12-17-24: HAPPY 2K VIEWS AKAS!🥳 Hello po sa inyong lahat! Inaanyayahan ko po kayo na magbigay po ng rate at feedback kay Akas. Advance Christmas Gift niyo kay AKAS! 🎄🖤
Sa kabilang banda, sa Pendilton Empire, Maghapon na abala si Klinton sa paghahanap kay Ace. Inaasikaso ni Denmark at ng mga tauhan ang pagsasabutahe ng transaction ni Easton. Samantala si Rodrigo ay kakarating lamang ng Pilipinas at siyang gumagawa ng hakbang na ma-trace si Ace. Napalunok si Rodrigo dahil ang tatlong gadgets mi Ace ay iba-ibang lokasyon. Naunang nawalan ng signal ang phone nito, sumunod ang smart watch na sa tingin niya ay deadbat na. Kasunod naman na nawala bigla ang lokasyon ng MacBook na sinusundan nila. Hindi 'yon nawalan ng signal, o na lowbat! “Boss, may problema tayo! Biglang nawala ang konekyson ko sa MacBook, sa tingin ko, kailangan ng backup nila Master Lance.” Pagbibigay alam ni Rodrigo. Kumunot ang noo ni Klinton. Pumunta sina Lance, LV, at Scott sa bahay ni Xianelle ngunit bakit napapalayo na ang mga ito. Nanganganib rin ba ang buhay ni Xianelle? Naisip niyang nililinlang siya ni Easton upang hindi niya pagbigyan ng pansin si Xianelle pero ang totoo,
Pagkatapos ng pagpa-plano kung paano babawiin ang anak ni Klinton sa kamay ni Julio Mariano, nauna ng bumaba si Denmark at Rodrigo upang bigyan ng utos ang mga tauhan.Nanatili sa loob ng pribadong silid sina Klinton, LV, at Lance. Ang silid na 'yon ay para sa pagpupulong ng pamilya at bawat silyang naroroon ay mayroong pangalan. Sa loob nito ay mayroong isa pang pinto. Iyon ay ang tinatawag na Equipment Room.Isa 'yong sagradong pinto, at ang tanging nakakapasok lamang sa silid na 'yon ay ang rehistrado sa finger print sensor. O mas madaling sabihin na dugong Pendilton lamang...Pumasok roon sina Klinton, LV, at Lance. Sumipol si Lance, namulsa si Klinton at nanlaki ang mata ni LV.Isa iyong madilim na silid. Mula sa kisame, pader at sahig ay kulay itim. May billiard table sa gitna at sa itaas nito ang gintong chandelier nagsisilbing liwanag sa loob nito, at ang maliliit na pulang ilaw sa palibot ng silid.Tatlong hakbang ang ginawa ni K
Kinabukasan, Nang pumasok sa loob ng silid na inuokopa ni Xianelle ang isang kasambahay na may dalang pagkain, nakikita niyang nababalotan ng lungkot ang mukha nito ibang-iba kagabi na may ngiti itong pinagsisilbihan siya. “Ma'am, magandang umaga. Sabi ni Doktora makakatulong ito sa pagbilis ng pagaling ng sugat niyo. Kumain ka muna..." Mabait na anito. “Maraming salamat po. Na saan po ako?” Nang magising siya ng umagang 'yon, nagtataka kung saan siya dinala ni Lance at LV dahil sigurado siya na hindi siya dinala sa hospital or hotel. Ang desinyo ng silid na inuokopa niya ay masyadong elegante at napakalaki no'n. “Nasa Paraiso ka, Ma'am. Huwag kang mag-alala, ligtas ka sa lugar na ito.” Paninigurado ng Mayordoma. “Paraiso?" Nagugulohang tanong ni Xianelle. “Oo, Paraiso De Pendilton, 'yon ang ngalan ng mansion na ito na pag-aari ng mga Pendilton.” Pendilton... Natigilan si Xianelle at nanlaki ang kaniyang mga mata! Animo'y echo na paulit-ulit niyang naririnig ang apilyedong
