Palakad-lakad si Klinton sa loob ng kaniyang opisina habang naghihintay ng update kay Rodrigo, ipinahanda niya na kay Denmark ang kaniyang eroplano upang puntahan ito sa Spain ngunit nakatanggap siya ng mensahe kay Rodrigo na nakasakay na nang eroplano si Ace papuntang Pilipinas. โWhat the fuck!โ Halos pumutok ang ugat niya sa ulo dahil sa sutil niyang anak. โBoss! Nakahanda na ang eroplano!โ Bungad ni Denmark nang makapasok sa loob ng opisina. โGathered the men and sent to the airport, now!โ Mariin niyang utos, dinampot niya ang coat at isinuot. โAce travelled alone! At this moment, he got off the plane!โ Kung kailangang halughogin ang buong airport mahanap lamang ang anak niya ay gagawin niya. Hindi pwedeng magpagala-gala si Ace! Walang nakakaalam na may anak na siya, kung meron man 'yon ay ang mga kaibigan niya ngunit kailanman ay hindi pa nito nakikita ang anak niya dahil itinatago niya ito ng maigi upang maprotektahan. Napakurap-kurap si Denmark, matalino ang anak ng Boss at
โThat witchy woman! I will punished her when I grow up!โ Masamang tingin ang pinukol ni Ace sa isang paupahang bahay.Isang kwarto lamang ang hinihingi niya para sa isang gabi pero hindi siya nito pinagbigyan. Napakasungit nito at hindi naniniwala na kaya niyang magbayad kahit na doblehin niya pa!โAnong sabi mo? Sinusumpa mo ba ang Mama ko?!โ Matinis na boses ng batang babae. Kikay-kikay sa suot nitong pares na sofia the first outfit, may purple sling bag ito na sofia the first rin ang desinyo.โAng pangit!โ Sa isip ni Ace.Kunot-noong nilingon iyon ni Ace. Napairap si Ace. Kung hindi siya nagkakamali ito 'yong batang babae na naglalaro sa sala ng paupahang bahay.โWhat do you want?!โNameywang ang babae. โHindi kita maintindihan! Allien ka ba? Hm... Mukhang hindi naman. Ang gwapo-gwapo mo nga eh!โPinakatitigan ng batang babae ang mukha ni Ace, nairita siya sa ginagawa nito. Lumayo siya dito pero panay ang lapit sa kaniya.โItigil mo 'yan, bulingit! Mukha kang tanga!โ May bahid ng g
Sa bahay ni Divine,Nang makaalis si Divine, hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa suot niyang lumang spiderman printed shirt, na ipinalit sa branded niyang damit. Animo'y hirap siyang huminga na makita ang maliit na espasyo. Huminga siya ng malalim bago nilibot ang paligid, ang kinatatayuan niya sala at kalahating kusina. Lumang-luma ang mga kagamitan na naroon pero malinis. May tatlong pinto, iyong malapit sa kusina ay banyo. Iyong dalawa ay sigurado siyang kuwarto, una niyang binuksan ang pintong nasa harapan ngunit hahawakan niya pa lamang ang doorknob ay nahulog iyon at naglikha ng ingay.โNasira agad? Hindi ko pa nga hinahawakan!โ Sa isip ni Ace.Samantala, natutulog na si Alas sa kwarto. Nagising siya ng makaramdam ng uhaw. Awtomatikong napabangon si Alas ng marinig ang ingay sa labas. Kumunot ang noo niya ng makitang nahulog ang doorknob ng pinto.โMay magnanakaw?โ Sa isip ni Alas.Dahan-dahang bumaba ng kama si Alas, kinuha niya ang maliit na tubo na may isang
