Sa bahay ni Divine,Nang makaalis si Divine, hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa suot niyang lumang spiderman printed shirt, na ipinalit sa branded niyang damit. Animo'y hirap siyang huminga na makita ang maliit na espasyo. Huminga siya ng malalim bago nilibot ang paligid, ang kinatatayuan niya sala at kalahating kusina. Lumang-luma ang mga kagamitan na naroon pero malinis. May tatlong pinto, iyong malapit sa kusina ay banyo. Iyong dalawa ay sigurado siyang kuwarto, una niyang binuksan ang pintong nasa harapan ngunit hahawakan niya pa lamang ang doorknob ay nahulog iyon at naglikha ng ingay.‘Nasira agad? Hindi ko pa nga hinahawakan!’ Sa isip ni Ace.Samantala, natutulog na si Alas sa kwarto. Nagising siya ng makaramdam ng uhaw. Awtomatikong napabangon si Alas ng marinig ang ingay sa labas. Kumunot ang noo niya ng makitang nahulog ang doorknob ng pinto.‘May magnanakaw?’ Sa isip ni Alas.Dahan-dahang bumaba ng kama si Alas, kinuha niya ang maliit na tubo na may isang
Sa Mansion ni Klinton,“Alas!!” Hiyaw ni Xianelle. Awtomatikong napaupo si Xianelle sa kama nang magising mula sa masamang panaginip na may nangyaring masama kay Alas. Namumuo ang pawis sa kaniyang noo, malakas at sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa matinding pag-aalala.Nagmamadaling kinuha niya ang phone sa ibabaw ng bedside table upang tawagan si Divine. Hindi nito sinagot ang mga tawag niya at napagtanto niya na sa mga oras na 'yon ay nasa trabaho pa ito.Mas lalo siyang kinabahan at nag-alala kay Alas na maisip na nag-iisa ito sa bahay. Paano na lang kung bigla itong atakihin?Mangiyak-iyak na nagmamadaling nagbihis ng damit si Xianelle at nilisan ang silid. Paglabas niya ng main door ng mansion ay bumungad sa kaniya ang sunod-sunod na datingan ng sasakyan.Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo, ala una na ng madaling araw, saka pa lang umuuwi si Klinton at mga kaibigan nito.Huminga ng malalim si Xianelle, kaya naman pala hindi ito pumunta sa kwarto niya dahil h
Sa loob ng pribadong kuwarto sa hospital, wala pa ring malay na nakahiga si Alas sa hospital bed. Sa gilid, nakatayo si Ace habang hawak ang kamay ni Alas. Seryosong-seryoso ang mukha ni Ace na nakatingin sa kawawang kakambal na bakas ang putla sa mukha at nanghihina. Hinaplos ni Ace ang kamay ni Alas. “Get well soon, bro.” Hindi niya hahayaan na mawala ang kakambal niya. Kailangan niyang pagplanohan ng mabuti kung paano ito matutulongan. Bilang kakambal karapatan niyang protektahan at alagaan ito, at magiging mabuting kapatid siya kay Alas. Dahan-dahang iminulat ni Alas ang mga mata, nagsalubong ang dalawa niyang makapal na kilay ng malaman na nasa hospital siya. Ipinikit niya ang mga mata nang maalala ang pangyayari. Inilibot niya ang mata sa paligid, wala siyang nakitang Xian-Xian pero merong Ace sa kaniyang tabihan. Sumilay ang ngiti sa labi ni Ace nang makitang gising na ang kakambal ngunit agad ring nawala. Wala ang Xian-Xian niya, ibig sabihin hindi nito alam na nasa hosp
