Lumabas ako ng maaga para maghanap ng trabaho upang matustosan ang gastusin namin ni Alas para hindi naman kami masyadong pabigat kay Divine.
Tinungo ko ang address ng resto-bar na pinagt-trabahohan ni Divine. Sinabi niyang naghahanap ng waiter ang kanilang manager para sa night shift. Naisip kung maayos na ‘yon dahil hindi kami dapat na sabay na magtrabaho ni Divine dahil walang mag-aalaga kay Alas. “Magandang umaga, ho. Ako po si Xianelle, kaibigan ni Divine.” Sabi ko sa guard. “Pumasok ka na at hinihintay ka na ni Boss.” Napakaganda nitong resto-bar. Sa lawak at ganda ng desinyo nito halatang mga mayayamang tao ang pumapasok sa ganitong lugar pero hindi ‘yon ganu'n karami ang tao kaya na isip ko na madali lang ang trabaho lalo pa’t kaunti lang naman ang kumakain. “Ikaw ba si Xianelle?” Sumalubong sa akin ang isang lalaki. Pinakatitigan niya ako mula ulo hangang paa bago tumingin sa mukha ko at ngumiti. Tumango ako. “Kung ganu'n, ako si Marky pwede mo akong tawaging boss Marky. Hindi na ako nagpapaligoy-ligoy pa kailangan mo ng magsimula mamayang gabi dahil kulang na kulang ako sa tao.” “Talaga? Teka, hindi niyo ba ako hihingian ng school backg— “May tiwala ako kay Divine kaya hindi na ako magda-dalawang isip na tanggapin ka. Sinabi niya rin na kailangan-kailangan mo ng trabaho, patunayan mo na karapat-dapat ka sa trabahong ito.” “Salamat, Boss Marky!” Thank you, God. Sa tuwa ko, yumakap ako sa kaniya. Hindi ko akalain na ganito ka ganda ang magiging araw ko ngayon. Totoo nga na kapag hindi maganda ang kahapon may bagong umaga na may magandang dala. Tanghali na ng nakabalik ako sa bahay ni Divine dahil bago ako umalis, itinuro na sa akin ni Dendy—Night shift waiter. Ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nasa harap ng customer. Double sipag, mahabang pasensiya at higit sa lahat ang salitang... ‘Costumer is always right.’ “Xian-Xian!” Sinalubong ako ni Alas ng mahigpit na yakap ng makapasok ako sa loob ng bahay. “Baby!” Binuhat ko siya at pinupog ko ng halik ang kaniyang mukha at umikot-ikot ako bago ko siya inilapag sa ibabaw ng sofa. “You look so happy, Xian-Xian!” Ngumiti ako ng mas ngumiti ang anak ko na para bang nanggigigil na yumakap sa akin. “May good news ako!” “Really? Xian-Xian?” Tumango ako at inilibot ko ang paningin sa buong sala. Wala akong makitang Divine. “Na saan si Papi mo?” Ngumoso sa likuran ko si Alas. Nang lumingon ako nakita ko si Divine na may dala ng tray na may lamang pandesal at gatas. “Naka-uwi ka na pala, kamusta ang lakad mo?” Ngumiti ako ng malapad. Tumingin ako sa anak ko na naghihintay ng sagot ko bago ko ibinalik ang mata kay Divine. “May trabaho na ako! God, hindi ako makapaniwala na mabilis akong tanggapin. Sa katunayan tinuruan na ako ng gagawin ko sa trabaho mamaya.” “Mamaya? Agad-agad?” “Oo, pabor nga iyon sa akin upang makapag-ipon na ako.” Lumapit ako kay Divine at niyakap ko siya bago ko hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Thank you. Thank you so much.” Pagsapit ng alas 6 ng gabi sinigurado ko munang ayos na ang anak ko bago ako umalis ng bahay. Alam ko namang hindi siya pababayaan ni Divine kaya kampante ako na iiwan siya sa gabi. 7:00 PM to 11:15 PM ang shift ko. First day ko kaya hindi ko kailangang malate. Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng resto-bar na pinuntahan ko kanina, hindi ko mapigilang hindi mapatulala. Punong-puno ng tao, malakas na musika ang umalingaw-ngaw sa aking tenga. Sigawan at ingay ng mga taong nagsasayawan sa dancefloor. Landian dito. Landian doon. Hindi ko akalain na ganito ka sikat ang resto-bar na ito na halos mapuno ng tao. Kung kaninang umaga kaunti lang ang kumakain ngayon naman kabaliktaran. Nagkamali ako sa inisip kung madali ang trabaho! “Xianelle! Anong tinatayo-tayo mo diyan?!” Napapitlag ako ng makita ko si Boss Marky na masama ang tingin sa akin. “Dalhin mo ang alak na hinahanda ng bartender sa second floor, table 1. Ayusin mo mga V.I.P ang mga ‘yon!” Sunod-sunod naman akong tumango. Pumasok ako locker room, inilagay ko doon ang bag ko at kinuha ko ang uniform ko. “Ben, ito na ba ‘yong order ng V.I.P?” “Oo, kanina pa ‘yan hinihintay doon!” Inayos ko muna ang tali ng uniform na suot ko bago ko kinuha ang tray na may lamang mga iba't-ibang klase ng alak. Umakyat ako sa second floor. Nilapitan ko ang table ng mga lalaki na nagtaas ng kamay, sigurado akong ito ang um-order ng dala-dala ko. Hindi pa ako nakakalapit dito ng makuha ng lalaking nasa gilid ang attention ko. Hindi ko makita ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng babaeng dikit na dikit dito. “Boss, nandito na ang order mo!” Sumikdo ang puso ko ng tumambad sa akin ang mukha ng lalaking hindi ko akalain na makikita ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng dumapo sa akin ang mata niya para akong kinapos ng hininga at mahigpit ang hawak ko sa tray habang sinalubong ko ang mga titig niya. It's been a year, the way he look at me it's like the way he look at me before. My heart beat so fast just like what I’ve felt before. Then I realized that it pretentious look! Bumalik ang sakit. Lahat-lahat... Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Kung may nararamdaman man ako sa kaniya, galit, puot at hinanakit ‘yon! Kumakabog ang dibdib ko dahil sa galit na itinatak niya sa puso ko. It's Klint! My ex-boyfriend! Siniko ng bahagya si Klint ng lalaking katabi niya. “Boss, kung nakakatunaw lang ang tingin mo kanina pa nalulusaw.” Biglang napalitan ng blangkong expression ang mukha niya. Na wala ang kislap ng mata niya at tiningnan niya ako mula ulo hangang paa sa mababang pamamaraan. Ngumisi siya bago nilingon ang babaeng nakayakap sa kaniya. Nanlaki ang singkit kung mata ng maglapat ang labi nila ng babaeng kasama niya. Sa hindi ko malamang dahilan nakaramdam ako ng hindi maipaliwag na emosyon. Iniwas ko ang mata sa kanila. “This is your drinks, Sir. Have a nice stay.” Ngumiti ako sa mga kasamahan niya bago ko isa-isang inilapag sa mesa ang baso na may lamang alak. Hindi ko pa na ilalapag ang lahat ng alak sa mesa meron ng kamay na kumuha ng isang basong kakalapag ko lang. Sinundan ko ng tingin ang kamay na kumuha no’n hindi nga ako nagkamali, si Klint ang kumuha no’n at malagkit ang mga titig niya sa akin na itinaas ang baso. “I would enjoy the night if you’ll stay.” Malakas ang musika pero pumuno sa tenga ko ang malalim na baritono niyang boses. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita. “How much?” Dagdag niya pa. Anong akala niya sa akin, bayarang babae? Hindi ako pumasok sa ganitong trabaho para ibenta ang sarili ko! I'm here to work as a waitress not a prostitute! Tumikhim ako. “You can't afford me, Sir.” Ang pagkikita namin ni Klint ay na sundan ng sundan ng magsunod-sunod na gabi at kung minamalas nga naman ako, ako palagi ang nakatuka na mag serve sa kanila ng mga kasama niya! Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko habang nag-aabang ng taxi. Tiningnan ko ang pambisig kung relo. 11:59 PM Sa ilang araw kung pagt-trabaho dito sa resto ngayon lang ako inabot ng ganitong oras sa labas at walang masakyan! Pinara ko ang parating na taxi pero hindi man lang ako hinintuan, wala namang sakay! “Nakakainis!” Nagpapadyak-padyak ako sa gilid ng kalsada. Kung kailangan ko pa naman gustong-gusto makaalis sa lugar na ‘to ngayon pa naman ako minalas! “Are you lost, baby?” Halos masuka ako ng marinig ko ang familiar na boses mula sa likuran ko. Lintik! Ito na naman ang h*******k na ‘to! Inikot ko ang mata ko bago ako humarap sa kaniya. “Ano ba talagang kailangan mo sa akin at hindi mo ako tinantanan?!” Wala na kami sa resto off duty na ako at wala ng costumer is always right na ‘yan dahil buwisit na buwisit na ako sa pambabastos ng animal na ‘to! “You.” He smirked. “You’re body, your egg cell to be exact.” “Ano bang pinagsasabi mo?!” Laglag panga ko siyang pinaningkitan ng mata. Na ikuyom ko ang kamao ko hangang dahil sa galit na nararamdaman ko sa kaniya. “Give me a daughter.” Pagkatapos niya akong buntisin noon at hindi panagutan ngayon hihingin niya sa akin ang bagay na iyan na para bang walang nangyari noon! “Hayop ka!” Awtomatikong gumalaw ang kamay ko para sampalin siya pero agad naman niyang na iiwas ang mukha na mas lalo kung ikinaiinis ng husto. “Yes, I am.” He proudly said. “Sa dami ng babaeng dinadala mo dito sa resto bakit hindi sila ng buntisin mo?!” “Oh, come on. Xianelle. Don't flatter yourself. Let’s just say that they are not suitable to the mother of my children.” Nagsindi siya ng sigarilyo bago sumandal sa magara niyang sasakyan bago tumingin sa akin. “Then, you got a wrong person!” Bumuga siya ng marahas na hangin. Tumaas ang sulok ng labi niya bago tumingin sa mata ko. “I manage the Pendilton Empire but Don Leon didn't give me the full authorization of the company, In short, hindi pa naililipat sa pangalan ko ang company.” “And so? Ano namang kinalaman ko sa company na ‘yan?” “He want a heiress from me.” Kumunot ang noo ko. “Ano?!” “Don Leon and your father are close friend. He doesn't like a heiress from the other woman. He want a heiress from the Daza family.” “Bakit hindi si Alexa ang anakan mo, Daza naman siya ah?!” “If she’s Henry Daza’s daughter, why not?” Mas lalo akong nakaramdam ng matinding inis sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at dinuro ko siya. “And you want to impregnate me because I am Henry Daza’s daughter?!” “Mismo!” “Sira ulo!” Gusto ko siyang hampasin ng bag ko pero para saan pa? Kung anak lang naman ang pag-uusapan mayroon na kaming Alas pero bakit kailangang maging babae pa? Hindi ba dapat na lalaki ang dapat na maging tagapag-mana? “I want a daughter from you, name your price.” “Asa kang papatulan kita!” “Don't be so confident. One day you'll knock on my door begging for my money.” He smirked and left me dumfounded.Hello, Everyone! I hope you'll like AKAS. Enjoy reading!