Sa Madrid Spain, Sa isang tanyag na hospital, kasalukuyang naka-admit si Alas na nagpapanggap bilang Ace Salvador... Nakatayo si Klinton sa labas ng ICU, kung saan pinagmamasdan ang anak mula sa malapad na salamin habang si Rodrigo ay tahimik sa gilid na pinagmamasdan ang amo na hindi mapanatag. Akala ni Klinton, sapat na ang limang taon upang maging bakal ang kaniyang puso ngunit si Ace lang pala ang makapagpapadurog nito. Sa pagkakataong 'yon, pakiramdam niyang pusong mamon siya at nadudurog ito na nakikita na nasa ganu'ng kalagayan si Ace, madaming nakakabit na tobo sa katawan nito. Hindi mapanatag ang loob ni Klinton, at hangang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit nagkaroon ng ganu'ng sakit ang anak niya! Binalingan niya si Rodrigo na siyang pinakatiwalaan niya ng anak niya. “May hindi ka ba sinasabi sa akin? Bakit nagkaganito si Ace?! Didn't I tell you always monitor my son's health?” Malamig na tanong ni Klinton kay Rodrigo. Kung alam niya lang na may ganu
Nang araw ding 'yon dinala ni Xianelle ang anak sa doktor upang mapatingnan nito dahil may sakit ito sa puso at inisip niya rin na baka nagkaroon ito ng trauma sa nangyari sa kanilang mag-ina. Sinamahan siya ni Divine, kahit na kakalabas din nito ng hospital dahil sa mga natamong pasa. Hindi siya nito hinayaang mag-isa lalo pa't nalaman nito na ang sugat na natamo niya ay mula sa baril. Sa loob ng clinic ng doktor ni Alas. Nakaupo si Xianelle sa silya, nakakandong sa kaniya si Alas. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya habang naghihintay ng resulta ng mga test na isinagawa kay Alas. Samantala, si Ace na nagpapanggap na Alas. Pulang-pula ang mukha dahil ayaw niya sa lahat ay ang dinala siya sa doktor na wala naman siyang sakit. Sa Spain, buwan-buwan siyang pinapatingnan ni Rodrigo sa doktor at bago mangyari 'yon, mahabang pilitan muna. Hindi niya akalain na maging sa puder ng Mommy niya kailangan rin pala? Sa isip-isip niya ay hindi na kailangan pang gawin 'yon sa kaniya dahil alam
Nang malaman ni Xianelle na dadalo si Klinton sa burol ni Zarchx, imbes na sabihin ang kaniyang pakay ay hindi siya nagdalawang-isip na sumama siya kay Klinton. At pinagsisihan niya 'yon dahil hindi niya akalain na makakatanggap siya ng sampal at masasakit na salita mula sa Ina ni Zarchx. Si Xianelle ang sinisisi ng ina ni Zarchx dahil iniisip nito na kung hindi ito dumating ng gabing 'yon sa Paraiso De Pendilton, hindi aalis sina Zarchx. Hindi pa natatapos ang seremonya ay umalis na si Xianelle. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa mansion ni Klinton upang kunin ang kaniyang mga gamit. Habang nasa byahe ay panay ang iyak ni Xianelle. Panay naman ang sulyap kay Xianelle ng driver ng taxi na puno ng pagtataka. Nasasaktan si Xianelle na makita ang labis-labis na pangungulila ng asawa ni Zarchx. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin, wala siyang mukhang maihaharap. Sinisisi niya ang sarili dahil may isang bata na lalaki na walang ama. Huminto ang taxi sa labas ng gate ng mansio
Sa bahay ni Divine, Malakas na isinara ni Xianelle ang pinto at kinandado ito ng maigi. Malalim na ang gabi pero kumakatok pa rin sa pintuan si Renzi at Cyrus na pilit siyang kinumbensi siya ng dalawa na bumalik sa mansion ni Klinton. Napatampal si Xianelle sa kaniyang noo at nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Nakasandal siya sa nakasarang pinto. Nang makauwi siya kanina ay naghihintay na ang dalawang gwapong binata sa kaniya at hindi siya pumayag na bumalik dahil hindi ang mga ito ang nais niyang makausap. Samantala, si Renzi at Cyrus sa labas ng pinto ay walang balak na sumuko na kumbensihin si Xianelle na umuwi sa mansion ni Klinton. “X! Parang awa mo na... Bumalik ka na please!” Pagsusumamo ni Renzi habang paulit-ulit na kinakatakot ang pinto. “Please, X! Ikamamatay ko kapag hindi ka bumalik, parang awa mo na...Umuwi ka na baby!” Napangiwi si Cyrus sa mga pinagsasabi ni Renzi. Tinapik niya ang balikat ni Renzi at sinabing siya naman. “Hindi kasi ganiyan! Watch and