Sa bahay ni Divine,“Ahhhh!!” Hiyaw ni Divine nang pagbukas ng silid ay wala siyang natagpuang Alas.“Alas?! Alas! Baby, na saan ka?!” Natatarantang inikot ni Divine ang buong bahay, maging sa garden na madalas pagtambayan ni Alas ay pinuntahan niya na rin.“Alas! Please, huwag mo akong tinatakot ng ganito! Na saan ka?” Patakbong lumabas ng gate si Divine upang magtanong sa kapitbahay kung nakita si Alas.Sobrang nag-aalala si Divine, sinisisi niya ang sarili dahil pakiramdam niya'y naging pabaya siya. Alas kwarto siya nakauwi pero hindi niya nagawang silipin si Alas sa silid nito dahil sa matinding pagod.Nanlaki ang mata ni Divine nang maalala na may dala itong backpack kagabi, hindi kaya naglayas si Alas?Nanginginig ang mga kamay na kinuha ni Divine ang kaniyang phone upang tawagan si Xianelle.°°°Sa mansion ni Klinton,Kasalukuyang nasa loob ng banyo si Xianelle, nag-aayos ng kaniyang sarili dahil napagpasyahan niyang bisitahin ang anak dahil hindi siya mapakali kagabi pa.Inaga
Sa mansion ni Klinton, Pababa si Klinton ng hagdan habang inaayos ang suot niyang black long sleeve, tunutupi ang mangas hanggang siko. Tumaas ang isang kilay niya nang makitang naghihintay si Denmark sa dulo ng hagdan, naghihintay sa kaniya. “Any news, Denmark?” Napapitlag si Denmark at napalunok bago nagsalita. “Boss, masamang balita! May kumuha kay young master.” “What?!” Animo'y bombang sumabog sa buong systema ni Klinton ang balitang 'yon ni Denmark. Sininyasan si Denmark na lumabas ng mansion. Agad na sumakay si Klinton sa passenger seat at pinagmaneho si Denmark patungkol sa hospital habang pinapakinggan ang nangyari. Ilang kalalakihan ang pupunta sa hospital at sapilitang kinuha si Alas na siyang nagpapanggap na Ace. Ang mga lalaki ay may tattoo, 'yon ang simbolo na tauhan ni Klinton, ngunit nasisiguro ni Denmark na hindi nila 'yon tauhan. “Boss, planado ang pagkuha kay Young Master. Ang mga lalaking dumukot sa kaniya ay may mga pekeng tattoo at nagpanggap na tauhan mo!
Sa kaparehong oras, sa isang beach resort, Nakaupo sa isang longue chair habang ngiti-ngiting si Easton Salvador, na sumimsim ng alak sa kaniyang baso sa ilalim ng katamtamang sikat ng araw. Nakatayo sa hindi kalayuan ni Easton ang kaniyang alalay na si Reagon Dee, ang gumagawa at sumusunod sa kahit anumang iutos ni Easton. “Paniguradong nagkukumahog na ngayon ang magaling kong pamangkin sa kakahanap ng anak niya!” Ngumisi si Easton. Iniisip pa lamang ni Easton ang mukha ni Klinton na punong-puno ng galit ay natutuwa na siya. Gustong-gusto niyang nagagalit ito at gusto niya ring ito mismo ang sumira sa sarili nito! Tumikhim si Reagon. “Sa tingin ko Sir, hindi niyo po dapat sinabi ang ganu'ng bagay kay Mr. Klinton. Kilala niyo po siya, sinisira niya ang lahat ng bagay na meron ang kaniyang kaaway.” Kilala ni Reagon ang kaniyang amo, wala itong ginawa kundi ang galitin nito ang pamangkin na si Klinton pero sa pagkakataong ito, kinakabahan siya sa pinagagawa nito lalo pa't ang anak
Maghapon ng sinusundan ni Lance, LV at Scott ang tracking device. Kasalukuyang tumatakbo ng mabilis ang magarang sasakyan. Si LV ang nagmamaneho, sa passenger seat si Lance, ito ang nagbibigay instructions kung saan nila makikita si Xianelle dahil siya ang may hawak ng MacBook. Si Scott naman ay nasa backseat habang nakadungaw sa MacBook. Ang lapit-lapit ng mukha nito kay Lance, kaya nang magpreno si LV ay n*******n nito si Lance sa pisngi habang nagpipigil ng tawa si LV. “Hayop ka, Scott! Nagawa mo pa akong manyakin!” Diring-diring pinaghirapan ni Lance ang pisngi bago inambangan ng suntok si Scott na agad namang umayos ng upo sa backseat. “P*****a! Ang pait mo, Javier, kaya ka inaayawan ni Amber!” Nandidiring pinunasan ni Scott ang labi at umakto pang nasusuka. “Huwag mong susubukan na sukahan 'tong baby ko, Scott, ipapalamon ko 'yan sa'yo!” Nagkatinginan si Lance at Scott bago masamang tingin ang itinapon kay LV, dahil hindi sila magtatalo kung hindi ito biglang nagpreno. Ku