“Jusmiyomarimar! Bakit hindi mo pagbigyan?” Nanlumo ako sa sagot na nakuha ko kay Divine pagkatapos kung sabihin sa kaniya ang napag-usapan namin ni Klint kagabi. “Ikaw na bakla ka! Kaibigan ba talaga kita?!” “Hoy! Hoy! Hoy! Bruha... Wag mong question-in ang pagkakaibigan natin dahil hindi ‘yan ang issue!” Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom bago umupo sa upuan sa harapan ko. “Isipin mo, ah. Bibigyan mo siya ng anak at malaking pera ang kapalit. Magkakapera ka at maipapagamot mo si Alas!” “Oo, nandoon na tayo sa malaking pera ang kapalit pero kailan mo ako nakita na ibenta ang katawan para sa malaking halaga?” Mahal ko si Alas pero mahal ko rin ang sarili ko. Kung mayroon man akong pagmamahal sa sarili ko ‘yon ang irespeto ko ang sarili ko. “Hindi naman katawan ang ibebenta mo! Gagamitin ka niya para mabigyan mo siya ng anak! Teka, sinabi mo na ba sa kaniya ang tungkol kay Alas? Hindi ba gusto niya ng anak sa iyo?” Minsan na iisip kung nakakatulong ba sa akin a
“Pumunta ako rito para sabihing pumapayag na ako!” Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Sinalubong ko ang tingin niyang hindi na alis sa akin. Nakakababa ng sarili ang ginagawa ko. Ang lakas pa ng loob ko na ipagsigawan na hindi ko siya papatulan pero ito ako ngayon nasa harapan niya para humingi ng tulong. “Get naked.” Gusto ko siyang hampasin ng bag na nakasukbit sa balikat ko pero na isip ko na bakit ko naman gagawin ‘yon? “Hihingian mo pa ba ako ng anak kapag sinabi ko sa iyong may anak tayo?” Bakit kailangan niya pa akong buntisin kung may Alas naman na pwedeng maging tagapag-mana niya. “Is that a daughter?” Natigilan ako. Hindi ko mababago ang kagustuhan niya na magkaroon ng anak na babae. Hindi ko na kailangang sabihin pa ang tungkol kay Alas dahil mukha naman siyang hindi interesado na magkaroon ng anak na lalaki. “2 Million, kapalit ng anak na hinihingi mo. You have me in one night.” “I’ll pay triple of your price, in condition...” Nagsalubong ang makapal niyang kilay a
Dalawang beses niyang hinalikan ang pisngi ko dahilan para mapalunok ako. Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kaniya. “What do you want to hear from me? Okay, then, yeah. I'm with my other woman.” Natigilan ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko ng dumapo sa labi ko ang labi niya. My heart beat so fast just like what I fell everytime our lips meet. “Don't blame me, Alexa, you set this things up, so, you shouldn't messing up.” Galit na ibinaba niya ang cellphone pero hindi pa rin inaalis sa akin ang mata niya kaya ako na mismo ang umiwas. Isang napakalaking gago talaga ng lalaking ‘to! Saan siya kaya kinukuha ang kakapalan ng mukha para harap-harapan niyang masabi ‘yan? Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip ang ginawa niya sa akin noon, ganitong-ganito rin pero ang pinagkaiba, nasa cellphone niya sinabi kay Alexa. “Jerk!” Itinulak ko siya ng malakas. Mabilis kung dinampot ang bag ko at naglakad palabas opisina niya. Nang makalabas ako ng building agad akong pumara ng tax