Sa Mansion ni Klinton,โAlas!!โ Hiyaw ni Xianelle. Awtomatikong napaupo si Xianelle sa kama nang magising mula sa masamang panaginip na may nangyaring masama kay Alas. Namumuo ang pawis sa kaniyang noo, malakas at sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa matinding pag-aalala.Nagmamadaling kinuha niya ang phone sa ibabaw ng bedside table upang tawagan si Divine. Hindi nito sinagot ang mga tawag niya at napagtanto niya na sa mga oras na 'yon ay nasa trabaho pa ito.Mas lalo siyang kinabahan at nag-alala kay Alas na maisip na nag-iisa ito sa bahay. Paano na lang kung bigla itong atakihin?Mangiyak-iyak na nagmamadaling nagbihis ng damit si Xianelle at nilisan ang silid. Paglabas niya ng main door ng mansion ay bumungad sa kaniya ang sunod-sunod na datingan ng sasakyan.Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo, ala una na ng madaling araw, saka pa lang umuuwi si Klinton at mga kaibigan nito.Huminga ng malalim si Xianelle, kaya naman pala hindi ito pumunta sa kwarto niya dahil h
Sa loob ng pribadong kuwarto sa hospital, wala pa ring malay na nakahiga si Alas sa hospital bed. Sa gilid, nakatayo si Ace habang hawak ang kamay ni Alas. Seryosong-seryoso ang mukha ni Ace na nakatingin sa kawawang kakambal na bakas ang putla sa mukha at nanghihina. Hinaplos ni Ace ang kamay ni Alas. โGet well soon, bro.โ Hindi niya hahayaan na mawala ang kakambal niya. Kailangan niyang pagplanohan ng mabuti kung paano ito matutulongan. Bilang kakambal karapatan niyang protektahan at alagaan ito, at magiging mabuting kapatid siya kay Alas. Dahan-dahang iminulat ni Alas ang mga mata, nagsalubong ang dalawa niyang makapal na kilay ng malaman na nasa hospital siya. Ipinikit niya ang mga mata nang maalala ang pangyayari. Inilibot niya ang mata sa paligid, wala siyang nakitang Xian-Xian pero merong Ace sa kaniyang tabihan. Sumilay ang ngiti sa labi ni Ace nang makitang gising na ang kakambal ngunit agad ring nawala. Wala ang Xian-Xian niya, ibig sabihin hindi nito alam na nasa hosp
Sa bahay ni Divine,โAhhhh!!โ Hiyaw ni Divine nang pagbukas ng silid ay wala siyang natagpuang Alas.โAlas?! Alas! Baby, na saan ka?!โ Natatarantang inikot ni Divine ang buong bahay, maging sa garden na madalas pagtambayan ni Alas ay pinuntahan niya na rin.โAlas! Please, huwag mo akong tinatakot ng ganito! Na saan ka?โ Patakbong lumabas ng gate si Divine upang magtanong sa kapitbahay kung nakita si Alas.Sobrang nag-aalala si Divine, sinisisi niya ang sarili dahil pakiramdam niya'y naging pabaya siya. Alas kwarto siya nakauwi pero hindi niya nagawang silipin si Alas sa silid nito dahil sa matinding pagod.Nanlaki ang mata ni Divine nang maalala na may dala itong backpack kagabi, hindi kaya naglayas si Alas?Nanginginig ang mga kamay na kinuha ni Divine ang kaniyang phone upang tawagan si Xianelle.ยฐยฐยฐSa mansion ni Klinton,Kasalukuyang nasa loob ng banyo si Xianelle, nag-aayos ng kaniyang sarili dahil napagpasyahan niyang bisitahin ang anak dahil hindi siya mapakali kagabi pa.Inaga
Sa mansion ni Klinton, Pababa si Klinton ng hagdan habang inaayos ang suot niyang black long sleeve, tunutupi ang mangas hanggang siko. Tumaas ang isang kilay niya nang makitang naghihintay si Denmark sa dulo ng hagdan, naghihintay sa kaniya. โAny news, Denmark?โ Napapitlag si Denmark at napalunok bago nagsalita. โBoss, masamang balita! May kumuha kay young master.โ โWhat?!โ Animo'y bombang sumabog sa buong systema ni Klinton ang balitang 'yon ni Denmark. Sininyasan si Denmark na lumabas ng mansion. Agad na sumakay si Klinton sa passenger seat at pinagmaneho si Denmark patungkol sa hospital habang pinapakinggan ang nangyari. Ilang kalalakihan ang pupunta sa hospital at sapilitang kinuha si Alas na siyang nagpapanggap na Ace. Ang mga lalaki ay may tattoo, 'yon ang simbolo na tauhan ni Klinton, ngunit nasisiguro ni Denmark na hindi nila 'yon tauhan. โBoss, planado ang pagkuha kay Young Master. Ang mga lalaking dumukot sa kaniya ay may mga pekeng tattoo at nagpanggap na tauhan mo!