Sa Madrid Spain, Palakad-lakad si Klinton sa labas ng operating room, tahimik namang nakatayo sa gilid si Rodrigo at Denmark. Hindi mapakali si Klinton dahil halos tatlong oras ng isinasagawa ang operation ng kaniyang anak. “Boss—” Natigilan si Denmark na animo'y nagkamali sa address na dapat itawag sa amo. “I mean, my Lord...” Kung sa bansang Pilipinas si Klinton ay isang negosyante na may kompaya na bilyon-bilyon ang kinikita. Sa Spain ito ang pinakamakapangyarihan at kinakatakotan ng mga kapwa bigatin at mayayamang pamilya dahil isa itong tagapag-mana ng Founder ng pinakamaling organization sa buong Asia. Sa kasalukuyan ay isa ito sa pitong makapangyarihan na pumapangalawa sa founder, at balang araw ito ang magiging una sa lahat dahil sa taglay nitong galing at abilidad sa pagpapatakbo ng organization. “My Lord, uminom ka muna.” Inabot ni Denmark ang hawak niyang malamig na bottled water. “Damn it! Bakit napakatagal— Hindi pa natatapos magreklamo si Klinton ng bumukas ang pin
Sa labas ng Paraiso De Pendilton, Nakahilera ang mga kasambahay at mga guwardiya na nakasuot ng purong itim, isa na doon si Manang Lita na sasalubong sa pagdating ni Don Leon. Magkasabay na lumabas ng Paraiso De Pendilton si Klinton at Renzi. Huminto at tumayo ng tuwid si Klinton habang si Renzi ay naglakad patungo sa kakarating pa lamang na kulay gintong limousine. Binuksan ni Renzi ang backseat, lumabas doon matandang napa-gwapo sa kaniyang kasuotan na purong itim na formal suit, samahan pa ng suot nitong black leather cowboy hat at kulay silver na tungkod. Ang presensya ni Don Leon ay isinisigaw ang karahasan, karangyaan at kapangyarihan. Sa ganda ng tindig nito ay masasabi mong maskulado at napaka-gwapong binata no'ng araw. “Señior-Dad.” Ngumiti si Renzi at bahagyang yumuko. “Thank you, my boy.” Tinapik ni Don Leon ang braso ni Renzi bago tumingin sa kabuohan ng kaniyang Paraiso. Sumilay ang ngiti sa labi ni Don Leon nang makita ang mga tapat niyang tauhan na nakahilera upa
Kinabukasan...Nagising si Xianelle na wala sa kaniyang tabihan ang kambal. Bumungad sa kaniya ang malaking portrait na kasabit sa pader.Tila isang stolen shoot iyon dahil parehong naglalakad ang dalawa habang nagtatawanan. Si Klinton kasama ang isang matandang lalaki. Ang background ay ang kompanya na pinamamahalaan ni Klinton. Ang larawan ay kuha sa labas ng Pendilton Empire.“Masyado naman siyang matanda para maging ama ni Klinton.” May hawig ang dalawa.Pinakatitigan ni Xianelle ang matanda tila pamilyar ang mukha nito, iyon bang may 40's version ito. Hindi niya matukoy kung saan niya ‘yon nakita.Inilibot ni Xianelle ang paningin sa buong kwarto, napakalawak niyon na para bang buong floor ay sakop. Panlalaki ang desinyo at mamahalin ang lahat ng kagamitan na naroon. Masasabi niyang napakayaman ng may-ari no'n dahil may kulay ginto pang chandelier sa pinaka-sentro sa itaas.“Tanghali na!” Nagmamadali siya