Isang gabi na akong hindi pinupuntahan ni Klint mula ng gabing magtalo kami tungkol kay Alas. Hindi ko naman masabi na natutuwa ako na walang mangyayari sa amin dahil buhay ng anak ko ang nakataya dito. Kailangan kung mabuntis agad at buwan pa ang hihintayin bago makuha ang kabuohang bayad. Nakakausap ko naman si Alas sa phone nitong nakaraang araw pero iba pa rin ang kasama siya. Ang sinabi ko lang sa kaniya ay nagta-trabaho ako bilang kasambahay, hindi pwede ang bata kaya hindi ko siya maaring isama. Nalungkot siya sa sinabi ko pero ipinaliwag ko sa kaniya na ginagawa ko ito upang makaipon ako at hindi na kami maghihiwalay pa pagkatapos nito, magiging maayos siya. “Xian-Xian!” “Baby!” Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit. Pinupog ko ng halik ang kaniyang pisngi bago nagbeso kay Divine. Nababagot na ako sa mansion ni Klint na sobrang laki nga wala namang ka buhay-buhay. Imbes na mangulila ako sa anak ko, tinawagan ko na lang si Divine na magk
Kinabukasan, Tanghali na ng magising si Xianelle, mabigat ang kaniyang pakiramdam at ramdam niya ang matinding pagod. Higit sa lahat, mahapdi ang kaniyang pagkababae dahil sa hindi mabilang na inararo ni Klint, magmula pa kahapon hangang nagdamagan. Tinatamad man ay tinungo niya ang banyo. Hinubad niya ang lahat ng saplot sa katawan sa harap ng malapad na salamin. Bumungad sa kaniya ang halos mapuno ng pulang marka ang kaniyang leeg at dibdib. Kumuyom ang kaniyang kamay habang pinagmamasdan ang mga markang iniwan ni Klint. Punong-puno ng galit ang kaniyang puso dahil sa ginagawa nito sa kaniya. Hindi niya kailanman inisip na hahantong siya sa ganito, ang hayaang angkinin siya ng paulit-ulit ng lalaking dahilan ng pagdurusa niya at patuloy pa rin siyang pinapahirapan! Pumailalim siya sa malamig na shower at kinusot ng mabuti ang kaniyang katawan. Isinuot niya ang puting bathrobe bago lumabas ng banyo. Kumalam ang kaniyang sikmura dahil kahapon pa siya walang kain. Hindi na nasu
Sa Mansion, Gabi na nang magising si Xianelle dahil napahaba ang kaniyang tulog. Tinungo niya ang bintana at isinara ang kurtina. Napalingon siya sa pinto ng marinig ang katok. Bumukas ito at bumungad si Klint. Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya ng makita ito. Kahit na galit siya dito ay hindi niya ito maiwasang puriin sa taglay nitong kagwapohan. Bagay na bagay ang suot, itim na long sleeve, nakatupi pa ang mangas hangang siko, nakatuck-in sa suot nitong black slack, kumikinang rin sa itim ang mamahalin nitong itim na sapatos. Sa kahit anong suot nito ay talagang agaw pansin, napaka-gwapo! “Haven't you had enough rest?” ‘Kapag sinabi ko bang ayoko magpapapigil siya. 'di ba hindi naman?’ Sa isip ni Xianelle. Napairap sita sa ere at walang kabuhay-buhay na tiningnan si Klint. Wala siyang balak na kausapin ito. Nagkatitigan silang dalawa. Gustong kastiguhin ni Klint ang sarili nang makita ang disgusto sa mukha ni Xianelle lalo nang maisip niya na iniisip nitong nag
Sa Madrid Spain, Sa isang pribadong paaralan ng martial arts for kids, kasalukuyang nagaganap ang paggawad ng medalya sa pinakamagaling na studyante. Punong-puno ng mga taong banyaga sa loob ng gymnasium upang suportahan ang kanilang mga anak na kasali kumpetisyon, bilang lamang ang mga pilipinong naruruo. Sa labing-limang kalahok, tatlo lamang ang masuwerteng makakaapak sa itaas at makakatanggap ng medalya! Ace Salvador, a four years old son of Klinton Axis Salvador, the ruthless and powerful in business world. Isang pilipino na may dugong banyaga. Ang seryosong mukha ni Ace ay nababakas ang matinding pangamba lalo nang makitang naka-akyat na ang unang kalahok na napili na nakatanggap ng bronze medal. Siniko siya ng katabi niyang banyagang kalahok, ito ang pinakamatanda sa kanilang lahat at pinakamayabang dahil ito ang grand champion ng huling taon. “Poor kid, you won't gonna win against me!” Nakangiting kumaway-kaway ito sa mga magulang nito at ilang kapamilyang nakasuporta. “
