

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 9

    NAG-INIT ang mukha ni Amelie nang mapag-isa sila ni Tristan sa hotel suite nila.Maganda ang suite. May overlooking view ng city. Malaki ang kama at napapalibutan ng mga rose petals. Nagkalat din sa paligid ang mga maliliit na scented candle. Dim ang ilaw kaya napaka-romantic ng ambience.Hindi niya maiwasang kiligin. Sa katunayan napakabilis ng tibok ng puso niya sa isiping dalawa lang sila ni Tristan suite na ito.Matagal niyang pinangarap at in-imagine ang magiging ganap sa unang gabi nila bilang mag-asawa.Marami na siyang nabasa at napanood kung paano paligayahin ang isang lalaki sa kama. Kaya kahit virgin siya at never been touch and never been kissed ang drama niya hindi naman siya inosente sa mga ganoong bagay.Nagtanggal na ng suit si Tristan at necktie. Lumapit ito sa center table kung saan mayroong bote ng wine na nakalubog sa bucket ng yelo. Binuksan nito iyon at nagsalin saka mabilisang nilagok.Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito.Bahagya lang siyang sinulyapan

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 10

    NAUNA siyang magising kay Tristan. Nakita niya ang lalaki na natutulog sa sofa at ang laptop nito ay nakapatong sa center table.Hindi na siya nilalagnat kahit medyo nanghihina pa siya. Tumayo na siya at nagpunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo.Alas-otso na ng umaga at kumakalam na ang sikmura niya. Nagdesisyon siyang mag-order na ng pagkain nilang dalawa.Pagkatapos um-order ay lumapit siya sa sofa kung saan nakahiga si Tristan. Naupo siya sa kaharap nitong center table at malayang pinagmasdan ang asawa.Bahagyang nakaawang ang mapupulang labi nito. Mahaba at malantik ang pilikmata nito, maganda rin ang korte ng makapal nitong kilay na bumagay sa mga mata nito.Iyon nga 'ata ang asset ni Tristan. Napangiti siya at hindi niya na napigil ang sarili na haplusin ang mukha nito. Makinis ang balat ni Tristan, mas makinis pa 'ata sa balat niya.Sana kapag nagkaanak sila ay maging kamukha nito.Pero agad napawi ang saya niya at malungkot siyang napangiti.Hindi pa sila dapat magkaana

    Last Updated : 2025-03-26
  • MY CHEATING HEART   Chapter 11

    NASA lobby na siya ng hotel nang dumating sina Tere at Kuya Travis para sunduin siya. Agad na niyakap siya ni Tere."Ayos ka lang ba talaga?" tanong nito sa kaniya. Kinuha naman ni Kuya Travis ang maleta niya. Nginitian siya nito at niyakap."Oo nga," natatawang tugon niya sa kaibigan. "Siya nga pala, doon niyo na lang ako sa bus stop ihatid—""No, Amelie, ihahatid ka na namin sa condo ni Tristan," putol ni Kuya Travis sa sasabihin niya. Seryoso ang mukha nito. Minsan lang magseryoso si Kuya Travis kaya alam niya na hindi siya makahihindi rito.Sumakay sila sa kotse ni Kuya Travis. Magkatabi ito at si Tere sa unahan habang mag-isa naman siya sa backseat. Dumaan pa sila sa drive thru at nag-take out ng pagkain. Nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan kaya kahit papaano ay nalibang siya sa biyahe. Pinag-uusapan nila noong mga bata pa sila ni Tere at nakikita ni Kuya Travis na takbo nang takbo sa kalsada nang walang mga sapin sa paa."Tapos ang iitim niyo pa," natatawang kantiyaw ni Kuya Tr

    Last Updated : 2025-03-26

Latest chapter

  • MY CHEATING HEART   Wakas

    MAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp

  • MY CHEATING HEART   Chapter 51

    IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam

  • MY CHEATING HEART   Chapter 50

    "TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s

  • MY CHEATING HEART   Chapter 49

    "HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong

  • MY CHEATING HEART   Chapter 48

    "GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa."W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan."Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—""Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan."'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan.""Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"Huminga muna siya nang malal