Sa Paraiso De Pendilton,Binuhat si Denmark at isinakay sa stretcher ng mga tauhan ni Don Leon, mabilis itong itinakbo patungo sa likod kung saan ang isang silid na nagsisilbing clinic na may kompletong kagamitan sa medisina.Isa-isang inaalalayan ng mga tauhan ni Don Leon ang mga tauhan ni Klinton na sugatan at dinala rin sa pinagdalhan kay Denmark.°°°Samantala sa loob ng Paraiso De Pendilton,Ang mga kasambahay, ilang tauhan ni Klinton at Don Leon ay nakahilera sa gilid habang nakatingin sa gawi ni Klinton.Nakaupo si Klinton sa mahabang sofa. Namumutla ang gwapong mukha ni Klinton ngunit nakaukit pa rin ang rahas.Madami na ang dugong nawala sa kaniya, nanghihina at ramdam ang pagod dahil mahabang gabing pakikipagbarilan.Nakabandera ang magandang katawan dahil hinubad
Paikot-ikot ang chopper sa tuktok ng mansion ni Klinton, tumalon ang isang sakay no'n sa bubong ng mansion. Nakasuot iyon ng purong itim na kasuotan at may takip ang mukha, tangging mata lang ang nakalabas. Nagtungo ang chopper sa gawi ng hardin at nagpaulan ng bala ang mga taong nasa loob niyon. Lahat ng pinapatamaan ng mga taong sakay ng chopper ay ang mga kasamahan ni Joko. Napatingin si Klinton sa loob ng chopper pilit na inaaninag kong sino ang sakay no'n. Sa kaniyang kinatatayuan ay hindi niya maiiwasan ang balang galing sa itaas ngunit imbes na tamaan siya ng bala, ang mga nakahawak sa kaniya ang isa-isang bumagsak. Napatingin siya sa gawi ng mga anak niya, mayroong nakapurong itim na sinakbot ang mga anak niya na itinakbo papasok sa loob. Kinuha ni Klinton ang pagkakataon na ‘yon at nang kaniyang mga tauhan na lumaban sa mga natitira pang mga kalaban. Hindi man matukoy ni Klinton kung sino ang sakay ng chopper at kung sino ang nagpadala niyon nasisiguro niya naman na kaka
Ang bagong dating na mga kasamahan ni Joko, dumiretso sa hardin. Nakita ng mga ito si Whike mula sa labas ng gate. Nakapalibot sa buong hardin ang mga kalaban. Karamihan sa kanila, hawak ay baril at may ilan-ilan ring may hawak na samurai. Ang mga kalaban ay walang humpay na kinakalabit ang gatsilyo na nakatutok sa bilog na lulon na katawan ni Whike. Nakatayo si Klinton sa loob ng nakalulon na katawan ni Whike habang umaalingangaw ang putol ng baril. Whike taking all the bullets for Klinton. Whike is protecting Klinton in all cost. May dugong pumapatak sa damuhan. Bumaling si Klinton ang kaniyang kanang braso—nadaplisan ‘yon ng bala ni Joko. Napatingin si Klinton sa kaliwang bahagi niya nang marinig ang mabibigat na yabag, kasunod no'n ang malakas kalabog na tila may tumilapon at hiyawan ng mga kalaban. Nakarating na sa hardin si Crokon, mabagal ang bawat hakbang nito at mabigat. Sa laki ng katawan, mahaba rin ang buntot nito na kayang sumaksak ng tao, sa tigas no'n at may urmang
“Magsikalat kayo! Palibutan ang buong mansion!” Mariing utos ni Joko, ang kanang kamay ni Mr. Edwards. May suot itong earpiece kung saan may roon silang kumonikasyon ng mga kasamahan. Nakaposisyon na ang lahat ng mga kalaban, nagkalat na sila sa buong mansion. Mula sa harapan, sa likod at hardin ay may pinapunta siyang mga tao. Sa pagdating nila, wala silang nakita na kahit isang anino ng bata ni Klinton. Wala si Denmark at ayon sa kanilang nakuhang impormasyon nasa Espanya si Rodrigo na humahalili sa mga meeting na dapat dinadaluhan ni Klinton. Walang kaalam-alam si Klinton sa ginawa nilang paglusob. Wala silang ibinigay na senyales ayon sa utos ni Mr. Edwards. “Magiging madali ang misyon na 'to!” Usal ni Joko. Lingid sa kaalaman ni Joko at ng mga kasamahan niya, nakaposisyon at handa ang mga tauhan ni Klinton. Bago pa sila dumating dati nang nasa loob ang mga tauhan ni Klinton dahil umiiwas na makita sila ni Whike. Ngumisi si Joko at sinabing, “Fire!” Sa isang salita ni Joko,