Sa kaparehong oras, sa isang beach resort, Nakaupo sa isang longue chair habang ngiti-ngiting si Easton Salvador, na sumimsim ng alak sa kaniyang baso sa ilalim ng katamtamang sikat ng araw. Nakatayo sa hindi kalayuan ni Easton ang kaniyang alalay na si Reagon Dee, ang gumagawa at sumusunod sa kahit anumang iutos ni Easton. โPaniguradong nagkukumahog na ngayon ang magaling kong pamangkin sa kakahanap ng anak niya!โ Ngumisi si Easton. Iniisip pa lamang ni Easton ang mukha ni Klinton na punong-puno ng galit ay natutuwa na siya. Gustong-gusto niyang nagagalit ito at gusto niya ring ito mismo ang sumira sa sarili nito! Tumikhim si Reagon. โSa tingin ko Sir, hindi niyo po dapat sinabi ang ganu'ng bagay kay Mr. Klinton. Kilala niyo po siya, sinisira niya ang lahat ng bagay na meron ang kaniyang kaaway.โ Kilala ni Reagon ang kaniyang amo, wala itong ginawa kundi ang galitin nito ang pamangkin na si Klinton pero sa pagkakataong ito, kinakabahan siya sa pinagagawa nito lalo pa't ang anak
โWhat is going on here?!โ Umaalingangaw ang malamig na baritonong boses ni Klinton sa buong silid. Puno ng awtoridad ang boses nito at nababakas ang galit. Marahas ang mga nitong nakatitig ng deritso sa kambal, umiigting ang panga at madilim ang gwapo nitong mukha. Napaigtad ang kambal. Maging sina Renzi, Cesar, at Alvaro ay napaigtad. Ang gulat sa mukha nito ay napalitan ng kaba at takot dahil sa uri ng tingin sa kanil ng kanilang Daddy. Napatulala si Alvaro kay Klinton, nagbaba ng tingin si Cesar habang si Renzi naman ay napalunok at nagliliparan ang mura sa kaniyang isipan ng makita ang galit sa mukha ni Klinton. Sinulyapan ni Klinton ang walang buhay na katawan ni Mr. Edwards. Kumakalat sa sahig ang dugo nito. Ang dalawang pana na nakatarak sa katawan nito ang sanhi ng pagkamatay nito. As he saw the dead body, Alas holding his bow and arrow and Ace bleeding forehead, he already know what happened. His sons just killed a mafia boss! โI said, what happened here?!โ Ulit ni Kli
Sa Paraiso De Pendilton, โHowโs your wound?โ Turo ni Don Leon sa braso ni Klinton na may benda. Kita โyon sapagkat isang itim na t-shirt ang suot ni Klinton at hapit ang kaniyang matipunong dibdib at mabatong tiyan. Itim na pantalon at itim na sapatos. โIt's fine. Nelson just clean it.โ Magkasabay na nagtungo si Klinton at Don Leon sa dinning room. โGood.โ Bumungad kay Don Leon at Klinton ang napakarami at masarap na mga pagkain na nakahain sa hapag tila may selebrasyon na lahat ng paborito ng kasapi ng pamilya na naroon sa Paraiso ay niluto ng Pendilton Chefs. Naroon si Manang Lita at apat pang katulong upang pagsilbihan sila. Yumuko ang mga ito at sabay na binati ang mga amo. Lumapit si Manang Lita. โMagandang umaga, Don Leon, gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?โ Mahinang tumawa si Don Leon. โIyan ang gusto ko, sige... Ipagtimpla mo ako.โ โMasusunod, Don Leon.โ Bago umalis ay bumaling ito kay Klinton kung nais rin ng kape ngunit tumanggi si Klinton. โHowโs the bastards