Sa Pendilton Empire, Kumunot ang noo ni Zarchx nang madaan ang mga empleadong pinagkakagulohan ang masasarap na pagkain mula sa isang sikat na restaurant. Ang rinig niya pa, si Klinton ang nanlibre, himala!Nadatnan ni Zarchx si Klinton na may pinapanuod sa laptop nito ngunit agad namang isinara ng makita siya.“Hoy! Ano 'yan? Tangina! Tanghaling tapat nanunuod ka ng porn! Mahiya ka naman sa araw na gago ka!” Bungad sa kaniya ni Zarchx.“Gago! I'm just being proud dad here!” Nakangiting sumandal si Klinton sa kaniyang sviwel chair.Napatango-tango si Zarchx, walang duda na si Klinton nga ang bumili ng mga pagkain ng mga empleado. Alam nilang may anak na si Klinton pero hindi pa nila ito nakikita at ganu'n rin nila ka-hindi alam kung sino ang Nanay!“We? Patingin nga!” Tinapik ni Klinton ang kamay ni Zarchx nang akmang pakikialam ang laptop niya. “Wala ka bang balak na ipakilala sa amin ang anak mo ah? Teka... Sino muna ang Mommy?” “All you need to know, he's a fighter. He just won g
Kinabukasan...Nagising si Xianelle na wala sa kaniyang tabihan ang kambal. Bumungad sa kaniya ang malaking portrait na kasabit sa pader.Tila isang stolen shoot iyon dahil parehong naglalakad ang dalawa habang nagtatawanan. Si Klinton kasama ang isang matandang lalaki. Ang background ay ang kompanya na pinamamahalaan ni Klinton. Ang larawan ay kuha sa labas ng Pendilton Empire.“Masyado naman siyang matanda para maging ama ni Klinton.” May hawig ang dalawa.Pinakatitigan ni Xianelle ang matanda tila pamilyar ang mukha nito, iyon bang may 40's version ito. Hindi niya matukoy kung saan niya ‘yon nakita.Inilibot ni Xianelle ang paningin sa buong kwarto, napakalawak niyon na para bang buong floor ay sakop. Panlalaki ang desinyo at mamahalin ang lahat ng kagamitan na naroon. Masasabi niyang napakayaman ng may-ari no'n dahil may kulay ginto pang chandelier sa pinaka-sentro sa itaas.“Tanghali na!” Nagmamadali siya
Sa Paraiso De Pendilton,Binuhat si Denmark at isinakay sa stretcher ng mga tauhan ni Don Leon, mabilis itong itinakbo patungo sa likod kung saan ang isang silid na nagsisilbing clinic na may kompletong kagamitan sa medisina.Isa-isang inaalalayan ng mga tauhan ni Don Leon ang mga tauhan ni Klinton na sugatan at dinala rin sa pinagdalhan kay Denmark.°°°Samantala sa loob ng Paraiso De Pendilton,Ang mga kasambahay, ilang tauhan ni Klinton at Don Leon ay nakahilera sa gilid habang nakatingin sa gawi ni Klinton.Nakaupo si Klinton sa mahabang sofa. Namumutla ang gwapong mukha ni Klinton ngunit nakaukit pa rin ang rahas.Madami na ang dugong nawala sa kaniya, nanghihina at ramdam ang pagod dahil mahabang gabing pakikipagbarilan.Nakabandera ang magandang katawan dahil hinubad