“Mi Rey, she's Whike.” Nag-angat ng tingin si Ace kay Klinton. Nakangiti ito sa kaniya at kumindat pa. ‘Is that true, Daddy call me King?’ Sa isip ni Ace. Similay ang tipid na ngiti sa labi ni Ace pero agad rin 'yong ibinalik sa dati. Bumaling kay Klinton si Whike at binunundol nito ang ulo sa braso ni Klinton. Mahinang natawa si Klinton at hinaplos ang mukha ni Whike. “Alas! Ace!” Nagmamadaling nilapitan ni Xianelle ang dalawa. “Ayos lang ba kayo?” Lumuhod si Xianelle habang sinusuri ang katawan ng kambal agad ring natigilan si Xianelle ng marinig ang huni ni Whike ng mag-angat siya ng tingin, nakayuko na ito sa kaniya. “Oh . . . My g-god.” Nanginginig ang mga tuhod, pinagpapawisan ng malamig at namumutla. Nanginginig ang mga kamay ni Xianelle na kinabig papunta sa likod niya ang kambal bago siya dahan-dahang tumayo. “She's the woman I always mentioned to you and she's the mother of my sons. Remember what I've promise you? You'll gonna meet her someday and this is the day, Wh
Sa Mansion ni Klinton, Binuksan ni Xianelle ang pinto ng banyo. Nag-uunahang lumabas si Alas at Ace, kakatapos lang ni Xianelle na paliguan ang kambal. “Dahan-dah— Bago pa man matapos ang sasabihin ni Xianelle, nakaakyat na sa kama ang kambal. Pareho itong nakangiti sa kaniya na naghihintay na bihisan. Pinunasan ni Xianelle ang mga ulo ng mga anak at katawan bago kinuha ang damit na nakalapag sa kama. Pares na puti kay Ace habang pares na grey kay Alas. Jogger at long sleeve shirt 'yon. Sa magkabilaang manggas naka-printa ang letrang; SALVADOR. “Ace, sama ka sa akin? Puntahan natin si Daddy!” Bulong ni Alas. “Huwag ka ng pumunta doon, kakain na tayo ng dinner. Makikita mo naman siya sa baba.” Tugon ni Ace. “Pero kasi . . . May ipapakita sa akin si Daddy. Gusto mo rin bang makita 'yong mga pet niya?” Kumikinang ang mga mata ni Alas. Namilog ang mata ni Ace nang mapagtanto na higanteng ahas at buwaya ang tinutukoy ni Alas. “Xian-Xian, pupuntahan ko po si Daddy. Promi
Kasalukuyang nasa likod ng mansion si Klinton kung na saan ang malaking pool. Nakaupo sa couch nakaharap sa kaniyang laptop na nakapatong sa center table. Samantala si Alas ay tumatakbo papunta sa hardin dala-dala ang bow and arrow. Agad na natigilan nang mahagip ng mata ang kaniyang Daddy. Akala niya'y umalis ito pagkatapos kumain ng almusal dahil hindi niya na nakita pa pero naroon lamang pala ito sa may pool. “Daddy!” Patakbong lumapit si Alas. “Daddy! Daddy! Nandito ka lang pala!” Sinulyapan ni Klinton si Alas na nakatayo sa kaniyang gilid. Matamis na ngumiti si Alas. “Oh! Seems your busy, Daddy! I'll go back inside!” Dumukwang si Alas palapit kay Klinton at humalik sa pisngi. “Ang galing mo palagi, Boss-Daddy!” Pinakatitigan ni Klinton ang anak at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Kung itsura ang pag-uusapan kuhang-kuha nito sa kaniya. Manghang-mangha si Klinton kay Alas dahil nakikita niya dito ang ugali ni Xianelle. “Come here, come here.” Hinawakan ni Klinton ang pu