Nagkatitigan si Easton at Julio nang makalapit ito sa kaniyang harapan. Hindi inaasahan ng dalawa na magkikita sila sa lugar na 'yon nang mga oras na 'yon. Mahinang natawa si Julio, inakbayan niya si Easton at sabay silang pumasok sa loob upang pag-usapan ang kanilang hindi inaasahang pagkikita. Nakaupo si Alas sa silya at masamang tingin ang itinatapon sa mga lalaki, lalo na sa dalawang matanda na utak ng pagpapadukot. “Who among you is... Easton Salvador?!” Matapang niyang tanong dahil kung hindi siya nagkakamali 'yon ang narinig niyang pangalan ng dukutin siya sa hospital. Kumunot ang noo ni Easton. “Bakit mo ako kilala bata?!” Bumaling siya kay Julio. ”Anong ibig sabihin nito, Julio?! Anong kailangan mo sa batang 'yan?!” Si Julio Mariano, siya ang nagpadukot sa anak ni Akas at ginamit niya ang pangalan ni Easton, ginamit niya rin ang marka ni Akas upang hindi siya madaling mapagbintangan. “Relax ka lang, hilaw kong bayaw!” Mahinang natawa si Julio. “Wala akong planong idamay
Kinabukasan...Nagising si Xianelle na wala sa kaniyang tabihan ang kambal. Bumungad sa kaniya ang malaking portrait na kasabit sa pader.Tila isang stolen shoot iyon dahil parehong naglalakad ang dalawa habang nagtatawanan. Si Klinton kasama ang isang matandang lalaki. Ang background ay ang kompanya na pinamamahalaan ni Klinton. Ang larawan ay kuha sa labas ng Pendilton Empire.“Masyado naman siyang matanda para maging ama ni Klinton.” May hawig ang dalawa.Pinakatitigan ni Xianelle ang matanda tila pamilyar ang mukha nito, iyon bang may 40's version ito. Hindi niya matukoy kung saan niya ‘yon nakita.Inilibot ni Xianelle ang paningin sa buong kwarto, napakalawak niyon na para bang buong floor ay sakop. Panlalaki ang desinyo at mamahalin ang lahat ng kagamitan na naroon. Masasabi niyang napakayaman ng may-ari no'n dahil may kulay ginto pang chandelier sa pinaka-sentro sa itaas.“Tanghali na!” Nagmamadali siya
Sa Paraiso De Pendilton,Binuhat si Denmark at isinakay sa stretcher ng mga tauhan ni Don Leon, mabilis itong itinakbo patungo sa likod kung saan ang isang silid na nagsisilbing clinic na may kompletong kagamitan sa medisina.Isa-isang inaalalayan ng mga tauhan ni Don Leon ang mga tauhan ni Klinton na sugatan at dinala rin sa pinagdalhan kay Denmark.°°°Samantala sa loob ng Paraiso De Pendilton,Ang mga kasambahay, ilang tauhan ni Klinton at Don Leon ay nakahilera sa gilid habang nakatingin sa gawi ni Klinton.Nakaupo si Klinton sa mahabang sofa. Namumutla ang gwapong mukha ni Klinton ngunit nakaukit pa rin ang rahas.Madami na ang dugong nawala sa kaniya, nanghihina at ramdam ang pagod dahil mahabang gabing pakikipagbarilan.Nakabandera ang magandang katawan dahil hinubad