Paikot-ikot ang chopper sa tuktok ng mansion ni Klinton, tumalon ang isang sakay no'n sa bubong ng mansion. Nakasuot iyon ng purong itim na kasuotan at may takip ang mukha, tangging mata lang ang nakalabas. Nagtungo ang chopper sa gawi ng hardin at nagpaulan ng bala ang mga taong nasa loob niyon. Lahat ng pinapatamaan ng mga taong sakay ng chopper ay ang mga kasamahan ni Joko. Napatingin si Klinton sa loob ng chopper pilit na inaaninag kong sino ang sakay no'n. Sa kaniyang kinatatayuan ay hindi niya maiiwasan ang balang galing sa itaas ngunit imbes na tamaan siya ng bala, ang mga nakahawak sa kaniya ang isa-isang bumagsak. Napatingin siya sa gawi ng mga anak niya, mayroong nakapurong itim na sinakbot ang mga anak niya na itinakbo papasok sa loob. Kinuha ni Klinton ang pagkakataon na ‘yon at nang kaniyang mga tauhan na lumaban sa mga natitira pang mga kalaban. Hindi man matukoy ni Klinton kung sino ang sakay ng chopper at kung sino ang nagpadala niyon nasisiguro niya naman na kaka
Ang bagong dating na mga kasamahan ni Joko, dumiretso sa hardin. Nakita ng mga ito si Whike mula sa labas ng gate. Nakapalibot sa buong hardin ang mga kalaban. Karamihan sa kanila, hawak ay baril at may ilan-ilan ring may hawak na samurai. Ang mga kalaban ay walang humpay na kinakalabit ang gatsilyo na nakatutok sa bilog na lulon na katawan ni Whike. Nakatayo si Klinton sa loob ng nakalulon na katawan ni Whike habang umaalingangaw ang putol ng baril. Whike taking all the bullets for Klinton. Whike is protecting Klinton in all cost. May dugong pumapatak sa damuhan. Bumaling si Klinton ang kaniyang kanang braso—nadaplisan ‘yon ng bala ni Joko. Napatingin si Klinton sa kaliwang bahagi niya nang marinig ang mabibigat na yabag, kasunod no'n ang malakas kalabog na tila may tumilapon at hiyawan ng mga kalaban. Nakarating na sa hardin si Crokon, mabagal ang bawat hakbang nito at mabigat. Sa laki ng katawan, mahaba rin ang buntot nito na kayang sumaksak ng tao, sa tigas no'n at may urmang
“Magsikalat kayo! Palibutan ang buong mansion!” Mariing utos ni Joko, ang kanang kamay ni Mr. Edwards. May suot itong earpiece kung saan may roon silang kumonikasyon ng mga kasamahan. Nakaposisyon na ang lahat ng mga kalaban, nagkalat na sila sa buong mansion. Mula sa harapan, sa likod at hardin ay may pinapunta siyang mga tao. Sa pagdating nila, wala silang nakita na kahit isang anino ng bata ni Klinton. Wala si Denmark at ayon sa kanilang nakuhang impormasyon nasa Espanya si Rodrigo na humahalili sa mga meeting na dapat dinadaluhan ni Klinton. Walang kaalam-alam si Klinton sa ginawa nilang paglusob. Wala silang ibinigay na senyales ayon sa utos ni Mr. Edwards. “Magiging madali ang misyon na 'to!” Usal ni Joko. Lingid sa kaalaman ni Joko at ng mga kasamahan niya, nakaposisyon at handa ang mga tauhan ni Klinton. Bago pa sila dumating dati nang nasa loob ang mga tauhan ni Klinton dahil umiiwas na makita sila ni Whike. Ngumisi si Joko at sinabing, “Fire!” Sa isang salita ni Joko,
“Mi Rey, she's Whike.” Nag-angat ng tingin si Ace kay Klinton. Nakangiti ito sa kaniya at kumindat pa. ‘Is that true, Daddy call me King?’ Sa isip ni Ace. Similay ang tipid na ngiti sa labi ni Ace pero agad rin 'yong ibinalik sa dati. Bumaling kay Klinton si Whike at binunundol nito ang ulo sa braso ni Klinton. Mahinang natawa si Klinton at hinaplos ang mukha ni Whike. “Alas! Ace!” Nagmamadaling nilapitan ni Xianelle ang dalawa. “Ayos lang ba kayo?” Lumuhod si Xianelle habang sinusuri ang katawan ng kambal agad ring natigilan si Xianelle ng marinig ang huni ni Whike ng mag-angat siya ng tingin, nakayuko na ito sa kaniya. “Oh . . . My g-god.” Nanginginig ang mga tuhod, pinagpapawisan ng malamig at namumutla. Nanginginig ang mga kamay ni Xianelle na kinabig papunta sa likod niya ang kambal bago siya dahan-dahang tumayo. “She's the woman I always mentioned to you and she's the mother of my sons. Remember what I've promise you? You'll gonna meet her someday and this is the day, Wh