Kasalukuyang nasa loob ng taxi ni Alvaro ang kambal na Alas at Ace. Maagang nagising ang kambal, mahimbing pang natutulog ang kanilang Mommy ng lumabas sila ng silid. Wala ring mga katulong ang nakapansin sa kanila sapagkat abala ito sa kaniya-kaniyang trabaho at nakagawa sila ng paraan para makapuslit sa mga guwardiya.Kagabi pa nila pinagplanohan ang kanilang gagawin at kasama doon si Alvaro. Kaya paglabas nila sa Paraiso De Pendilton ay naghihintay na ang taxi ni Alvaro.Nang makasakay sa backseat ang kambal, agad na binuhay ni Alvaro ang makina at tinahak ang direksyon na ibinibigay ni Ace.Ang mga mata ni Ace ay nakatutok sa dalang laptop habang ekspertong tinitipa ang keyboard, lumabas ang sandamakmak na numero bago nagloading at lumabas ang resultaโang CCTV footage sa Paraiso De Pendilton.โMommy haven't go downstairs yet. Daddy just enter the dinning with Grandpapa. They still don't have an idea that we escape.โ Isinasatinig ni Ace ang nak
Sa Clinic ng Paraiso De Pendilton, nakahiga si Denmark sa hospital bed. May benda ang ulo at may saklay ang kaliwang braso. Nakapatay ang ilaw sa silid ngunit may lampshade sa tabi ng kama na nagsisilbing liwanag. Mababaw lamang ang pagtulog ni Denmark, kumunot ang noo niya ng pakiwariโy may nakamasid sa kaniya. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata bumungad sa kaniya ang bulto ng isang babae na nakatayo sa may pintuan. Pinindot ni Xianelle ang switch ng ilaw dahilan para lumiwanag sa buong paligid. โLady Xianelle?!โ Nagkukumahog na bumangon si Denmark ngunit agad ring natigilan dahil masakit pa ang katawan. โHuwag mong pilitin ang sarili mo, Denmark.โ Pigil ni Xianelle nang pinipilit pa rin nitong gumalaw. โAnong ginagawa mo dito?โ Sumulyap si Denmark sa likuran ni Xianelle tila may hinahanap. โHindi ka pwedeng pumunta lalo na kung wala kang permiso mula kay Boss.โ โI want to talk to you.โ Derektang sambit ni Xianelle. Umiwas ng tingin si Denmark. โWe are not allow to talk
Iyon ang unang beses na natawag si Xianelle na kabit! Masakit sa kaniyang kaloob lalo pa't wala namang namamagitan sa kanila ni Klinton kung may nag-uugnay man sa kanilang dalawa 'yon ay ang kambal. Nagpanting ang pandinig ni Xianelle. Napaawang ang labi at hindi makapaniwalang sinalubong ang mga mata ni Don Leon. Nabuhay ang matinding galit sa dibdib ni Xianelle tila napakalalim ng pinangagalingan no'n siguro dahil na rin sa buntis siya, kaya ganu'n na lamang ang emosyon niya. Kahit kating-kati ang dila niya na sugutin ang si Don Leon ay hindi niya magawa, walang boses na lumalabas sa bibig niya. Nalipat ang mata ni Xianelle sa likod ni Don Leon. Bahagyang tumalikod si Renzi na tila iniwasan na magtagpo ang mata dahil nagpipigil ng tawa habang si Klinton naman ay namulsa, ang mga mata nito ay nakatingin sa kaniya na tila ipinagyayabang siya kay Don Leon. Kumuyom ang kamay ni Xianelle dahil mas ikinapikon niya ang uri ng tingin sa kaniya ni Klinton lalo na nang ngumisi ito bago na