Paikot-ikot ang chopper sa tuktok ng mansion ni Klinton, tumalon ang isang sakay no'n sa bubong ng mansion. Nakasuot iyon ng purong itim na kasuotan at may takip ang mukha, tangging mata lang ang nakalabas. Nagtungo ang chopper sa gawi ng hardin at nagpaulan ng bala ang mga taong nasa loob niyon. Lahat ng pinapatamaan ng mga taong sakay ng chopper ay ang mga kasamahan ni Joko. Napatingin si Klinton sa loob ng chopper pilit na inaaninag kong sino ang sakay no'n. Sa kaniyang kinatatayuan ay hindi niya maiiwasan ang balang galing sa itaas ngunit imbes na tamaan siya ng bala, ang mga nakahawak sa kaniya ang isa-isang bumagsak. Napatingin siya sa gawi ng mga anak niya, mayroong nakapurong itim na sinakbot ang mga anak niya na itinakbo papasok sa loob. Kinuha ni Klinton ang pagkakataon na ‘yon at nang kaniyang mga tauhan na lumaban sa mga natitira pang mga kalaban. Hindi man matukoy ni Klinton kung sino ang sakay ng chopper at kung sino ang nagpadala niyon nasisiguro niya naman na kaka
Ang bagong dating na mga kasamahan ni Joko, dumiretso sa hardin. Nakita ng mga ito si Whike mula sa labas ng gate. Nakapalibot sa buong hardin ang mga kalaban. Karamihan sa kanila, hawak ay baril at may ilan-ilan ring may hawak na samurai. Ang mga kalaban ay walang humpay na kinakalabit ang gatsilyo na nakatutok sa bilog na lulon na katawan ni Whike. Nakatayo si Klinton sa loob ng nakalulon na katawan ni Whike habang umaalingangaw ang putol ng baril. Whike taking all the bullets for Klinton. Whike is protecting Klinton in all cost. May dugong pumapatak sa damuhan. Bumaling si Klinton ang kaniyang kanang braso—nadaplisan ‘yon ng bala ni Joko. Napatingin si Klinton sa kaliwang bahagi niya nang marinig ang mabibigat na yabag, kasunod no'n ang malakas kalabog na tila may tumilapon at hiyawan ng mga kalaban. Nakarating na sa hardin si Crokon, mabagal ang bawat hakbang nito at mabigat. Sa laki ng katawan, mahaba rin ang buntot nito na kayang sumaksak ng tao, sa tigas no'n at may urmang
“Magsikalat kayo! Palibutan ang buong mansion!” Mariing utos ni Joko, ang kanang kamay ni Mr. Edwards. May suot itong earpiece kung saan may roon silang kumonikasyon ng mga kasamahan. Nakaposisyon na ang lahat ng mga kalaban, nagkalat na sila sa buong mansion. Mula sa harapan, sa likod at hardin ay may pinapunta siyang mga tao. Sa pagdating nila, wala silang nakita na kahit isang anino ng bata ni Klinton. Wala si Denmark at ayon sa kanilang nakuhang impormasyon nasa Espanya si Rodrigo na humahalili sa mga meeting na dapat dinadaluhan ni Klinton. Walang kaalam-alam si Klinton sa ginawa nilang paglusob. Wala silang ibinigay na senyales ayon sa utos ni Mr. Edwards. “Magiging madali ang misyon na 'to!” Usal ni Joko. Lingid sa kaalaman ni Joko at ng mga kasamahan niya, nakaposisyon at handa ang mga tauhan ni Klinton. Bago pa sila dumating dati nang nasa loob ang mga tauhan ni Klinton dahil umiiwas na makita sila ni Whike. Ngumisi si Joko at sinabing, “Fire!” Sa isang salita ni Joko,
“Mi Rey, she's Whike.” Nag-angat ng tingin si Ace kay Klinton. Nakangiti ito sa kaniya at kumindat pa. ‘Is that true, Daddy call me King?’ Sa isip ni Ace. Similay ang tipid na ngiti sa labi ni Ace pero agad rin 'yong ibinalik sa dati. Bumaling kay Klinton si Whike at binunundol nito ang ulo sa braso ni Klinton. Mahinang natawa si Klinton at hinaplos ang mukha ni Whike. “Alas! Ace!” Nagmamadaling nilapitan ni Xianelle ang dalawa. “Ayos lang ba kayo?” Lumuhod si Xianelle habang sinusuri ang katawan ng kambal agad ring natigilan si Xianelle ng marinig ang huni ni Whike ng mag-angat siya ng tingin, nakayuko na ito sa kaniya. “Oh . . . My g-god.” Nanginginig ang mga tuhod, pinagpapawisan ng malamig at namumutla. Nanginginig ang mga kamay ni Xianelle na kinabig papunta sa likod niya ang kambal bago siya dahan-dahang tumayo. “She's the woman I always mentioned to you and she's the mother of my sons. Remember what I've promise you? You'll gonna meet her someday and this is the day, Wh