  • MY CHEATING HEART   Chapter 47

    AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito."Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pa

  • MY CHEATING HEART   Chapter 46

    NANATILI lang nakatingin si Amelie sa kisame habang nagkakagulo ang mga taong dumudulog sa kaniya. Nahawi ang mga ito nang may isang pigurang lumapit at lumuhod sa tabi niya pagkatapos ay kinandong ang ulo niya.Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha at pagkahilo. Ramdam na niya ang panghihina ng sariling katawan. Ang unti-unting paghirap na huminga."Please, hold on . . ." ani ng lalaking may kalong-kalong sa ulo niya. Naramdaman niya ang mainit na likidong pumatak sa pisngi niya mula sa mga mata nito.Pamilyar ang tinig sa kaniya. Isang pamilyar na boses na hindi niya pagsasawaang pakinggan. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para paalisin ang mga namumuong luha. Nais niyang makita kung sino ang dumating. Nais niyang kumpirmahin kung tama ba ang hinala niya. At nang luminaw ang kaniyang mga mata at makita ang takot at puno ng pag-aalalang mukha ni Tristan ay may tuwang umahon sa kaniyang puso."D-Dumating ka . . ." aniya. Ngumiti kahit nahihirapan. Kanina pa niya iniisip na kung it

  • MY CHEATING HEART   Chapter 45

    GUSTO niyang sumugod sa loob ng rest house ni Dave, pero mahigpit na nakahawak sa braso niya ang mommy niya na kasama niyang sumugod dito nang malaman nila kung saan dinala ng mga k-um-idnap sina Amelie at Sunny.Kasama nila ang mga pulis, ang magulang ni Dave, at si General Santisimo na kumpare ng daddy niya.Nasa loob na ang swat at dinig nila ang putukan sa loob. Halos hindi siya humihinga. Nais niyang pumasok pero nangangamba siya na baka atakihin naman ang mommy niya, isa pa'y nangako ang General na walang mangyayaring masama sa dalawang babae dahil undercontrol na ng mga ito ang sitwasyon."Si Sunny!" sigaw ng mommy nito na katabi at nakayakap sa esposo. Kasunod ito ng mga magulang niyang dumating nang makarating sa mga ito ang nangyari."Diyos ko, ang anak ko!" parang hihimataying paghihisterya ni Mrs. Rivera.Palabas si Sunny sa rest house, nakaalalay rito ang dalawang swat. Namumutla ang babae at nanginginig. Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Kung ligtas si Sunny, malamang

  • MY CHEATING HEART   Chapter 44

    "D-DAVE . . ." Namutla si Sunny nang makita si Dave.Maski siya'y nagulat din. Ibang-iba ang itsura ni Dave. Mahaba ang buhok nito at magulo. Makapal na rin ang balbas, mukhang ilang buwang hindi nagshe-shave ang lalaki. Namayat din ito at humumpak ang pisngi. Nanlalalim ang mga mata.Basa ang malagong buhok nito, halatang kaliligo lang. Puting long sleeve polo ang suot nito na hindi maayos ang pagkaka-tuck in sa itim na slacks, wala itong sapin sa paa."Hi, love . . . kumusta ka na?" malambing na tanong nito kay Sunny na ngayon ay unti-unti nang napapalitan ng galit ang gulat at takot na bumadha sa mukha nito kanina nang pumasok ang binata."Anong kalokohan 'to, Dave?" galit na tanong ni Sunny.Ngumiti lang si Dave. Lumuhod ito sa harapan ng kapatid niya. Ipinatong ang ulo sa kandungan ni Sunny. Nakapaling ang mukha nito sa gawi niya kaya naman kita niya ang pagod sa mukha nito. Nakapikit si Dave."I m-miss you, love . . ." garalgal ang tinig na ani Dave. Namasa rin ang pilikmata nit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status