Sa labas ng Paraiso De Pendilton, Nakahilera ang mga kasambahay at mga guwardiya na nakasuot ng purong itim, isa na doon si Manang Lita na sasalubong sa pagdating ni Don Leon. Magkasabay na lumabas ng Paraiso De Pendilton si Klinton at Renzi. Huminto at tumayo ng tuwid si Klinton habang si Renzi ay naglakad patungo sa kakarating pa lamang na kulay gintong limousine. Binuksan ni Renzi ang backseat, lumabas doon matandang napa-gwapo sa kaniyang kasuotan na purong itim na formal suit, samahan pa ng suot nitong black leather cowboy hat at kulay silver na tungkod. Ang presensya ni Don Leon ay isinisigaw ang karahasan, karangyaan at kapangyarihan. Sa ganda ng tindig nito ay masasabi mong maskulado at napaka-gwapong binata no'ng araw. โSeรฑior-Dad.โ Ngumiti si Renzi at bahagyang yumuko. โThank you, my boy.โ Tinapik ni Don Leon ang braso ni Renzi bago tumingin sa kabuohan ng kaniyang Paraiso. Sumilay ang ngiti sa labi ni Don Leon nang makita ang mga tapat niyang tauhan na nakahilera upa
Kinabukasan...Nagising si Xianelle na wala sa kaniyang tabihan ang kambal. Bumungad sa kaniya ang malaking portrait na kasabit sa pader.Tila isang stolen shoot iyon dahil parehong naglalakad ang dalawa habang nagtatawanan. Si Klinton kasama ang isang matandang lalaki. Ang background ay ang kompanya na pinamamahalaan ni Klinton. Ang larawan ay kuha sa labas ng Pendilton Empire.โMasyado naman siyang matanda para maging ama ni Klinton.โ May hawig ang dalawa.Pinakatitigan ni Xianelle ang matanda tila pamilyar ang mukha nito, iyon bang may 40's version ito. Hindi niya matukoy kung saan niya โyon nakita.Inilibot ni Xianelle ang paningin sa buong kwarto, napakalawak niyon na para bang buong floor ay sakop. Panlalaki ang desinyo at mamahalin ang lahat ng kagamitan na naroon. Masasabi niyang napakayaman ng may-ari no'n dahil may kulay ginto pang chandelier sa pinaka-sentro sa itaas.โTanghali na!โ Nagmamadali siya
Sa Paraiso De Pendilton,Binuhat si Denmark at isinakay sa stretcher ng mga tauhan ni Don Leon, mabilis itong itinakbo patungo sa likod kung saan ang isang silid na nagsisilbing clinic na may kompletong kagamitan sa medisina.Isa-isang inaalalayan ng mga tauhan ni Don Leon ang mga tauhan ni Klinton na sugatan at dinala rin sa pinagdalhan kay Denmark.°°°Samantala sa loob ng Paraiso De Pendilton,Ang mga kasambahay, ilang tauhan ni Klinton at Don Leon ay nakahilera sa gilid habang nakatingin sa gawi ni Klinton.Nakaupo si Klinton sa mahabang sofa. Namumutla ang gwapong mukha ni Klinton ngunit nakaukit pa rin ang rahas.Madami na ang dugong nawala sa kaniya, nanghihina at ramdam ang pagod dahil mahabang gabing pakikipagbarilan.Nakabandera ang magandang katawan dahil hinubad
Paikot-ikot ang chopper sa tuktok ng mansion ni Klinton, tumalon ang isang sakay no'n sa bubong ng mansion. Nakasuot iyon ng purong itim na kasuotan at may takip ang mukha, tangging mata lang ang nakalabas. Nagtungo ang chopper sa gawi ng hardin at nagpaulan ng bala ang mga taong nasa loob niyon. Lahat ng pinapatamaan ng mga taong sakay ng chopper ay ang mga kasamahan ni Joko. Napatingin si Klinton sa loob ng chopper pilit na inaaninag kong sino ang sakay no'n. Sa kaniyang kinatatayuan ay hindi niya maiiwasan ang balang galing sa itaas ngunit imbes na tamaan siya ng bala, ang mga nakahawak sa kaniya ang isa-isang bumagsak. Napatingin siya sa gawi ng mga anak niya, mayroong nakapurong itim na sinakbot ang mga anak niya na itinakbo papasok sa loob. Kinuha ni Klinton ang pagkakataon na โyon at nang kaniyang mga tauhan na lumaban sa mga natitira pang mga kalaban. Hindi man matukoy ni Klinton kung sino ang sakay ng chopper at kung sino ang nagpadala niyon nasisiguro niya naman na kaka