Sa Mansion ni Klinton, Binuksan ni Xianelle ang pinto ng banyo. Nag-uunahang lumabas si Alas at Ace, kakatapos lang ni Xianelle na paliguan ang kambal. “Dahan-dah— Bago pa man matapos ang sasabihin ni Xianelle, nakaakyat na sa kama ang kambal. Pareho itong nakangiti sa kaniya na naghihintay na bihisan. Pinunasan ni Xianelle ang mga ulo ng mga anak at katawan bago kinuha ang damit na nakalapag sa kama. Pares na puti kay Ace habang pares na grey kay Alas. Jogger at long sleeve shirt 'yon. Sa magkabilaang manggas naka-printa ang letrang; SALVADOR. “Ace, sama ka sa akin? Puntahan natin si Daddy!” Bulong ni Alas. “Huwag ka ng pumunta doon, kakain na tayo ng dinner. Makikita mo naman siya sa baba.” Tugon ni Ace. “Pero kasi . . . May ipapakita sa akin si Daddy. Gusto mo rin bang makita 'yong mga pet niya?” Kumikinang ang mga mata ni Alas. Namilog ang mata ni Ace nang mapagtanto na higanteng ahas at buwaya ang tinutukoy ni Alas. “Xian-Xian, pupuntahan ko po si Daddy. Promi
Kasalukuyang nasa likod ng mansion si Klinton kung na saan ang malaking pool. Nakaupo sa couch nakaharap sa kaniyang laptop na nakapatong sa center table. Samantala si Alas ay tumatakbo papunta sa hardin dala-dala ang bow and arrow. Agad na natigilan nang mahagip ng mata ang kaniyang Daddy. Akala niya'y umalis ito pagkatapos kumain ng almusal dahil hindi niya na nakita pa pero naroon lamang pala ito sa may pool. “Daddy!” Patakbong lumapit si Alas. “Daddy! Daddy! Nandito ka lang pala!” Sinulyapan ni Klinton si Alas na nakatayo sa kaniyang gilid. Matamis na ngumiti si Alas. “Oh! Seems your busy, Daddy! I'll go back inside!” Dumukwang si Alas palapit kay Klinton at humalik sa pisngi. “Ang galing mo palagi, Boss-Daddy!” Pinakatitigan ni Klinton ang anak at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Kung itsura ang pag-uusapan kuhang-kuha nito sa kaniya. Manghang-mangha si Klinton kay Alas dahil nakikita niya dito ang ugali ni Xianelle. “Come here, come here.” Hinawakan ni Klinton ang pu
Pababa na si Ace ng hagdanan nang mapagtanto niyang may isang lugar pa siyang hindi napupuntahan—ang kwarto ng kanilang Daddy! Mabilis na tinungo ni Ace ang kwarto. Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kaniya ang magulong kama. Lilisanin niya na ang kwarto nang marinig niya ang boses ni Alas sa veranda, agad niya iyong nilapitan. “I can do it, Daddy!” Masiglang sambit ni Alas. Nakatayo si Alas sa ibabaw ng pang-isahang couch hawak ang bow and arrow, sa likuran nito si Klinton, nakatukod ang magkabilaang kamay sa railing at nakakulong doon si Alas. Parehong walang saplot pang-itaas ang mag-ama tanging jogger lamang ang suot. “Point it to the target.” Bahagyang inayos ni Klinton ang pagkakahawak ni Alas sa bow and arrow upang maasinta ang apple na nasa ibabaw ng coffee table sa hardin. Nakapikit ang isang mata ni Alas habang inaasinta ang apple, titig na titig naman si Klinton sa anak. Natigilan si Alas dahil hindi niya inakala na matatamaan niya ng inaasinta. “Tinamaan? Tinama