Sa Mansion ni Klinton, Binuksan ni Xianelle ang pinto ng banyo. Nag-uunahang lumabas si Alas at Ace, kakatapos lang ni Xianelle na paliguan ang kambal. “Dahan-dah— Bago pa man matapos ang sasabihin ni Xianelle, nakaakyat na sa kama ang kambal. Pareho itong nakangiti sa kaniya na naghihintay na bihisan. Pinunasan ni Xianelle ang mga ulo ng mga anak at katawan bago kinuha ang damit na nakalapag sa kama. Pares na puti kay Ace habang pares na grey kay Alas. Jogger at long sleeve shirt 'yon. Sa magkabilaang manggas naka-printa ang letrang; SALVADOR. “Ace, sama ka sa akin? Puntahan natin si Daddy!” Bulong ni Alas. “Huwag ka ng pumunta doon, kakain na tayo ng dinner. Makikita mo naman siya sa baba.” Tugon ni Ace. “Pero kasi . . . May ipapakita sa akin si Daddy. Gusto mo rin bang makita 'yong mga pet niya?” Kumikinang ang mga mata ni Alas. Namilog ang mata ni Ace nang mapagtanto na higanteng ahas at buwaya ang tinutukoy ni Alas. “Xian-Xian, pupuntahan ko po si Daddy. Promi
Kasalukuyang nasa likod ng mansion si Klinton kung na saan ang malaking pool. Nakaupo sa couch nakaharap sa kaniyang laptop na nakapatong sa center table. Samantala si Alas ay tumatakbo papunta sa hardin dala-dala ang bow and arrow. Agad na natigilan nang mahagip ng mata ang kaniyang Daddy. Akala niya'y umalis ito pagkatapos kumain ng almusal dahil hindi niya na nakita pa pero naroon lamang pala ito sa may pool. “Daddy!” Patakbong lumapit si Alas. “Daddy! Daddy! Nandito ka lang pala!” Sinulyapan ni Klinton si Alas na nakatayo sa kaniyang gilid. Matamis na ngumiti si Alas. “Oh! Seems your busy, Daddy! I'll go back inside!” Dumukwang si Alas palapit kay Klinton at humalik sa pisngi. “Ang galing mo palagi, Boss-Daddy!” Pinakatitigan ni Klinton ang anak at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Kung itsura ang pag-uusapan kuhang-kuha nito sa kaniya. Manghang-mangha si Klinton kay Alas dahil nakikita niya dito ang ugali ni Xianelle. “Come here, come here.” Hinawakan ni Klinton ang pu
Pababa na si Ace ng hagdanan nang mapagtanto niyang may isang lugar pa siyang hindi napupuntahan—ang kwarto ng kanilang Daddy! Mabilis na tinungo ni Ace ang kwarto. Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kaniya ang magulong kama. Lilisanin niya na ang kwarto nang marinig niya ang boses ni Alas sa veranda, agad niya iyong nilapitan. “I can do it, Daddy!” Masiglang sambit ni Alas. Nakatayo si Alas sa ibabaw ng pang-isahang couch hawak ang bow and arrow, sa likuran nito si Klinton, nakatukod ang magkabilaang kamay sa railing at nakakulong doon si Alas. Parehong walang saplot pang-itaas ang mag-ama tanging jogger lamang ang suot. “Point it to the target.” Bahagyang inayos ni Klinton ang pagkakahawak ni Alas sa bow and arrow upang maasinta ang apple na nasa ibabaw ng coffee table sa hardin. Nakapikit ang isang mata ni Alas habang inaasinta ang apple, titig na titig naman si Klinton sa anak. Natigilan si Alas dahil hindi niya inakala na matatamaan niya ng inaasinta. “Tinamaan? Tinama